Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Jay Lei E.

Cardillo
Grade 10 Newton
Kahirapan Bilang Pangunahing Isyung Panlipunan
( Tula )
Korupsiyon, polusyon, kahirapan
ilan lamang sa problemang kinakaharap sa kasalukuyan
kahirapan, bilang pangunahing problema ng bansa
ay may ibat-ibang sanhi at epekto sa madla.
Pangunahing rason ng kahirapan ay kakulangan sa pagtutulungan
pagkakaroon ng digmaan, korupsiyon at krisis sa likas na yaman
ilan lamang sa sanhi ng kahirapan
nararapat ng bigyang pansin ng sambayanan.
Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino
pilit na nagtatrabaho kahit nasa malayo
ang lumaganap na krimen, na kinasasangkutan ng kabataan
ay ilan lamang sa mga epekto ng kahirapan.
Kahirapan, kanino nga ba dapat isisi
sa ating mga pinuno o sa ating mga sarili
karamihan sa mga naghihirap, idinadahilang walang trabaho
ngunit ang totoo, maraming trabaho ang nakalaan, mapili lang ang Pilipino.
Kung patuloy nating paiiralin ang ganitong pag-uugali
hindi uunlad ang bansa at walang mangyayari
disiplina ang tanging ating kailangan
na di magagawa ng isa lang kundi ng buong mamamayan.

You might also like