Professional Documents
Culture Documents
Ang Sikolohikal Na Aspekto NG Sakit at Ang Faith Healing
Ang Sikolohikal Na Aspekto NG Sakit at Ang Faith Healing
Farah Cunanan
Professor
20 May 2010
1 PANIMULA
1.1. Overvyu
Sa isang bansang balot ang kultura ng ispiritwalidad at relihiyosidad mga patron,
deboto ng Santo Nio at ng Inang Birhen, mga kababalaghan at kawilihan at masidhing
paniniwala sa mga supernatural at mistikal na bagay, hindi kataka-takang mamalas ang malaking
impluwensiya ng relihiyon at katutubong ispiritwalidad sa paraan ng panggagamot.
Sa kabila ng patuloy na pag-unlad ng agham ng medisina, hindi pa rin nawawala ang
paglaganap ng mga tradisyonal na alternatibong uri ng panggagamot. Marami pa rin sa mga
Pilipino, lalo na ang mga nasa lalawigan ang kumokonsulta sa mga tradisyonal na manggagamot
tulad ng hilot at albularyo kaysa magpunta sa mga ospital at magpatingin sa doktor kapag may
nararamdamang hindi kaaya-aya sa kanilang katawan. Nariyan ang mga albularyo na may
malawak na kasanayan sa mga halamang-gamot at
manghihilot na espesyalista sa pagpapagalin ng mga pilay, nabaling buto at iba pang kondisyong
musculoskeletal at sa magpapaanak midwife na siyang nagpapaanak.
Isa rin sa mga popular na tradisyonal na uri ng panggagamot ay ang faith healing. Ito ang
paniniwala na ang pananalig (faith) ay maaaring makapagpagaling ng karamdaman maaaring
sa pamamagitan ng mga dasal o ritwal na nakakatawag ng divine presence at nakakapagbigay ng
kapangyarihan at kakayahang makapanggamot sa isang indibidwal. Ito ay tumutukoy sa mga
ritwalistikong gawain ng pagpapatong ng kamay na sinasabing nakakapagpagaling ng kahit
anumang sakit.
Hanggang sa kasalukuyan, kahit sa patuloy na pag-unlad ng siyensya, hindi pa rin
nawawala sa sistema ng kultura at lipunang Pilipino ang paniniwala sa mga ganitong tradisyonal
na paraan ng panggagamot. Laganap pa rin sa kanayunan at ilang liblib na lugar ang mga
katutubong manggagamot na dalubhasa sa paggamit ng mga halamang-gamot sa panggagamot at
patuloy pa rin sa pag-usbong sa ibat ibang panahon ang mga nagsasabing faith healer sila. Sa
pag-aaral na ito, tatalakayin ang ganitong uri ng panggagamot gamit ang etnolinggwistikong
datos na nakalap. Ilalahad sa pag-aaral na ito ang kahulugan ng faith healing at ang kaugnay na
konsepto nito na faith sampalataya o pananampalataya. Tatalakayin rin ang mga anyo ng
pangggagamot sa faith healing, sino at paano nagiging isang faith healer, pati na rin ang mga
sakit na nagagamot ng faith healing. Titingnan din ang sikolohikal na aspeto ng sakit.
Mahahati ang papel sa limang pangunahing bahagi. Ang unang bahagi ay ilalaan upang
magbigay ng overvyu tungkol sa paksa, susundan ng metodolohiya at saklaw at limitasyon ng
pag-aaral. Ang ikalawang bahagi ay tatalakay sa katutubong uri ng panggagamot. Sa ikatlong
bahagi, tatalakayin ang faith healing bilang isang uri ng tradisyunal na panggagamot. Matapos
mailahad ang faith healing, tatalakayin ang konsepto ng faith o pananampalataya ayon sa mga
nakalap na datos. Sa bandang huli ay lalagumin ang papel at magbibigay ng rekomendasyon na
maaari pang gawin sa nasabing pag-aaral.
