Ang kahirapan ang nagsasadlak sa dusa upang gumawa ng masamang bagay ang mga taong mabubuti. Napipilitan ang mga kapospalad na mamili sa mga natitirang karapatan para sa kanila upang mamuhay nang maayos. Masasabi na ang katiwasayan ay madaling masira tuwing oras ng kalamidad at ang panahon ng tagipit ang siyang nagbabawal sa kanila upang bumangon muli. Tulad ni John Q na napilitang mang-hostage ng isang emergency ward dahil hindi niya kayang sagutin ang operasyon ng kanyang anak at ni Antonio Ricci na nagnakaw ng bisikleta sa sobrang desperado niya na mabawi ang nawalang sahod, ang kahirapan ang nagbibigay-limitasyon sa mga walang-kaya. Kung babalikan natin ang depinisyon ni Ricoeur, hindi tuwirang nalalapitan ang kalipunan1. Kumbaga, ang kalipunan ay siyang taong naaabot ko sa pamamagitan ng kanyang papel sa lipunan. May nakatakdang gawin ang kalipunan. Hindi ito maaaring gumawi palayo sa nakasanayan. Hindi maaaring mag-ibang landas upang sumadya ng isang nangangailangan. Hindi ito tulad ng Mabuting Samaritano. Ang kapwa, sa kabilang banda, ay may personal na paraan ng pakikitagpo, higit pa bilang isang tulay o namamagitan. Napapansin ng kapwa ang Ka-Iba at umaaksyon ito alinsunod sa tingin niya ay maaari niyang gawin kahit na alam niyang maaaring hindi ito ang kanyang dapat na ginagawa. Bagamat madalas hindi natin masisisi sa ibang mga tao ang naging kondisyon ng mga mahihirap, marahil ay nagtataka tayo kung bakit hindi awa
ang
unang
nararamdaman
ng
karamihan
gayunpamang
nasasaksihan na nila ang sitwasyon ng mga mahihirap. Sa pelikulang
1 Paul Ricoeur. Ang kalipunan at ang kapwa. Sa A. Angeles, et. al. (Eds.) Pilosopiya ng Tao: Ilang Piniling Babasahin Tomo II. (Quezon City: Kagawaran ng Pilosopiya, AdMU, 1988), 153
John Q2, masasabi kong makatarungan pa rin ang pagtrato ng mga
doktor sa ospital dahil ginagawa lamang nila ang nararapat. Kahit na may bureaucratic red tape kung saan mali pa ang proseso ng aplikasyon ni John Q, hindi natin maibubuntod ang sisi sa administrasyon. Tila marami lang talaga ang hindi nabibigyan ng insurance, hindi rin naman nila maaaring pagbigyan ang bawat nangangailangan ng operasyon dahil malulugi ang institusyon. Dito maaaring idagdag na may kaakibat na responsibilidad ang bawat
taong
nabigyang-takda
sa
lipunan.
Marami
pa
rin
ang
nakadepende sa isang nabigyang-takda. Tulad ni Dr. Turner na
maaaring mawalan ng sweldo o lisensya kapag hindi siya sumunod sa ninanais ng mga mas nakatataas sa kanya, hindi niya maaaring operahan ng walang pahintulot ang anak ni John Q nang basta-basta. Dahil ginagawa naman nila ang tungkulin sa komunidad, nahihirapan silang palawigin ang kanilang hangganan upang tumulong sa mga mas nangangailangan pa sa kanila. Kung makikitungo siya kay John Q bago pa man, wala siyang mapapakinabangan mula rito. Ang kalipunan ay palaging naghahanap ng kapalit para sa kanyang mga ginawang kabutihan. Bagamat may kapangyarihan ang mga institusyon, nasa tao pa rin ang kakayahang sumalungat dito kapag hindi na nagiging makatarungan ang mga ito. Dahil pinapalawak lamang ng ospital ang impluwensiya nito, nadadamay ang mahihirap na walang pambayad o walang magagawa sa kanilang sitwasyon dahil ito kayang sagutin ng nasabing institusyon. Ang gusto lang din naman ng kahit sinong ospital na pagalingin ang kanilang mga pasyente isang personal na kagandahang loob para sa Ka-Iba ngunit palagi munang iniisip ang sariling kapakanan ng institusyon. Siguro nga, hindi kayang baguhin ng isang indibiduwal ang pagtakbo ng kanyang kinabibilangang lipunan, pero maaari niyang iusod nang kaunti ang sistema upang mauna sa pila yung mga nangangailangan. 2 John Q. Directed by Nick Cassavetes (USA: New Line Cinemas, 2002).
