Pakikinig

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAKIKINIG

A. Kahulugan
Isa sa makrong kasanayang pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng sensoring
pandinig at pag-iisip. (Bernales, 2000).
Isang aktibong proseso na nagbibigay daan sa indibibwal upang pag-isipan, pagnilaynilayin, analisahin ang kahulugan at kabuluhan ng mga salita.
B. Kahalagahan
1. Pagtamo ng karunungan at impormasyon
2. Katulong sa pakikisangkot at pakikisalamuha
3. Nagbibigay ng kaligayahan at kawilihan
Kailangang matuto ang isang tao sa epektibo at kritikal na pakikinig upang magkaroon
ng:
1.
2.
3.
4.
5.

Karunungan
Impormasyon
Pakikisangkot
Kawilihan
Kaligayahan

Ayon kay Sigbad (1979) 60% ng pang-araw-araw na gawain ay pakikinig at hanggang


1/3 nito ay kaagad na nakakalimutan pagkatapos makita o marinig.
C. Proseso
1.
2.
3.
4.
6.
5.

Pagtanggap ng mensahe tainga


Pagtuon ng atensyon sa tinanggap na mensahe pagmamasid sa di-verbal cues
Pagbibigay-kahulugan sa mensahe dating kaalaman at karanasan
Pagmememorya pagtanda at paggunita sa mensaheng tinanggap
Ebalwasyon- pagtitimbang ng tagapakinig sa kanyang napakinggan
Pagtugon sa mensahe reaksyon o sagot; direktang ugnayan sa isat isa

D. Layunin ng Pakikinig
1. Para malibang
- di-nangangailangan ng masusing pakikinig
- Hal. dula sa radio, telebisyon at iba pang palabas
- masayang pakikipagkwentuhan sa kaibigan at kakilala
2. Makapagnilay-nilay o makapag-isip
- tungkol sa sarili, mga karanasan sa buhay
- hal. sermon ng pari/pastor
3. Makalikom ng mga impormasyon/kaalaman
- buong atensyon
- hal. pakikipanayam, seminar o mga lektyur ng guro sa klase
- maunawaan at matandaan ang mga kaalamang ibinibigay ng nagsasalita
4. Magsuri
- humihingi ng ideya, opinion o reaksyon
- hal. talakayan, debate o pagtatalo
E. Antas ng Pakikinig
1. Apresiyativ na pakininig
- gamitin ito sa pakikinig upang maaliw
- hal. awit sa radio, konsyerto
2. Pakikinig na diskriminatori
- kritikal na pakikinig
- ginagamit ito para sa organisasyon at analisis ng mga datos na napakinggan
- inuunawa at inaalala ng tagapakinig ang mga impormasyon kanyang
napakinggan

3. Mapanuring pakikinig
- selektiv na pakikinig
- mahalaga rito ang konsentrasyon
- bukod sa pag-unawa, ang tagapakinig ay bumubuo ng mga konsepto at
gumagawa ng mga pagpapasya ng valyu sa antas na ito
4. Implayd na pakikinig
- tinutuklas ang mga mensaheng nakatago sa likod ng mga salitang naririnig
- ang hindi sinasabi ng tuwiran ay inaalam ng tagapakinig sa level na ito
5. Internal na pakikinig
- pakikinig sa sarili
- pinagtutuunan ang pribadong kaisipan ng isang indibidwal na pilit niyang
inuunawa at sinusuri
F. Mga Uri ng Tagapakinig
1. Eagle Beaver
- ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang
harapan
- makikita sa kanyang mata ang kawalan ng focus kahit pilit ang pagpapanggap
niya na siya ay masugid na nakikinig
- pilit niyang pinapaniwala ang iba na siya ay mabuting tagapakinig
2. Sleeper
- nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid
- walang siyang tunay na intensyong makinig
- naiinis siya kapag may nag-iingay
- dahan-dahan niyang ipipikit ang kanyang mga mata habang inihihilig ang ulo at
naglalakbay sa daigdig ng panaginip
3. Tiger
- laging handang magreak sa anumang sasabihin ng nagsasalita
- lagi siyang naghihintay ng maling sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat
pagkakamali ay para siyang tigre na susugod at mananagpang
4. Bewildered
- kahit anong pilit ay walang maintindihan sa naririnig
- kapansin-pansin sa pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong
pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig
5. Frowner
- waring lagi na lang may tanong at pagdududa
- makikita sa kanyang mukha ang pagiging atentibo, ngunit ang katotohanan,
hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari
6. Relaxed
- problema siya sa isang tagapagsalita
- nakikita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig
- madalas nauupo siyang para bang nasa sala ng sariling bahay
- walang makikitang iba pang reaksyon mula sa kanya. Positibo man o negatibo
7. Busy Bee
- isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig
- abala siya sa ibang Gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi,
pagbabasa, pagsusuklay at iba pang Gawain na walang kaugnayan sa
pakikinig
8. Two-eared listener
- pinakaepektibong tagapakinig
- nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga maging ang kanyang
utak
- lubos ang partisipasyon niya sa gawaing pakikinig
- objektiv ang reaksyon niya sa mensaheng kanyang naririnig
- makikita rin sa kanya ang kawilihan sa pakikinig
- siya ang uri ng tagapakinig na dapat tularan ng lahat

