Professional Documents
Culture Documents
Lesson Plan in Filipino Grade1 - Gloreli Canolo
Lesson Plan in Filipino Grade1 - Gloreli Canolo
Grade 1 Filipino
Prepared by:
Gloreli C. Canolo
M.A. in Education major in Cultural Education
La Salle University, Ozamiz City
March 3, 2013
School:
Topic:
Anahaw
Cultural Icon:
anhaw
Ang anhaw (Livistona rotundifolia) ay katutubong palma na may makinis na bunged o puno ng
kahoy at may mga dahong nakakumpol sa dulo ng bunged. Itinuturing itong Pambansang Dahon ng
Filipinas.
Ang dahon ng anahaw ay malapad at pabilog at kulay berde. Ang tangkay ng dahon ay matinik at
tumutubo nang paikot sa sariling katawan nito. Ang anahaw ay umaabot sa taas na 20 metro kung ito
ay tumutubo sa likas na kaligiran sa kagubatan. Ngunit kung ito namay nasa hardin o iba pang
artipisyal na lugar, tila napipigil ang paglaki at pagtaas ng palmang ito.
Ang dahon ng anahaw ay maaaring gamitin bilang materyal sa paggawa ng
bubong ng mga bahay kubo. Dahil sa kintab at hugis ng dahon nito, nagagamit
din itong pandekorasyon kapag may espesyal na pagdiriwang. Ang buko naman
nito ay ginugulay at kinakain. Ang puno ng kahoy o katawan nito ay ginagamit
namang sahig ng mga sasakyang pandagat o pundasyon ng bahay. (SAO) (ed
GSZ)
Mga Tanong:
a. Anong sagisag kultura ang binabasa natin?
b. Paano natin mailalarawan ang "Anahaw"?
c. Paano natin ito mapapakinabangan?
d. Bakit mahalaga ang sagisag kultura na ito sa ating
pamayanan?
3. Engagement Activities:
(The teacher will group the pupils into 4 and do the
following)
Group #1
Iguhit ang anahaw sa isang manila paper at kulayan ito.
Mga Tanong:
1. Anong sagisag kultura ito?
2. Isulat ang mga salitang naglalarawan sa anahaw.
( Ibabahagi ng grupo ang kanilang nagawa sa harap ng klase)
Group #2
Iguhit ang anahaw bilang pangdekorasyon sa mga selebrasyon.
Mga Tanong:
1. Paano ninyo ginagamit ang anahaw? Paano ninyo inilalarawan
ang anahaw batay sa inyong ginawa?
2. Magbigay ng mga selebrasyon na maaring magagamit ang
anahaw.
(ibabahagi ng mga bata ang kanilang nagawa sa harap ng klase)
Group # 3
Magsasagawa ng isang cultural mapping. Iguhit ang
lokasyon ng anahaw na ating pinuntahan kanina.
Mga tanong:
1. Ibigay ang lokasyon ng anahaw ayon sa inyong igunuguhit. Paano
ninyo ito mailalarawan batay sa inyong ginawa?
Mga tanong:
1.Paano ninyo ginagamit ang anahaw?
2.Paano ninyo mailalarawan ang anahaw batay sa ginawa ng inyong
grupo?
Generalisasyon:
a. Paano natin inilalarawan ang sagisag kultura na "Anahaw"?
- Ibigay ng mga bata ang mga salitang naglalarawan sa anahaw at
isusulat nila ito sa pisara.
b. Paano natin mapapakinabangan ang bawat bahagi ng puno ng
anahaw?
- Ibigay ng mga bata ang bawat halaga nito tulad ng sa dahon,
buko at katawan nito.
c. Paano ito nakakatulong sa ating pamayanan?
d. Paano natin ito mapapanatiling mahalaga sa ating kultura?
Value and subject integrations:
Araling Panlipunan Pagbibigay ng lokasyon sa anahaw na
makikita sa paaralan.
Arts Pagguhit ng anahaw bilang dekorasyon at bubong sa bahay
Edukasyon sa pagpapakatao Pagpapahalaga sa anahaw sa ating
pamayanan.
IV Ebalwasyon: Rubrics ng kanilang ginagawa sa bawat grupo.
V Takdang-aralin: Magsulat ng dalawang pangungusap na naglalarawan sa
anahaw.