Gayunpaman, totoo yung sinasabing May karapatan ka nang
magkasakit kasi may pera ka na. Sa pelikula, yung institusyon talaga yung nakikipag-usap kay John Q at hindi si Dr. Turner dahil sinasabi niya lang ang proseso na inilathala para sa kanila. Samakatuwid, hindi ito isang tao-sa-taong pakikipag-ugnayan kundi isang tao-sa-taong-nasailalim-ng-institusyon na pakikipag-ugnayan malapit na sa tao-sainstitusyong pakikipag-ugnayan pero mayroon pa ring namamagitan sa dalawa. Dahil rito ay maaaring maituring din si Dr. Turner at ang iba pang mga doktor bilang kapwa kaakibat na naiipit ng sistema at ng mga nangangailangan ng tulong nito. Kung mapapansin natin, parehong may alyenasyon sa kapwa ang dalawang pelikula. Alalahanin na may ibat ibang uri nito, ayon kay Marx3: sa produkto, sa proseso ng paggawa, at sa species-being. Humahantong sa produkto ng kanyang serbisyo ang lahat ng kanyang ginagawa at pinapagmay-ari dahil ditto naibubuhos ng indibiduwal ang kanyang enerhiya upang magtrabaho. Ang objektipikasyon ng trabaho ang siyang naglalapit ng mga tao sa ginagawa ng mga hayop. Bukod pa roon, ang trabaho ay nagpupundar sa karamihan upang mabuhay. Nagsisikap sila upang manatiling may ipapakain sa pamilya. Dahil dito, ang sariling buhay ay nagiging obheto. Sa pelikulang The Bicycle Thief4, nagiging kalakal na rin mismo si Antonio Ricci dahil kailangan may kasama siyang bisikleta para lamang makapagtrabaho. Ang kanyang sariling pagkatao ay naisasantabi dahil nagiging daan na lamang ito upang makatanggap ng suweldo. Kumbaga, parang hindi na tao ang turing sa kanya. At itoy ayong-ayong para lamang mapabilis ang produksyon ng trabaho ng kanyang opisina. 3 Karl Marx. Economic and Philosophical Manuscripts, First Manuscript: Alienated Labor. Sa A. Angeles, et. al. (Eds.) Readings in philosophy of man Volume II. (Quezon City: Philosophy Department, AdMU, 1988), 58. 4 The Bicycle Thief. Directed by Vittorio De Sica (Italy: Umbrella Entertainment, 1948).
Sa pangkalahatan, maraming naidudulot ang kahirapan. Una, ang
pamilya ng maralita ay naaapektuhan. Pati ang kagamitang pampamilya, kasaysayan ng pamilya, mga pagmamana ay kayang angkinin ng trabaho para lamang mabuhay. Pati ang moralidad ay kayang kontrolin kayang palitan ang kagandahang-loob upang maipagpatuloy ang nakasanayang pamumuhay. Binabaluktot ng trabaho ang nakasanayan ang upang magbigyan-serbisyo ang kahirapan.
The Bicycle Thief. Directed by Vittorio De Sica (Italy: Umbrella
Entertainment, 1948). John Q. Directed by Nick Cassavetes (USA: New Line Cinemas, 2002). Karl Marx. Economic and Philosophical Manuscripts, First Manuscript: Alienated Labor. Sa A. Angeles,
et. al. (Eds.) Readings in
philosophy of man Volume II. (Quezon City: Philosophy Department,
AdMU, 1988), 53-69. Manny Dy, Jr. Philosophical implications of human labor. Sa Philosophy of man: selected readings. (Quezon City: Goodwill Trading Company, 1986), 111-117. Paul Ricoeur. Ang kalipunan at ang kapwa. Sa A. Angeles, et. al. (Eds.) Pilosopiya ng Tao: Ilang Piniling Babasahin Tomo II. (Quezon City: Kagawaran ng Pilosopiya, AdMU, 1988), 149-164.