Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANO ANG MGA

SINTOMAS NG TB O
TUBERCULOSIS?

Una sa lahat kailangan kong idiin na maaaring WALANG


SINTOMAS ang TB. Ibig sabihin, pwedeng may TB ay isang tao
pero wala siyang nararamdaman. Ang pagkakaron ng sintomas ng
TB ay hindi katumbas ng pagkakaron ng TB at ang kawalan ng
sintomas ng TB ay hindi katumbas ng kawalan ng TB sa katawan.
Mahalaga ito sapagkat maraming mga taong tumitigil sa paginom ng gamot sa TB kapag nawala na ang kanilang mga
sintomas. Itoy hindi dapat gawin dahil ang TB ay isang mikrobyo
na maaaring bumalik (TB relapse) at mapalakas pa (TB

resistance), at maging higit na mas mahirap puksain (multi-drug


resistant TB).
Narito ang mga karaniwang sintomas ng TB:
Ubo

na tumatagal ng higit pa sa 3 linggo

Umuubo
Lagnat

ng dugo o plema na may dugo o kulay kalawang

o sinat, lalo na sa hapon o sa gabi

Pamamawis

sa gabi

Pangangalos

o panghihina

Pagbabawas

ng timbang

Pananakit
Kawalan

sa dibdib o sa likod

ng ganang kumain

Ang mga nabanggit sa itaas ay mga sintomas ng TB sa baga.


Kung nasa ibang bahagi ng katawan ang TB maaaring magkaron
ng ibang sintomas. Halimbawa, kung may TB sa kulani sa leeg,
pwedeng magkaron ng pamamaga, pagbukol, at pagkirot sa
bahaging iyon ng leeg.

You might also like