Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO 3

Kristina Anne A. Biagtan

2ALM

NOBYEMBRE 3, 2015

TALAMBUHAY (CARLOS V. FRANCISCO)


Ang talambuhay ay isang tala ng buhay ng tao kung saan ito ay naglalaman ng personal na
impormasyon sa buhay ng isang tao, katulad na lamang ng kanyang kapanganakan, saan siya nag-aral,
ang kanyang mga tagumpay at kabiguan at kung ang ginagawan ng talambuhay ay sumakabilang buhay
na ay maaring ilagay ang kamatayan nito.
May dalawang uri ng talambuhay, ito ay ayon sa may akda at ayon sa nilalaman. Ang ayon sa
may akda ay mayroong isang talambuhay na pang-iba kung saan iba ang sumulat ng talambuhay ng
isang tao at ang talambuhay na pansarili naman ay ikaw mismo ang sumulat ng iyong talambuhay. Ang
ayon sa nilalaman naman ay may talambuhay na karaniwan kung saan ito ay isang paglalahad tungkol sa
buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama rito ang detalye tulad ng
kanyang mga magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga naging
tungkulin, mga nagawa, at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa kanya. Ang talambuhay na di
karaniwan naman ay hindi gaanong binibigyan-diin dito ang mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng
tao maliban kung itoy may kaugnayan sa simulain ng paksa, sa halip ay binibigyang-pansin dito ang
mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung paano nauugnay ang isang tao sa
kanyang tagumpay o kabiguan.
Ang mga elemento na nakita natin sa talambuhay ni Carlos V. Francisco o mas kilalang Botong
sa kanilang probinsya. Nakapaloob sa kanyang talambuhay na siya ay ipinanganak noong Nobyembre 4,
1913 sa Angono, Rizal. Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas School of Fine Arts. Ilan sa mga
naggawa ni Botong ay ang kanyang Pangkasaysayang mural ay matatagpuan sa Bulwagang maharnilad

ng Lungsod ng Maynila. Tinagurian din siyang pangunahing pintor ng bansa. Pumasok din siyang
Illustrador sa Tribune at La Vangurdia. Gumawa din siya sa backdrop ng Manila Grand Opening House
at sa Clover Theater. Si Botong din ay nagturo sa Unibersidad ng Santo Tomas. At naging taga disenyo
din siya ng mga kasuotan at kasamang gumawa ng iskrip ng nagdiriheng si Manuel Conde. Panghuli,
siya ay namatay noong Marso 31, 1969 sa edad na 56 taong gulang.
Ang kahingian o dibisyon ng retorika na ginamit sa talambuhay na ito ay ang imahinasyon na
Kung pag-aaralan ang hagod ng pinsel ng maestro, sinasabing pahid ng amihan at habagat sa
pinaghalong kulay-lokal sa kaniyang mga obra. Pagsasaayos, ito ay ginamitan ng pagbabanghay kung
saan ang talambuhay na ito ay may simula, gitna at wakas. Ang estilo kung saan ang ginamit na wika ay
pormal. Para sa memorya naman ay maaring ito ay nabasa sa iba pang libro o di kaya naman ay
napanood o narinig ng may akda. Sa paghahatid naman ay ang nais iparating ng may akda ay dapat
huwag nating kakalimutan kung saan tayo nanggaling. Dapat din na magpasalamat tayo sa Diyos sa
lahat ng mga nakamit natin sa ating buhay.
Ang integrasyon ng Bisyon- Misyon at Aral Benediktino ay ang disiplina dahil ang pagpipinta ay
hindi ganon kadali kailangan ng disiplina para matapos ang ating mga ginagawa. Pagmamahal kay
Kristo at Kapwa dapat lamang na sa lahat ng bagay ay isaalang alang natin ang Diyos dahil alam natin
na hindi Niya tayo pababayaan. Ang panghuli ay ang pamayanan dahil dito sa talambuhay ni Botong
ipinakita niya ang pagmamahal sa kanyang pamayanan sa paraan na ginawa niyang inspirasyon ito sa
kanyang mga mural.

You might also like