1.2. Metodolohiya
Gaya ng nabanggit sa itaas, ang pag-aaral na ito ay isang preliminaryong pagsusuri ng
faith healing at ang konsepto ng faith sa kultura at lipunang Pilipino. Layunin nito na
makapagbigay ng kongkretong pagsasalarawan at makapagbigay-ideya hinggil sa faith healing
na isang uri ng alternatibong panggagamot.
Dalawa ang naging pangunahing paraan ng mga mananaliksik sa pagkalap ng datos at
impormasyon para sa nasabing pag-aaral na ito. Pagkatapos magsumite ng isang balangkas at
batayang tanong, sinimulan ang pagbabasa ng mga akda at mga nakaraang pag-aaral, maging
mga dokumentaryo at artikulong naisulat tungkol sa paksa.
Sumunod na naging hakbang ay ang paghahanap ng mga informant, mga faith healer
upang kapanayamin. Nagsagawa rin ng mga focus group discussion na kinapalooban ng tatlo na
may tiglimang miyembro. Hinati ang mga grupong ito sa mga: 1) mga naniniwala sa faith
healing; 2) mga skeptik o hindi lubusang naniniwala sa faith healing; 3) mga nagpagamot sa faith
healer.
Para sa mga fatih healers o nagsasagawa ng mga panggagamot, umikot ang panayam sa
limang pangunahing tanong:
a. Anong uri ng manggagamot?
b. Anong mga sakit na ginagamot at napapagaling?
c. Paano ginagamot ang mga sakit? Ano ang mga paraan ng panggagamot?
d. Sinu-sino ang mga madalas magpagamot?
3
Female
Total
43
61
104
35
55
90
Birth attendant
21
29
Dentistry
Removing fishbones
Ventosa
Blowing (buga/tuyhop)
Spirit medium
Faith healing
22
21
43
Psychic surgery
Counter sorcery
14
14
19
13
16
Mapapansin na maraming bilang at mas laganap ang mga hilot at mga albularyo na
gumagamit ng mga halamang-gamot sa panggagamot.
Kamaynilaan, popular ang paggamit ng pagtatawas upang alamin ang sakit at naging sanhi nito.
Ayon kay Dr. Michael Tan (1992) may dalawang kategorya ang mga tradisyonal na
manggagamot: ang mga empirical at mga magico-religious. Ang empirical ay kinabibilangan ng
paghihilot bone-setting at masahe; paggamit ng mga halamang-gamot, pagtatapal sa mga sugat.
5
Kadalasan sa mga
dalawang kategorya. May mga albularyo na gumagamit ng mga dasal at tawas bilang bahagi ng
kanilang panggagamot.
2.3. Pinagmulan ng Kakayahang Manggagamot
Acquisition of Skills (Tan, 1992)
Inheritance
55
Apprenticeship to relatives
48
Apparitions
44
Experience
42
22
Illness
22
20
Self-taught
11
Ayon sa naging pag-aaral ni Dr. Michael Tan (1992), kadalasang ang mga empirikal na
paraan ng panggagamot ay natutunan sa pamamagitan ng pag-aaral o pagsasanay
apprenticeshipsa ilalim ng isang kamag-anak na marunong manggamot. Maaari ding sabihin na
ang kakayahang manggamot ay namana sa paraang biyolohikal na makikita sa kasabihang nasa
lahi namin.
Kasama din dito ang pagkakaroon ng mga pangitain, aparisyon at iba pang karanasang
mistikal o relihiyoso. Sinasabing sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng kapangyarihan o
kakayahang manggamot ang isang tao. Ang pagpapakita umano ng Banal na Espiritu, o ng Inang
Birheng Maria at mga ispritong tagabantay ang nagtutulak sa mga ito na manggamot. Isang faith
healer na nagngangalang Baby sa Milagros, ay patuloy na dinadayo ng mga nais magpagamot
sa loob ng siyam na taon. Sinasabing ang engkanto na nagkagusto sa kanya ang nagbigay sa
kanya ng kakayahang manggamot.
