Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF DANAO CITY
PRE- TEST SA FILIPINO 7
Piliin at bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.
1. Tekstong naglalarawan sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at tao.
A. Naglalarawan B. Naglalahad
C. Nagsasalaysay D. Nangangatuwiran
2. Likhang gawaing ipinapakita o inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng masining na
pagguhit.
A. Mockumentary B. Panayam
C. Collage
D. Poster
3. Ang salitang ugat sa salitang kabayanihan ay______.
A. Ba
B. kaba
C. Bayan
D. Bayani
4. Alin sa sumusunod ang ekspresyon ng posibilidad?
A. Ba
B. nga
C. tunay
D. sapagkat
5. Siya ang nagwikang Ang tunay na bayani ay hindi nasusukat sa kaniyang kalakasan
kundi sa sukat ng kaniyang puso o pagmamahal.
A. Bonifacio
B. Hercules
C. Rizal
D. Troy
6. May akda ng ABNKKBSNP Ko.
A. Bob Ong
B. Eros Atalia
C. Rio Alma
D. Michael Coroza
7. Barkadahan ng kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late pumapasok
ng room pagkatapos ng recess at lunch break.
A. Anak ni Rizal B. Spice Girls
C. Geeks
D. Clowns
8. Uri ng panitikan na ang mga tauhan ay mga hayop.
A. Parabola
B. Pabula
C. Alamat
D. Dula
9. Tekstong may layuning makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal tulad ng sanhi at bunga
ng mga pangyayari.
A. Naglalahad
B. Naglalarawan
C. Nangangatwiran D. Nagsasalaysay
10.Ang may-akda ng Sandaang Damit.
A. Rio Alma
B. Fanny A. Garcia C. Donato B. Sebastian
D. Bob Ong
11.Upang higit nating matiyak na naunawaan ang isang pabula, dapat alam natin ang
ibinigay nitong ____.
A. Aral
B. Suliranin
C. Tunggalian
D. Kasabihan
12.Isang araw, nakiusap ang Inang pusa sa Inang daga para bantayan ang anak niyang kuting
dahil ito ay maysakit.
Ang maysalungguhit ay_________.
A. Ekspresyong posibilidad
C. pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi
B. Pang-ugnay sa pagbibigay ng bunga
D. retorikal na pang-ugnay
13.__________, ikaw ang naging kabuuan ng aking pagkabata. Ano ang maaaring ipuno sa
patlang upang ito ay mapatotohanan?
A. Talagang
B. Tunay na
C. Sa totoo lang
D. Sa tingin ko
14.Ano ang denotasyong kahulugan ng balimbing?
A. Taksil
B. Sakim
C. prutas
D. Malambing
15.Ano ang konotasyong kahulugan ng ahas?
A. Hayop
B. Gumagapang
C. Taksil
D. Matapang

You might also like