Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Araling Panlipunan : Imperyong

byzantine
Ang Silangang Imperyong Romano/Imperyo Romano sa Silangan o Imperyo
Bisantino ay mga pangalang inilalapat sa Imperyo Romano noong Gitnang
Panahon na may kabisera sa Constantinopla (na ngayoy Istanbul).
Tinutukoy ito ng mga naninirahan dito pati ng mga kalapit na bansa bilang Imperyo
Romano (sa Griyego , Basilea Rhman) o Imperyo ng mga
Romano o Romania (, Rhmana). Ang mga emperador nito ang
nagpatuloy ng pamamahala ng mga emperador Romano upang panatiliin ang
tradisyon at kulturang Griyego-Romano.
Sa daigdig Islamika, higit na kilala ito bilang ( Rm "Roma"). Dahil naman sa
pananaig ng Griyego sa wika, sa kultura at sa buhay, kilala ito sa Kanluran o Europa
noong mga panahong iyon bilang Imperium Graecorum, Imperyo ng mga Griyego.
Ang pag-inog ng Imperyo Romano sa Silangan mula sa matandang Imperyo
Romano ay isang proseso na nagmula noong ilipat ni Constantino ang kabisera sa
Bizancio mula sa Nicomedia, Anatolia (ng kasalukuyang Turquia). Binansagan
ang Bizancio ng bagong pangalan - ang Bagong Roma (Nova Roma) o
Constantinopla - na nasa pasig ng Bosforus. Pagdatal ng siglo 7 sa ilalim ng
paghahari ni Emperador Heraclio, ang mga reporma nito ang nagpabago sa lakas
militar ng imperyo. Noong mga panahong ito kinilala ang Griyego bilang opisyal na
wika na nagdulot din ng bagong karakter sa imperyo.
Sa libong taon pag-inog ng Imperyo kasama ang maraming balakid at pagkawala ng
mga teritoryo, napanatili niya ang sarili bilang isa sa pinakamalakas na pwersa
militar, kultural at ekonomika sa buong Europa. Kumalat ang impluwensya nito
sa Hilagang Africa at saMalapit Silangan halos buong Edad Media. Matapos ang
huling pagbawi sa ilalim ng dinastiyang Comnena noong siglo 12, unti-unting
lumubog ang Imperyo hanggang sa paglupig rito ng mga Turkong Otomano sa
Constantinopla at sa mga natitira nitong teritoryo noong siglo 19.
Kuta ng Kristiyanismo ang imperyo at isa sa mga pangunahing lunduyan ng
kalakalan ito sa mundo. Ito ang tumulong sa pagtatanggol sa paglusob ng mga
Muslim sa kanlurang Europa. Pinatatag nito ang pananalapi sa buong

rehiyong Mediterreneo. Malaki ang naging impluwensya nito sa mga batas, sistema
politika at kaugalian ng halos buong Europa at Gitnang Silangan. Pinanatili rin nito
ang mga gawa sa panitikan at agham ng matandang Grecia, Roma at iba pang mga
kultura. Ang katagang Imperyo Bizantino ay isang katha ng mga mananalaysay at
hindi ginamit noong panahon ng imperyo. Ang pangalan ng imperyo sa Griyego ay
Basileia Rhmain (Griyego: ) "Ang Imperyo ng mga Romano"
salin mula sa pangalan nito sa Latin na Imperyo Romano (Latin: Imperium
Romanrum); o Rhmania (Griyego: ).

