Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 63

Tawhid /

Level - 3

NILALAMAN
Pahina
Aralin 1
JAHILIYYAH
FISQ
Aralin 2
DHALAL (Paglihis)
RIDDAH: ang mga Uri at Batas
Aralin 3
SIHIR (Mahika, Salamangka at Karunungang-itim)
Aralin 4
JINN
Aralin 5
MGA SINASANIBAN (POSSESSED) AT ANG
PANGGAGAMOT (EXORCISM)
Aralin 6
PANGUNGULAM AT PANGHUHULA
Aralin 7
ANTING-ANTING
Aralin 8
ANG PAG-ANGKIN NG KAALAMAN SA MGA DINAKIKITA
MGA PANGITAIN
Aralin 9
PAGBIBIGAY NG MGA ALAY, PANATA, REGALO, AT MGA
PUNTOD NA PINAGSASAMBAHAN
ANG BATAS SA PAGSAMBA SA MGA REBULTO, MGA
MONUMENTO AT MGA DIYUS-DIYUSAN
Aralin 10
ANG BATAS SA PAGKAHATI NG PANANAMPALATAYA AT
ANG KAWALAN NG PAGGALANG SA MGA
IPINAGBABAWAL NITO
ANG PAMUMUNO SA PAMAMAGITAN NG IBA MULA SA
KUNG ANO ANG INIHAYAG NG ALLAH
Aralin 11
ANG KATAYUAN NG PAGPAPATUPAD NG IBANG MGA
BATAS MALIBAN SA BATAS NG ALLAH
PAG-AANGKIN NG KARAPATAN SA PAGSASAGAWA NG
BATAS, PAGPAPAHINTULOT AT PAGBABAWAL
Aralin 12
ANG BATAS SA PAGSAPI SA MGA SEKTA NG MGA
ATHEIST AT ANG MGA LAPIAN NG KAMANGMANGAN

2
3
6
7
10
15
19
23
29
35
37
41
44
47
49
53
55
59

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

ARALIN 1

1- JAHILIYYAH
Ang kalagayan kung paano ang mga Arabo bago sumapit ang Islam, sa
panahong sila ay mangmang tungkol sa Allah, sa Kanyang mga Sugo at
sa Kanyang mga batas, at ipinagmamalaki ang karangalan ng kanilang
angkan, pagmamayabang, kawalan ng habag, at ang mga kahalintulad.
Ang Jahiliyyah ay isang kamangmangan, o kakulangan ng kaalaman.
Sinabi ni Shaikul-Islam Ibn Taymiyyah: Siya na hindi nalalaman ang
katotohanan ay nagkakaroon ng isang pangkaraniwang kamangmangan,
subalit kapag siya ay naniwala ng iba sa katotohanan, ang kanyang
kamangmangan ay nagiging masalimuot. Kapag siya ay magsasalita
laban sa katotohanan nalalaman man niya ito o hindi, siya ay isang
mangmang din. Sa paglilinaw nito, ang mga tao ay nasa panahon ng
kamangmangan bago dumating ang Misyon ng Sugo ng Allah, sapagkat
ang kanilang sinusunod na mga salita at mga gawa ay pawang gawagawa lamang ng mga mangmang at isinasagawa naman ng mga
mangmang.
Sa magkahalintulad na pagkakataon, anumang bagay na sumasalungat
kung ano ang dala ng Sugo maging ito ay mga Mensahe ng Judaismo o
kaya Kristiyanismo, ay maituturing na Jahiliyyah. Ganito ang
pangkalahatang Jahiliyyah. Subalit matapos ang misyon ng Sugo ng
Allah ito ay hindi nagiging pangkalahatan, sa halip ang Jahiliyyah ay
maaaring manatili sa isang bansa o sa iba. Ito rin ay nananatili sa bansa
ng mga di naniniwala (mga bansang hindi Muslim). Maaari rin itong
manatili sa isang tao o sa iba. Halimbawa, bago yumakap sa Islam ang
isang tao ay nasa Jahiliyyah kahit na siya ay nakatira sa bansa ng mga
Muslim. Subalit walang pangkalahatan o ganap na Jahiliyyah matapos
ang misyon ni Muhammad. Kinakailangan na mayroong matagumpay na
pagkakabuklod ang kanyang Ummah (bansa) na nakakapit sa
katotohanan hanggang sa Huling Araw.
Ang limitadong Jahiliyyah, sa ibang pagkakataon, ay maaaring manatili
sa ibang mga bansa na Muslim at sa maraming mga Muslim. Ang Sugo
ng Allah ay nagsabi:
Mayroong apat na katangian ang Jahiliyyah sa aking Ummah na
kailanman ay hindi nila maiiwanan: pagyayabang sa karangalan

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

ng kanilang angkan, paghahanap ng kamalian sa mga ninuno ng


iba, paghiling sa mga bituin para sa ulan, at ang panaghoy sa
patay. Muslim
Si Abu Dharr ay nag-ulat:
Hinamak ko ang isang lalaki at nagsalita ako ng masama sa
kanyang ina pagkatapos ay sinabi sa akin ng Propeta: O Abu
Dharr, nagsalita ka ba ng masama sa kanyang ina? Ikaw ang
taong nagtataglay ng bakas ng Jahiliyyah. Bukhari
Sa madaling sabi, ang Jahiliyyah ay hinango mula sa salitang Jahl na
ang ibig sabihin ay kulang sa kaalaman. Ito ay may dalawang uri:
1.

Pangkalahatang Jahiliyyah, na nanatili bago sumapit ang misyon


ng Sugo at nagwakas pagsapit nito.

2.

Limitadong Jahiliyyah, na nananatili sa ibang mga bansa, mga


siyudad, o mga tao. Kayat nagiging malinaw ang kamalian ng mga
taong
nag-uugnay
ng
Pangkalahatang
Jahiliyyah
sa
pangkasalukuyang panahon na tinutukoy ito bilang Jahiliyyah ng
dantaon o ang kahalintulad. Gayong ang tamang pangungusap ay
ang sabihin na ang Jahiliyyah ng ilan o nakararami sa mga tao ng
dantaong ito. Hindi maaaring maging tama o di kaya ay
pahintulutan na iugnay ang pangkalahatan para dito, sapagkat ang
Pangkalahatang Jahiliyyah ay pinawi ng misyon ng Propeta.

2-

FISQ

Fisq, sa lingguwistikal na kahulugan ay palabas mula sa at sa batas


ay ang paglisan mula sa pagsunod sa Allah. Ito ay binubuo ng ganap na
paglisan mula sa pagsunod sa Allah na nararapat sa mga di naniniwala,
at ito naman ay binubuo ng bahagi ng paglisan sa pagsunod sa Allah na
inugnay sa isang mananampalataya na gumagawa ng isang malaking
kasalan. Ang Fisq ay may dalawang kaurian:
1.

Na bumubuo ng isang pagtalikod sa Islam (mortad), halimbawa,


pagkadi-matapat; sa ganitong pagkakataon ang Kafir ay tinatawag
na isang Fasiq, katulad ng pagtawag ng Allah kay Iblis:

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

At sinuway ang utos ng kanyang Panginoon.


Surah al-Kahf 18:50

Ang uri ng Fisq na ito na kagaya ng ginawa ni Iblis ay bumubuo ng


isang di paniniwala. At winika ng Allah:

At para sa mga sumusuway, ang kanilang kahahantungan


ay ang Apoy. Surah al-Sajdah 32:20
Ipinakahulugan ng Allah ang mga di matapat bilang
sumusuway katulad ng ipinahiwatig sa Kanyang mga salita:

mga

Sa tuwing sila ay nagnanais lumabas mula rito (Apoy) sila


ay ibabalik muli at sasabihin sa kanila Tikman ang
kaparusahan ng Apoy na inyong pinasisinungalingan. Surah
al-Sajdah 32:20

2.

Kahit na ang isang sumusuway na Muslim ay tatawaging Fasiq,


subalit ang kanyang Fisq ay hindi maglalabas sa kanya sa
panuntunan ng Islam, katulad ng mga tinukoy ng Allah sa
sumusunod talata:






At ang mga nagpaparatang sa mga walang-dungis na
kababaihan na hindi makapagbigay ng apat na saksi,
hagupitin sila ng walumpung palo at kailanman ay huwag
tanggapin ang kanilang panunumpa , at sila yaong mga
Fasiq. Surah al-Nur 24:4

Winika rin ng Allah:

Kayat sinuman ang maglayon na magsasagawa ng Hajj,


magkagayon, hindi siya dapat makipagtalik (sa kanyang

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

asawa), o di kaya ay gumawa ng anumang Fusuq


(masamang gawain o kasalanan), o di kaya ay makipagtalo
ng walang kabuluhan, habang nagsasagawa ng Hajj.
Surah al-Baqarah 2:197

Ipinaliwang ng mga maalam ang salitang Fusuq bilang mga gawa


ng pagsuway.1
Talakayin:
1. Ang Jahiliyyah
2. Mga katangian ng Jahiliyyah sa Ummah ng Propeta na kailanman
ay hindi nila maiiwanan.
3. Ang pinagkaiba sa pagitan ng Pangkalahatan at Limitadong
Jahiliyyah.
4. Ang Fisq
5. Ang dalawang uri ng Fisq.

Ang aklat ni Shaikhul-Islam Ibn Taymiyyah p.278

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

ARALIN 2

3-

DHALAL (Paglihis)

Paglihis mula sa tamang daan o landas na siyang kabaligtaran ng


patnubay. Ang Allah ay nagwika:

Siya na sinusunod ang tamang daan ay sinusunod lamang ito


para sa kanyang kabutihan, at siya na lumilihis ay lumilihis
lamang para sa kanyang sariling kawalan. Surah al-Isra 17:15
Ang Dhalal ay binubuo ng maraming mga kahulugan:
1. May mga pagkakataon na ito ay tumutukoy sa di paniniwala, katulad
ng ipinahiwatig ng Allah:

At sinuman ang hindi maniwala sa Allah at sa Kanyang mga


anghel, at sa Kanyang mga Aklat, at sa Kanyang mga Sugo, at sa
Huling Araw, ay katiyakan na naligawa ng malayo.
Surah al-Nisa 4:136

2. May mga pagkakataon na ito ay tumutukoy sa Shirk (pagtatambal)


katulad ng ipinahiwatig sa mga salita ng Allah:

At sinuman ang magbigay katambal sa Allah ay katotohanang


naligaw ng malayo. Surah al-Nisa 4:116
3. May mga pagkakataon na ito ay tumutukoy sa pagsalungat na mas
mababa kaysa sa di paniniwala, katulad ng mga sektang naligaw na
sumasalungat sa Ahl as-Sunnah.
4. May mga pagkakataon na ito ay tumutukoy sa mga pagkakamali
katulad ni Moises na iniligtas ng Allah mula sa kasamaan:
Sinabi ni Moises:

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

.. ginawa ko ito, at ako ay isa sa mga nagkamali.


Surah al-Shura 26:20

5. May mga pagkakataon na ito ay tumutukoy sa pagkakalimot katulad


ng nasasaad mula sa Allah sa paggalang sa mga saksing kababaihan:

Kapag nakalimot ang isa sa kanila ang iba ay maaaring


magbigay ng paalala sa kanya. Surah al-Baqarah 2:282
6. Ito rin ay tumutukoy sa mga nawawalang gamit o bagay katulad ng
sinasabing naligaw ng kamelyo.

4-

RIDDAH: ang mga Uri at Batas

Sa lingguwistikal na kahulugan ay
ipinahiwatig sa mga salita ng Allah:

ang

pagbabalik,

katulad

ng

At huwag kayong magsipag-atrasan. Surah al-Maidah 5:21


Ito ay ang huwag bumalik sa di paniniwala. Samantala, ang Riddah sa
batas ng terminolohiya ay isang pagtalikod matapos mag-Muslim.
Winika ng Allah:

At sinuman sa inyo ang tumalikod mula sa kanyang


pananampalataya at namatay bilang isang kafir (di-naniniwala),
sila yaong ang mga kabutihan ay mawawalang saysay sa
mundong ito at sa kabilang buhay. Sila ay mananahan sa Apoy at
mananatili doon magpakailanman. Surah al-Baqarah 2:217

ANG MGA URI NITO

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Ang pagtalikod (apostasy) ay maaaring magkabisa sa pamamagitan ng


paggawa ng napakaraming mga nagpapawalang-bisa ng Islam at ang
mga ito ay maaaring buuin sa apat na mga uri:
1. Pagtalikod sa pananalita,
katulad ng paghamak sa Allah, ang
Kataas-taasan, o sa Kanyang Sugo, sa Kanyang mga anghel o
sinuman sa Kanyang mga Sugo. O sa pag-aangkin ng kaalaman sa
mga hindi nakikitang mundo, o pagka-Propeta o maniwala sa mga
nag-aangkin nito. O di kaya ay humingi ng tulong sa iba maliban sa
Allah sa mga bagay na tanging ang Allah lamang ang makagagawa, o
ang magpakupkop sa iba maliban sa Allah.
2. Pagtalikod sa mga gawa,
katulad ng pagpapatirapa sa mga
diyus-diyusan, sa bato, sa libingan, o ang pag-aalay sa kanila, o kaya
ay sa paghahagis ng Aklat ng Allah sa mga maruruming mga lugar,
pagsasagawa ng mga pangungulam, ang pag-aaral at pagtuturo nito,
o ang pagpapasiya na mula sa iba maliban sa mga batas ng Allah, at
ang pag-iisip dito bilang isang gawa na katanggap-tanggap.
3. Pagtalikod sa paniniwala, katulad ng paniniwala na ang Allah ay
mayroong katambal, o ang maniwala na ang pakikiapid, paggamit ng
mga nakalalasing na inumin o ang patubuan ay pinahihintulutan. O
ang paniniwala na ang pagkain ng tinapay ay hindi pinahihintulutan,
o di kaya ay maniwala na ang Salah ay hindi sapilitan, o ang iba
pang mga bagay na ang pagka-lehitimo o kapahintulutan nito,
pagbabawal o pagpapatupad ng mga ito ay napagkaisahan at
mahigpit na napagkasunduan, o ang mga pangkaraniwang nalalaman
katulad nito.
4. Pagtalikod sa pag-aalinlangan,
ang pag-alinlanganan na ang
pagtatambal sa Allah ay labag sa batas ng Islam, pagbabawal, o ang
pakikiapid, o ang pag-inom ng mga nakalalasing na inumin, o ang
kapahintulutan sa pagkain ng tinapay, o ang pagkakaroon ng pagaalinlangan sa paggalang sa Mensahe ng Propeta, o ang Mensahe ng
ibang mga Propeta, o ang paghinala sa katotohanan ng Propeta, o
Islam, o ang pag-aalinlangan sa katotohanan ng Islam sa
pangkasalukuyang panahon.

Ang batas sa pagbatalikod

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

1 Pagsisisi ng isang tumalikod: Kung siya ay nagsisi at bumalik sa


Islam sa loob ng tatlong araw, dapat itong tanggapin sa kanya at
dapat muna siyang hayaan.
2 Kung siya ay tumangging magsisi, dapat siyang patayin, sangayon sa pangungusap ng Propeta:
Siya na tumalikod mula sa kanyang pananampalataya,
patayin siya. Bukhari at Abu Dawud
3 Habang nasa panahon ng pagpapaliban, dapat siyang pagbawalan
sa kanyang mga ari-arian, dahil kung hindi, ang mga ito ay
mabibilang sa ingatang-yaman, mula sa kanyang kamatayan o
pagpatay sa kanya. Sinabi rin na sa sandali na siya ay tumalikod
ang lahat ng kanyang mga ari-arian ay dapat gugulin sa
kapakinabangan ng mga Muslim
4 Ang pagtalikod ay nagbabawal sa isa na makakuha ng mana; ang
isang tumalikod sa Islam ay hindi maaaring magmana mula sa
kanyang mga kamag-anak, o di kaya ay sila sa kanya.
5 Kapag ang tumalikod ay namatay, o kapag siya ay pinatay, hindi
siya dapat i-ghusul o di kaya ay pagdasalan ng Janazah, o di kaya
siya ay ilibing sa libingan ng mga Muslim, sa halip ay ilibing siya
sa mga libingan ng mga di naniniwala o kahit na saan maliban
lamang sa mga libingan ng mga Muslim.
Talakayin:
1. Mga kahulugan ng Dhalal
2. Ang Riddah
3. Mga uri ng pagtalikod
4. Mga batas sa pagtalikod

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

ARALIN 3

SIHIR (MAHIKA, SALAMANGKA O KARUNUNGANG ITIM)


Kahulugan ng mahika
Ang mahika ay maaaring ipakahulugan sa mga animoy pumipigil sa
mga pangitain ng mga likas na mga puwersa sa pamamagitan ng mga
ritwal na panalangin sa mga kahima-himalang mga kasangkapan,
gayundin ang paniniwala na ang isang tao ay may kakayahan na
puwersahin ang kalikasan sa pamamagitan ng mga seremonya, mga
pormula o kaya ay mga galaw.
Ang pag-aaral sa mga likas na pangyayari ay nakagawiang tawagin na
white o likas na mahika (natural magic), na nilinang sa makabagong
likas na mga siyensiya. Kilala mula rito ay ang black magic, o ang
pangungulam na nagtatangka na gumamit o manalangin sa mga
kahima-himalang mga kapangyarihan para sa pansirli o pananakot na
mga kadahilanan.
Ang pangungulam, panghuhula o nigromansiya ay ilan lamang sa mga
bagay na karaniwang naririnig natin kapag pinag-uusapan ang tungkol
sa mga mahika at ang mga nagsasagawa nito. Ang pangungulam ay
isang panggagaway na kalimitang ginagawa ng babae na tinutulungan
ng demonyo. Ang panghuhula ay tumutukoy sa pagtatangka na
makakuha ng kahima-himalang pangitain, samantala ang nigromansiya,
o pakikipag-usap sa patay, ay isa sa pamamaraan ng panghuhula.
Sihir
Sa wikang Arabik, ang katagang Sihir ay walang pinagkaiba sa pagitan
ng mga sangay ng mahika. Kasama rito ang mahika, pangungulam,
panghuhula at nigromansiya. Binibigyang kahulugan ito sa Arabik bilang
anuman na naging sanhi sa pamamagitan ng lingid o tusong mga
puwersa. Halimbawa, si Propeta Muhammad ay naiulat sa hadith na
nagsabi:
Katotohanan ang ibang mga anyo ng pananalita ay mahika.
Bukhari, Muslim, Abu Dawud at Tirmidhi

