Si Dominador Gomez ay isangmanggagamot, propagandista at mambabatas.
Siya ay humalili kay Isabelo De Los Reyes bilang lider ng Union Obrero Democratica. Si Gomez ay nag-aral ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas at ipinagpatuloy niya ito sa Madrid sa Espanya. Sumali siya sa isang grupo sa Espanya na pinamumunuan nila Dr. Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar na sila ring nagsimula ng kilusang propaganda upang mabago ang pulitikal at sosyal na reporma sa Pilipinas. Gamit ang palayaw na Ramiro Franco, sinuportahan niya ang kilusan sa pamamagitan ng kanyang mga kontribusyong na inilathala sa opisyal na publikasyon ng organisasyon, ang La Solodaridad. Bilang bagong presidente ng Union Obrero Democratica de Filipinas, ang unang union sa Pilipinas, nanghikayat si Dominador Gomez ng mga miyembro para sa union sa mga kooperatiba, serbisyong medikal at legal. Pinalitan ni Gomez ang pangalan ng UOD sa UODF. Noong Mayo 1, 1903, pinamunuan niya ang isang pag-aalsa ng mahigit 100,000 na mga manggagawa na nag-martsa mula sa Plaza Moriones sa Tondo hanggang sa Malacaang bilang protesta sa polisiya ng Amerikano, sinisigaw ang Down with U.S. Imperialism!,na idineklara ng Lehislatura ng Pilipinas bilang Labor Day ang araw na iyon. Bilang parusa sa pagpoprotesta, inaresto si Gomez sa iligal na samahan at sedisyon at nasentensiyahan ng isang taon. Kasama ni Pedro A. Paterno at Pascual H. Poblete, itinatag nila ang Nacionalista Party noong 1900 at 1901. Hindi nagtagal ay sumali si Gomez sa grupong Federo-Tercerista, o kilalabilang Democratic Progresistas, na kalaban ng Nacionalistas. Noong 1916, si Gomez ay naging presidente ng Municipal Board of Manila. Nang ang Pilipinas ay nasa ilalim pa ng kolonya ng Espanya, si Gomez ay nagsilbi bilang volunteer ng hukbong espanyol sa digmaan sa Cuba, na binigyang parangal ng Reyna ng Cuba na si Reyna Maria Cristina.