Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Isang Pagsusuri sa Tulang Liham Para Kay _____

Nagpapaigting ng pag-iisip ang mga linyang puno ng ambiguwidad mga linyang puno ng hakahaka
at opinyon at gayundin, mga linyang nakabatay sa siyentipikong katotohanan ngunit napagdududahan pa rin.
Kumbaga, pawang ibat ibang kahulugan ang maaaring maging interpretasyon ng bawat mambabasa lalo nat
kung hindi nila alam ang nibel ng metapora na nais ipahiwatig ng mga saknong sa tula. Maaaring literal,
maaaring piguratibo ang talinhagang ibinibigay sa atin, ngunit hindi dahil malabo ang hangganan ng
dalawang antas ng lenggwahe ay masasabi na nating hindi malinaw ang tula sa kanyang layunin. Ganito ang
ipinapakita ng tulang Liham Para Kay ___, kung saan hinahayaan ng tula na magtangka ang mambabasa sa
pag-unawa kung ano ang nais sabihin nito.
Nagbubukas ang tula sa linyang Palagi tayong humihingi ng paliwanag. Sa ganitong ugnayan ng
imahen - bagamat abstrakto - kasama ang mga pahayag ay nagsisilbing puwersa ng pagbuo at pagkatagpo ang
talinhaga ng tula. Mapapansin na ang persona ay may lakas ng loob sa kanyang tono ng pagpapahayag.
Determinado siya sa kanyang mga pinaniniwalaan kung saan nagmumukhang katotohanan ang kanyang mga
opinyon. Bukod pa roon, ipinagtatabi ng persona ang sariling adhikain sa adhikain ng kanyang kausap at sa
gayon, nakakagawa siya ng paghahanay o juxtaposition sa pagitan ng ilang mga linya tulad ng Naniniwala
ka pa rin.at Nais kong maniwala, Isang pananaliksik vis--vis Pananampalataya. Ang pagtatambad ng
dalawang magkaibang pahiwatig ang siyang nag-uudyok sa atin bilang mambabasa na magpatuloy pa sa tula.
Dahil sa diskusyon na sinimulan ng persona, napapaniwala tayo na ninais ng tula na maglakbay sa
pagitan ng depinisyon ng agham at panampalataya kung hanggang saan o kung gaano man kakonkreto ang
pananalig o paniniwala. Bukod pa roon, pinapalalim pa ng may-akda ang gitgitan sa pagitan ng dalawang ito
lalo na pagdating sa pagpapaliwanag sa pagkabuo ng daigdig. Ang paghahanap ng eksplanasyon sa pinagmulan
nito ang siyang naghihikayat sa may-akda na magpatuloy sa kanyang pagmumuni-muni.
Nais ko pang suriin ang tula ayon sa anyo at konsepto ng pagkakasulat nito, lalo na dahil hindi
nakatuon sa biswalisasyon ang tulang ito kung kayat walang central na imahen na namumuo. Dahil sa anyo
ng tula bilang isang liham na humihingi ng intimacy sa pagitan ng manunulat at tagatanggap,
nakokompromiso ang mga mambabasa dahil hindi ibinubunyag para sa kanila ang relasyon sa pagitan ng
dalawa. At para sa akin, hindi ito isang kahinaan ngunit isang kalakasan pa nga ng tula. Sapagkat sa pagiging
malabo ng relasyon ng manunulat at tagatanggap ay mas lumalalim pa ang mga metapora at mas lalo pa
tayong nahahatak sa loob ng tula kahit bilang mambabasa lamang. Maaari ngang may nakatakdang
tagatanggap ang liham at hindi ito para sa atin na mismong mambabasa, ngunit ang Ikaw at ako at ang
pagpapalagayang-loob sa pagitan nilang dalawa ang siyang nagpapalapit pa satin sa tula.

Kung mapapansin, pinaghalo-halo ng may-akda ang paggamit ng caesura, end-stop, at enjambment


isang teknik na kinahiligan ko sapagkat iniiba-iba nito ang tono ng tula sa bawat talata. Pagdating sa porma,
masasabing walang ritmo o musikalidad na sinusundan ang tula kung ikukumpara natin ito sa mga traditional
na tula tulad ng soneto o villanelle.
Hindi maikakaila na mabibighani rin tayo sa epigrap na bumubungad sa tula. Sa aking pag-unawa,
inihahanda ng epigrap ang mambabasa upang mabigyang-linaw kahit papaano ang pinatutunguhan ng tula at
ang nais ng may-akda sa kanyang proyekto. Mapapansin din na dito lamang sa epigrap namukod-tangi ang
isang imahen na medyo siyentipiko ang dating. Muli sa aking pananaw, mas sinusuportahan ng tula ang
epigrap imbes na tumututol ditto dahil ginagamit niya bilang pundasyon ng mga pahayag ang pagdiskubre sa
isang siyentipikong konsepto na maaaring tumukoy sa pinanggalingan ng mundo. Sa ikalawang saknong,
lumilipat ang pokus ng tula sa wika, pag-iibigan, at kapalaran mga bagay na, ayon sa may-akda, ay
walang tiyak na kahulugan o di kayay lumalawak pa at natataon lamang sa ibat ibang karanasan. Mapapansin
na malalim ang pagpapahayag kung saan tumataas ang antas ng lenggwahe, tulad ng linyang magpapatuloy
tayo mula sa nag-iisang kaganapan. Dahil dito ay napag-uugnay ang paniniwala at pananampalataya, ang
agham sa pananalig.
Sa tingin koy karapat-dapat pa rin na mailathala ang piyesang ito sapagkat nabuo naman ng may-akda
ang kanyang intensiyon sa kanyang proyekto. Para sa akin, ang pagkakaroon ng ambigwidad sa tulang Liham
Para Kay __ ay bahagi ng karanasan ng persona kung saan tinatangka niyang ipahiwatig ang hindi niya
maintindihan nang buong-buo kung kayat ibinabahagi niya rin ito sa mga mambabasang nakikibasa rin ng
liham na hindi nakatakda para sa kanila.

You might also like