10

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Ang pananalita kapag minsan ay nakapanlilinlang. Ang isang mahusay


na tagapagsalita ay nagagawa niyang tama ang mali at ang
kabaligtaran. Ang Propeta ay nagtukoy sa ibang mga aspeto ng
pananalita bilang kabigha-bighani. Ang pagkain bago sumapit ang
bukang-liwayway ay tinatawag sa Arabik na Sahur1 (mula sa salitangugat na Sihir) sapagkat ang oras nito ay nasa dulo ng karimlan ng gabi,
na tinatawag na Sahir sa Arabik, sapagkat ito ay itinuturing na pinaka
mahusay na oras na pagsasagawa ng pangungulam.2
Ang katunayan ng mahika
Naging bantog na sa pangkasalukuyang panahon ang pagtanggi na ang
mahika ay tunay na walang katotohanan. Ang iba ay nagsasabi na ito ay
psychological, at ang iba naman ay nagsasabi na ito ay bunga lamang
ng paniniwala dito. Ang iba ay nagsasabi rin na ito ay panlilinlang at
kabit-kabit na uri ng mga pandaraya. Subalit, sa Islam ay itinuturing
itong isang bagay na tunay.
Totoo na karamihan sa mga mahika na naglipana sa ngayon ay bunga
ng mga panlilinlang, gumagamit ng mga kasangkapan na espesyal na
dinisenyo upang makapanloko ng mga manonood. Datapuwat may mga
natitirang tao na gumagawa ng tunay na mahika sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan sa mga demonyo, ang mga masasamang jinn. Bago
natin talakayin ang mga jinn at ang kanilang mga kakayahan, pansinin
ang mga patunay mula sa Quran at Sunnah na sumusuporta sa
kalagayan na ang Islam ay kinikilala ang katotohanan ng mahika.
Mga uri ng mahika
Bago pa lamang talakayin ang mahika sa Quran, isinalarawan na ng
Allah ang pag-uugali ng gumagawa ng mahika sa mga propeta at
kapahayagan:



At nang dumating sa kanila ang Sugo mula sa Allah na
pinatutunayan kung ano ang nasa kanila, ang ibang panig sa

1
2

O kaya ay Suhur
Taysir al-Aziz al-Hamid, p. 382

11

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

kanila na pinagkalooban ng mga Kapahayagan ay itinapon ang


Aklat ng Allah sa kanilang mga likuran na para bang wala silang
nalalaman tungkol dito. Surah al-Baqarah 2:101
Matapos ipakita ng Allah ang pagkukunwari ng mga Hudyo tungkol sa
mga propetang ipinadala sa kanila, nagpatuloy ang Allah upang ihiwalay
ang kasinungalingang gawa-gawa nila tungkol kay Propeta Sulayman
(as):














Sinunod nila kung ano ang ibinulong ng mga Demonyo tungkol
sa kaharian ni Solomon. Subalit hindi si Sulayman ang nawalan
ng paniniwala, at sa halip, ang mga Demonyo ang nawalan ng
kanilang paniniwala sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga tao
ng mahika, at kung ano ang inihayag sa dalawang anghel na
Harut at Marut sa Babylon. At hindi nila ito itinuturo kaninuman
hanggat hindi nila sinasabi na kami ay mga pagsubok lamang
kayat huwag mawalan ng paniniwala. Subalit ang mga tao ay
nagpatuloy at pinag-aralan ang mula sa kanilang dalawa kung
papaano paghihiwalayin ang lalaki sa kanyang asawa. Ngunit
hindi sila makapananakit ng sinuman sa pamamagitan nito kung
walang kapahintulutan ang Allah. At kanilang natutuhan lamang
ay kung ano ang makasasakit sa kanilang sarili at hindi nila ito
pinakinabangan. At tiyak na kanilang napag-alaman na sinuman
ang tumangkilik nito ay hindi magkakamit ng kabutihan sa
Kabilang Buhay. Tanging kasamaan lamang ang kanilang
mapapala kung papaano nila ipinagbili ang kanilang mga sariling
kaluluwa, kung kanila lamang nalalaman.
Surah al-Baqarah 2:102

Pinangangatuwiranan ng mga Hudyo na ang pagsasagawa nila ng


mahika ay natutuhan na rin nila mula kay Propeta Sulayman, na
tinatawag na Cabala. Ipinaliwanag ng Allah na matapos nilang ihagis
ang banal na kapahayagan sa kanilang mga likuran at itanggi ang huling
propeta, pinili ng mga Hudyo na sundin ang mga pormula ng mahika na
itinuro sa kanila ng mga demonyo.

12

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Ang mga demonyo na ito ay nakagawa na ng di paniniwala sa pagtuturo


pa lamang nito. Nagturo rin sila ng sining ng pangungulam na tinatawag
na astrolohiya. Ito ay itinuro na noong mga unang panahon pa sa
pamamagitan ng dalawang mga anghel na si Harut at Marut na
ipinadala bilang mga pagsubok sa mga mamamayan ng Babylon. Ang
mga ito ay nagbabala sa mga tao na huwag magkasala ng di paniniwala
sa pamamagitan ng pag-aaral ng mahika bago nila ituro sa kanila ang
mga simulain nito, subalit ang mga tao ay hindi nakinig sa kanilang
mga babala. Napag-aralan nila kung papaano magdulot ng pagkamuhi
sa pagitan ng mga tao at sirain ang pagsasama ng mga mag-asawa
hanggang sa sidhi ng pagnanais na sila ay makasakit ng kahit na sino
na kanilang naisin. Gayunpaman, ang Dakilang Allah lamang ang
Tanging may kapahintulutan kung kanino ito makapipinsala at kung
kanino ito hindi makapipinsala. Ang kaalaman na kanilang natutuhan ay
walang pakinabang sa kanila sa halip ay sasaktan lamang nila ang
kanilang mga sarili sa pag-aaral nito. Sapagkat ang mga gawa ng di
paniniwala ang kinakailangan upang maisagawa nila ang tunay na
mahika. Kayat sinasaktan lamang nila ang kanilang sarili sa
paninigurado ng lugar na kasasadlakan nila sa Impiyerno.
Winakasan ng Allah ang talata ng isang paalaala ng habag upang
patunayan sa kanila kung gaano kaselan ang kanilang kalagayan. Kung
nalalaman lamang ng mga Hudyo kung gaano kalupit ang parusa sa
kabilang buhay, kanilang mapag-iisipan kung gaano kakila-kilabot sa
kanila ang pagbebenta ng kanilang kaluluwa sa panghinaharap dahil
lamang sa isang walang kuwentang pandaraya sa maikling buhay na ito.
Ang talatang ito ay malinaw na nagbibigay kahulugan sa mahika bilang
isang ipinagbabawal mula sa At tiyak na kanilang napag-alaman
na sinuman ang tumangkilik nito ay hindi magkakamit ng
kabutihan
sa
Kabilang
buhay.1
Ang
walang-hanggang
kahahantungan sa Apoy ay ang tanging parusa sa gawaing haram. Ang
talata ay nagpapatunay din na ang salamangkero, gayundin ang mga
nag-aaral
at
nagtuturo
nito
ay
maituturing
na
mga
di
mananampalataya. Ang parirala, sinuman ang tumangkilik nito ay
nagpapahiwatig ng pangkalahatan: sinuman na pinagkakakitaan ito sa
pagtuturo o sinuman ang nagbabayad upang ito ay matutuhan o kaya
naman sa isang simpleng dahilan na kung sinuman ang may nalalaman
dito. Tinukoy din ng Allah ang mahika bilang isang Kufr (di paniniwala)
sa parirala, na kami ay mga pagsubok lamang kayat huwag
mawalan ng paniniwala. at At hindi si Sulayman ang di
naniwala, ang mga Demonyo ang nawalan ng kanilang
1

Quran, Surah al-Baqarah 2:102

13

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

paniniwala sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga tao ng


mahika..
Ang mga nabanggit na mga talata ay nagpapatunay na walang pagaalinlangan na ang mahika ay tunay. Mayroon ding hadith na naitala sa
Sahih al-Bukhari at iba pang mga aklat ng hadith na nagbabanggit na
ang Propeta sa kanyang sarili ay nagdanas din bunga ng mahika
(pangungulam). Iniulat ni Zayd ibn Arqam na may isang Hudyo na ang
pangalan ay Labeed ibn Asam na kumulam sa Propeta at nang
magsimula siyang makaramdam nito, si Jibril ay dumating sa kanya at
inihayag ang Muawwadhatayn (Surah al-Falaq at Surah an-Nas) at
sinabi sa kanya, Katiyakan na Hudyo ang may kagagawan ng
pangungulam sa iyo at ang ginamit na pangkulam ay matatagpuan sa
isang balon. Inutusan ng Propeta si Ali ibn Abi Talib na kunin ito. Nang
bumalik si Ali na dala ang pangkulam, ipinatanggal ng Propeta sa kanya
ang pagkakabuhol nito, isa-isa, habang binibigkas ang mga talata ng
Surah sa bawat isa. Nang matapos niya ito, tumayo ang Propeta na
parang nakawala sa pagkakagapos.1
Talakayin:
1. Ang Sihr
2. Ang katunayan ng Sihr
3. Ang Cabala
4. Nakulam ang Propeta

Kinalap ni Abd ibn Humayd and al-Bayhaqi, at karamihan sa ulat ay matatagpuan sa Sahih al-Bukhari at
Sahih Muslim

14

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

ARALIN 4

JINN
Ang mundo ng mga Jinn
Ang bawat bansa sa mundo ay mayroong mga talaan ng mga taong
nagsagawa ng ibang anyo ng mahika. Kahit na ang iba sa mga ito ay
mga huwad, hindi maaaring ang buong sangkatauhan ay magkasundo
upang gumawa ng mga kuwento tungkol sa mga pangyayaring may
kababalaghan. Sinuman ang masusing pag-aralan ang pagdami ng mga
naitalang mga pangyayari ng mga kababalaghan ay magsasabi na
mayroong katotohanan ang iba sa mga ito. Pinagmumultuhang mga
bahay, ouija board, pakikipag-usap sa mga espiritu, mangkukulam, mga
sinasaniban ng espiritu, speaking in tounges at ang paglutang sa hangin
(levitation) na ang lahat ng mga ito ay palaisipan sa mga taong hindi
nalalaman ang mundo ng mga jinn. Ang lahat ng mga ito ay nangyayari
at matatagpuan sa lahat ng mga lugar. Kahit na ang mundo ng mga
Muslim ay hindi ligtas sa ganitong mga kababalaghan. Halimbawa,
maraming mga Shaykhs ng ibat ibang mga sekta ng Sufi (mahiwaga)
ay kayang magpalutang sa hangin, nakapaglalakbay ng malayo sa isang
kisap-mata lamang, o nakapagpapakita ng mga pagkain o pera mula sa
kawalan. Ang mga mangmang na mga tagasunod nito ay naniniwala na
ang mga kababalaghang ito ay mga banal na milagro hanggang sa
kusang loob nilang ipagkaloob ang kanilang mga kayamanan at mga
buhay upang makapaglingkod lamang sa kanilang mga Shaykhs.
Subalit sa likod ng mga kaganapang ito ay mayroong mga nakatago at
kapahamakan na mundo ng jinn.
Ang pagpapakita ng mga jinn
Ang mga jinn ay kinakailangang hindi nakikita maliban na lamang sa iba
na nagpapakita sa mga anyo ng ahas at aso. Gayunpaman, may
kakayahan silang mag-anyo ng kanilang nais, kahit na ang anyo ng tao.
Halimbawa, sinabi ni Abu Hurayrah:
Ako ang itinalaga ng Sugo ng Allah upang mangalaga sa Zakah
ng Ramadhan. Habang pinangangalagaan ko ito ay may isang
dumating at nagsimulang maghalungkat sa palibot ng pagkain

15

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

subalit siya ay aking nahawakan. Sinabi ko, pangako sa Allah,


dadalhin kita sa Sugo ng Allah! Ang lalaki ay nagsumamo,
Alamo mo, mahirap lamang ako at maraming umaasa sa akin.
Kailangang-kailangan ko lamang ang mga ito. Kayat hinayaan
ko siyang umalis. Nang sumunod na umaga ang Propeta ay
nagsabi, Tiyak na ang taong iyon ay nagsinungaling sa iyo at
siya ay magbabalik. Dahil alam ko na siya ay magbabalik,
naghintay ako sa kanya. Nang siya ay nagbalik at nagsimulang
maghalungkat sa mga pagkain, sinunggaban ko siya at sinabi ko,
Tiyak na akong dadalhin kita sa Sugo ng Allah. Ang lalaki ay
nakiusap, Pakawalan mo ako! Sinabi ko naman sa iyo na
mahirap lamang ako at mayroon akong pamilya. Hindi na ako
babalik. Naawa ako sa kanya at pinakawalan ko na siya. Nang
sumunod na umaga ang Propeta ay nagsabi, O Abu Hurayrah,
ano ang ginawa ng iyong nahuli kagabi? Sinabi ko na siya ay
nakiusap na siya ay nangangailangan lamang dahil mayroon
siyang pamilya kayat pinakawalan ko siya.
Sumagot ang
Propeta, Tiyak na nagsinungaling siya sa iyo at siya ay
magbabalik.
Kayat naghintay ako sa lalaki hanggang sa
sinunggaban ko siya nang mag-umpisa na siyang magkalat ng
mga pagkain. Sinabi ko, Pangako sa Allah, dadalhin kita sa Sugo
ng Allah. Pangatlong beses na ito at nangako ka na hindi ka na
babalik, pero bumalik ka pa rin! Siya ay nagsabi, Hayaan mong
bigyan kita ng mga salita na pakikinabangan mo mula sa Allah.
Sinabi ko, Ano ang mga iyon? Ang lalaki ay sumagot, Sa
tuwing ikaw ay matutulog, bigkasin mo ang Ayatul-Kursi1 mula
sa umpisa hanggang sa matapos. Kung gagawin mo ito, ang
bantay mula sa Allah ay palaging magbabantay sa iyo at ang
Demonyo ay hindi makalalapit sa iyo hanggang sumapit ang
umaga. At siya ay aking pinakawalan. Nang sumunod na umaga
ang Propeta ay nagsabi, Ano ang ginawa ng nahuli mo kagabi?
Sinabi ko na ang lalaki ay nagsabi na tuturuan niya ako ng mga
salita na pakikinabangan ko mula sa Allah, kayat pinakawalan
ko siya. Nang tanungin ng Propeta kung ano ang mga ito, sinabi
ko na ito ay ang pagbigkas ng Ayatul Kursi bago matulog. Sinabi
ko rin sa kanya na ang lalaki ay nagsabi na ang bantay mula sa
Allah ay mananatiling kasama ko at ang Demonyo ay hindi
makalalapit sa akin hanggang sa paggising ko sa umaga. Ang
Propeta ay nagsabi, Tiyak na siya ay nagsabi ng katotohanan
gayung siya ay palaging nagsisinungaling. O Abu Hurayrah!
Kilala mo ba kung sino ang kinakausap mo sa mga nakalipas na
1

Quran - Surah al-Baqarah 2:255

16

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

tatlong gabi na ito? Ako ay sumagot, Hindi. At ang Propeta ay


nagsabi, Iyon ay demonyo. Bukhari
Ang kakayahan ng mga jinn
Ang mga jinn ay may kakayahan na maglakbay sa napakalayong mga
lugar sa isang iglap lamang at kaya nilang pasukin ang katawan ng mga
tao. Alam ng Allah kung bakit niya ibinigay ang ganitong mga
kakayahan katulad ng mga ibinigay Niyang mga kakayahan sa ibang
mga nilikha na higit sa kakayahan ng tao. Ngunit, kanyang pinili ang
mga tao na nakahihigit sa lahat ng mga nilikha.
Kung ang mga pangunahing katotohanan tungkol sa mga kakayahan ng
mga jinn ay nalalaman ng mga tao, ang lahat ng mga kamanghamangha at mga kababalaghang pangyayari na walang halong pandaraya
ay madaling maipaliliwanag. Halimbawa, ang mga jinn na nasa anyo ng
hindi nakikita ay madaling makakapagpatay-sindi ng ilaw, mga
kuwadrong naglalaglagan sa mga dingding, mga bagay na nagsisiliparan
at ang paglangitngit ng mga sahig, na nagiging sanhi sa mga nakatira
na ituring ito na isang minumulto. Katulad nito ang ouija board na
nagmimistulang sumasagot sa mga katanungan, ang mga pangangalabit
ng mga hindi nakikitang mga jinn ay madaling makapanakot kapag nasa
akmang lugar. Mayroon ding mga pagkakataon na ang mga espiritu ng
mga namatay na tao ay nakikipag-usap sa mga nabubuhay. Ang mga
tao na kilala nila ang tinig ng kanilang mga namatay na kamag-anak ay
naririnig nilang magsalita noong sila ay nabubuhay. Ito ay nagagawa sa
pamamagitan ng mga jinn na nakatalaga sa mga patay na tinatawag.
Ito ang mga jinn na ginagaya ang mga tinig ng mga namatay na tao at
iniuugnay ang mga pangyayari sa kanyang nakalipas. Mayroon ding
nagpapakita na pinalulutang nila ang mga bagay na hindi ito
hinahawakan. Ang mga ito ay binubuhat lamang ng mga hindi
nakikitang mga kamay ng jinn. Yaong mga nakapaglalakbay ng
napakalayong lugar at nasa dalawang lugar sa halos magkasabay na
oras ay inililikas ng kanilang mga kasama na hindi rin nakikita.
Gayundin, ang mga nakakapagpakita ng mga pagkain at pera na
nagmula sa kawalan ay tinutulungan din ng hindi nakikita at mabibilis
kumilos na mga jinn. Kahit na ang kababalaghan ng reincarnation
(pagbabalik muli) ay madaling maipaliwanag kapag nalalaman ang
kakayahan ng mga jinn. Halimbawa, ilang taon na ang nakalilipas, nang
may isang batang babae mula sa India ang nagpahayag ng kanyang
dating buhay na napakalinaw at ekstaktong mga pagkakataon.
Isinalarawan niya ang kanyang dating tahanan na nasa malayong

17

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

probinsiya mula sa kanyang tinitirahan. Nang puntahan ng mga tao


upang usisain, ang mga nakatira sa paligid ay nagpatunay na ang
tahanan ay dating nakatayo katulad ng pagsasalarawan ng batang
babae. Pinatunayan din nila ang ilan sa mga pangyayari sa dati niyang
buhay.1 Pinatotohanan ng Propeta na ang isipan ng tao ay maaaring
mabago ng kanyang sabihin na:
Tunay na ang mga panaginip na nakikita ng tao sa kanyang
pagtulog ay mayroong tatlong mga uri: ang panaginip na
nagmula sa ar-Rahman (Allah), ang mapait na panaginip mula sa
Demonyo, at ang mga panaginip mula sa kanyang kublingmalay.2
Sinabi rin niya,
Ang bawat isa sa inyo ay may nakatalagang kasama mula sa
mga jinn at isa mula sa mga anghel Muslim
Talakayin:
1. Ang pagpapakita ng mga jinn
2. Ang kakayahan ng mga jinn

1
2

Colin Wilson, the Occult (New York: Random House, 1971) p. 514-515
Iniulat ni Abu Hurayrah at kinalap ni Abu Dawud.

