Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Sa pang araw-araw na pamumuhay natin sa mundong

ito, maraming bagay ang ating nararanasan at bawat


karanasan na ito ay siyang nagiging dahilan upang
maipahayag natin ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng
pagpapahayag ng ating damdamin o pagpapakita ng ating
emosyon.
Ang emosyon ang siyang tumutulong satin upang
maipahayag ang pagpapahalaga natin sa mga bagay sa
ating paligid, Ito ang siyang nagsisilbing daan upang
maipakita natin kung ano ang ating reaksyon sa mga bagay
na nangyayari sa ating paligid. Sa loob ng isang araw,
nagagawa nating magpakita ng ibat ibang emosyon. Gaya
na lamang ng pagiging malungkot, masaya, galit at marami
pang iba.
Mahalaga na magawa nating pamahalaan ang ating
sariling emosyon at damdamin sa tamang paraan. Dapat
nating matutunan kung paano pamahalaan ito sa tamang
paraan. Hindi lamang an gating sarili ang siyang magiging
biktima ng maling pamamahala sa ating emosyon kundi pati
na din ang ating ugnayan sa ating kapwa. Halimbawa,
pinagalitan ka ng iyong guro sapagkat nahuli/nalate ka sa
pagpasok sa klase. Dahil dito, nasira na ang iyong araw.
Hindi mo napansin na nagiging masungit ka na sa iyong
mga kaibigan at kapwa kamag-aral kahit wala naman
silang ginagawang masama sa iyo. Ito ang nagiging epekto
ng hindi magandang pamamahala sa ating emosyon.

Hangad ng bawat isa satin ang maganda at


mabuting ugnayan sa pagitan ng ating sarili ng
ating kapwa. Kayat marapat lamang na piliin
maigi ang mga bagay na higit kaialangang
pagtuunan ng pansin. Magtiwala tayo sa ating
sarili, sa kapwa, at sa Diyos tungo sa ikauunlad
ng
ating
pakikipagkapwa.
Matuto
tayong
pamahalaan ang bawat emosyon na ating
nararamdaman at huwag padalos-dalos. Dahil
hindi lamang tayo ang nagiging biktima ng maling
pamamahala dito kundi pati na din ang ating
kapwa. Ika nga sa isang kasabihan, Dont let
your emotions overpower your intelligence.

Sa loob ng halos 11 na taon bilang isang studyante,


Naranasan ko na ang maging isang lider at maging isang
miyembro ng isang pangkat o tagasunod. Natutunan ko na
ang pagiging lider o tagasunod ay parehong may gampanin
upang maabot ang layunin ng isang pangkat.
Mahirap ang maging lider. Ikaw ang magsisilbing ilaw
ng inyong pangkat. Ikaw ang magbibigay direksyon sa
iyong pagkat. Ikaw ang pinaka inaasahan sa isang
pangkat. Mahirap din ang maging tagasunod. Ikaw ang
gagawa ng mga bagay na sasabihin ng inyong lider. Ikaw
ang siyang tutulong gumawa ng kailangang bagay upang
maabot ng inyong pangkat ang inyong mithiin. Parehong
mahirap ang gampanin ng lider at ng tagasunod. Palagi
itong magkakonekta dahil kung walang lider, walang
tagasunod. Pag wala ang dalawang ito, walang pangkat na
mabubuo, walang layuning maabot.
Naranasan ko na ang maging isang lider na halos ako
na ang gumawa ng mga bagay na kailangan. Ako ang
nadidiin at nasisisi sa tuwing walang maipapasa angaming
grupo. Saakin inaasa lahat ng kailangang gawin. At sa
karanasan kong ito, may isang bagay akong natutunan.
Hindi gagana o magiging epektibo ang isang pangkat kung
isa lang ang kikilos.

Naranasan ko nang maging isang miyembro ng isang


pangkat. May mga ibang miyembro sa aming pangkat na
aako o aangkinin ang isang gawain ngunit hindi naman ito
gagawin. Kung kayat ako ang gumagawa ng gawain na
inuutos sakanya n gaming lider. At sa karanasang ito,
natutunan kong, maging responsable at mapanagutan tayo
sa mga bagay na ating gagawin.
Simple lang ang nais iparating ng modyul na ito.
Hindi gagana ang isang pangkat kung isa lamang ang
kikilos. Kaya nga ito tinawag na pangkat. May isang lider
na siyang magtuturo sa atin ng direksyon at may mga
miyembro na siyang magtutulungan upang magawa ang
bagay na ating gagawin. Matuto tayong magtulungan.
Dahil sa pagtutulungan na ito, magagawa nating abutin ang
layunin at mithiin ng bawat isa. Magtulungan tayo ng
naaayon sa ang kagustuhan at hindi dahil tayo ay
napipilitan. Walang mahirap na gawain sa taong kayang
magsikap upang itoy abutin.

You might also like