Paghahati ng Imperyo Romano


Noong siglo 3, tatlong krisis ang dumagok sa Imperyo Romano: nilusob ito mula sa
labas, mga giyera sibil sa loob nito, at ekonomiyang lulugo-lugo at puno ng
problema. Humupa ang kahalagahan ng lungsod ng Roma bilang sentro
administratibo. Nagtatag ng bagong sistemang administratibo si Diocleciano
ang tetrarkiya. Inagapay niya ang sarili sa isang katulong emperador o Augusto. Ang
bawat Augusto naman ay may batang ka-asisteng ampon o Cesar na kasamang
namumuno at sa lumaon ay taga-pagmana ng puwesto ng matandang pinuno.
Subalit ang tetrarkya ay gumuho nang magbitiw sina Diocleciano atMaximiano.
Pinalitan ito ni Constantino I ng dinastikong pagpapamana ng trono. [2]
Inilipat ni Constantino ang Dakila angluklukan ng Imperyo. Nagpalabas din ito ng
mga mahahalagang pagbabago sa mga batas sibil at pangrelihiyon..[3] Noong 330,
itinatag ang Constantinopla bilang pangalawang Roma (Nova Roma)sa lugar ng
Bizancio na nakasadlak sa rutang kalakalan sa pagitan ng Kanluran at Silangan.
Nagpuno si Constantino ng mga repormang administratibo na sinimulan ni
Diocleciano. Pinatatag niya ang salapi (ang gintong solidus na kanyang sinimulan ay
matatag at tunay na hinanap), at binago ang balangkas ng sandatahan. Sa
pamamahal ni Constantino, muli nitong natamo ang lakas militar at panahon ng
katatagan at kaunlaran.

Mapa ng Imperyo Romano ca. 395, na nagpapakita ng mga diyosis at mga


probinsyang pretoriano ng Italia, Illyrico at Oriens (silangan), na halos analogo sa
apat na sona ng impluwensay ng mga tetrarko ayon sa reporma niDiocleciano.
Sa ilalim ni Constantino, hindi man naging isang eksklusibong relihiyon
angKristiyanismokung saan nagtamo ito ng pitak sa imperyo sa pagbibigay malaking
suporta ng Emperador dito. Itinatag ni Constantino ang palakad para sa mga
emperador na hindi ito dapat lumutas sa mga katanungan tungkol sa doktrina, sa
halip tatawag ito ng konsilio eklesiyastikong panglahat. Ipinatawag ni Constantino
angKapulungan ng Arles at ipinakita niya ang sarili bilang ulo ng Simbahan
sa Unang Konseho sa Niseya. .[4]
Maipakikita ang kalagayan ng Imperyo noong 395 sa mga nagawa ni Constantino.
Sa katatagan ng dinastikong palakad na kanyang itinatag at nang mamatay ang
emperador na si Teodosio I nang taong iyon kanyang maipamamana ang
puwestong imperyal na ito sa kanyang dalawang anak na lalaki: kay Arcadio ang
Silangan at kay Honorio ang Kanluran.[5] Si Teodosio ang huling emperador na
naghari sa buong lawak ng imperyo na ngayoy nahati.
Nakaiwas sa malaking kahirapan ang Silingan Imperyo kumpara sa Kanluran noong
bahagi ng siglo 3 at 4 dahil sa katatagan ng kulturang panglunsod at mainam na
mapagkukunan ng pera na ginamit sa pagpapatahimik ng mga barbarong panlabas
sa pagbibigay ng suhol at pagbabayad sa mga mersenaryong panlabas. Lalo ring
pinatibay ni Teodosio II ang muralya ng Constantinopla na proteksyon nito sa