18

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

ARALIN 5

MGA SINASANIBAN (POSSESSED) AT ANG PANGGAGAMOT


(EXORCISM)
Walang pag-aalinlangan na makapapasok ang mga jinn sa katawan ng
mga tao. Napakarami ng naiulat tungkol sa mg insidente ng mga
sinaniban. Maaaring ito ay panandalian, katulad ng mga pangyayari sa
maraming sekta ng Kristiyanismo na ang mga tao ay gumagawa ng mga
pisikal at espirituwal na pinagkakaabalahan. Sa isang banda, ang
sinasaniban ay nawawalan ng malay at mag-uumpisang magsalita ng
mga kakaibang lingguwahe. Sa ganitong pagkakataon pinapasok ng jinn
ang kanilang mga katawan at pinakikibot ang kanilang mga labi. Ang
ganitong pangyayari ay naitala rin ng mga Sufi habang sila ay nasa
pulong ng pagdi-dhikr.
O di kaya ang pagsasanib ay maaaring
pangmatagalan kung saan ang mga tao ay kumikilos na parang
nasisiraan ng bait o di kaya ay nagpapakita ng ibat ibang mga
personalidad. Kalimitan silang nagpapakita ng mga pambihirang lakas o
kaya ay aktuwal na nakikipag-usap ang jinn sa kanila, katulad ng mga
tinatawag na daluyan.
Ang exorcism1 ay naging laganap sa Europa noong Kalagitnaang mga
Panahon (Middle Ages). Kahit na sa pangkasalukuyan ito ay nagiging
paksa ng mga pelikula. Ang pangkalahatang pananaw ng mga taga
kanluran tungkol dito ay ang exorcism ay batay sa mga pamahiin. Ang
pananaw na ito ay bunga ng mga kalabisan na naganap sa Europa
noong Panahon ng Karimlan (Dark Ages) at ang pangkalahatang
pagtatwa sa mga bagay na kahima-himala. Ngunit ang pagsasagawa ng
exorcism ay isang bagay na kinikilala sa Islam bilang kapani-paniwala,
kapag ito ay umaayon sa Quran at Sunnah.
Mayroong tatlong mahahalagang pamamaraan sa pagpapalayas
ng jinn mula sa isang taong sinasaniban:
Una, ang jinn ay maaaring palayasin sa pamamagitan ng pagtawag sa
ibang jinn. Ang pamamaraan na ito ay ipinagbabawal sa Islam sapagkat
ang tanging paraan lamang upang matawagan ang mga jinn ay sa
pamamagitan ng mga sakrilehiyo (paglalapastangan). Ang mga
1

Ang pagpapalayas ng masamang espiritu o demonyo sa mga tao o lugar na sinasaniban.

19

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

paniniwala sa Islam ay kinakailangan munang malapastangan upang


ang jinn ay matawagan. Ito ang dahilan kung saan ang isang
mangkukulam ay nakapag-aalis ng kulam na dulot ng iba.
Pangalawa, ang jinn ay maaring palayasin sa pamamagitan ng
pagpapatunay ng di paniniwala sa Islam o ang pagsamba dito sa
anumang paraan. Kapag ang jinn ay nalugod sa pamamagitan ng kufr
ng manggagamot, maaari itong umalis. At sa paggawa nito, magiging
sanhi ito na ang manggagamot ay maniwala na ang kanyang
pamamaraan ay tama at banal, na mas magliligaw sa tao na malayo
mula sa katotohanan. Ganito ang pangyayari sa mga pari ng Kristiyano
na nagtatanggal ng jinn sa pamamagitan ng pagtawag kay Hesus o
kaya ay sa krus.
Pangatlo, ang jinn ay maaaring palayasin sa pamamagitan pagbigkas
ng mga talata mula sa Quran at mga panalangin ng pagpapakukop sa
Allah. Ang pamamaraan na ito ay nakatutulong na baguhin ang ihip ng
hangin sa kapaligiran ng sinasaniban. Ang jinn ay maaaring mapatalsik
sa katawan sa pamamagitan ng mga pag-uutos at pagsusumpa, maaari
kahit na ito ay samahan pa ng pag-ihip. Subalit ang lahat ng ito ay
walang-saysay maliban na lamang kapag ang gumagawa nito ay may
matibay na panampalataya (Iman), na pinatutunayan ng kanyang
mabubuting mga gawa. Kahit na ang ilan sa mga Muslim sa ngayon ay
hayagang itatwa na may sinasaniban, at ang iba ay nalalayo pa
hanggang sa itanggi nila na mayroong jinn, ang parehong Quran at
Sunnah ay nagsasabi ng kabilang panig. Napakaraming mga
mapagkakatiwalaang mga salaysay kung saan ang Propeta ay naitala na
maraming nagamot na mga tao. Mayroon din sa kanyang mga
kasamahan na gumawa ng ganito na kanyang pinagtibay. Ang mga
sumusunod na ulat ay nagsasalarawan ng tatlong ibat ibang
pamamaraan:
Si Yala ibn Murrah ay nagsabi, Minsan ako ay sumama sa
Propeta na maglakbay at mayroon kaming nadaanan na isang
babaeng nakaupo na may kargang bata. Kanyang sinabi, O
Sugo ng Allah, ang batang ito ay may karamdaman at nagdulot
sa amin ng maraming paghihirap. Hindi ko na mabilang kung
gaano karaming beses na siyang sinusumpong ng mga
pangungulam sa bawat araw! Sinabi ng Propeta, Akina ang
bata. Kayat inabot niya ang bata sa Propeta na inilagay sa
kanyang harapan. Binuksan niya ang bibig ng bata, hinipan ito
ng tatlong beses at nagsabi, Bismillah, ako ay alipin ng Allah
kayat ikaw ay lumayas kaaway ng Allah!
Pagkatapos ay

20

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

kanyang ibinalik ang bata sa kanyang ina at nagsabi,


Salubungin mo kaming muli sa aming pagbabalik at ibalita sa
amin kung ano ang nangyari. Kami ay lumisan at sa aming
pagbabalik ay natagpuan muli namin ang babae sa parehong
lugar. Mayroon siyang akay-akay na tatlong tupa, at nagtanong
ang Propeta, Ano ang ginawa ng anak mo? Siya ay sumagot,
Kung sinuman ang Siyang nagpadala sa iyo na may
katotohanan, walang kaming napansin na kakaiba sa kanya
simula noon kayat dinalhan kita ng mga tupa na ito. Sinabi niya
sa akin, Bumaba ka at kumuha ng isa at ibalik mo sa kanya ang
natitira. Ahmad
Si Umm Aban bint al-Wazi ay nag-ulat na ang kanyang lolo na si Zari ay
sumama sa isang delegasyon mula sa kanilang tribu upang makita ang
Sugo ng Allah. Isinama niya ang kanyang anak na lalaki na nasisiraan
ng bait. Nang Makita niya ang Sugo ng Allah siya ay nagsabi,
Kasama ko ang anak kong lalaki na nasisiraan ng bait, dinala ko
siya para sa iyo upang iyong ipanalangin. Sinabi ng Propeta sa
kanya na dalhin ang anak niya sa kanya. Kayat binihisan niya
ang kanyang anak ng maayos na damit at saka niya dinala ang
bata sa Propeta. Ang Propeta ay nagsabi, Ilapit nyo siya sa akin
at italikod.
Hinawakan ng Propeta ang damit ng bata at
sinimulang hampasin ng malakas ang kanyang likod. Habang
hinahampas niya ay kanyang sinabi, Lumayas ka kaaway ng
Allah! Kaaway ng Allah, lumayas ka! Ang bata ay nag-umpisang
igala ang kanyang paningin na para bang wala siyang
karamdaman. Iniupo ng Propeta ang bata sa kanyang harapan at
humingi ng tubig. Pinunasan niya ang mukha ng bata at nagumpisang manalangin para sa kanya. Matapos ang panalangin
ng Propeta, wala ni isa man sa mga kasama sa delegasyon ang
mas nakahihigit ang pakiramdam kaysa sa bata.
Tabarani, Abu Dawud at Bukhari

Si Kharijaj ibn as-Salt ay nag-ulat na sinabi ng kanyang tiyuhin,


Minsan, nang kami ay humiwalay sa Propeta, ay may nadaanan
kaming tribu ng mga Bedouin. Ang ilan sa kanila ay nagsabi,
Kami ay nasabihan na kayo ay dumating na may dalang
mabubuting mga bagay mula sa lalaking iyon.1 Mayroon ba
1

Tinutukoy ang Propeta

21

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

kayong kahit na anong gamot o mga pangontra sa isang taong


sinasaniban? Kami ay sumagot, Oo, kayat dinala nila ang isang
lalaking nagwawala dahil sa pagkakasanib. Binigkas ko ang AlFatihah sa kanya sa tuwing umaga at gabi sa loob ng tatlong
araw. Sa tuwing matatapos ko ang pagbibigkas ay iniipon ko ang
aking laway at saka idudura. Sa panghuli, siya ay tumayo na
para bang nakawala mula sa pagkakagapos. Ang mga Bedouin
ay nagbigay sa akin ng mga regalo bilang kabayaran, kayat
sinabi ko sa kanila, Hindi ko ito matatanggap hanggat hindi ko
natatanong ang Sugo ng Allah. Nang tanungin ko ang Propeta
ay kanyang sinabi, Kunin mo. Sapagkat, sa pamamagitan ng
aking buhay, sinuman ang kumain mula sa mga maling
panggagamot ay magdadala ng bigat ng kanyang kasalanan.
Subalit kinita mo iyan mula sa panggagamot ng katotohanan.
Abu Dawud

Talakayin:
1. Magsalaysay ng nasaksihan na sinasaniban at paano ito nagamot.
2. Ibatay mula sa tatlong mahahalagang pamamaraan ng
pagpapalayas ng jinn ang ginawa ng manggagamot at sabihin
kung ito ay naaayon sa Islam.

22

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

ARALIN 6

PANGUNGULAM AT PANGHUHULA
Ang lahat ng mga ito ay mga gawaing makademonyo na ipinagbabawal,
sumisira o sumasalungat sa Aqidah (tamang paniniwala), at maaari
lamang makamit sa pamamagitan ng mga gawain ng politismo.
1- Pangungulam
Ang pagbabago ng anyo ng isang bagay mula sa kanyang natural na
anyo sapagkat ang isang mangkukulam ay nakagagawa ng isang mali
upang magmukha itong makatotohanan, at nakapagsasanhi ng isang
bagay upang isipin ito na iba sa kung ano talaga ito. Ang mga gawa nito
ay maaaring sa pamamagitan ng mga agimat o sa pamamagitan ng
mga gawa, medisina, o usok. Ang iba sa mga gawa ng pangungulam ay
nagkakaroon ng bisa sa mga puso at mga katawan na nagiging sanhi ng
mga karamdaman, kamatayan, o paghihiwalayan ng mag-asawa.
Gayunpaman, ang ganitong mga gawa ay nagkakaroon lamang ng
katuparan sa pamamagitan ng pangkalahatang kalooban ng Allah. Ito
ay isang gawa ng demonyo at halos lahat ng ibinubunga ng mga ito ay
natatamo sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawaing politismo na
siyang hinahangad ng masamang espiritu katulad ng pag-aalay ng mga
gawa ng pagsamba para sa kanila. Mula rito, ang mga nagpapatupad ng
batas ay inihalintulad ang pangungulam sa Shirk. Sinabi ng Propeta:
Umiwas mula sa pitong nakalulugmok ng mga kasalanan. Sila
ay nagtanong: Ano ang mga ito? Siya ay sumagot: Ang Shirk,
pangungulam, pagpatay (na ipinagbawal ng Allah kung walang
lehitimong dahilan), Riba (pagpapautang na may interes),
pangangamkam ng ari-arian ng isang ulila, pagtakbo sa labanan,
at pagpaparatang ng pakikiapid sa isang malinis na babaing
mananampalataya. Bukhari, Muslim
Ang pangungulam ay mayroong dalawang kadahilanan:
Una: dahil kasama nito ang paghingi ng tulong sa mga Demonyo,
umaasa sa kanila, at naghahangad na gumawa ng mga ikaliligaya ng
mga ito sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na kanilang

23

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

hinahangad bilang kapalit ng mga kasamaan na itinuturo o ginagawa


para sa kanila. Winika ng Allah:

Subalit ang mga demonyo ang nawalan ng paniniwala na


nagtuturo sa mga tao ng karunungang-itim. Surah al-Baqarah 2:102
Pangalawa: Ito ay nagpapahiwatig ng pag-angkin na nalalaman ang
mga di-nakikita o ang lingid na mundo, at ang pag-angkin na kabahagi
ng Allah sa kaalaman na siyang bumubuo ng di paniniwala at pagkalihis.
Winika ng Allah:

At tiyak na kanilang napag-alaman na sinuman na pinagaaralan ito ay hindi magkakamit ng kabutihan sa kabilang
buhay. Surah al-Baqarah 2:102
Samakatuwid, walang pagdududa na ang pangungulam ay bumubuo ng
isang di paniniwala at Shirk na sumasalungat sa Aqidah, at siya na
gumagawa nito ay nararapat na hatulan. Ang ilan sa mga kilalang
Sahaba, na kinalugdan ng Allah, ay namugot ng ulo ng mga
mangkukulam.
Itinuturing ng mga tao ang mga mangkukulam o salamangkero at
pangungulam na ganun lamang, at maaaring itinuturing nila ito bilang
isang uri ng sining na kanilang ipinagmamalaki, at pagkalooban ang
mga gumagawa nito ng mga pabuya at parangal. Nagtatatag din sila ng
mga kapisanan at mga lapian na kasama ang paligsahan ng mga
salamangkero na dinadaluhan ng libu-libung mga manonood at mga
tagpagtaguyod nito. Ito ay nagpapakita ng kamangmangan sa larangan
ng relihiyon at kapabayaan sa mga aspeto ng Aqidah at pagtangkilik sa
mga walang-galang dito.
2- Panghuhula
Ito ang pag-aangkin ng kaalaman sa di-nakikitang mundo at ang mga
pangyayaring magaganap katulad ng kung ano ang mangyayari sa
mundo o ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga bagay na nawawala sa
pamamagitan ng paggamit ng mga Demonyo na nakikinig ng panakaw
sa langit. Winika ng Allah:

24

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Ipababatid Ko ba sa inyo kung kanino bumababa ang mga


demonyo? Sila ay bumababa sa bawat sinungaling at
makasalanang tao. Na nakikinig (sa mga demonyo) at
karamihan sa kanila ay mga sinungaling. Surah ash-Shuara 26:221223

Sapagkat si Demonyo ay nakikinig nang panakaw sa usapan ng mga


anghel at ipinapasa ito sa mga manghuhula na siya namang
nagdaragdag dito ng isang libong mga kasinungalingan, at ang mga tao
ay maniniwala sa kanya batay sa salita na narining ng Demonyo mula
sa langit.Tanging ang Allah lamang ang may kaalaman sa mga dinakikita. Sinuman ang nag-aangkin ng kaalaman sa Ghaib1 na katulad
ng Allah, na ginagamit sa panghuhula o anupaman, at ang sinuman na
naniniwala sa mga pag-aangkin na ito ay nakagawa ng pagtatambal sa
Allah na iniuugnay sa kanya ang mga katangian na tanging para sa
Allah lamang.
Ang panghuhula rin ay nasasangkot sa Shirk dahil ito ang nagiging daan
na mapalapit sa mga demonyo sa pamamagitan ng paggawa ng mga
bagay na kanilang nais. Ito ay Shirk ng Rububiyyah sa aspeto ng pagangkin ng bahagi sa kaalaman sa di-nakikita at Shirk Uluhiyyah naman
para sa aspeto ng pag-aalay ng mga gawa ng pagsamba sa iba maliban
sa Allah. Si Abu Hurayrah ay nag-ulat na sinabi ng Propeta:
Siya na sumangguni sa isang manghuhula at naniwala sa
kanyang sinabi ay nawalan ng paniniwala sa kung ano ang
ibinaba kay Muhammad (hal. Quran)2 Abu Dawud
Dapat nating tandaan na ang mangkukulam at manghuhula ay
nanloloko ng mga tao sa pamamagitan ng pagbabalat-kayo bilang isang
manggagamot at ipag-uutos sa kanyang mga ginagamot na magbigay
sila ng mga alay, sa iba maliban sa Allah. Inuutusan silang mag-alay ng
mga hayop na may pagtitiyak, o sumulat sa kanila ng mga anting1

Al-Ghaib, ang lingid na mundo, o ang hindi kayang abutin ng isipan maliban na lamang sa pamamagitan ng
mga banal na kapahayagan kung saan ang Propeta ay ipinabatid sa mga Muslim katulad ng mga mangyayari
sa Araw ng Pagkabuhay muli at gayundin ang Paraiso at ang Impiyerno.
2
Dahil ang manghuhula ay nagpapahayag ng mga pangyayaring magaganap sa pag-asa niya sa tulong ng mga
Demonyo, at dahil sa ang ganitong gawa ay ipinagbabawal magkagayon ang paniniwala sa mga manghuhula
ay nagdudulot ng di-paniniwala sapagkat nangangahulugan ito ng pagsalungat sa Quran na nag-uutos na
itakwil at huwag paniwalaan ang ganitong mga tao.

