Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Friends defend Angel Locsin against "wild and lasenggera" issue

By: Noel Orsal & Glen P. Sibonga

"I can vouch for it. I can bet everything that I


have. Hindi siya lasenggera. She's not alcoholic. I
know that for a fact. People close to her, people
who know her, and her fans know that hindi siya
ganun," says Luis Manzano about ex-girlfriend
Angel Locsin (in photo).

Sa kabila ng magagandang mga balita tungkol sa


kanyang career at charity works, hindi pa rin
nakaliligtas sa mga mapanirang intriga si Angel
Locsin tungkol sa kanyang pagkatao.

Naging sentro ng pagbabalita sa The Buzz last


Sunday, March 21, ang tungkol sa usap-usapan
ngayon na si Angel daw ay nagiging "wild" na. Sa
mga lumabas na balita sa tabloid, naglayas
diumano ang aktres. Madalas din daw itong nakikitang gumigimik at naglalasing.

Sa isang showbiz website, hindi ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabing lagi raw
nakikita si Angel na umiinom sa iba't ibang bars, kasama ang kanyang mga kaibigan at ang
vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. Umabot na raw sa puntong si Angel
ay nilayasan na raw ng kanyang personal assistant dahil sa paglalasing nito.

Sa isang tabloid naman, pumutok ang isa pang isyu na si Angel diumano'y naglayas. Ayon sa
artikulo, umalis daw sa bahay nang walang paalam si Angel noong March 15, sakay ng isang
taxi. Sa airport daw dumiretso ang aktres para lumipad papuntang Hong Kong. Pero sa Twitter
update ni Angel ng araw na 'yon, siya raw ay nasa bahay at kasalukuyang nagdye-general
cleaning.

Sa isa pang tabloid, isang source daw ang nakapagsabi sa kolumnista na ang dahilan daw ng
diumano'y paglalayas ni Angel ay ang hindi maayos na paghihiwalay nila ng dati niyang
manager na si Becky Aguila.

Sa gitna ng mga mapanirang balitang ito at ng pananahimik ni Angel, walang tigil naman ang
pagbuhos ng opinyon ng iba't ibang tao sa iba't ibang forum at social networking site sa Internet,
kung saan halos lahat sumusuporta at nagtatanggol kay Angel.
Ayon sa ibang comments, normal lang daw na magkaroon ng ganitong paninira sa isang taong
sikat at puno ng blessings katulad ni Angel. Ang iba naman ay pinagtatawanan na lang ang isyu
at sinasabing wala na raw ibang maisip ang mga gustong manira kay Angel kaya kung anu-ano
na lang ang ipinagkakalat.

FRIENDS TO THE RESCUE. Ang mga kaibigan naman ng aktres sa showbiz ay mabilis na
dinepensahan si Angel nang malaman ang isyu.

Cristine Reyes: "Actually, si Angel and si Bubbles [Paraiso], silang dalawa yung sobrang
maalaga sa sarili nila. So, hindi ko alam kung bakit sila naiisyu ng ganun."

Valerie Concepcion: "Mabait si Angel. Dyusko, sa tinagal-tagal na magkakilala kami never ko


naman siyang nakitang nalasing!"

Luis Manzano: "I can vouch for it. I can bet everything that I have. Hindi siya lasenggera. She's
not alcoholic. I know that for a fact. People close to her, people who know her, and her fans
know that hindi siya ganun."

Kung ang mga kaibigan at malalapit na tao kay Angel ay nagsalita na upang ipagtanggol siya,
hanggang ngayon naman ay nananatiling tahimik si Angel tungkol sa mga bagong paratang sa
kanya.

Bukas ang PEP sa kung anumang pahayag ni Angel tungkol sa mga panibagong isyu na
ipinupukol sa kanya.

You might also like