maraming pang paglusob. Hindi napigtas ang muralya hanggang taong 1204.
Upang patihimikin ang mgaHunos ng Atila, tinustusan sila ni Teodosio (ng halos 300
kg (700 lb) ng ginto). [6]Moreover, he favored merchants living in Constantinople
who traded with the Huns and other foreign groups. Dagdag pa rito, kanyang
pinaboran ang mga mangangalakal na naninirahan sa Constantinopla na
nakikipagkalakal sa mga Hunos at iba pang panglabas na mga grupo. Pinutol ang
napakalaking halagang suhol ng kanyang kahaliling si Marciano. Gayundin,
nakatuon na ang atensyon ng Attila sa Kanlurang Imperyo Romano. Nang mamatay
siya noong 453, bumagsak ang kanyang imperyo. Sinimulan ng Constantinopla ang
masamang relasyon nito sa mga Hunos na nang lumaon ay lalaban bilang mga
mersenaryo sa sandatahang-lakas Bizantino. Matapos bumagsak ang Atila,
lumaganap ang panahon ng kapayapaan sa Silangang Imperyo habang ang
Kanlurang Imperyo ay bumagsak (na karaniwang inilalagay sa taong 476 nang inalis
sa puwesto ang Kanlurang Emperador na si Romulus Augustulus ni Odoacer, isang
Romanong heneral na may dugong Aleman na hindi na pinalitan ng isang pang
tutang pinuno).
]Imperyong Romano ng Silangan, c. AD 480
Upang makuhang uli ang Italia, nakipagnegosasyon ito sa mga Ostrogodo ni
Teodorico na namuhay sa Moesia. Ipinadala niya ang godong hari sa Italia bilang
magister militum per Italiam (punong komandante para sa Italia). Matapos
bumagsak si Odoacer noong 493, mag-isang naghari si Teodorico, na nanirahan sa
Constantinopla noong kabataan niya, sa buong Italia. Kaya, pahiwatig na sinakop ni
Teodorico ang Italia bilang Ostrogotikong kaharian, napanatili ni Zeno bilang
paghaharing nominal sa kanlurang lupa habang inalisan nito ang Silangang Imperyo
ng mga di masupil na tagasunod.

Noong 491, naging emperador si Anastasio I, isang matandang opisyal sibil na


tubong Romano, ngunit sa pagdatal lamang ng 498 nang tunay na natugunan ng
mga pwersa ng bagong emperador ang taga-Isaurio. Ipinakita ni Anastacio na siya
isang matikas ng tagapagbago at mahusay na administrador. Napabuti niya ang
sistema ng pananalapi ni Constantino I sa pagtatakda ng timbang sa tansong follis,
ang perang ginagamit sa pangaraw-araw na transaksyon. Kanya ring binago ang
sistema ng buwis at tuluyang inalis ang kinamumuhiang buwis na chrysargyron. Ang
Panalapiang Estado ay naglalaman ng malaking halaga ng ginto - 145,150 kg
(320,000 lbs) nang siya ay mamatay.
]Ang Pagbawi ng mga rehiyon sa Kanluran

Ang paglaki ng Imperyo sa pamamahala ni Justinian I.


Si Justiniano I, na nakuha ang trono noong 527, ay nag-ambisyon na mabawi ang
mga dating territoryo ng Imperyong Romano. Siya ay isang anak ng Illyrian na
mahirap lamang, pero siya ay nagkaroon na ng impluyensa sa pamamahala ng tito
niya, si Justin I (518527).[7]Lumitaw ang isang kaguluhan sa kanyang
pamamahala, ang Nika Revolt, pero hindi naging matagumpay ang mga nag-alsa na
mapatalsik siya. Dahil dito, lalo pang lumakas ang kapangyarihan ni Justiniano. [8]
Ang pagsalakay sa Kanluran ay nagsimula noong 533, kung saan pinadala ni
Justinian ang kanyang heneral na si Belisarius para makuha ang Hilagang
Aprika mula sa mga Bandalo (Vandals) dala ang mga sundalo na aabot sa 15,000
katao. Naging matagumpay ang ekspidisyon, pero tumigil lamang ang resistensya
ng mga tribo noong 548. Noong 535, isang maliit na Bisantinong ekspidisyon na
pinadala sa Sicily ay madaling nagtagumpay, pero pinalakas ng ma Goth ang
kanilang resistensya, kaya noong 540 lamang nagtagumpay ang imperyo, kung
saan kinuha ni Belisarius ang Ravenna, pagkatapos mabawi
ang Naples at Roma. [9]
Si Justinian ay naging tanyag dahil sa kanayang pag-aayos ng Batas Romano sa
tulong niJohn the Cappadocian[10] . Sinimulan ng huli noong 529 ang komisyon (10
tao) na ayusin ang sinaunang Batas Romano, kung saan ginawa ang
bagong Corpus Juris Civilis, isang koleksyon ng mga batas na tinawag na
"Justinian's Code".[baguhin]
Sa pagkamatay ni Justiniano I noong 565, ang kanyang tagapagmana, si Justin II ay
hindi nagbayad ng tribute sa mga Persyano. Binawi din ng mga Lombard ang Italya,
sa katapusan ng siglo, isang bahagi na lamang ng Italya ang nasa kamay ng

Imperyo.
Alexios I Kommenos at ang Unang Krusada

Mapa ng imperyo bago ang Krusada.