25

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

anting ng politismo at malademonyong mga agimat na kanilang ilalagay


sa mga laket1 upang ikwintas ng mga nagpapagamot sa kanila o kaya
naman ay ilagay ito sa mga kahon na itatago sa kanilang mga bahay.
Ang iba naman ay nagkukunwaring mga manghuhula (sa baraha o
bolang kristal) na nagsasabing nalalaman nila kung nasaan ang mga
nawawalang mga bagay, kayat ang mga mangmang na mga tao ay
umaasa sa kanila upang mahanap ang nawawala nilang mga gamit.
Maaari nilang ipabatid sa kanila ang lugar kung nasaan ang mga
nawawalang gamit o di kaya ay dalhin ito sa kanila sa pamamagitan ng
kanilang suki na mga demonyo.
Ang iba rin ay nagbabalatkayo bilang mga matutuwid na tao na kayang
gumawa ng mga pambihirang mga kakayahan na maaaring sumalungat
sa kalikasan katulad ng paglakad sa apoy o ang pagbabaril sa sarili, o
kaya ang pagsaksak sa sarili o anumang kahalintulad ng mga ito, o ang
magpasagasa sa mga sasakyan na hindi nasasaktan. O di kaya ay
gumagawa sila ng mga pakulo na ginagawa ng mga demonyo subalit
pinalalabas na sila ang gumawa ng mga ito. Maaaring ang mga ito ay
mga likhang isip lamang o mga panlilinlang na ipinalalabas sa harap ng
maraming manonood, katulad ng mga salamangkero ni Firawn nang
kanilang mahalina ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga lubid
at mga tungkod.
Sa pakikipagtalo kay Shaikh al-Islam Ibn Taymiyyah, ang isang
mangkukulam ng Bataihiyah na nabibilang sa mga kautusan ng
Riffaiyah Sufi, ay nagtaas ng kanyang tinig sa pagsasabi: Kaya naming
gumawa ng mga pambihirang mga bagay na hindi kayang gawin ng
iba. Sinabi niya na kaya niyang salungatin ang kalikasan katulad ng
paglakad sa apoy at iba pang mga bagay na tanging ang kanilang mga
kasapi lamang ang makagagawa. Nagtaas ng tinig si Shaikh al-Islam
Ibn Taymiyyah at galit na nagsabi: Hinahamon ko ang sinumang
Ahmadi (Riffaii) sa Silangan man o sa Kanluran ng mundo na gawin ang
anumang bagay na kaya nilang gawin, katulad ng paglakad sa apoy,
gagawin ko rin ito, at sinuman ang masunog ay talo. Subalit
kinakailangan na hugasan muna natin ang ating mga katawan ng suka
at mainit na tubig. Ang ibang mga pinuno at mga tao ay nagtanong
tungkol sa aking sinabi, na aking ipinaliwanang: Sapagkat ang mga
taong ito ay gumagawa ng mga panlilinlang bago lumakad sa apoy,
katulad ng pagpapahid sa kanilang mga katawan ng taba ng palaka, at
mga balat ng prutas na sitro (citrus), at ang pulbos ng bato. At sinabi
ng Riffaii: Dapat na pareho nating ibalot ang ating mga sarili ng
1

Kapirasong palawit na yari sag into, pilak, tinahing maliit na kuwadradong tela, atbp.

26

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

kumot matapos nating pahiran ang ating mga katawan ng asupre.


Aking sinabi: Gawin natin, at inulit ko ang aking kahilingan, at
hinawakan niya ang kanyang damit na nagkukunwaring hinubad ito,
sinabi ko: Huwag muna, hanggat hindi mo hinuhugasan ang iyong
katawan ng mainit na tubig at suka. Siya ay nalito at kanyang sinabi:
Siya na nagmamahal sa pinuno ay magdala siya rito ng panggatong At
sinabi ni Shaikh al-Islam:
Nililito mo ang mga tao mula sa
pinagtatalunan at sinasayang mo ang oras upang walang magawa.
Sapat na ang sindihan ang isang lampara at itatapat ko ang daliri bago
ang sa iyo matapos natin itong hugasan, at kung kaninong daliri ang
masunog, samakatuwid ay napasakanya ang sumpa ng Allah. O aking
sinabi: Siya ang natalo, sa pagkasabi nito ni Shaikh al-Islam, ang
mukha ng lalaki ay nagbago at nagmukhang kahiya-hiya. Sa madaling
sabi ang ganitong mga tao ay mga nagpapanggap na nanlilinlang ng
mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga pandaraya.
Ang parusang igagawad ng Islam sa mga gumagawa ng mahika
Dahil ang parehong pagsasagawa at pag-aaral ng mahika ay inuuri sa
Islam bilang Kufr, ang Shariah ay nagpataw ng isang mahigpit na hatol
sa sinumang mahuli na nagsasagawa nito. Ang parusa sa pagsasagawa
nito ay kamatayan para sa sinuman na hindi magsisi o iwanan ito. Ang
batas na ito ay batay sa hadith na inulat ni Jundub ibn Kab:
Ang Propeta ay nagsabi, Ang inatas na kaparusahan sa isang
gumagawa ng mahika ay ang pagpatay sa kanya sa
pamamagitan ng espada.1
Ang batas na ito ay mahigpit na isinakatuparan ng mga Kalipa na siyang
mga namuno sa mga Muslim nang pumanaw ang Propeta. Si Bajalah ibn
Abdah ay nagsabi na si Kalipa Omar ibn al-Khattab ay nagpadala ng
sulat sa mga puwersa ng mga Muslim na nakikipaglaban sa Roma at
Persia. Sila ay sinabihan sa sulat na ipaalam sa lahat ng mga
Zoroastrians na kanilang nahuli na nagpapahiwalay sa mag-asawa mula
sa kanilang mga ina, anak na babae, kapatid na babae.2 At sa bandang
huli ay inatasan sila na patayin ang bawat manghuhula at
mangkukulam na kanilang mahuhuli. Si Bajalah ay nagpatuloy na batay

Kinalap ni Tirmidhi. Kahit na ito ay inuring mahina (Daif) na hadith dahil sa pagkakasunod ng mga
nagsalaysay, inilagay pa rin ito sa uri ng Hasan (mapagkakatiwalaan) dahil sa mga patunay.
2
Yaong mga sumusunod sa mga kapahayagan, katulad ng mga Hudyo at Kristiyano. Bukhari, Tirmidhi at
Nasai

27

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

sa kautusang ito, siya sa kanyang sarili ay pumatay ng tatlong uri ng


ganitong mga tao.1
Si Muhammad ibn Abdulrahman ay nag-ulat na si Hafsah, asawa ng
Propeta at anak ni Omar, ay mayroong isang tagapaglingkod na babae
na pinatay dahil sa pagkulam nito sa kanya.2
Ang pangunahing dahilan ng kahigpitan ng batas tungkol sa mga
gumagawa ng mahika ay upang pangalagaan ang mga mahihinang tao
sa komunidad mula sa pagkakahulog sa shirk sa pamamagitan ng
pagkilala ng mga banal na katangian sa mga gumagawa nito na dapat
ay para sa Allah lamang. Karagdagan sa mga sakrilehiyo na malubhang
nagagawa ng mga nagsasagawa ng pangungulam, sila ay nag-aangkin
pa para sa kanilang sarili ng mga pambihirang kapangyarihan at mga
banal na katangian upang makapanghikayat ng mga tagasunod at
pagkakitaan ng labis na katanyagan.
Talakayin:
1. Ang pitong nakalulugmok na mga kasalanan.
2. Mga kadahilanan ng pangungulam
3. Ang panghuhula
4. Ang parusang igagawad ng Islam sa gumagawa ng mahika.

1
2

Abu Dawud, Ahmad at al-Bayhaqi


Malik, Muwatta, Imam Malik

28

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

ARALIN 7

ANTING-ANTING
Kagawian ng mga Arabo noong panahon ng Propeta Muhammad na
magsuot ng mga pulseras, hikaw, kuwintas na may mga butil, kabibi, at
kung anu-ano bilang mga anting-anting upang labanan ang demonyo at
magbigay ng magandang kapalaran. Ang mga anting-anting ay
matatagpuan saanmang dako ng mundo sa napakaraming uri ng mga
anyo nito. Ang pananalig sa mga anting-anting, gayuma at agimat ay
sumasalungat sa paniniwala sa pagka-Panginoon ng Allah sa
pamamagitan ng pagkilala sa mga nilikhang bagay na may
kapangyarihang makapag-alis ng masama at makagbigay ng kabutihang
palad. Ang Islam ay sumasalungat sa lahat ng ganitong mga paniniwala
na lumitaw sa Arabya noong kapanahunan ng huling Propeta upang
makapagtatag ng batayan para sa pagbabawal ng mga kasinghalintulad ng ganitong mga gawain kung sakali man o saanman ito na
lumitaw muli. Ang paniniwala sa mga anting-anting ay ang batayan ng
pagsamba sa mga diyus-diyusan sa napakaraming lipunan ng mga
pagano na kumakatawan sa isang uri ng pagsamba. Ito ay madali
nating makikita sa Katoliko na isang sangay ng Kristiyanismo na kung
saan si Propeta Hesus ay sinasamba bilang Diyos, ang kanyang Ina at
ang mga santo ay sinasamba; at ang mga larawan, estatwa, at mga
medalyon na may mga nakaukit na kanilang mga wangis ay pinananatili
at isinusuot upang makapagbigay ng mabuting kapalaran.
Nang ang mga tao ay tumganggap ng Islam noong kapanahunan ng
Propeta, kasama nila palagi ang pananalig sa mga anting-anting na
kilala sa Arabik bilang tamaim (pang-isahan tamimah), bunga nito,
napakaraming naiulat na mga salaysay ng Propeta kung saan niya
mahigpit na ipinagbawal ang ganitong mga kasanayan.
Ang sumununod ay ilan lamang sa mga halimbawa:
Si Abu Waqid al-Laythi ay nag-ulat na ang Sugo ng Allah ay
nagtungo sa Hunayn1 sila ay napadaan sa isang puno na
tinatawag na Dhat al-Anwat.2 Ang mga sumasamba sa mga
diyus-diyusan ay nagsasabit ng kanilang mga sandata sa mga
1

Ang lugar na pinangyarihan ng huling pinakamalaking pakikipagdigma sa pagitan ng Propeta at ng mga


tribu ng paganong Arabo na naganap noong ika-10 taon ng Hijrah.
2
Sa literal na kahulugan, na mayroong mga bagay na nakasabit dito.

29

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

sanga nito para sa magandang kapalaran. Ang ilan sa mga


Sahaba na bago pa lamang sa Islam ay nagtanong sa Propeta
upang magtalaga ng isang katulad na puno para sa kanila. Ang
Propeta ay sumagot, Subhan Allah! Ito ay katulad ng sinabi ng
mga mamamayan ni Moises sa kanya: Gumawa ka ng diyos para
sa amin katulad ng kanilang mga diyos!1 Sa pamamagitan Niya
na sa kanyang kamay nakasalalay ang aking kaluluwa, susundin
ninyo ang landas ng mga nauna sa inyo. Tirmidhi, Nasai at Ahmad
Sa hadith na ito, hindi lamang sa di-tinanggap ng Propeta ang konsepto
ng suwerte sa anting-anting, subalit sinabi rin niya na ang mga Muslim
ay manggagaya ng mga kaugalian ng mga Kristiyano at mga Hudyo.
Mga butil na ginagamit sa Dhikr (na karaniwang ginagamit ilan sa mga
Muslim) ay ginagaya ang rosaryo ng mga Katoliko, Mawlid (pagdiriwang
sa kaarawan ng Propeta) ginagaya ang pasko, at ang mga paniniwala
ng maraming mga Muslim sa mga santo at sa kanilang pamamagitan ay
walang pinagkaiba sa mga pangunahing alituntunin na matatagpuan sa
Kristiyanismo.
Ang mga Kasamahan ng Propeta ay mahigpit na sumunod sa mga
kautusan ng Propeta na may kinalaman sa pagbabawal o pagsasabatas
hinggil sa mga anting-anting at mga agimat. Dahil dito, napakaraming
mga naiulat na mga pagkakataon kung saan nila hayagang sinalungat
ang ganitong mga kaugalian sa lipunan, gayundin sa kanilang mga
pamilya. Si Urwah ay nag-ulat na nang dalawin ng Sahabi na si
Hudhayfah ang taong may sakit at nakakita ng pulseras sa braso ng
lalaki kanya itong hinaltak at sinira. Binigkas ni Hudhayfah ang talata:

At karamihan sa kanila na naniniwala sa Allah ay gumagawa ng


pagtatambel. Surah 12:106
Sa ibang pagkakataon, hinawakan niya ang braso ng isang may sakit at
nakakita siya ng khayt (tali na pulseras) na nakatali. Nang tanungin
niya ang lalaki kung ano ito, ang lalaki ay sumagot, Ito ay
naglalaman ng anting-anting na ginawa para sa akin. Pinigtal ni
Hudhayfah ang pulseras sa braso ng lalaki at nagsabi, Kung ikaw ay
namatay na mayroong suot nito, hindi ako magsasalah na
Janazah para sa iyo! kinalap ni Ibn Waki

Quran, Surah al-Araf 7:138

30

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Ang maybahay ni Abdullah ibn Masud na si Zaynab ay nag-ulat na


minsan nang makita ni ibn Masud ang tali na kuwintas sa kanyang leeg
at tinanong siya kung ano ito, kanyang isinagot, Ito ay tali na
mayroong agimat upang makatulong sa akin. Hinablot niya ito
mula sa kanyang leeg, sinira at nagsabi na, Katiyakan na ang
pamilya ni Abdullah ay hindi nangangailangan ng shirk! Narinig
ko ang Sugo ng Allah na nagsabi:
Katiyakan ang anting-anting, gayuma at agimat ay shirk.
Si Zaynab ay sumagot, Bakit mo ito sinasabi sa akin? Ang mata ko ay
nagmumuta at nang ako ay pumunta sa isang tao, ang Hudyo, naglagay
siya dito ng agimat at tumigil ang pagmumuta! Si Ibn Masud ay
sumagot, Katotohanan ito ay gawa-gawa lamang ng isang demonyo na
dinudunggol niya ng kanyang kamay (ang mata) kayat nang ikaw ay
maniwala ay kanya na itong tinigilan. Naging sapat na sana para sa
iyo na nabanggit ang kalimitang binabanggit ng Propeta:

Adh-hibil-bas Rabban-nas washfi antash-shafi, la shifaa illa shifauk,


shifaan la yughadiru saqama.

Alisin ang paghihirap, O Panginoon ng sangkatauhan at


pagalingin ito ng sakdal sapagkat Ikaw lamang ang tunay na
nagpapagaling walang ibang lunas maliban sa Iyong lunas
ang lunas na hindi masusundan ng anumang karamdaman.
Ang batas sa anting-anting
Katulad ng mga nabanggit, ang pagbabawal sa mga anting-anting,
gayuma at agimat ay hindi lamang para sa mga anyo ng nasa Arabya
na sinalungat ng Propeta. Saanman gamitin ang mga bagay sa
parehong kadahilanan, ang pagbabawal na ito ay naaayon din. Ang
paggamit ng napakaraming mga uri ng anting-anting ay nagkalat na sa
lipunan ng Kanluran sa ngayon, kahit pa na sila ay umuusad sa kanilang
teknolohiya at maraming mga nagawa na pangsiyentipiko. Maraming
mga anting-anting ang naging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay
na ilan lamang sa mga tao ang nag-iisip tungkol sa mga ito. At kapag
ang pinagmulan nito ay inihayag, ang shirk na nakasalalay sa mga
kadahilanan nito ay nagiging halata. Ang mga sumusunod ay mga
halimbawa ng mga kilalang agimat o anting-anting na matatagpuan sa
lipunan ng Kanluran:
Ang paa ng kuneho: Ang paa ng kuneho o ang ginto at pilak na mga
replica ng mga paa ng kuneho ay ginagawang palamuti sa kuwintas at
mga pulsera bilang agimat upang magkaroon ng magandang kapalaran.

31

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Ang pinagmulan ng paniniwalang ito ay nagmula sa ugali ng kuneho na


pumapadyak. Sang-ayon sa matatandang paniniwala, ang mga kuneho
ay nakikipag-usap sa mga espiritu na nasa ilalim ng lupa kapag
ipinapadyak nila ang kanilang paa sa lupa. Kaya nga ang mga paa ang
nagiging daan sa paghahatid ng mga pangarap ng tao sa mga espiritu
na siyang nagiging instrumento rin sa pagdudulot ng magandang
kapalaran sa pangkalahatan.
Horseshoes (sapatos ng kabayo): Maraming mga pintuan ng bahay
ang may nakapako na Horseshoes; ang maliliit na anyo naman ng mga
ito ay nakapalamuti sa mga pulseras, kuwintas, o mga key chains sa
paniniwala na ito ay magdadala ng suwerte. Ang pinagmulan ng
paniniwalang ito ay matatagpuan sa mga alamat ng matandang
Griyego, kung saan itinuturing ang mga kabayo bilang mga sagradong
hayop. Kung ang horseshoe ay nakasabit sa pintuan ng isang bahay, ito
ay magdadala ng magandang kapalaran. Ang siwang ng horseshoe ay
nakaturo pataas upang masalo nito ang suwerte. Kapag ang horseshoe
naman ay nakaturo pababa, pinaniniwalaan na ang suwerte ay
matatapon.
Ang paniniwala sa mga anting-anting ay nagbibigay sa mga nilikhang
bagay ng banal na kapangyarihan upang makapag-alis ng malas at
kung gayon, sinuman ang umaayon sa ganitong mga paniniwala ay
pinangangatuwiranan na ang Rububiyyah ng Allah ay hindi sapat para
sa Kanyang mga nilikha. Sa katotohanan, ay mas itinuturing pa nila na
mas makapangyarihan ang anting-anting kaysa sa Allah sapagkat ang
anting-anting ay kanilang naisip na makapagpipigil ng mga sakuna na
itinakda ng Allah. Kung gayon, ang paniniwala sa anting-anting ay isang
malinaw na anyo ng shirk, katulad ng sinabi ni Ibn Masud sa nabanggit
na hadith. Ang batas na ito ay mas lalo pang napagtibay ng sumusunod
na hadith:
Si Uqban ibn Amir ay nag-ulat na noong mayroong sampung
mga kalalakihan ang nagpunta sa Propeta, tinanggap lamang
niya ang panunumpa ng katapatan ng siyam. Sila ay nagtanong,
O Sugo ng Allah, bakit ninyo tinanggap ang panunumpa mula sa
siyam sa amin at tinanggihan ang mula sa lalaking ito? Ang
Propeta ay sumagot, Katiyakan na siya ay mayroong suot na
agimat. Dinukot ng lalaki ang agimat sa loob ng kanyang damit
at sinira ito. Nang matapos ang Propeta na tanggapin ang
panunumpa mula sa lalaki, siya ay bumaling at nagsabi,

32

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Sinuman ang magsuot ng agimat ay nakagawa ng shirk!