G. Mga Uri ng Pakikinig


1. Di-aktibong pakikinig o passive na pakikinig
- di-gaanong binibigyan ng matamang pagtuon ng atensyon
- maaaring magbigay ng tugon o hindi
- isinasabay sa iba pang Gawain
2. Masigasig o matamang pakikinig
- maunawaan nang lubos ang nilalaman usapan, ang mahalagang detalyeng
Binabanggit
3. Kritikal na pakikinig
- masuri o ma-evalweyt ang kawastuhan at katotohanan ng mensaheng
napakinggan
4. Masaya o malugod na pakikinig
- musika, dula, kwento
H. Mga Elementong Nakakaimpluwensya sa Pakikinig
1.
2.
3.
4.

Oras
Tsanel daluyan ng tunog
Edad bata at matanda
Kasarian babae/lalaki
- babae mapalabok
- lalaki maikli at tuwiran
5. Kultura hal. maingay na pagnguya
6. Konsepto sa sarili
7. Kapaligiran/pook at kalagayan ng nakikinig
- lugar
- panahon
- kalagayan ng nakikinig
8. Kakayahan at katangian ng tagapagsalita
- tinig
- paraan ng pagsasalita
- tindig
- personalidad
9. Kakayahan at katangian ng tagapagsalita
- pangkalusugan at pangkaisipan
10. Konsentrasyon sa pakikinig
- buo ang kalooban
- may malinaw na layunin
I. Mga Sagabal sa Pakikinig
1. Suliraning eksternal
- mga distraksyong awral tulad ng ingay na likha ng bel, makina o malakas na
usapan
- mga problema sa pasilidad tulad ng di-komportableng upuan, ang labis na
mainit o malamig na temperature sa silid
2. Suliraning mental
- preokupasyon o pag-iisip ng ibang bagay tulad ng mga problema o
pangangarap ng gising
- pananakit ng ulo at kakulangan sa pag-iisip
3. Iba pang tanging salik
- labis na pagiging mahirap o kompleks ng isang konsepto o labis na kadalian
niyon na maaaring kawalan ng interes ng tagapakinig
- lubos na magkasalungat na opinion ng nagsasalita at tagapakinig
- distraksyong biswal tulad ng manerismo at anyo ng nagsasalita

J. Mga Paraan Upang Maging Epektibong Tagapakinig


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Pakinggan huwag lamang ang mga salita kundi maging ang mga kahulugan.
Tulungan ang kausap na linawin ang kanyang mensahe.
Ipagpaliban hanggat maaari ang iyong mga paghuhusga.
Kontrolin ang mga tugong emosyonal sa mga naririnig.
Pagtuunan ang mensahe.
Pagtuunan din ng pansin ang istruktura ng mensahe.
Patapusin ang kausap.

K. Kasanayang Nakatutulong sa Mabisang Pakikinig


1. Paglalagom
- pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda
- higit na maikling paraan
- pananalitang higit na madaling unawain kaysa orihinal
- katulad nito ang pagbubuod
2. Pagtatala (talumpati at panayam)
- dumalo na handa ang lahat ng kailangang kagamitan
- huwag magmamadali sa pagsulat sa naririnig
- ihanay habang nakikinig, sang-ayon sa kung iyon ay pamunong kaisipan
lamang
- kumukuha ng tala sa panayam o talumpati ang paggamit ng sariling
pamamaraan ng pinaikling pagsulat
3. Iba pang kasanayan
- pagkuha ng mensahe sa akdang napakinggan
- aral sa pabula at parabola
- mensahe ng awitin
- sunud-sunud na pagtatala sa mga pangyayari sa maikling kwento

You might also like