Takip NG Buhay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Takip ng Buhay

Cynthia Resurreccion
Sa buhay ng tao, may mga bagay na kapansin-pansin at para sa atin ay walang
kabuluhan sa ating buhay. Sabi nilay lahat ng bagay ay may katuturan ngunit hindi ba
kahit minsay sumagi sa isip ninyo kung bakit may salitang meaningless?
Mga matang mapagmasid wariy mundo ay nalibot na. Mga katanungang nabuo sa
aking isipan, ito na nga ba ang mga kasagutan na nais kong makamit? Isang bagay ang
siyang pumukaw sa natutulog kong isip. Bagay na masasabi kong isa lamang
ordinaryong bagay na kadalasan nating nakikita sa paaralan gayuniy sa ibat-ibang
lugar sa mundong ibabaw na ating ginagalawan. Sa paglilibot ko, akoy napahinto at
binigyang pansin ang isang bagay. Hinintay kong gumalaw o pulutin ito ng sinumang
dadaan o makakakita nito. Ngunit walang sinumang nagbigay pansin dito.
Hindi ko na mapigilan na ilahad sa inyo kung ano ito. SIgurado ay kating-kati na kayo na
malaman, Isang simpleng takip lamang ito ng ballpen. Sabi nilay sa simpleng ballpen
ay maaari kang mamatay. Ito ay isa lamang na eksaherasyon ng mga tao.
Ganito iyong, kapag walang ballpen, walang notes. Kapag walang notes, walang pagaaral. Kapag walang pag-aaral, walang pera. Kapag walang pera, walang pagkain.
Kapag walang pagkain, magugutom. Kapag nagutom, papayat. Kapag pumayat,
papanget. Kapag pumangit, walang gf/bf. Kapag walang bf/gf, walang asawa. Kapag
walang asawa, walang anak. Kapag walang anak, madedepress. Kapag nadepress,
magkakasakit. Kapag magkakasakit, mamamatay ka. Kapag namatay ka, wala kana.
Kaya, ingatan mo yang ballpen mo. Yan ang ilang biruan ng mga nakararami tungkol sa
ballpen.
Isa lamang sagabal sa ilan na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na para sa atin ay
mahalaga. Itong simpleng ballpen ay maihahalintulad sa nangyayari sa kasalukuyan.
Siguro kung pera ito na nagkakahalaga ng isang daang piso ay pupulutin ito ng
sinuman sa atin. Hindi ba? Hindi bat isang kahibangan na bigyang pansin lamang natin
ang mababaw na kahulugan ng malaki o maliit na bagay sa ating mundo?

Tulad sa reyalidad may mga taong hindi binibigyan ng pansin. May mga taong katulad
ng takip ng ballpen na pakalat-kalat lamang sa ibat-ibang lugar. Gayundin may mga tao
na hindi natin inaasahan na makikilala at magiging bahagi ng ating buhay. Para yang
mismong takip ng ballpen, isang oportunidad sa atin na pulutin ito lalo nat ito ay
angkop sa nawawalang takip ng ating ballpen. Ganito rin sa ating buhay. May mga
bagay o tao na mawawala ngunit may hahalina para punan o takpan ang nawalang
bahagi sa ating buhay.
Ang takip ng ballpen ang siyang pumoprotekta sa panulat nito. Sa buhay may mga tao
na magtatakip sa butas o punit sa ating imperpektong buhay. Sila ang magsisilbing taga
protekta sa mga panahon ng kababalaghan. Mga taong siyan magniningning tulad ng
mga bituin sa langit.

You might also like