Professional Documents
Culture Documents
Balagtasan
Balagtasan
Balagtasan
Bulakan
Yumao noong Mayo 13, 1965
Kinilalang hari ng balagtasan noong 1954
Makatang laureado sa kanyang tulang Nayon Ko
Tanyag sa radyo ng ibunsod noon ang Balagtasan sa
Himpapawid
Teo s. Baylen
Isinilang sa Noveleta, Cavite noong Enero 21, 1904
Naging makata noong 1962 at 1964 ayon sa talaang
Fernando monleon
Ipinanganak noong Oktubre 28, 1912 sa Liliw, Laguna
Kinilalang Prinsipe ng Balagtasan
Nagtamo ng karangalan mula sa UNESCO dahil sa
Pamalo (panawagan)
Marangal na Lakandiway mga mahal kong kalahi,
akong anak ng Kabitey nagbibigay pasintabi;
Sa binuksan dito ngayong isang paksang tanging tangi,
Iyang panig ng pamalo ay siya kong pinipili;
Mahal ko man ang anak ko (itoy walang pasubali)
Ay hindi ko papayagang maging liko ang ugali;
Kayat akoy naririto na ang baoy hunusdili,
Sa tanghalay papanhikin sakali pot maaari...
Lakandiwa
Ang makata ng Kabite, ngayoy nanawagan,
Bilang unang paggunita, ditoy aking papayuhan...
Kung ang baon mong tulain at hinahoy konti lamang,
Umurong ka na pagkat itoy labanang-kahiyaan;
Datapuwat handa kang makihamok nang lutlutan
Pumanhik kat ipagtanggol ang panig mong pinanigan.
Pangaral (Panawagan)
Maginoong Lakandiwat nalilimping karamihan,
Ang taal na Bulakenyoy bumabatit nagpupugay;
Yamang diyay may makatang sa Kabite namuhatan,
Na ang dala ay pamalo sa bunsong may kasalanan,
Ako sanay papanhikit ang dala koy aklat lamang
Upang iayos ang anak sa matapat na pangaral;
Higit itong makataot itoy handang patunayan
Sukdang ditoy magkahalo ang balat sa tinalupan.
Lakandiwa
Sa sumambot kapagkuwan ng Makatang Bulakenyo,
Sasabihin ay gayari at ito may pagpapayo;
Sino ka mang nanawagan, buhat ka man sa palasyo,
Ang tuntuning isadiway malinisang pagtatalo;
Di anupat magtuloy ka at ilahad ngayon dito
Ang kahigtan ng pangaral na tinurang makatao.