Alamat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ang Alamat Ng Saging

Sa isang malayong lugar ay my dalawang mag kasintahan na tunay na nag iibigan sila si Aging at
Juana ngunit sa kabila nito ay tutol ang magulang ni Juana na si mang Juan, kayat lihim lamang
siyang nakiki pag tagpo ky Aging.
Ngunit minsang nakipag tagpo siya ky Aging ay nasundan siya ni mang juan kayat ng makita ni
mang Juan ay nag siklab siya sa galit, at bigla niyang binunot ang itak na nasa kanyang tagiliran
at sinugod ni mang Juan si Aging at sa pagka bigla ay hindi agd na gawang umiwas ni aging
kaya inabot ng itak ni mang Juan ang braso ni aging at naputol.
Sa sobrang takot ni Aging ay
papalayo sa mag amang Juana, at
ni Juana dahil sa mga pang yayari
magagawa dahil ala na si aging.
niya ang naputol na braso ni Aging at
bakuran.

napatakbo siya
labis ang kalungkutan
ngtunit ala na siyang
Kayat pinulot nalang
inilibing sa kanilang

At sa paglipas ng mga araw ay wala


na siyang balita kung ano na ang
subalit sa pag labas ni mang Juan sa
napansin niya ang isang uri ng
lamang niya nakitya kayat dali
juanana at itinanong kung uri ba ng

parin si Aging ni wala


nangyari ky aging,
kanilang bahay ay
halaman na noon
daliniyang tinawag si
halam iyon.

At Laking gulat ni Juana nang makita


niya ang tinutukoy ng
kanyang ama, dahil sa lugar mismo ng pinag libingan niya ng braso ni Aging tumubo ang
halaman.
At itoy kulay luntian, my mahahaba at malalapad na dahon, my bunga itong kulay dilaw na
animo'y isang kamay na my daliri ng tao.
Kayat naalala nanaman niya ang kanyang kasintahan, at nasambit niya ang pangalang Aging. At
sinabi niya na iyan si aging, kaya mula noon ay aging ang tinawag nila sa halamang iyon. At sa
paglipas ng panahon ay nabago na ang Aging at itoy naging Saging...

ALAMAT NG AMPALAYA
Noong araw, sa bayan ng sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang
kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis,si Luya na
may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni
Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay,si Sibuyas na may manipis na balat, at
si patolan na may gaspang na kaakit-akit. Subalit may isan gulay na umusbong na kakaiba ang
anyo, sya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di
maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si Amplaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa
niya gulay, at dahil dito ay nagbalak sya ng masama sa kapwa nyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay
at kanyan isinuot. Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon
ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag, nagtipon tipon ang mga gulay
na kanyang ninakawan at kanilang sinundan ang gulay na may gandang kakaiba at laking gulat
nila ng makita nilang hinuhubad nito isa isa ang mga katangian na kanilang taglay, at laking
gulat nila ng tumambad sa kanila si Ampalaya. Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si
Ampalaya sa diwata ng lupain, sinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil
dito, nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha ni Ampalaya ay kanyang
ibinalik dito at laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa
ginawa niyang kasalanan, ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo. Ang
balat nya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa
loob ng kanyang katawan,maging ang mga ibat ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang
panlasa sa kanya at pait ang dinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim. Mula noon
magpahanggang ngayon ang luntiang gulay na si Ampalaya ay hindi pa rin magustuhan dahil sa
pait niyang lasa.

ANG ALAMAT NG MAKOPA

Noong unang panahon ay may isang bayan na kalapit nag isang mataas na bundok at halos
naliligiran na mapulong dagat.Ang mga mamayan dito ay tahimik at maligaya sa kanilang
pamumuhay. Ang malawak na bukirin at mayabong pinong-kahoy ay nagbibigay ng masaganang
ani na siyang ikinabubuhay na bawat taong naninirahan doon.
Ngunit sa lahat ng ipinagmamalaki ng mga mamamayan ay ang kanilang gintong kampana na
nakasabiy sa simboryo ng simbahan.Ang pinagmulan nito ay matagal ng nalimutan.Ayon sa mga
kanunu-nunuan nila ay ang kampanang iyon ay nagisnan na nila at kanila ngang iginalang.Dito
ay may napapaloob na mga hiwaga at ang paniniwala'y doon nanggagaling ang biyayang
tinatamasa nila sa buhay.Ang batingaw na iyon ay napakaganda ng hubog,malakas at buo ang
tunog.Kung tumutunog ay kinariringgan ng magandang tinig na ang bawat taong makarinig ay
sapilitang luluhod at taimtim na magpapasalamat sa may kapal dahil sa mga biyaya nilang
tinatanggap.Talagang napakalaki ng pagsamba at paggalang ng mga tao sa kanilang batingaw.
Maraming tao sa malalayong
kahalagahan ng kampanang
ang nagkaroon ng masamang
nasabing batingaw.Higit sa
mga tulisang naninirahan sa
ito kapag nakuha nila.

bayan ang naka-alam sa


ito.Hindi lamang kakaunti
nasa na makamtan ang
lahat ng may nais ay ang
gubat.Balak nilang tunawin