Tirmidhi at Ahmad

Anting-anting na naglalaman ng Quran


Ang mga Sahabah, katulad ni Ibn Masud, Ibn Abbas at Hudhayfah
(kalugdan nawa sila ng Allah), ay lahat sumalungat sa pagsuot ng
anting-anting mula sa Quran.
Ilan sa mga iskolar mula sa Tabiin (nag-aral mula sa mga Kasamahan
ng Propeta) ay pinahintulutan ito, subalit karamihan sa kanila ay
sumalungat dito. Ganunpaman, ang salaysay ng hadith tungkol sa mga
agimat o anting-anting ay hindi nagsasaad ng pagkakaiba sa pagitan ng
mga agimat na naglalaman ng Quran at ng mga hindi naglalaman ng
Quran. At walang naitala na ang Propeta ay nagsuot ng mga agimat na
naglalaman ng mga talata ng Quran o pinahintulutan man lamang ang
pagsusuot nito. Ang pagsusuot ng agimat o anting-anting na
naglalaman ng Quran ay sumasalungat sa pamamaraan ng Propeta sa
pagkakalag ng mga kulam at pagpapalayas ng mga demonyo. Ang
sunnah ay ang pagbigkas ng ilan mula sa mga kabanata ng Quran (ika113 at ika-114) at mga talata (halimbawa ay ang Ayat al-Kursi, Quran
2:255) kapag dumating ang demonyo. Ang tanging maipapayo na
pamamaraan upang makakuha ng kabutihan mula sa Quran ay sa
pagbibigkas din nito at pagsasabuhay. Sinabi ng Propeta,
Sinuman ang bumigkas ng isang titik mula sa aklat ng Allah ay
magkakamit ng isang kabutihan, at ang kabutihan ay katumbas
ng sampung ulit ng halaga nito. Hindi ko sinasabi na ang Alif
Lam Mim ay isang titik, subalit ang Alif ay isang titik, Lam ay
isang titik at ang Mim ay isang titik. Ahmad at al-Hakim
Ang pagsuot ng Quran bilang isang agimat ay katulad ng isang taong
may sakit na binigyan ng riseta ng doktor. Sa halip na basahin ito at
bilhin ay binilot niya ito at inilagay sa isang sisidlan at saka ikinuwintas,
sa paniniwala na ito ay makagagaling sa kanya.
Habang ang isang tao na nagsusuot ng agimat na naglalaman ng Quran
ay naniniwala na ito ay makapagpapalayas ng demonyo at
makapagdadala ng kabutihan, siya ay nakapagbigay sa isang bahagi ng
nilikha ng kapangyarihan upang alisin kung ano ang itinakda ng Allah.
Magkagayon, siya ay aasa dito sa halip na sa Allah. Ito ang kabuuan ng
shirk kung patungkol sa mga agimat.

33

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Ang pagsasagawa ng mga napakaliit na mga Quran na hindi na kayang


basahin ng tuwiran para sa kadahilanan ng pagsusuot nito bilang mga
palamuti ay naghihikayat ng paggawa ng shirk. Gayundin, ang mga
palamuti na mayroong mga Ayat al-Kursi na nakasulat ng maliit at
isinusuot bilang palamuti ay naghihikayat din sa paggawa ng shirk.
Ang mga Muslim ay dapat na mag-ingat sa paggamit ng Quran bilang
agimat o anting-anting. Sa pamamagitan ng pagsasabit nito sa kanilang
mga sasakyan, mga key chains, mga pulseras at mga kuwintas; kung
papaano ginagamit ng mga hindi Muslim ang ibat ibang uri ng mga
anting-anting at agimat, ang mga ito ay nagbubukas ng pintuan
patungong shirk. Kaya ngat ang masusing pag-iingat ay kinakailangang
gawin upang maging malaya ang paniniwala ng isang tao mula sa lahat
ng mga bagay na maaaring makapagligaw sa kanya sa kadalisayan ng
konsepto ng Tawhid.
Talakayin:
1. Anting-anting
2. Batas sa anting-anting
3. Anting-anting na naglalaman ng Quran

34

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

ARALIN 8
ANG PAG-ANGKIN NG KAALAMAN SA MGA DI-NAKIKITA
Ang kahulugan ng di-nakikita
Anuman na lingid sa panghinaharap at nakalipas na mga pangyayari
mula sa mga tao, at kung ano ang hindi nakikita ay tanging sa
kaalaman lamang ng Allah:

Sabihin, Wala sa mga kalangitan at sa mundo ang nakababatid


ng di-nakikita maliban sa Allah. Surah al-Naml 27:65
Walang sinuman ang nakaaalam ng di-nakikita maliban lamang sa Allah,
ang Dakila. Maaari Niya itong ihayag sa Kanyang Sugo kung Kanyang
naisin para sa isang dakilang layunin. Winika ng Allah:

Siya ang Nakababatid ng di-nakikita, at hindi Niya inihahayag


ang Kanyang mga lihim sa kahit na kanino maliban sa Kanyang
mga pinipili na matatawag na Sugo. Surah al-Jinn 72:26-27
At Siya ay nagtatalaga ng mga tagapagbantay na mga anghel upang
pangalagaan ang Propeta mula sa kanyang unahan at likuran.
Ang kahulugan na ang Allah ay hindi naghahayag ng mga di-nakikita
maliban sa kanya na pinili mula sa mga propeta, inihahayag sa kanya
ang lahat ng Kanyang naisin, sapagkat ang pag-uulat sa mga bagay na
di-nakikita ay isang patunay ng kanyang pagka-Propeta. Kasama rito
ang mga Sugo mula sa mga tao at mga anghel. Hindi Niya inihahayag
ang mga kaalaman tungkol sa mga di-nakikitang mundo sa sinuman
sapagkat hinigpitan Niya ang mga kaalaman na ito na para lamang sa
mga Propeta at mga anghel.
Kaya ngat ang sinuman na mag-angkin ng kaalaman sa di-nakikita ay
isang sinungaling at isang Kafir sa anumang pamamaraan, maging siya
man ay mag-angkin sa pamamagitan ng panghuhula, pangungulam,
pagbabasa ng mga bituin, o anumang kahalintulad.

35

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

At sa mga nagbabalatkayo at mga sinungaling na kaya nilang hanapin


ang mga nawawalang bagay, at iulat ang kalagayan ng mga taong
nawawala, o ang kadahilanan ng isang karamdaman sa pagpaparatang
na siya ay nakulam na naging sanhi ng kanyang karamdaman, ang lahat
ng ito ay dahil sa paggamit nila ng Jinn at mga demonyo. Kanilang
sinasabi sa mga tao na ang kanilang mga paghihirap ay bunga ng mga
ito, upang malinlang lamang sila.
Si Shaikul-Islam Ibn Taymiyyah ay nagsabi: Ang isang manghuhula ay
palaging may kasamang Demonyo na nagsasabi sa kanya ng maraming
mga di-nakikitang mga bagay sa pamamagitan ng pakikinig ng palihim 1.
Malimit nilang pinagpapalit ang katotohanan sa mga kasinungalingan.
Siya ay nagpatuloy sa pagsasabi na kabilang sa mga taong ito ay yaong
ang mga Demonyo ay magdadala sa kanya ng mga prutas, matatamis
at iba pang mga bagay na wala sa lugar ng manghuhula. Ang iba naman
ay dinadala ng kanilang mga kasamang Jinni palipad sa Makkah,
Jerusalem o kahit saan.
Ang ibang mga manghuhula ay umaasa sa astrolohiya, ang pag-aaral na
nagpapalagay o nagpapahayag ng kahulugan sa buhay ng tao sa
pamamagitan ng mga bituin sa kalangitan. Pinag-aaralan nila ang mga
ibinubunga ng kalagayang pang-astrolohiya sa mga pangyayari sa
mundo katulad ng lakas ng hangin at ulan, ang pagpapalit ng mga
presyo at iba pang mga kalagayan na kanilang sinasabi na may
kaugnayan sa paggalaw ng mga planeta sa nililigiran nito, na kung ang
mga ito ay naging malayo o malapit man mula sa isat isa.
Batay sa mga kaalamang ito sila ay nagsasabi na sinuman ang
makipagtalik, o maglakbay, o sinuman ang ipanganak habang may
isang bituin na nasa tamang lugar ay mayroong isang mabuti o
masamang pangitain na maaaring mangyari sa kanya. Ang Horoscope
Columns ay karaniwang inihahayag sa mga mumurahing mga babasahin
upang magbigay hula sa mga pangyayari na maaaring maganap batay
sa mga palatandaan ng zodiac.
Ang iba sa mga mangmang na tao at yaong may mahihinang mga Iman
ay nauuwi sa pagpunta sa mga manghuhula upang humingi ng payo
para sa mga pangyayari sa hinaharap katulad ng pag-aasawa at iba
pang mga bagay. Siya na nag-aangkin ng kaalaman sa mga di-nakikita
1

Sang-ayon sa mapaniniwalaang Hadith, ang Jinn ay nakikinig ng panakaw sa mga anghel sa


pinakamababang langit upang alamin ang mga mangyayari sa hinaharap at ipasa ang mga ito sa mga
manghuhula matapos niyang haluan ng napakaraming mga kasinungalingan.

36

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

at sinuman ang naniniwala sa kanya ay isang Mushrik at isang dimananampalataya sapagkat siya ay nagsasabi na siya ay may
nalalaman sa mga di-nakikita na tanging para lamang sa Allah.
Samantala ang mga planeta at mga bituin ay mga nilikha lamang na
walang mga kalayaan na pansarili o di kaya ay kahit na anong
kakayahan. Ni hindi sila nagpapahiwatig ng mga mabubuti o
masasamang mga pangitain, o di kaya ay buhay o kamatayan. Ito ay
mga bunga lamang ng mga Demonyo na nakikinig ng panakaw.

MGA PANGITAIN
Ang mga Arabo bago ang pagsapit ng Islam ay ginagawang mga
palatandaan ang direksiyon kung saan patungo ang mga ibon at mga
hayop bilang tanda ng mga mabuti o masamang kapalaran at batay dito
sila gumagawa ng plano para sa kanilang buhay. Ang pagbabasa ng
mabuti o masamang mga pangitain mula sa mga kilos ng ibon at hayop
ay tinutukoy bilang tiyarah, mula sa pandiwang tara, na
nangangahulugan na lumipad. Halimbawa, kung ang isang tao ay
naghahanda para sa kanyang paglalakbay at mayroong ibon na lumipad
sa taas niya na papuntang kaliwa, makikita niya rito ang tanda ng
nagbabantang panganib kayat siya ay uuwi na lamang sa kanyang
bahay. Pinawalang-saysay ng Islam ang ganitong mga kaugalian,
sapagkat ito ay sumisira sa katatagan ng Tawhid, sa pamamagitan ng
pagtuturo ng uri ng pagsamba na kilala bilang tawakkul (pagtitiwala) sa
iba maliban sa Allah, at sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng
kakayahan upang makasanhi ng kabutihan at makaiwas sa kasamaan.
Ang patunay sa pagbabawal ng tiyarah ay ang hadith ng apo ng
Propeta, na si al-Husayn, kung saan niya iniulat na ang Propeta ay
nagsabi,
Sinuman ang gumawa ng tiyarah o gawin ito para sa kanyang
sarili, o di kaya ay hulaan ang kanyang kinabukasan o kaya ay
may isang nanggayuma ay hindi kabilang sa atin. Tirmidhi
Ang atin sa hadith na ito ay tumutukoy sa mamamayan ng Islam;
samakatuwid, ang tiyarah ay itinuturing na isang gawain na maglalabas
sa isang naniniwala mula sa alituntunin ng Islam. Pinabulaanan din ng
Propeta ang tiyarah sa isang hadith na iniulat ni Muawiyah ibn alHakam,

37

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Sinabi ni Muawiyah sa Propeta, Mayroong ilan sa atin na


sumusunod sa mga pangitain mula sa ibon. Ang Propeta ay
sumagot, Ito ay bagay lamang na gawa-gawa ng inyong mga
sarili, kayat huwag ninyo itong gawin na isang hadlang. Muslim
Ang ibig sabihin ay huwag ninyo itong hayaan na pigilan ang anumang
nais ninyong gawin, dahil ang mga ganitong mga pangitain ay kathangisip lamang ng imahinasyon ng isang tao at walang katotohanan. Kaya
ngat malinaw na ipinaliwanag ng Propeta ng Allah na hindi ginawa ng
Allah na maging palatandaan ng anumang direksyon kung saan palipad
ang mga ibon. Walang tagumpay o sakuna na mangyayari sanhi ng
paglipad ng mga ibon o maaaring malaman mula dito, kahit na may
mga pangyayari pa na maganap na tumutugma sa mga konsepto bago
dumating ang Islam tungkol sa galaw ng mga ito.
Mayroong salaysay mula sa Sahih al-Bukhari tungkol sa mga pangitain
na may kaunting pag-aalinlangan sa kahulugan nito: Ang masamang
pangitain ay mula sa tatlong bagay: mga kababaihan, mga sinasakyang
hayop, at mga bahay, Itinanggi ni Aisha ang ulat na ito sa pagsasabi
ng, Sa Kanya na naghayag ng Furqan (Quran) kay Abul-Qasim,1
sinuman ang magsabi nito ay nagsisinungaling. Ang Sugo ng Allah ay
palaging nagsasabi na ang mga tao ng kamangmangan ay palaging
nagsasabi, Katiyakan na mayroong tiyarah sa kababaihan, mga bahay,
at mga hayop sinasakyan. Pagkatapos ay kanyang binigkas ang talata,

Walang pagsubok na darating sa mundo o mangyayari sa inyo


malibang ito ay naitala mula sa Aklat ng mga Itinakda
Surah al-Hadid 57:22

Gayunpaman, ang hadith ay makatotohanan subalit kinakailangan itong


unawain sa pamamagitan ng isa pang salaysay tungkol dito na mas higit
na malinaw:
Kung mayroong masamang mga pangitain, ito ay maaaring sa
mga kabayo, kababaihan at mga lugar na tinitirahan.
Bukhari, Muslim, Abu Dawud

Ang Propeta ay hindi nagpapatunay na mayroong mga masasamang


pangitain, kanya lamang itinuturo kung saan ito maaaring mangyari,
kung ang mga ito ay totoo. Ang dahilan kung bakit binanggit ang
tatlong ito ay dahil sa madalas na nangyayaring mga kapahamakan sa
1

Palayaw ng Propeta

38

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

mga ito. Ito ay dahil na rin sa katotohanan na ang tatlong ito ay ang
tatlong pinakamahahalaga sa buhay ng isang lalaki sa panahon noon.
Dahil dito, ang Propeta ay nagturo ng ilang mga Dua ng
pagpapakupkop na babanggitin kapag magmamamay-ari ng mga ito o
papasukin ang mga tahanan. Ang Propeta ay nagsabi,
Kapag ang isa sa inyo ay mag-aasawa o bibili ng kanyang
tagapaglingkod, dapat na ilagay niya ang kanyang kamay sa
kanyang ulo at banggitin ang pangalan ng Allah, manalangin
para sa biyaya at sabihin,

Allahuma inni as-aluka khayraha wa khayra ma jabaltaha alayh wa audhu


bika min sharriha wa sharri ma jabaltaha alayh.

