Demand Letter Tagalog2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MENCIAS & ASSOCIATES LAW OFFICE

REFINDOR BLDG. EXTN., CAPITOL SITE,


OSMEA AVE., ESTANCIA, KALIBO AKLAN
TEL. NO.: (036) 268-3718

Ika-22 ng Oktubre, 2015


Kalibo, Aklan
LEORRE I. GARZON
MALOCO, IBAJAY, AKLAN

GINOONG GARZON:
Bilang abugado ng FAR EAST KALEFMA LENDING CORP., kayo ay aming
pinadalhan ng sulat na ito upang kayo ay bigyan ng ika-huling palugit na magbayad ng inyong
pagkakautang. Ang inyong obligasyon sa naturang korporasyon ay nagkakahalaga sa ISANG
LIBO, PITONG DAAN, WALUMPUT TATLONG PISO (P1,783.00) na itinakdang bayaran
noong ika-23 ng Mayo, 2015.
Dahil sa hindi ninyo pagbayad sa napagkasunduang petsa, ang inyong utang ay
nagkaroon na ng karagdagang tubo na 8% bawat buwan. Dagdag pa rito, kayoy sinisingil din na
magbayad ng 20% ng halaga ng inyong utang bilang kabayaran sa abugado o attorneys fee.
Kami ay mapipilitang dalhin sa korte ang bagay na ito kung kayo ay hindi sumunod sa
napagkasunduan. Nais naming ipaalala na ang kaso ay maaaring direktang isampa sa korte at
hindi na dadaan pa sa barangay sapagkat magkaiba ang residensya ninyo at ng nagrereklamong
korporasyon. Maaring rematahin ang inyong isinanglang gamit at kayo ay singilin ng
karagdagang halaga bilang attorneys fee na hindi bababa sa P20,000.00, naaayon sa inyong
pinirmahang kontrata (Promissory Note). Maari ring singilin ang inyong co-maker ng kabuuang
halaga o halagang hindi kayang bayaran ng prinsipal na umutang.
Upang maiwasan ang litigasyon, kami ay handang makipag-areglo sa inyo kung kayo ay
magbabayad ng inyong naturang obligasyon sa loob ng sampung (10) araw mula sa petsa ng
pagkatanggap ninyo ng sulat na ito.

Gumagalang,

ATTY. ROWENA MAE N. MENCIAS


(Para sa Far East Kalefma Lending Corp.)

You might also like