Isang araw, ang buong bayan


ay nagimbal sa sigaw na
"Tulisan,tulisan,ang mga
tulisan ay dumarating."Di
nagaksaya ng pnahon ang pari at dalawang sakristan.biglang ibinaba ang kampana at itinago.
Nang dumating ang mga tulisan wala na ang batingaw.Ang pari at mga sakristan ay
pinagsasaktan ng mga tulisan at pilit na ipinanalalabas sa kanila ang batingaw.Datapwat hindi
nagtapat ang mga ito hanggang sa pagkamuhi ng mga tulisan ay pinagpuputulan sila ng
leeg.Nagbalik ang mga tulisan sa gubat na hindi nakamtan ang pakay nila.
Ang bayan ay nagulo.Lahat ng tao'y nalungkot pagka't ang pinakakamahal nilang batingaw ay di
na nila makita sapagkat ang nakaka-alam lamang nito ay ang tatlong pinatay na tulisan.Lahat ng
mamamayan-bata,matanda,mayaman, mahirap ay pareparehong nagsisihanap.Ngunit di na rin
nila matagpuan.Lumipas ang maraming araw at ang batingaw ay tuluyan na naglaho.Sa hinabahaba ng panahon ang mga tao ay nakalimot na sa kanilang banal na gawain.Wala ng pumupunta
sa simbahan upang magdasal lamang lalo't gulo sa bayan.Anupa't ang bayan ay nababalot ng
kalungkutan.
Isang umaga, may maraming taon na ang nakakalipas,ang taong nagdaraan sa simbahan ay
nakakita ng punong kahoy sa tabi ng kumbento nahitik na hitik sa bungang-kaiba sa mga
bungang-kahoy,ang mga bunga ay kakaiba ang hugis,at hugis kampana.Nagkagulo ang tao sa
paligid ang puno at sila ay nagtataka kung saan nanggaling ang punong yaon na bukod sa hugis

kampana ay mumua-mula pa na anajki'y ginto.Isang matandang lalaki ang pumagitna sa taong


nangaroroon at nagasalita ng,'Habang ako'y natutulog,tila nakarinig ako ng isang tinig na naguutos na hukayin ko ang ilalim ng isang puno sa tabi ng kumbento.Ngunit ito'y diko pansin sa
pag-aakala ko na isang panaginip lamang."
Madaling ginawa ng mga tao ang sinabi ng matanda.Laking tuwa nikla ng matagpuan ang
batingaw sa ilalim ng ugat ng nasabing puno.Ang lahat ng tao ay nagtungo sa simbahan at
nagpasalamat sa Diyos sa pagkakabalik sa kanilang kampana.Makailang sandali,ang
naggagandahang tunog ng kampana ay narinig na.Ito ay nagbigay na kasiyahan at katahimikan sa
puso ng mga tao habang sila ay taimtim na nananalangin.
Ang mahiwagang puno naman ay patuloy ang pagbubunga at ng lumaon ay napag-alamang iyon
ai kinakain.Ang mga bata'y ngatutuwa sa hugis ng bunga nito,kawangis ng kopa.Paglipas ng mga
araw,ang bunga ay tinaguriang"Makopa."

ALAMAT NG ROSAS

Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang "Rosa," na balita sa kanyang
angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang
kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga


nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay
di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito'y nagtangkang agawin si Rosa at

dinala ito sa hardin.

Ngunit nananalangin si
di'y siya'y naging
ay ibinaon niya
saka siya lumayo sa
magbalik kailanman.

Rosa sa Panginoon at noon


bangkay. Sa takot ni Cristobal
ang dalaga sa bakuran nito at
pook na iyon upang di na

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang
halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa
talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si
Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin
lamang ng sinuman.

"ANG ALAMAT NG KASOY"

Nasaan ang buto ng mga prutas? Nasa loob di ba? Ngunit ang kasoy ay kakaiba. Ang buto ay
nasa labas. Alam ba ninyo kung bakit? Alamin natin sa sumusunod na kuwento.
Noong unang panahon sa loob ng kagubatan ay may kasayahang nagaganap. Lahat ng uri ng mga
hayop ay naroroon. Sila`y masayang nagkakantahanan at nagsasayawan. Sa di naman kalayuan
ay may isang bagay na nakikinig at inggit na inggit sa kasayahang naririnig. Ito`y walang iba
kungdi si KASOY.

"Sana`y makalabas ako sa aking kinalalagyan" ang pahimutok niyang nasambit. Patuloy ang
kasayahan sa labas at patuloy din ang pagbabasakaling sana`y may makarinig sa hinaing ni
Kasoy. Sa oras din yaon ay may isang engkantadang naakit sa kaingayan. Sumali siya sa
kasayahan ng mga hayop at sa di kalayuan ay narinig niya ang paghingi ng tulong ng Kasoy.
"Sino kaya iyon?", ang tanong ng engkantada. Narinig ng kasoy ang tinig ng engkantada. "Para
na ninyong awa mahal na engkantada, " pakiusap ng kasoy. "Gusto ko pong lumabas". Naawa
ang engkantada at sa isang kumpas, lumabas ang buto ng kasoy.

Tuwang-tuwa ang kasoy sa kanyang nakita sa kapaligiran. "Ayaw ko ng bumalik sa aking


pinanggalingan," pakiusap niya sa engkantada Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng
kasoy at kasoy naman ay tuwang-tuwa.

Natapos ang kasayahan at ang mga hayop ay nagsi-uwian na. Ang kapaligiran ay naging tahimik.
Pagkaraan ang langit ay nagdilim, humihip ng malakas ang hangin, kumidlat at kumulog.
Pagkatapos ay bumuhos ang malakas na ulan. Ang buto ng kasoy ay takot na takot at basangbasa. Tinawag niya ang engkantada at humihingi ng tulong na ibalik siyang muli sa loob. Ngunit
hindi siya narinig ng engkantada.

Tumigil ang ulan at ang engkantada ay muling nagpakita. Nakita niya ang buto na nakabaluktot
at halos di na makapagsalita. "Ito`y isang aral sa iyo," ang sabi ng engkantada. "Ang lahat ng
bagay ay may kanya-kanyang lugar, dapat nating tanggapin dahil ito`y kaloob ng Diyos sa atin."
Pagkawika nito`y naglaho ang engkantada.

Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas ng prutas.

You might also like