Pagkatapos ng ilang siglo ng paghina ng Ekonomiya ng imperyo, isang mulingpaglakas ang naganap na itinuring na restorasyong Komneniano dahil sa mga
ginawa ng emperador noong panahon ng Dinastiyang Komnenian. Si Alexios I
Komnenos ay nagkaroon ng problema sa mga pag-atake ng mga Normano kung
saan kinuha ng huli ang Dyrrhachium at Corfu, at binantaan ang Larissa sa
Thessaly. Ang kamatayan ng normanong lider na si Robert Guiscard's noong 1085
ay pansamantlang pumigil sa problema. Sumunod din ang pagkamatay ng Sultan ng
Seljuq sultan died, at bumagsak ang Sultanato. Tinalo ni Emperador Alexios ang
mga Pechenegs sa Labanan sa Levounion noong 28 Abril 1091.[11] Nagawa niyang
ibalik ang kapayapaan sa Kanluran ng imperyo. Ang kanyang apela sa Kanlurang
Europa (lalo na sa Santo Papa) para sa tulong laban sa mga Turko ang siyang
hudyat para masimula ang mga Krusada.
]Ika-apat na Krusada at ang Paghina ng Imperyo
Ang ika-apat na Krusada ay pinasimulan ni Papa Innocent kung saan dapat labanan
ng mga Krusaders ang Ehipto. Pero, noong Abril 1204, ang mga Taga-Krusada ay
Ninakawan ang Constantinopla, ang kabisera ng imperyo. Dahil dito, tuluyan nang
naghiwalay ang Simbahang Katoliko at ang Simbahang Orthodox. [12]

Ang mapa ng Latin Empire (at mga vassal) at ng mga natirang estado ng
imperyo:Imperyo ng Niseya, Imperyo ng Trebizond at Despotado ng Epirus.
Pagkatapos ng pagsalakay at pagnakaw sa Constantinopla noong 1204, ang mga
natirang estado ng imperyo: Imperyo ng Niseya at Despotado ng Epirus ang
naitatag. AngImperyo ng Trebizond ay itinatag ilang linggo bago ang pagsalakay sa
Constantinopla. Ang Imperyo ng Niseya, ang pinakamalapit sa Constantinopla ay
nahirapan at unti-unting naubos ang territoryo sa timog Anatolia. [13] Ang paghina
ng Sultanado ng Rm dahil sa pagsalakay ng mga Mongol ay siyang nagpahina rin
sa mga Bizantino sa Asya Minor. [14]Pero, dahil sa Pagsalakay ng mga Mongol,
medyo napahinga ang Nicaea sa pagsalakay ng mga Seljuk.
Muling nabawi ng Imperyo ng Niseya ang Constantinopla mula sa mga Latin noong
1261 at tinalo ang Epirus. Ito ay nagdulot ng muling pagkabuhay ng katanyagan ng
Ekonomiyang Bizantino sa pamamahala ni Michael VIII Palaiologos. Maraming
proyekto din ang sinimula para ayusin ang mga nasira sa kabisera dulot ng ika-apat
na Krusada. Pero, unti-unting naubos ng mga ghazi ang teritoryo sa Asya Minor.
Digmaang Bizantino-Ottomano at ang Pagbagsak ng Constantinopla
Muling nalugmok sa kahirapan ang imperyo dahil sa 6-taon digmaang sibil
pagkatapos ng kamatayan ni Andronikos III. Unti-unting kinuha ng lumalakas na
mga Ottomanang mga territoryo sa Serbia; isang lindol sa Gallipoli noong 1354 ay
naging daan para makuha ito ng mga Ottoman. [15]

Eastern Mediterraneano bago ang Pagbagsak ng Constantinopla.

