Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FIL 22-23 (Ang Buhay at mga Sinulat ni Dr.

Jose Rizal)
(1)
-Magandang umaga mga panauhin. (courtesy) Natutunan ko sa Alemanya na isang
uri ng paggalang ang pagpapakilala ng sarili. Ako nga pala si Juan Crisostomo Ibarra
y Magsalin.
--Masaya akong makita kayo, at mas masaya ako dahil nakabalik na muli ako sa
aking Inang Bayan matapos ang pitong taon kong pag-aaral sa Europa.
---Huwag po sana kayong magkamali na nakalimutan ko na ang bayang ito. Sa
katunayan, ang isip ko'y laging nasa bayan sa araw-araw nung ako'y nasa Europa
pa. Higit sa lahat, umuwi ako upang malaman ang pagkamatay ng aking ama.
-Ah, Padre Damaso! Kayo po pala. Nagagalak akong makita ang isang matalik na
kaibigan ng aking ama!
--Mukhang nagkamali po ata ako. Hindi po ata kayo si Padre Damaso, ngunit
masaya po akong makilala kita. Halina't kumain na po muna tayo.
---Reberensya, huwag po sana kayo magsalita ng ganyan!
----Wala pa rin pa lang pagbabago ang mga kura dito. Kapitan, patawad ngunit
kailangan ko nang umalis dahil marami pa akong gagawin. Salamat po.
(2)
-Nalaman ko kay Tenyente Guevarra ang kinahantungan ng aking ama. Nakulong
siya dahil prinoktektahan lamang niya ang isang musmos mula sa isang malupit na
kolektor.
--Mga walang awang Kastila! Nakulong ang aking ama gayong ginawa lamang niya
ang tama!
---Ngunit nawala saglit ang pait na iyon nang makita ko muli ang aking Maria. Sabi
niya sa akin ay nalimutan ko na raw siya. Maaari ko ba siyang malimutan? Ah,
Maria. Napakapalad ko talaga dahil ikaw ay aking nakilala. Salamat nga pala sa
bulaklak. Alam kong matutuwa ang aking mga magulang sa langit sa iyong munting
alay.
(3)
-Mas lalong naging malinaw sa akin ang tunay na kinahantungan ng labi ng aking
ama. Nasaan ang hustisya? Ang inosenteng labi ng aking ama, itinapon lamang sa
lawa!
--Hindi ko napigilan ang aking galit at inatake ko si Padre Salvi, ngunit naniniwala
naman ako sa kanyang pagpapatotoo. Wala na rin akong magagawa dahil wala na
ang labi, kaya kailangan ko na lamang itong kalimutan.

(4)
-Unti-unting nawala ang poot nang mag-picnic kami ni Maria kasama ng kanyang
mga kaibigan. Sana ganun na lang ang buhay. Kaunting lungkot, at mas maraming
masayang pagkakataon ang nawa'y dumarating sa atin.
--(Lapit to Elias, pat) Hinding-hindi ko rin malilimutan noong sagipin ko si Elias mula
sa mabangis na buwaya. Sadyang mapaglaro talaga ang buhay. Hindi mo alam kung
kailan ito manggugulo. Magugulat ka na lamang.

(5)
-Ika-onse ng Nobyembre. Pista ng San Diego de Alcala. Napakaraming bisita. May
katuwaan, tugtugan, paputok, kainan, at moro-moro. Nakinig ako ng misa, ngunit
hindi ko naman inasahan na patatamaan rin pala ako ni Padre Damaso sa kanyang
mensahe.
--Tila nag-iba ang aking tingin kay Ginoong Tasyo. Eto ang isang matalinong tao,
ngunit tinutulan ang pagpapatayo ng aking paaralan? Ngunit hindi ako nagpapigil.
Para naman ito sa kabataan ng San Diego, hindi ba?
---Sa kabilang banda, laking pasasalamat ko kay Elias nang ako'y iligtas niya mula
sa isang pagtatangka ng aking buhay. Ngunit nanaig pa rin ang tama! Nahulog ang
aking mga kalaban sa sarili nilang patibong! (Smirk)
----Sa isa na namang pagkakataon ay tama lamang na tambangan ko ang bastos na
Padreng ito dahil sa kanyang kawalang-respeto sa aking ama. Ngunit dahil sa bugso
kong iyon ay tuluyang naputol ang relasyon namin ni Maria. Maria
(6)
-Nakulong ako, ngunit hindi kailanman makukulong ang liwanag ng katotohanan!
Salamat sa aking kaibigan na si Elias nang tulungan niya akong makatakas mula sa
kulungan, ngunit dahil sa kanyang kabayanihan, buhay niya ang naging kapalit.
Kawawang Elias! Tuluyan na siyang nilamon ng buwaya!
CRISOSTOMO IBARRA, Bow.

You might also like