(O Allah hinihiling ko ang pinakamabuti para sa kanya at ang


pinakamabuti na nilikha Mo na bahagi ng kanyang kalikasan. Ako ay
nagpapakukop din sa Iyo mula sa kanyang kasamaan at ang masama
na nilikha Mo na bahagi ng kanyang kalikasan.)
Kapag siya ay bumili ng kamelyo, dapat na ilagay niya ang
kanyang kamay sa pinakamataas na bahagi ng likod nito at
sabihin ang parehong dua. Abu Dawud at Ibn Majah
Naiulat din na ang Propeta ay nagsabi na kapag papasok ng bahay ay
dapat na sabihin,

Audhu bi kalimatillah it-tammati min sharri ma khalaq

(Nagpapakupkop ako sa walang-kapintasan na mga Salita ng Allah mula


sa mga masasama na Kanyang nilikha.) Inulat ni Khawlah bint Hakim at
kinalap ni Muslim

Fal (Mabuting pangitain)


Si Anas ay nag-ulat na ang Propeta ay nagsabi,
Walang salot o di kaya ay tiyarah, subalit gusto ko ang Fal.
Nagtanong ang mga Kasamahan, Ano naman ang Fal? Siya ay
sumagot, Ang mabuting salita. Bukhari, Muslim, Abu Dawud
Tiyarah, ang pagkilala sa mga masasamang pangitain sa mga bagay ay
nagpapahiwatig ng shirk at kulang sa paniniwala sa mga pangunahing
kakayahan ng Allah. Ang mga Sahaba ay nagulat ng sabihin ng Propeta
na gusto niya ang Fal, ang mabuting pangitain, dahil ito ay kahalintulad
sa pamamaraan ng pagkilala sa mga likas ng mga pangyayari bilang

39

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

mga masasamang pangitain. Gayunpaman ay ipinaliwanag ng Propeta


sa kanila ang aspeto ng hangganan ng Fal na katanggap-tanggap;
halimbawa, ang pagpapalayaw sa isang may sakit na Salim (mabuti),
o kaya ang nawalan ng isang bagay Wajid (nakakita) at iba pang mga
salita na umaasa ng kabutihan. Ang gamit nito at ang mga kahalintulad
ay nagbibigay ng pag-asa at di-nasisiraan ng loob sa mga kasawiang
nararamdaman ng kalagayan. Ang mga mananampalataya ay
kinakailangang mapanatili ang kanilang pag-asa sa Allah sa lahat ng
mga pagkakataon.1
Ang batas ng Islam sa mga pangitain
Mula sa mga nabanggit na mga hadith, malinaw na mauunawaan na ang
tiyarah ay tumutukoy sa pangkalahatang paniniwala sa mga pangitain.
Ang saligan sa pagkuha ng mga kabutihan mula sa mga galaw ng ibon
ay iwinaksi mula sa Sunnah ng Propeta sa kabuuan nito. Ang mga
sinaunang Arabo ay kumukuha ng kanilang mga pangitain mula sa mga
ibon, samantala ang ibang mga bansa ay kumukuha kahit na saan. Sa
anupamang kadahilanan, ang saligan na kasangkot ay magkapareho.
Kalimitan na kapag ang pinagmulan ng mga pangitain na ito ay
nakikilala, ang shirk sa kanila ay nagiging napakahayag.
Talakayin:
1. Ang pag-aangkin ng kaalaman sa di-nakikita
2. Mga pangitain
3. Ang batas ng Islam sa mga pangitain
4. Magbigay ng mga pangitain na makikita pa rin hanggang sa
ngayon at mga bagong pangitain na naglilitawan sa
pangkasalukuyan.

Taysir al-Aziz al-Hamid, p. 434-435

40

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

ARALIN 9

PAGBIBIGAY NG MGA ALAY, PANATA, REGALO, AT MGA PUNTOD


NA PINAGSASAMBAHAN
Ang Propeta ay nagbabala laban sa lahat ng mga pamamagitan na
nakapanghihikayat sa shirk, at labis na pinag-iingat laban sa mga ito.
Isa sa mga ito ay ang pagdalaw sa mga libingan kung saan siya
nagbigay ng mga alituntunin upang mapangalagaan ang mga tao mula
sa maaaring maging kalabisan ng pag-aalaala at paghanga sa mga
taong nakalibing dito hanggat sa ang mga ito ay tuluyan nang
sambahin. Mula sa mga alituntuning ito:
1.

Labis na pagmamahal sa mga mabubuti at matutuwid na mga tao,


sapagkat maaari itong mauwi sa pagsamba sa kanila. Kanyang
sinabi:

Mag-ingat sa mga labis sapagkat ang labis ang sumira sa mga


taong nauna sa inyo. Ahmad atbp.
At kanyang sinabi:
Huwag ninyo akong purihin ng labis katulad ng labis na pagpuri
ng mga Kristiyano sa anak ni Maria. Ako lamang ay tao na alipin
kayat tawagin ako na, ang Alipin ng Allah at Kanyang Sugo.
Bukhari

2.

Nagbabala rin siya laban sa pagtatayo ng mga gusali sa mga


libingan. Si Ali bin Abi Talib ay nagsabi kay Abul Hayyaj al-Asadi:

Nararapat ba kitang atasan ng isang tungkulin na inatas ng


Propeta sa akin? Wasakin ang bawat diyus-diyusan o mga
estatwa at ipantay ang anumang libingang nakaangat. Muslim
Sinabi rin ng Propeta:
Ipinagbawal din ang pagpapakita ng mga puntod, upuan ang
mga ito, o magtayo ng anumang gusali rito, o ang isama ito sa
isang gusali. Muslim

41

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Si Aisha, kalugdan nawa siya ng Allah, ay nagsabi:


Kapag ang Sugo ng Allah ay may karamdaman tinatakpan niya
ang kanyang mukha ng kapirasong tela, at kapag siya ay
nakararamdam ng sakit, tinatanggal niya ang takip sa kanyang
mukha at nagsasabi: Ang sumpa ng Allah ay nasa mga Hudyo at
mga Kristiyano na ginawang sambahan ang libingan ng kanilang
mga propeta. Sinabi niya bilang babala sa kanilang ginawa.
Kung hindi lang sa ganito, maaari niyang iutos na ang kanyang
libingan ay iangat subalit pinangangambahan niya na baka ito
ay gawin nila bilang isang Masjid. Bukhari, Muslim, atbp.
Makinig! Mag-ingat, yaong mga nauna sa inyo ay ginawang
sambahan ang libingan ng kanilang mga propeta. Mag-ingat,
huwag na huwag ninyong gawing mga masjid ang mga libingan.
Binabalaan ko kayo sa paggawa nito. Muslim
Ang paggawa sa mga libingan bilang mga masjid ay nangangahulugan
ng pagdarasal sa mga ito kahit na walang masjid na nakatayo sa palibot
ng mga ito, sapagkat ang bawat lugar na pinagdarasalan ay Masjid.
Ang Propeta ay nagsabi:
Ang mundo ay ginawa para sa akin bilang lugar sa pagdarasal
at ang pamamaraan para sa kadalisayan1. Bukhari
Kung ang pagdarasal sa may libingan ay ipinagbabawal, paano pa kaya
kapag ang libingan ay nasa loob ng masjid.
Marami sa mga tao sa kasalukuyan ang lumalabag sa mga
ipinagbabawal na ito, at nakagagawa ng kung ano ang ipinapag-ingat
ng Propeta na huwag gawin, at nauuwi sa pagkagumon sa paggawa ng
malaking Shirk. Sila ay nagtatayo ng mga masjid sa mga libingan, at
mga silid na pahingahan para sa pagdalaw na kung saan maraming mga
ritwal ng malaking shirk ang naisasagawa katulad ng pagbibigay ng mga
alay sa mga patay, paghingi ng tulong sa kanila, pagsasagawa ng
panata, at ang mga kahalintulad.

Ang pamamaraan para sa kadlisayan ay nangangahulugan na kapag ang Muslim ay naubusan ng tubig para
sa wudhu maaari siyang magsagawa ng tayammum sa pamamagitan ng paghampas ng mga palad sa
maalikabok na ibabaw upang ipunas sa mukha at mga kamay bilang kapalit ng wudhu.

42

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Ang iskolar na si Ibn al-Qayyim, kahabagan nawa siya ng Allah, ay


nagsabi: Sinuman ang maghambing ng gawain ng Propeta at ang
kanyang mga kautusan at mga ipinagbabawal kaugnay sa mga libingan,
at ang mga gawain ng kanyang mga Kasamahan sa mga ritwal na
ginagawa ng mga tao sa pangkasalukuyan, makikita niya ang
magkabilang panig na lubhang magkaiba at sumasalungat sa bawat isa
na ang mga ito ay hindi na kailanman magkakasundo. Ang Sugo ng
Allah ay nagbawal ng pagsasagawa ng Salat na nakaharap sa mga
libingan, subalit ang mga tao ay ginagawa ito sa ngayon. At
ipinagbawal niya na isama ang libingan sa mga masjid, at ang mga tao
sa ngayon ay nagtatyo ng mga masjid sa palibot ng mga ito na lugar ng
mga ritwal na pagdalaw upang sumalungat sa mga bahay ng Allah. At
ipinagbawal niya ang pagsisindi ng mga kandila sa mga libingan, at ang
mga tao sa ngayon ay ginagawa ang mga ito, at sila ay nangangalap ng
mga donasyon para sa ganitong layunin. At ipinagbawal niya ang
paggawa ng mga puntod upang gawing lugar para sa mga ritwal ng mga
pagdiriwang, at ang mga tao ay ginagawa ang mga ito katulad ng
pagdiriwang nila sa Eid o maaaring higit pa. Si Ibn al-Qayyim ay
nagpatuloy sa pagsabi na, Isaalang-alang ang malaking pinagkaiba na
ito sa pagitan ng kung ano ang isinabatas ng Propeta at kanyang
nilayon sa pagbabawal ng mga gawaing nabanggit, at kung ano ang
ginagawang batas at nilalayon ng mga tao sa pangkasalukuyan.
Walang pag-aalinlangan na ang mga maling bagay at mga hindi tamang
mga gawain na nabanggit ay nakapanghihimok ng napakaraming mga
kasamaan. Inisa-isa ni Ibn al-Qayyim ang mga hindi tamang gawain sa
pagsasabi ng: Kung ano ang pinahintulutan ng Propeta sa pagdalaw sa
mga libingan ay ang pag-aalaala sa kabilang buhay, manalangin sa
Allah para sa mga namatay, at hilingin sa Allah na patawarin sila, at
mahabag sa kanila, at iligtas sila mula sa kaparusahan. Sa ganitong
pagkakataon, ang dumalaw ay makagagawa ng kabutihan para sa
kanyang sarili at sa namatay. Subalit ang mga politista sa ngayon, ay
ginagawa ang kabaligtaran na mga: panalangin sa patay sa halip na
panalangin sa Allah, paghingi sa kanila ng kapunuan ng kanilang mga
pangangailangan, pagkalooban sila ng mga biyaya, at tulungan sila
laban sa kanilang mga kaaway. Sa pagsasagawa ng ganito, sa
katotohanan, ay nagkamali sila sa kanilang mga sarili at gayundin sa
mga patay, sa pamamagitan ng pagkuha sa kanya ng kung ano ang
ginawang karapat-dapat na panalangin para sa patay at ang paghiling
ng habag ng Allah para sa kanila.
Mula sa mga nabanggit, ito ay malinaw na ang pagbibigay ng mga
handog at alay sa mga taong namatay ay bumubuo ng isang malaking

43

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

shirk, sapagkat sumasalungat ang mga ito sa katuruan ni Muhammad


na may kaugnayan sa mga libingan, na nagbabawal na tayuan ng gusali
o tayuan ng masjid sa mga ito. Samantala ang mga masjid, silid at iba
na tinayo sa mga libingan, ang mga mangmang na tao ay nag-iisip na
ang mga nakalibing ay maaaring magdulot ng pakinabang at
makapagdulot ng pinsala, magbibigay ng lunas sa mga naghahanap
nito, at isakatuparan ang kahilingan ng mga lumalapit sa kanila. Bunga
nito ay nag-aalay sila ng mga hayop at gumagawa ng panata sa kanila,
hanggang sa umabot sa pagkakataon na ito ay maging diyus-diyusan,
na sinasamba maliban sa Allah.
Sinabi ng Propeta:
O Allah! Huwag Mong hayaan na ang aking libingan ay gawing
isang sinasambang diyus-diyusan. Malik, Ahmad
Sinabi ng Propeta ang panalanging ito sa Allah na maaaring alam niya
na ang ganitong bagay na may ganitong uri ay magiging iba kaysa sa
kanyang sariling libingan, na nangyayari sa pangkasalukuyan sa
maraming mga bansang Muslim.
At tungkol naman sa kanyang libingan, pinangalagaan ito ng Allah mula
sa maaaring mangyari dito na maging isang diyus-diyusan, bilang bunga
ng pagpapala sa sarili niyang dua o panalangin. Kahit na mayroong
mga mangmang at mapamahiin na mga tao ang makagawa ng mga
hindi tamang mga gawain sa kanyang masjid, subalit hindi nila
maaabot ang kanyang libingan, sapagkat ang kanyang libingan ay nasa
loob ng kanyang bahay, at wala sa masjid, at napapalibutan ng mga
pader.
ANG BATAS SA PAGSAMBA SA MGA REBULTO, MGA MONUMENTO
AT MGA DIYUS-DIYUSAN
Ang rebulto, ang anyo na kumakatawan sa tao o hayop, samantala ang
Nusub, Ansab sa pangmaramihan, bilang isang tanda o marka na
magpapakita ng daan. O mga uri ng bato na inilagay sa palibot ng
Kabah na kung saan ay isang kaugalian na banggitin ang pangalan ng
ng iba sa mga diyus-diyusan sa pagpatay sa mga hayop at ang kanilang
mga alay ay kinakatay para sa iba maliban sa Allah.
Ang Propeta ay nagbabala laban sa pagguhit o paggawa ng mga
larawan ng mga may buhay (tao o hayop) lalo na ang mga kilalang mga

44

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

tao, katulad ng mga iskolar, hari, pinuno, pangulo ng mga bansa o mga
matutuwid na mga tao, kahit na ang larawan ay ginuhit sa isang
canvas, papel o mga tela, o kahit na ito ay kinuhaan ng camera, o ng
iba pang mga kahalintulad na mga makina na mayroon sa
pangkasalukuyan, o sa pamamagitan ng pag-uukit.
Ipinagbawal din ng Propeta ang paglalagay ng ganitong mga larawan sa
mga dingding, o ang paglalagay ng mga rebulto o diyus-diyusan, o ang
mga monumento ng mga pag-aalaala sapagkat ang mga ito ay
nakapanghihikayat sa paggawa ng shirk. Ang kauna-unahang shirk na
nagawa sa mundong ibabaw ay ang bunga ng paggawa ng mga retratro
at ang paglalagay ng mga ito. Sila ang mga kilalalang mga tao mula sa
kapanuhanan ni Noah, at nang sila ay namatay ang mga tao ay
nalungkot, at nagluksa para sa kanila. Pagkatapos ay nagmungkahi si
Demonyo sa kanila na maglagay ng mga wangis ng mga ito sa kanilang
pook na pinagdarausan upang magpaalala sa kanila, at bigyan ang mga
ito ng pangalan na kanila namang ginawa. Kahit na ang mga ito ay
hindi sinamba ng mga tao noong una, subalit nang maglaho ang unang
henerasyon, at ang layunin ng paglalagay ng mga ito ay nakalimutan
na, ang sumunod na mga henerasyon ay sinamba ang mga ito.
Noong ipadala ng Allah si Noah bilang Sugo sa kanyang mga
mamamayan upang magbigay babala sa kanila mula sa pagsamba sa
mga wangis na ito na noong lumaon ay ginawa nilang mga diyusdiyusan, binalewala nila ang misyon ng propeta at nagpumilit na
sambahin ang mga diyus-diyusan. Winika ng Allah:

At sinabi nila sa bawat isa: Huwag ninyong balewalain ang


inyong mga sinasamba, o di kaya ay balewalain si Wud, Suwa, o
di kaya si Yaghuth, at Yauq at Nasr. Surah 71:23
Ang mga nabanggit ay mga pangalan ng mga matutuwid na mga tao na
pagkaraan ang kanilang mga wangis ay inilagay upang alalahin at
pasalamatan sila.
Isipin na lang natin kung papaano ang mga bagay na nagpapaalala ay
naging bagay na sinasamba maliban sa Allah, at nagtulak sa mga tao na
itanggi at salungatin ang Kanyang Sugo. At ang kinahinatnan, ang mga
tao ay winasak ng pagbaha, at kinasuklaman ng Allah at ng mga nilikha.
Nagpapahiwatig din ito ng isang malubhang ibubunga ng larawan at
pagguhit. Ito ang kadahilanan kung bakit isinumpa ng Propeta ang mga
gumagawa ng larawan, at sinabi na sila ang may matinding

45

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

kaparusahan sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at uutusan na bigyan ng


buhay ang lahat ng mga larawan. Ipinabatid din niya na hindi
pumapasok ang mga anghel sa mga bahay na may nakasabit na mga
larawan. Ang lahat ng mga ito ay mula sa mga kapahamakan na
idudulot sa Aqidah ng Ummah (komunidad ng mga Muslim).
Ang unang gawa ng shirk na naisagawa sa ibabaw ng lupa ay bunga ng
paglalagay ng mga larawan, kahit na ang mga larawan o estatwa o
rebulto ay nasa mga tahanan, pampublikong mga lugar o sa mga
pasyalan. Ipinagbawal ang mga ito sapagkat nakapanghihikayat sa
paggawa ng Shirk at nakasisira sa Aqidah. Ang mga hindi naniniwala sa
kasalukuyan ay gumagawa ng ganito sapagkat wala silang Aqidah na
pinangangalagaan. Subalit hindi ito ipinahihintulot sa mga Muslim na
tularan at makilahok sa kanila mula sa ganitong mga gawain, upang
mapangalagaan nila ang kanilang mga Aqidah na siyang pinagmumulan
ng kanilang kapangyarihan at kaligayahan.
Talakayin:
1. Mga alituntunin sa pagdalaw sa libingan.
2. Ang paggawa sa mga libingan bilang mga masjid.
3. Paghambingin ang kagawian ng Sugo at ang kanyang mga
kautusan pati na rin ang mga ipinagbabawal niya sa mga libingan
mula sa mga ginagawa sa pangkasalukuyan na kailanman ay
hindi magtutugma.
4. Ang ipinanalangin ng Propeta para sa kanyang libingan.