Sa isang banda naman, karamihan sa mga hilot ay aksidenteng natuto lamang na
magpaanak. Malaking bilang ng mga lalaking hilot ay natuto lamang magpaanak dahil na rin sa
napilitan silang magpaanak ng kanilang mga asawa (Tan, 1992). Sa pagdaan ng panahon,
nagiging bihasa sila at nakilala sa kanilang lugar bilang mahusay na hilot.
Ilan sa mga naging halimbawa nito ay ang naging buhay ni Jesus at ang
pagpapagaling niya sa mga maysakit. Isa dito ay ang paggaling ng isang babaeng matagal ng
dinudugo sa loob ng labindalawang taon na pinagaling ni Jesus.
11
na sa buhay at wala ng pag-asang gagaling pa. Mahalaga sa faith healing ang paniniwala at
lubusang pananalig mo na gagaling ka at paniniwala sa manggagamot. May isang informant na
12
nagsabing kailangan munang maniwala bago gamutin ang isang indibidwal at kapag hindi, hindi
siya gagamutin. At dahil nga sikolohikal ito at maaaring nakondisyon na ang utak ng isang tao na
gagaling siya kapag nagpatingin siya, may malaking posibilidad na mangyari ito subalit hindi
tiyak ang lubusang paggaling. Maaaring panandalian lamang ang kanyang paggaling dahil na rin
sa paniniwala at kagustuhan niyang gumaling.
May dalawang bahagi ang faith healing: paniniwala ng maysakit na gagaling siya at
paniniwala ng manggagamot na nakakapagpagaling siya. Ang mga faith healer ay nagiging faith
healer dahil naniniwala sila na sila ay pinagkalooban ng kapangyarihang manggamot gaya ng
kwento ni Santino sa palabas na May Bukas Pa. Ang faith healing ay isng dinamikong
interaksyon sa pagitan ng mga nagpapagamot at nanggagamot. Kailangang parehong naniniwala
ang dalawang sangkot sa proseso ng panggagamot upang masigurado ang paggaling ng sakit.
Maraming dahilan kung bakit sumusubok ang isang tao na magpagamot sa isang faith
healer. Sa mga lalawigan, mas malapit talaga sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao ang mga
albularyo, hilot at iba pa dahil kilala sila sa kanilang lugar at madalas na nakakasalamuha.
Dagdag pa rito ang limitadong akses sa malapit na ospital at ang kakulangan ng kakayahang
magbayad sa anumang gastusin.
Sa kabilang banda, may mga mayayaman din namang nagpapatingin sa mga faith healer.
Ito ay dala na ng desperasyon at matinding kagustuhan na mapagaling ang kanilang karamdaman
na hindi kayang gamutin ng mga doktor kahit na paulit-ulit na silang nagpabalik-balik sa ospital
at sumailalim sa operasyon. Sa puntong ito, hindi lamang limitado sa hanay-mahirap ang
pagpapagamot sa faith healing at makikita ang pagkakapantay-pantay ng mga tao pagdating sa
usapin ng kanilang pananampalataya.
5.0 KONGKLUSYON
Mayaman sa relihiyoso at ispiritwal na aspeto ang kulturang Pilipino. Ang relihiyosidad
na ito ay may malaking impluwensya lahat ng bahagi ng buhay ng isang Pilipino, maging sa
kanyang kalusugan. Dahil dito, bagaman malaki na ang naging pag-unlad ng agham ng medisina,
13
6.0 SANGGUNIAN
Tan, Michael. 1992. Traditional Medical Practitioners in the Philippines. Health Alert. 134.
Tan, Michael. 2008. Pinoy Kasi: Faith Healers. Philippine Daily Inquirer. Retrieved from
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080314-124583/Faith-healers
14