Professional Documents
Culture Documents
Kristong Pilipino
Kristong Pilipino
27 July 2015
2012- 14615
PI 100 X2C
Bayaning itinanghal
Pinagdaanay ipinagtutulad
Humingi ng kapatawaran
Sa mga mapang-abusong
Pariseo
Para sa sangkatauhan
Consummatum est!
Tinalakay dito ang mga grupo nananampalataya at tumitingala kay Jose Rizal.
May walong grupo ang itinala.
A. Iglesia Filipina Independiente (IFI) o Simbahang Aglipayao
Kinanonize ng grupong ito sina Dr. Jose Rizal, Padre Gomez, Padre
Burgos, at Padre Zamora. Isa rin itong paraang ipakita na kaya nitong
makitambal sa simbahang Katoliko. Si Rizal rin ay itinuring bilang glorioso
Apostol.
B. Adarnista o Iglesiang Pilipina
Pinasimunuan ito ni Candida Balantac na pinaniniwalaang isang
engkantada sa Bongabon, Nueva Ecija. Siya ay tinatawag na Inang Adarna,
Maestra, at Espiritu ng kanyang mga taga-sunod. May paniniwala silang si
Rizal ang Diyos ng bayang Pilipino at siya ang tunay na Diyos at tunay na tao.
C. Samahang Rizal
Itinatag ito ni Basilio Arominsa Cuyapo, Nueva Ecija. Pinaniniwalaan
nilang si Rizal ang Anak ni Bathala. Itinuturing nilang Bibliya ang Noli Me
Tangere at ang El Filibusterismo. Ginagabayan rin sila ng mga doktrina at turo
mula sa mga nasabnig aklat.
D. Sakay ng Barko: Colorum sa Surigao
Pinaniwalaang kasapi ng kilusan na maglalaban ang mga Amerikanong
mananakop at katutubo. Pagkatapos ng apat na buwan, darating si Dr. Jose
Rizal sakay ang isang malaking barko at ililigtas ang mga mananampalataya
at dadalhin sila sa Cebu.
E. Iglesia Sagrada Filipina ng Sinco Vucales y Siete Virtudes Tierra Santa de
Jerusalem
Itinatag nina Purificacion at Severo Aviela ang samahang ito noon
1926. Naniniwala silang si Rizal, ang Diyos at ikalawang Kristo, ay buhay pa
at naroroon sa lugar kung saan si Kristo. Pinaniniwalaan din nila na ang
Bundok Banahaw ang Bagong Herusalem
F. Bathalismo, Inc.
Bundok Banahaw
Lupang Pinagpala
Banal na Lupang Pangako
Pinakamalaking kapatiran sa
kasalukuyan
Engkantado ng Piralibotan
Sinimulan ni Ka Dodong
Rizal ay hindi Kristo, kundi ay isang
Sugo
Ito ang simbolo
Sa ibayong lugar
Kapatirang San Francisco de Asis
Nanay Lulu ay kinausap daw ni Rizal
Ito ang simbolo
Sa Katipunan Karunungan
Kataastaasan Pananampalataya
VIII. Olimpo Sagrado: Mga Pangkat pa sa Luzon
Dito naman tinalakay ang mga taong nananampalataya kay Rizal na
matatagpuan sa Rizal.
A. Lapiang Malaya
Si Valentin de los Santos ang supremo ng grupong ito. Iginigiit nila ang
katutubong kabihasnang Pilipino at nagtipo sa Taft Avenue noon g 1967 para
ipabatid ang kanilang hiling ngunit silay tunugis ng mga sundalo ng
pamahalaan. Dinakip rin si de los Santos at binasagang baliw. Ang mga
disipulong nakatakas ay ngayony nagpapatuloy sa kanilang paniniwala sa
ilalim ng Iglesia sa Malayang Silangan at Bukal ng Pananampalataya sa
Nueva Ecija at Vizcaya.
B. Senor Ignacio Coronado Jose Protacio Rizal Mahal na Ina Birheng Sinukuan
Universal Shrine
Matatagpuan ito sa San Juan Bano, arayat, Pampanga. Patuloy pa rin
ang dasalan at pagpupugay kina Rizal at Apo Panyang (Epifania Castillejos)
sa santuwaryong kung atwain ay Olimpo Sagrado.
C. Infinito Solo Dios
Ito nman ay sa Baranggay Sibul, San Miguel, Bulakan matatagpuan.
Galing sa ibat ibang lugar ang mga nananampalataya at silay sumusunod sa
Santong Boses. Nakakausap daw nila si Rizal. Ang simbahan nila ay gawa
sa bato.
D. Banal na Iglesia ng Bathalang Buhay Gobierno Espiritwal
Mula sila sa Nueva Ecija at Leyte. Nagdaos sila ng Banal na Misa sa
Kapayapaan at Pagdakila sa Bayaning Rizal sa Luneta noong Hunyo 19,
2009.
E. Sagrada Pamilya
Itinayo ni Abelardo Cuevas dahil sa isang panaginip noong 1972. Isa sa
mga grupo mula sa Sagrada Familia ang naging Banal na Angkan na
ngayony tinatawag na Upliftment of Our Faith. Dinadakila nila si Rizal dahil
sa paggising nito sa pagkamakabayan ng mga Pilipino gamit ang kanyang
mga sulatin.
F. Katipunang Gat Rizal
Si Rizal ay kriminal!