Ang mga emperador ay humingi ng tulong sa kanluran, ngunit ayon sa Papa,


magpapadala lamang sila ng tulong kung muling mag-kaisa ang dalawang
simbahan.[16]Ang kaunting tulong at pagpadala ng sundalo ng kanluranng Europa
ay hindi naging sapat upang matalo ang malakas na Imperyong
Ottoman.Ekonomiya
Ang kabisera na Constantinople ay hindi na mataao. Isa na lang itong hindi-mataong
lungsod na pinaliligiran ng mga taniman at mga abandonadong gusali. Noong 2 Abril
1453, ang Ottoman Sultan Mehmed II ay lumusob sa kabisera na may 80,000
sundalo.[17]. Tuluyan nang bumagsak ang kabisera noong 29 Mayo 1453. Ang
huling emperador,Constantine XI Palaiologos, ay huling nakita na tinanggal ang
imperyong kasuotan ay nakipaglaban sa mga turko.[18]Pagkatapos ng pagbagsak
ng imperyo, sinakop ni Mehmed II ang mga natirang Griyegong lupain ng Mistra
noong 1460 at Trebizond noong 1461.

Solidus ni Justiniano II, sa pangalawang pag-upo, matapos ang 705.


Pinakamaunlad ang ekonomiyang Bizantino sa Europa at Mediteraneo sa maraming
siglo. Hindi napantayan ng Europa ang lakas pang-ekonomika nito hanggang sa
dakong huli ng Edad Media. Pangunahing sangangdaan sa kalakalan
ang Constantinopla nang maraming panahon na umaabot sa
buong Eurasya at Hilagang Africa. Ito rin ang pangunahing katapusan sa kanluran
ng tanyag na Daang Seda. Binabanggit ng ilang eskolar na bago pa man dumating
ang mga Arabe noong siglo 7, pinakamalakas na ekonomiya na sa buong mundo
ang Imperyo. Subalit, ang pananakop ng mga Arabe ay nagdulot ng malaking
pagbabago ng kapalaran na nagpahupa at nagpalubog rito. Ang mga reporma
ni Constantino V (c. 765) nagpasimula ng pagbabagong sigla sa ekonomiya na
nagpatuloy hanggang 1204. Mula siglo 10 hanggang the katapusan ng siglo 12,

ipinamalas ng Imperyo Bizantino ang karangyaan niya. Ang lahat ng manlalakbay ay


humanga sa mga nalikom na kayamanan nito sa kabisera. Ang lahat nang ito ay
nagbago sa pagdating ng ika-apat na Cruzada na nagpabagsak sa kanyang
ekonomiya. Sinubukang buhayin ang ekonomiya ng Palaiologoi subalit wala na
silang kontrol sa mga puwersang ekonomika sa loob at labas ng bansa. Unti-unti
ring nawala ang impluwensya nito sa mga kaparaanan ng kalakalan at
paghahalaga, at kontrol sa pagluluwas ng mga mamahaling metal at ayon sa ilang
eskolar pati na rin sa paggawa ng salapi.
Kalakalan ang isa sa mga pundasyong ekonomiko ng imperyo. Sinasabing ang mga
hinabi (tela) ay pinakamahalagang bagay sa kalakalan. Ang seda ay iniluluwas
sa Ehiptogayundin sa Bulgaria at Kanluran. Mahigpit na kontrol ng estado ang
kalakalang panloob at panlabas nito. Sila lamang ang gumagawa ng salapi. Pormal
na hawak at kontrolado ng gobyerno ang patubuan ng salapi at sa pagtataktada ng
mga reglamento sa mga sindikatong pangkalakal at mga korporasyon kung saan
may interes ito. Sa mga panahon ng krisis, nakikialam ang emperador at mga
opisyal nito upang siguraduhin na sapat sa mga materyales ang kabisera at mababa
ang halaga ng mga ani. Sa huli, ang mga sobrang kalakal ay kinakalap ng gobyerno
sa pamamagitan ng buwis at ibinabalik ito sa sirkulasyon bilang suweldo ng mga
opisyal ng estado o porma ng investment sa gawang pambayan.[19]

You might also like