46

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

ARALIN 10

ANG BATAS SA PAGKAHATI NG PANANAMPALATAYA AT ANG


KAWALAN NG PAGGALANG SA MGA IPINAGBABAWAL NITO
Ang pagkutya sa pananampalataya ay nagdudulot ng pagtalikod at ng
tiyak na paglisan mula sa Islam. Ang Allah ay nagwika:

Sabihin, ang Allah ba at ang Kanyang mga Ayat at ang Sugo ang
inyong kinukutya? Huwag magdahilan, kayo ay tiyak na hindi
naniwala matapos kayong maniwala. Surah 9:65-66
Ang Ayat na ito ay nagpapahiwatig na ang pangungutya sa Allah ay
nagdudulot ng kawalan ng paniniwala at ang pagkutya sa Sugo ay
nagdudulot kawalan ng paniniwala, at ang pagkutya sa mga Ayat ng
Allah ay nagdudulot ng kawalan ng paniniwala. Sinuman ang mangutya
sa alinman sa mga nabanggit ay katunayan na kinutya ang lahat ng
mga ito. Yaong mga mapagkunwari na pinagsabihan ng Allah sa Ayat na
ito ay nangungutya sa Sugo at sa kanyang mga Kasamahan. Bunga nito
ay inihayag ng Allah ang Ayat na nabanggit,
Ang gawing katatawanan ang tatlong ito ay magbubunga ng
kahalintulad na mga pangyayari. Yaong mga hindi inaalintana ang
paniniwala sa kaisahan ng Allah at nananalangin o nananawagan sa
mga patay, at kapag sila ay pinag-utusan na itaguyod ang paniniwala sa
kaisahan ng Allah at pigilan ang mga shirk ay hindi nila gaanong
pinapansin ang ganitong mga kautusan, at ginagawa pa nila itong
katatawanan, katulad ng paglalarawan ng Allah sa kanila:

At nang makita ka nila, pinagtawanan ka lamang nila sa


pagsasabi ng: Siya ba ito na ipinadala ng Allah bilang isang
Sugo? Katiyakan na ililigaw lang niya tayo mula sa ating mga
diyos, kung hindi lang tayo nanindigan sa kanila.
Surah al-Furqan 25:41-42

At dapat nilang malaman, kapag nakita nila ang kaparusahan, kung sino
ang pinakaligaw mula sa tuwid na landas.

47

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Pinagtawanan nila ang Propeta nang ipinag-utos niya na pigilan ang


shirk. Ito ang nangyari sa mga pagano, sa tuwing sila ay inaanyayahan
na itaguyod ang kaisahan ng Allah, pinagtatawanan nila ang mga
Propeta at tinatawag silang mga nasisiraan ng bait, mga nalihis at wala
sa tamang pag-iisip, kanilang pinanghawakan ang shirk. Gayundin, ang
mga tao na nag-aanyaya sa kanila na maniwala sa kaisahan ng Allah,
Kanyang winika:

At mayroong mga tao na gumagawa para sa kanila ng mga


katambal ng Allah, kanilang minamahal ang mga ito katulad ng
pagmamahal sa Allah. Surah al-Baqarah 2:165
Magkagayon, sinuman ang nagmamahal sa mga nilikha ng katulad ng
pagmamahal niya sa Allah ay isang politista. Mayroon dapat na
pinagkaiba sa pagitan ng pagmamahal ng dahil sa Allah at ang
pagmamahal kaninuman kasama ng Allah. Yaong mga ginawang diyusdiyusan ang mga libingan ay makikita natin na sila ay naglalaro lamang
sa kanilang paniniwala sa Kaisahan ng Allah at Kanyang pagsamba.
Pinasasalamatan nila ang mga bagay na kanilang sinasamba, maliban sa
Allah, at mga tagapamagitan hanggat sa ang isa sa kanila ay manumpa
sa pamamagitan ng Allah na hindi naman tama, subalit hindi nila
gagawin na manumpa ng mali sa pamamagitan ng kanilang Shaikh.
Napakaraming mga sekta na ang mga kasapi nito ay itinuturing na ang
paghingi ng tulong sa kanilang mga Shaikh, maging sa pamamagitan ng
kanyang libingan o saanman, bilang mas kapaki-pakinabang kaysa sa
manalangin sa Allah sa Masjid sa oras ng Sahr (ang sandali bago
sumapit ang madaling-araw). Kanila ring pinagtatawan at kinukutya
yaong mga tinatalikdan ang kanilang kautusan at pinagtitibay ang
Aqidah ng Tawhid. Marami ang mula sa kanila na hindi na nagpupunta
sa mga masjid at lumalahok na lamang sa kanilang mga pagdiriwang ng
kanilang kautusan. Ang ganitong mga pag-uugali nila ay bunga lamang
ng pagwawalang-bahala sa Allah, Kanyang mga Ayat, at Kanyang Sugo,
at nagpapasalamat sa Shirk. Ang ganitong mga gawain ay
pangkaraniwan
sa
mga
sumasamba
sa
mga
libingan
sa
pangkasalukuyang panahon.1
Dalawang uri ng Pagkutya

Majmu al-Fatawa 15:39

48

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Una, hayag na pagkutya na kung saan ay isinalarawan sa nabanggit na


Ayat na kaugnay sa mga mapagkunwari na nagsasabi: Hindi pa kami
nakakikita ng napakatakaw, o di kaya ay nagsisinungaling o di kaya ay
mga duwag sa labanan kaysa sa aming mga iskolar. O kaya ay ang
pagsasabi ng may ganito ring kahihinatnan. Katulad ng, Ang inyong
deen (Islam) ay ang panglimang relihiyon, o kaya ay, ang inyong
pananampalataya ay isang ligaw.
Pangalawa, nakatago, o kaya ay pahiwatig, na itinuturing na parang
dagat na walang baybayin. Kasama rito ang pagkindat ng mata, pagdila,
o pagturo sa pamamagitan ng mga labi, o anumang mga paglalarawan
ng mukha na nagpapakita ng hindi pagkagusto, o kaya naman ay ang
mga senyas ng kamay kapag ang Aklat ng Allah ay binibigkas, o ang
Sunnah ng Propeta ay binabanggit, o ang pagtataguyod ng kabutihan at
ang pagwaksi sa kasamaan.1 Sa ganitong mga pagkutya ay ang katulad
ng pagsasabi ng: Ang Islam ay hindi nababagay sa ika-20 siglo,
nababagay ito sa kalagitnaang mga panahon. O kaya naman ay, Ito
ay paurong, kasama rito ay kalupitan sa pagbibigay ng kaparusahan. O
sa pagsasabi, Inaalisan ng karapatan ang kababaihan sa Islam sa
pamamagitan ng pagpapahintulot sa diborsiyo at pag-aasawa ng higit sa
isa. O ang pagsasabi, Ang pamamahala sa pamamagitan ng batas na
gawa ng mga tao ay mas mabuti sa mga tao kaysa sa pamamahala sa
pamamagitan ng Islam. O ang pagtuturing sa mga taong nag-aanyaya
na itaguyod ang kaisahan ng Allah at iwasan ang pagsamba sa libingan
bilang mga nagmamalabis, o nais lamang na magkawatak-watak ang
sambayanang Muslim. O ang pagtawag sa kanila na mga Wahhabi, na
nag-aanyaya sa ikalimang Madhhab. O kaya naman ay pagtawanan
yaong mga isinasakatuparan ang Sunnah ng Propeta, sa pagsasabi ng,
Ang pananampalataya ay hindi sa pagpapatubo ng balbas,
pinagtatawanan ang mga nagpapatubo ng balbas, o ang iba pang mga
kahalintulad na mga panghahamak na mga pangungusap. Ang lahat ng
mga ganito at kahalintulad na mga pangungusap ay nagdudulot ng
pang-aabuso sa deen at sa mga tao nito at ang pagkutya sa tamang
Aqidah. Walang anumang pagbabago ng isang kondisyon sa iba o di
kaya ay kapangyarihan maliban sa pamamagitan ng Allah.2
ANG PAMUMUNO SA PAMAMAGITAN NG IBA MULA SA KUNG ANO
ANG INIHAYAG NG ALLAH

1
2

Majmu at-Tawhid an-Najdiyah p. 409


Ang pangungusap na ito ay tinatawag na Hawqalah na binibigkas kapag nabibigo.

49

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Mula sa mga kinakailangan sa paniniwala sa Allah, at sa pagsamba sa


Kanya ay ang pagsunod sa Kanyang mga pasiya, at nasisiyahan sa
Kanyang mga batas, at ang pagsangguni sa Kanyang aklat at sa Sunnah
ng Kanyang Sugo, sa mga pagtatalo na may kaugnayan sa mga
pahayag, mga pangunahin, paglilitis, buhay, pag-aari, at ang iba pang
mga karapatan. Sapagkat ang Allah lamang ang tanging Hukom at ang
mga hatol ay tanging sa Kanya lamang nagmumula. Nararapat sa mga
pinuno na mamuno ng ayon sa inihayag ng Allah, at nararapat sa mga
nasasangkot na maghanap ng pasiya mula sa Aklat ng Allah at sa
Sunnah ng Kanyang Sugo. Tungkol sa isang pinuno, ang Allah ay
nagwika:

Katotohahan, kayo ay inatasan ng Allah na ihatid ang tiwala na


nakaatang sa inyo para sa mga may karapatan nito, at kung
hahatol sa pagitan ng mga tao, magpasiya ng may katarungan.
Surah an-Nisa 4:58

Para naman sa mg tagasunod, Siya ay nagwika:

O Kayong mga naniniwala, sundin ang Allah at sundin ang


Kanyang Sugo, at ang mga namumuno sa inyo. At kapag kayo ay
magtatalo sa anumang bagay, isangguni ito sa Allah at sa
Kanyang Sugo kung totoo kayong naniniwala sa Allah at sa
Huling Araw, ganito ang mabuti para sa mahusay na
pagpapasiya. Surah an-Nisa 4:59
Nilinaw din ng Allah na ang pagkakaroon ng pananampalataya na hindi
tumutugma sa paghahangad ng pasiya mula sa iba maliban sa inihayag
ng Allah. Siya ay nagwika:











Hindi mo ba nakita yaong mga nagsasabing naniniwala kung
ano ang inihayag sa iyo at kung ano ang inihayag sa mga nauna

50

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

sa iyo? Sila ay naghahangad ng pasiya mula sa Taghut, kahit na


sila ay inatasan na huwag maniwala tungkol dito, at ang
Demonyo ay naghahangad na mailigaw sila ng malayo.
Surah an-Nisa 4:60

Kung gayon ay papaano nila pagbabayaran kapag may dumating na


pagsubok sa kanila dahil sa kanilang masasamang gawa at pagkatapos
ay lalapit sila sa inyo na manunumpa sa Allah, Walang kaming nais
ipahiwatig
maliban
lamang
sa
paggawa
ng
kabutihan
at
pakikipagkasundo? Sila yaong ang mga lihim ay lubos na nababatid ng
Allah. Kayat iwasan sila at bigyan ng babala at bigyan sila ng mga
paalala tungkol sa kanilang mga pananaw.
At nagpadala ng Sugo ang Allah maliban na siya ay sundin mula sa
kautusan. At kung sila ay lumapit sa inyo kung sila ay nagkamali sa
kanilang mga sarili, at hiningi ang kapatawaran mula sa Allah, at ang
Sugo ay humingi rin ng kapatawaran para sa kanila, malalaman nila na
ang Allah ay lagi nang Mapagpatawad, ang Mahabagin. Subalit sa
pamamagitan ng inyong Rabb, hindi sila kailanman magiging
mananampalataya hanggat hindi nila kayo gagawin na tagapasiya sa
kanilang mga pinagtatalunan hanggat sa wala na silang makita na
dahilan sa kanilang sarili tungkol sa inyong hatol, at sumuko ng kusangloob.

Ngunit hindi, sumpa man sa iyong Panginoon, hindi sila


magiging mananampalataya hanggat hindi ka nila ginagawang
tagapaghatol sa kanilang mga hidwaan at makikita ang kanilang
sarili na walang pagtutol sa iyong mga pasiya, at tinatanggap
nila ito nang buong pagsuko.
Surah an-Nisa 4:65

Pinamahalaan ng Allah na yaong mga pinuno na hindi namumuno sa


pamamagitan ng batas ng Allah ay mga di-mananampalataya,
mapaggawa ng masama, at mapanghimagsik.

At siya na hindi namuno sa pamamagitan ng ibinaba ng Allah,


sila yaong mga di-naniniwala. Surah al-Maidah 5:44
At Kanyang winika:

51

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3





At sinuman ang hindi namuno sa pamamagitan ng ibinaba ng
Allah, sila yaong mga mapaggawa ng kasalanan. Surah al-Maidah
5:45

At Kanyang winika:

At sinuman ang hindi namuno sa pamamagitan ng ibinaba ng


Allah, sila yaong mga mapanghimagsik. Surah al-Maidah 5:47
Kailangan na mamuno sa pamamagitan ng kung ano ang inihayag ng
Allah at ang hangarin ang Kanyang pasiya sa lahat ng uri ng mga
pagtatalo na may kaugnayan sa mga palagay ng mga iskolar at
tanggapin lamang ang mga palagay at pangungusap na pinatutunayan
ng Aklat at ng Sunnah na walang pagkiling sa itinuturo ng ibang
kautusan o Imam. Ito ay nararapat na ipatupad sa lahat ng paglilitis at
mga karapatan, hindi ang pansariling batas katulad ng isinasagawa ng
ibang mga bansa na may kaugnayan sa Islam. Sapagkat ang Islam ay
mayroong isang pagkakakilanlan na hindi maaaring hatiin. Winika ng
Allah:

O kayong naniniwala! Itaguyod ang Islam sa kabuuan nito.


Surah al-Baqarah 2:208

Talakayin:
1. Pagkutya sa pananampalataya.
2. Dalawang uri ng pagkutya.
3. Ang pamumuno sa pamamagitan ng iba mula sa kung ano ang
inihayag ng Allah.

52

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

ARALIN 11

ANG KATAYUAN NG PAGPAPATUPAD NG IBANG MGA BATAS


MALIBAN SA BATAS NG ALLAH
Ang Allah ay nagwika:

At sinuman ang hindi namuno sa pamamagitan ng ibinaba ng


Allah, sila yaong mga di-naniniwala. Surah al-Maidah 5:44
Ang Ayah na ito ay nagpapahiwatig na ang pamamahala sa
pamamagitan ng mga batas ng iba maliban sa batas na inihayag ng
Allah ay bumubuo ng isang di paniniwala. Ang uri ng di paniniwala ay
maaaring malaki na nasasangkot ang pagtalikod, o di kaya naman ay
maliit na hindi naman mauuwi sa pagtalikod subalit ito ay batay sa paguugali ng isang pinuno. Kung siya ay naniniwala na ang batas ng Allah
ay hindi sakop ang lahat at maaari siyang magpasiya ng ayon sa
kanyang sarili, o kaya naman ay balewalain niya ang mga ito, o
maniwala na ang mga isinagawang mga batas ng tao ay mas mainam
kaysa sa mga batas na Banal, sapagkat ang mga ito ay hindi na
napapanahon, o kaya naman ay kapag nais niyang pakisamahan ang
mga di-mananampalataya at ang mga mapagkunwari, sa paggawa nito
ay nakagagawa siya ng isang malaking di paniniwala. Subalit kapag
siya ay naniniwala na ang batas ng Allah ay sakop ang lahat at batid
niya kung anong mga batas ang dapat ipataw sa mga pagkakataon
subalit pinili pa rin niyang mamuno sa pamamagitan ng ibang mga
batas na nababatid niya na ang kanyang ginawa ay mali at maaaring
patawan ng kaparusahan, magkagayon ang ganitong uri ng pinuno ay
sumusuway at nakagagawa ng isang maliit na Kufr o di paniniwala.
Subalit kung hindi niya nalalaman ang Banal na mga batas at nagsikap
siya na alamin ang mga ito, subalit hindi niya nalaman, maaari siyang
nakagawa ng isang pagkakamali, subalit bibiyayaan siya sa pagsisikap
niya na marating ang tamang pagpapasiya, at sinuman ang magkamali
ay patatawarin.1
Ang pagkakataong ito ay para lamang sa mga pangyayari sa bawat tao,
subalit ang batas sa mga pangyayari na may kaugnayan sa
1

At-Tahawiyah p. 363-364

53

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

pangmaramihan (publiko) ay sa ibang pagkakataon. Si Shaikul Islam b.


Taymiyyah ay nagsabi: Kung ang pinuno ay relihiyoso ngunit namuno
nang walang nalalaman siya ay magwawakas sa Impiyerno. Subalit
kapag nababatid niya ang mga batas na Banal at namuno pa rin siya sa
pamamagitan ng iba maliban sa katotohanan, siya ay mabibilang sa
mga maninirahan sa Impiyerno. At kapag siya ay namuno nang walang
katarungan at walang nalalaman, mas karapat-dapat sa kanya ang
Apoy. Ito ay kung sa pagkakataon na siya ay nagbigay ng pasiya sa tao
sa isang pangyayari, subalit kapag ang kanyang pagpapasiya ay may
kaugnayan sa publiko, at palitan niya ang katotohanan ng
kasinungalingan, at ng kasinungalingan sa katotohanan, ang Sunnah sa
Bidah, o kaya naman ay Bidah sa Sunnah, at ang mabuti sa masama
at ang masama sa mabuti, at salungatin ang mga kautusan ng Allah at
ng Kanyang Sugo at ipag-utos kung ano ang ipinagbabawal ng Allah at
ng Kanyang Sugo, kung gayon, ito ay isa pang uri na huhusgahan ng
Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga mundo, at ang Diyos ng mga
Sugo, ang Nagmamay-ari ng Araw ng Pagtutuos, na sa Kanya
nabibilang ang lahat ng mga papuri sa panimula at sa pangwakas.1
Winika ng Allah:

Ang paghuhukom ay sa Kanya, at sa Kanya kayo ay


magbabalik. Surah al-Qasas 28:88
Winika ng Allah:

Siya, na kung Sino ang nagpadala ng Kanyang Sugo, na may


dalang patnubay at ang pananampalataya ng katotohanan,
upang ito ang mangibabaw sa lahat ng mga relihiyon. At sapat
na ang Allah bilang Saksi. Surah 48:28
Si Shaikul Islam Ibn Taymiyyah ay nagpatuloy sa pagsasabi: Walang
pag-aalinlangan na sinuman ang hindi maniwala sa pangangailangan ng
pamumuno mula sa kung ano ang ipinadala ng Allah sa Kanyang Sugo
ay isang di-mananampalataya. Kayat siya na itinuturing na
pinahihintulutan ang pagpapasiya sa pagitan ng mga tao sang-ayon sa
kung ano ang kanyang pinaniniwalaan bilang isang makatarungan na

