Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang tinig ng ligaw na gansa ay isang pabula na isinulat porma ng isang tulang may malayang

taludturan. Ito ay tungkol sa isang ligaw gansa na kumagat sa pain at umiyak nang ito ay nahuli
sa bitag. Ito ay maihahalintulad sa taong uhaw sa pag-ibig at nang makakita ng pagkakataon
ay agad sumunggab ngunit huli na ng malaman na ang pag-ibig pala ay pinagsamang sarap at
hirap.
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa mula sa Ehipto, Ito ay Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat, Mula
sa Ingles na salin ni William Kelly Simpson

Ang Tinig Ng Ligaw na Gansa (Text Analysis) - Fatima


Manubag
Ang akdang ito ay isang tula na tumutukoy sa isang gansang nasasakal sa
pag-ibig. Ito ay maihahalintulad sa taong uhaw sa pag-ibig at nang
makakita ng pagkakataon ay agad sumunggab ngunit huli na ng malaman
na ang pag-ibig pala ay pinagsamang sarap at hirap.
Ang pangunahing punto ng may-akda ay kung tayo ay magmamahal, siguraduhin natin
na wala tayong naaapakan at nasasaktan. May iba kasi na nagpapaka-martyr sa pag-ibig
kahit alam niyang mali ito para lang matugunan ang kanyang mga pangangailangan.
May iba naman na sinasakripisyo ang kaligayahan upang maging maligaya ang isang tao
kahit hindi niya gusto ngunit napilitan lang.
Dito sa akdang ito, pinupunto ng may-akda na huwag natin ipilit o isakal ang isang
taong ayaw sa iyo. Dahil sa huli, ikaw pa din ang masasaktan.

Sa tulang ito, maganda ang naging punto ng may-akda. Ito ay tama dahil nangyayari ito
sa totoong buhay. Ang napansin ko lang kakaiba sa tulang ito, bakit naging gansa ang
kanyang naging pangunahing tauhan? Marami naman tayong pedeng i-halimbawa?
Hindi pa man ako nakaranas ng ganitong klaseng pag-ibig, pero nangyari na ito sa iba.
Hindi ito biro, dahil mahirap rin para sa iba na nakaranas nito.

You might also like