Majmu al-Fatawa, p. 388

54

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

hindi isinasangguni sa kung ano ang ipinadala ng Allah ay isa ring dimananampalataya.
Hindi magkakaroon ng isang bansa kung hindi mamayani ang
katarungan, kahit na ang katarungang ito sang-ayon sa kanilang
relihiyon ay kung ano ang sinabi ng kanilang mga pinuno. Marami ang
nagtuturing na sila ay mga Muslim, namumuno sa pamamagitan ng
kanilang mga kinagisnan at tradisyon na hindi inihayag ng Allah, katulad
ng mga kaugalian ng mga Bedouins na kanilang minana mula sa
kanilang mga ninuno na mga pinunong sinunod. Naniniwala sila na ang
mga ganitong mga kaugalian ay kinakailangang ipatupad, na hindi
kasama ang Aklat at ang Sunnah, at ang ganitong paniniwala ay
magdudulot ng di paniniwala.
Si Shaikh Muhammad bin Ibrahim1 ay nagpahayag: At para sa kung
ano ang itinuturing na mas mababang uri ng di paniniwala, ito ay kapag
siya ay sumasangguni sa iba maliban sa Aklat ng Allah gayong alam
niya na siya ay susuway sa Allah sa pagsasagawa nito, at ang batas ng
Allah ay ang katotohanan, subalit ginawa niya ito nang minsan. Ang
ganitong tao ay hindi nakagagawa ng malaking di paniniwala. At para
naman sa mga nagsasagawa ng batas at ipinatutupad sa iba, ito ay
nagdudulot ng di paniniwala, kahit pa na aminin nila na sila ay
nagkamali, at ang mga batas ng Allah ang pinakamakatarungan; ang
mga ganitong uri ay maituturing na isang di paniniwala na mauuwi sa
isang pagtalikod.2
PAG-AANGKIN NG KARAPATAN SA PAGSASAGAWA NG BATAS,
PAGPAPAHINTULOT AT PAGBABAWAL
Ang pagsasagawa ng mga batas para sa mga alipin ng Allah na siyang
dapat sundin sa kanilang mga gawa ng pagsamba, pakikipag-ugnayan,
pakikipagkasundo, paglilitis, at ang lahat ng kanilang mga ugnayan ay
isang karapatan na natatangi lamang para sa Allah, ang Kataas-taasan,
ang Rabb ng sanlibutan, at ang Tagapaglikha ng lahat ng mga nilikha.
Winika ng Allah:

Katotohanan, nabibilang sa Kanya ang nilikha at ang kautusan,


at Siya ang Nagkakaloob ng mga biyaya, ang Panginoon ng mga
Daigdig. Surah al-Araf 7:54
1
2

Ang dating Mufti ng Saudi Arabia na sinundan ni Shaikh Bin Baz


Fatawa as-Shaikh Muhammad b. Ibrahim aal-Ash-Shaikh

55

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Alam Niya kung ano ang nararapat sa Kanyang mga alipin, at isinabatas
ang mga ito para sa kanila. Sa kabutihan ng Kanyang Rububiyyah, siya
ay gumawa ng batas para sa kanila, at sa kabutihan ng kanilang
paglilingkod sa Kanya, tinatanggap nila ang Kanyang mga Pasiya;
anumang pangyayari ito na para sa kanila. Winika ng Allah:

At kapag kayo ay nagtatalo sa anumang bagay, isangguni ito sa


Allah at sa Kanyang Sugo kung totoo kayong naniniwala sa Allah
at sa Huling Araw, ganito ang mabuti para sa husay ng
pagpapasiya. Surah an-Nisa 4:59
Winika rin Niya:

At anuman ang inyong pinagkaiba, ang pagpapasiya ay


nakasalalay sa Allah. Sabihin: Siya ang Allah, ang aking
Panginoon. Surah ash-Shura 42:10
Itinanggi ng Allah na ang Kanyang mga alipin ay dapat tumanggap ng
mga mambabatas maliban lang sa Kanyang Sarili. Siya ay nagwika:

O, sila ay may mga katambal ng Allah na gumawa ng relihiyon


para sa kanila sa pananampalataya kung ano ang hindi
pinahintulutan ng Allah? Surah ash-Shura 42:21
Magkagayon, sinuman ang tumanggap ng batas maliban sa nagmula sa
Allah ay nagbigay ng katambal sa Kanya. Anumang uri ng pagsamba na
hindi inatas ng Allah at ng Kanyang Sugo ay isang Bidah, at ang bawat
Bidah ay daan patungo sa pagkalihis. Sinabi ng Propeta:
Sinuman ang magdala ng sa ating
anumang bagay na hindi nabibilang
tanggapin. Bukhari at Muslim

pananampalataya ng
dito, ito ay huwag

Sa ibang salaysay, siya ay nagsabi:


Sinuman ang nagsasagawa ng pagsamba na hindi itinuro ng
ating pananampalataya ay dapat na iwaksi. Muslim

56

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Samantala ang ibang mga batas na hindi nagmula sa Allah o di kaya sa


Kanyang Sugo sa mga politika, o sa paghahatol sa mga pagtatalo ng
mga tao, ito ay itinuturing na batas ng Taghut, at Jahiliyyah. Winika ng
Allah:

Sila ba ay naghahangad ng pasiya mula sa Jahiliyyah? At sino


pa ba ang nakahihigit sa Allah bilang tagahatol sa mga taong
may matibay na pananalig? Surah al-Maidah 5:50
Ang karapatan ng pagpapahintulot at pagbabawal ay tanging sa Allah
din lamang, at walang sinuman ang pinahihintulutan na makibahagi ng
karapatan na ito sa Kanya. Winika ng Allah:

At huwag kainin ang anuman na ang pangalan ng Allah ay hindi


nabanggit, katotohanang ito ay Fisq (pagsuway). At katiyakan
na ang mga shayatin (demonyo) ay nag-uudyok sa kanilang mga
kaibigan upang makipagtalo sa inyo. At kung susundin ninyo
sila, tunay na kayo ay magiging Mushrikun. Surah al-Anam 6:121
Samakatuwid, itinuturing ng Allah na shirk ang pagsunod sa mga
Demonyo at kanilang mga tagasunod kaugnay sa mga bagay
ipinapahintulot kung ano ang ipinagbabawal ng Allah. Gayundin,
sinuman ang sumunod sa mga iskolar at mga pinuno sa pagbabawal sa
mga bagay pinahintulot ng Allah, siya ay maituturing na ginagawa niya
silang mga panginoon na hindi kasama ang Allah. Winika ng Allah:

Itinuring nila ang kanilang maaalam na mga tao at mga


monghe, at ang Mesiyas, na anak ni Maria bilang mga panginoon
maliban sa Allah. At sila ay inatasan na sumamba sa Isang
Diyos. Walang ibang tunay na diyos maliban sa Kanya.
Napakalayo Niya mula sa kanilang itinatambal sa Kanya!
Surah at-Tawbah 9:31

57

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Si at-Tirmidhi at ang iba pa ay nag-ulat na binigkas ng Propeta ang


nabanggit na Ayat kay Adi bin Hatim at-TaI (ilang sandali bago niya
tinanggap ang Islam) kalugdan nawa siya ng Allah, na nagsabi:
O Sugo ng Allah, hindi namin sila sinasamba!
Sinabi ng
Propeta: Hindi ba nila ipinahintulot sa inyo kung ano ang
ipinagbawal
ng
Allah
at
itinuring
ninyo
ito
bilang
pinahihintulutan?
At
ipinagbawal
nila
kung
ano
ang
ipinahihintulot ng Allah at itinuring naman ninyo ito bilang
ipinagbabawal? Kanyang sinabi: Katiyakan nga! At sinabi ng
Propeta: Ganito kung papaano ninyo sila sinamba.
At-Tirmidhi atbp.

Talakayin:
1. Batas sa pamamahala sa pamamagitan ng mga batas ng iba
maliban sa mga batas na inihayag ng Allah.
2. Pagpapaphintulot at Pagbabawal sa Islam.

58

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

ARALIN 12

ANG BATAS SA PAGSAPI SA MGA SEKTA NG MGA ATHEIST AT


ANG MGA LAPIAN NG KAMANGMANGAN
1. Ang pagsapi sa mga sekta ng mga Atheist (mga taong hindi
naniniwala na mayroong Diyos), at mga grupo ng Komunismo,
Sekularismo, Kapitalismo, at iba pang mga sisma (pagkahati) ng dipaniniwala ay nagdudulot ng pagtalikod. Kapag ang kasapi sa ganitong
grupo ay nagsasabing isa siyang Muslim, magkagayon siya ay
nakagagawa ng isang malaking pagkukunwari sa pamamagitan ng
pagsapi sa kanila. Ang mga mapagkunwari ay nagsasabing sila ay mga
Muslim sa publiko, subalit sa kanilang mga puso sila ay mga di
naniniwala, katulad ng paglalarawan ng Allah sa kanila:







At kapag kasama nila ang mga naniniwala sila ay nagsasabi:
Kami ay naniniwala; subalit kapag kasama nila ang kanilang
mga pinuno sila ay nagsasabi: Katiyakan na kami ay kampi sa
iyo, kami ay nangungutya lamang. Surah al-Baqarah 2:14

Ang mga ganitong uri ng mga mapanlinlang na mapagkunwari, isa sa


kanila ay may dalawang mga mukha, ang isa ay para humarap sa mga
mananampalataya at ang isa ay para humarap sa kanilang kapatiran
(atheist), at mayroong dalawang mga dila, isa para sa mga Muslim, at
ang isa ay nagsasabi ng nilalaman ng kanyang loob. Winika ng Allah:

Yaong mga mapagkunwari na naghihintay at nagmamasid


tungkol sa inyo; kapag kayo ay nagtagumpay mula sa Allah, sila
ay magsasabi: Hindi ba kami kasama sa inyo? Subalit kapag
ang mga di naniniwala ang nagtagumpay, sasabihin nila sa
kanila: Hindi ba naming ginawa ang para sa inyo at hindi ba
namin kayo pinangalagaan mula sa mga mananampalataya?
Ang Allah ay magpapasiya sa pagitan ninyo (lahat) sa Araw ng
Muling Pagkabuhay. At kailanman ay hindi ipagkakaloob ng Allah
ang tagumpay sa mga di naniniwala laban sa mga
mananampalataya. Surah an-Nisa 4:141

59

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Tinalikuran nila ang Aklat at ang Sunnah at kinukutya nila ang mga
sumusunod dito, at tumatanggi sila na magpasakop sa dalawang
inihayag na ito, ikinasisiya kung anong kaalaman ang mayroon sila na
ang pagkakaroon ng higit ng ganitong uri ng kaalaman ay magdaragdag
lamang sa kanila ng kasamaan at pagmamalaki. Palagi ninyo silang
makikita na nagtatawa sa mga sumusunod sa kapahayagan. Winika ng
Allah:

Kinukutya sila ng Allah at dinaragdagan ang kanilang pagkalihis


upang lumibot sila ng hindi nila nakikita. Surah al-Baqarah 2:15
Ipinag-utos ng Allah sa Kanyang mga alipin na sumunod sa mga
mananampalataya:

O kayong mga naniniwala, katakutan ang Allah at makisama sa


mga makatotohanan. Surah at-Tawbah 9:119
Ang mga ganitong uri ng mga atheist ay sumasalungat sa bawat isa
sapagkat sila ay nakabatay sa di makatotohanan. Ang Komunismo ay
itinatanggi ang pagkakaroon ng Tagapaglikha, Kaluwalhatian sa Kanya,
at sinasalungat ang makatotohanang relihiyon. Sinuman ang sapat na
sa kanya ang mabuhay na walang pananalig at itinatanggi ang matitibay
na katotohanan, ang taong ito ay walang talino. Samantala ang
sekularismo na kinikilala lamang ang materyalismo na ang tanging
layunin lamang dito sa mundo ay ang mabuhay ng parang mga hayop.
Samantala ang pangunahing layunin ng kapitalismo ay ang magkamal
ng kayamanan, kahit sa papaanong pamamaraan, at hindi napipigilan
ng mga pinahihintulot, hindi pinahihintulot, o di kaya ay habag o awa sa
mga mahihirap at nangangailangan. Ang kanilang ekonomiya ay
nakabatay sa pagpapatubo na siyang sumasalungat sa Allah at Kanyang
Sugo, at naghahatid ng pagkasira ng lipunan at mga tao, at
nagsasamantala sa mga mahihirap na bansa.
2. Ang pagsapi sa mga lapian ng mga kamangmangan at panatikong
mga makabayan ay nagdudulot din ng pagtalikod, sapagkat itinatakwil
ng Islam ang pagiging panatiko at makabayan, at iba pang mga sisma
ng kamangmangan. Winika ng Allah:

60

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3


O sangkatauhan! Nilikha Ko kayo mula sa lalaki at babae at
ginawa kayong mga mamamayan ng mga tribu upang kayo ay
magkakila-kilala. Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa
paningin ng Allah ay siya na pinakamatuwid sa inyong lahat.
Surah al-Hujurat 49:30

Ang Propeta ay nagsabi:


Sinuman ang magtaguyod ng nasyonalismo ay hindi isa sa atin,
maging siya ay nakikipaglaban para sa nasyonalismo, o di kaya
siya na nagmamahal ng labis dito. Muslim
Sinabi rin niya:
Inalis sa inyo ng Allah ang tatak ng kamangmangan, at ang
pagyayabang sa angkang pinanggalingan. Ang mga tao ay
maaaring isang matuwid na mananampalataya o di kaya ay
isang kaaba-abang lapastangan. Ang sangkatauhan ay mga anak
ni Adan, si Adan ay nilikha mula sa lupa. Walang kahigitan ang
mga Arabo sa mga hindi Arabo maliban lamang sa pagiging
matuwid. At-Tirmidhi atbp.
Ang ganitong mga samahan ay naghahati sa mga Muslim, samantala
iniutos ng Allah sa kanila na magka-buklod, at tulungan ang bawat isa
sa mga kabutihan at pagiging matutuwid. Ipinagbawal Niya ang
pagkakawatak-watak at pagputol ng ugnayan. Winika Niya:

At panghawakan ninyong lahat ang lubid ng Allah at huwag


magkahiwa-hiwalay; at tandaan ang mga biyaya ng Allah sa inyo
noong kayo ay magkakaaway at pinagsama Niya ang inyong mga
puso sa pagmamahalan, at kayo ay naging magkakapatid sa
pamamagitan ng Kanyang pagpapala. Surah al-Imran 3:103
At kayo ay nasa bingit ng hukay ng apoy, at iniligtas Niya kayo mula
dito. Magkagayon ipaliliwanag ba ng Allah sa inyo ang mga palatandaan
upang kayo ay magabayan.

61

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3

Ninais ng Allah na tayong lahat ay magkaisa, ito ay ang matagumpay na


samahan ng Allah. Subalit ang bansang Muslim ay nagpatalo sa
ugnayang pagkakamag-anakan, pagkakakilanlan, at nasyonalismo na
pinaniniwalaan itong mga naitatag na katotohanan, at hindi maiwasang
katotothanan matapos itong salakayin ng Europa sa pamamagitan ng
politika at kultura. Ang mga mamamayan nito ay nagmamadaling
ibangon ang ganitong uri ng sisma (pagkahati) na winasak ng Islam.
Binuhay nilang muli ang mga islogan, pinupuri sila at ipinagmamalaki
ang kanilang kapanahunan na nauna sa Islam; ang panahon na
tinatawag sa Islam na Kamangmangan. Biniyayaan ng Allah ang mga
Muslim sa pag-iwas sa kanila mula sa ganitong mga sisma at hinikayat
sila na maging mapagpasalamat sa ganitong biyaya. Likas lamang sa
mga mananampalataya na kapag may nababanggit na may kaugnayan
sa kamangmangan kahit ito pa ay malapit o malayo sa panahon ng
Islam, na may sama ng loob, poot, at pagkainis.
Dapat malaman na ang mga ganitong pagkakawatak-watak ay tanging
parusa lamang ng Allah para sa mga sumuway mula sa Kanyang mga
batas at nagtatakwil ng Kanyang deen. Winika ng Allah:

Sabihin, Siya ay may kakayahang magpadala ng parusa para sa


inyo mula sa inyong taas, o mula sa inyong mga paa, o di kaya
ay lituhin kayo sa pamamagitan ng paghahati sa inyo sa ibat
ibang mga sekta at ipalasap sa inyo ang dahas ng bawat isa.
Surah al-Anam 6:65

Tignan kung papaano namin pinalawak ang mga palatandaan sa ibat


ibang pamamaraan upang kanilang maunawaan.
At sinabi ng Propeta:
At maliban na ang kanilang pinuno ay mamuno sa pamamagitan
ng Aklat ng Allah, gagawin ng Allah na ang kanilang lakas ay
maging laban sa kanilang mga sarili. Ibn Majah
Ang tatak ng pagiging panatiko sa kanilang mga sekta ay nagiging sanhi
ng pagtakwil sa katotohanan na nasa kamay ng iba. Katulad nito ay ang
mga Hudyo na tumanggi sa katotohanan at inilarawan ng Allah sa
kanyang talata na:

62

BTEC Batha Training and Education Center

Tawhid /

Level - 3



At nang sabihin sa kanila, Sundin kung ano ang

ibinaba ng Allah, sila ay magsasabi: Naniniwala kami sa kung


ano ang ipinadala sa amin, at sila ay hindi naniwala sa kung ano
ang ipinadala matapos yaon, gayung ito ang katotohanan,
isinasagawa kung ano ang nasa kanila. Surah al-Baqarah 2:91
Ang ganitong pagkakataon ay kahalintulad ng mga lipunan ng
kamangmangan (ang mga pagano) na itinakwil ang katotohanan na
dinala sa kanila ng Sugo ng Allah dahil lamang sa kanilang labis na
pagmamahal sa kanilang mga ninuno, winika ng Allah:

At nang sabihin ito sa kanila, Sundin kung ano ang ibinaba ng


Allah. sila ay nagsasabi: Hindi, susundin naming kung ano ang
nakita naming na sinunod ng aming mga ninuno.
Surah al-Baqarah 2:170

Ang mga panatikong mga tagasunod ay nais gawin ang kanilang mga
pagkahumaling sa kanilang mga sekta bilang pamalit sa Islam na siyang
biyayang ibinigay ng Allah sa sangkatauhan.
Talakayin:
1. Batas sa pagsapi sa mga sekta ng Atheist.
2. Batas sa pagsapi sa lapian ng mga kamangmangan at panatikong
makabayan.
3. Dahilan ng pagkakawatakwatak.

63

BTEC Batha Training and Education Center

You might also like