Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

ANALYSIS: PLOT ANALYSIS

Most good stories start with a fundamental list of ingredients: the initial situation,
conflict, complication, climax, suspense, denouement, and conclusion. Great writers
sometimes shake up the recipe and add some spice.
Exposition (Initial Situation)
Just a Small, American Town

Ichabod Crane is the schoolteacher in Sleepy Hollow, a town where not much ever
happens. Oh, except for ghost stories. The people in this town are obsessed with
ghostsand so is Ichabod. This is pretty much all we need to know before the story
gets going.

Rising Action (Conflict, Complication)


Boy Meets Girl's Father's Riches

Speaking of obsessions, Ichabod is addicted to eating. When he realizes that he can


gain access to unlimited refills by marrying Katrina, the hunt is on. The only problem
is that another guy already had his eye on this lady, and now he wants to kill
Ichabod. Oops. This is the oldest conflict of all time: romantic rivals. It can't get
more classic. Consider the action risen.

Climax (Crisis, Turning Point)


The Horseman Is Out to Get You

Ichabod gets invited to a party at Katrina's house and it is hoppin'. Unfortunately, it


doesn't end so well for Ichabod, because his lady dumps him at the end of it. On the
sad, long ride home he gets chased by the Headless Horseman and falls off of his
horse. Change, excitement, a chasegreat formula for a climax.

Falling Action
Ichabod Who?

After Ichabod disappears, no one even cares. They move on, get another teacher,
and burn his books. In the end, he becomes just another ghost story. Oh well. We
find out what happened to Ichabod and who gets the girl, so all the strings are tied
up in this falling action. Right?

Resolution (Denouement)
Old Men Telling Tales

The Postscript ends with a conversation between two men that goes roughly like
this:

Guy 1: "What was the moral of the story?"


Guy 2: "There wasn't one."
Guy 1: "So the story wasn't true?"
Guy 2: "Of course it wasn't."

Maybe this isn't happily ever after, but it's something.

Ichabod Crane had a very fitting name. He resembled a long-legged, long-necked


bird. As was said in the story, "He was tall, but exceedingly lank, with narrow
shoulders, long arms and legs, hands that dangled a mile out of his sleeves, feet
that might have served for shovels, and his whole frame most loosely hung
together."

He was also very conscientious and superstitious, much of his enjoyment came from
reading about witchcraft and listening to stories about ghosts and goblins, "... he
had read several books quite through, and was a perfect master of Cotton Mather's
History of New England Witchcraft, in which, by the way, he most firmly believed."

Brom Bones on the other hand, enjoyed taking advantage of Ichabod's superstition
by playing practical jokes on him.

Brom Bones was very muscular and mischievous. He had a Herculean frame, curly
black hair, and as already stated, enjoyed playing pranks on Ichabod. As was said in
the story, "He was broad-shouldered and double-jointed, with short, curly black hair,
and a bluff but not unpleasant countenance, having a mingled air of fun and
arrogance." The problem Brom had with Ichabod was that they were both trying to
win the heart of Katrina, and it seemed as though Ichabod was winning.

Gunpowder is the horse lent to Ichabod by Hans Van Ripper. tHe


horse in many ways personifies Ichabod. Although he is an old plow
horse , he has a viciousness about him. The horse also looks
awkward like Ichabod. Daredevil is Brom's favourite horse. It also
personifies its rider. It is thought that the horse could only be managed
like Brom himself.

Dekada '70 (nobela)


Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Dekada '70
Buod
May-akda

Lualhati Bautista

Bansa PilipinasPilipinas
Wika Pilipino; Tagalog
(Mga) Uri

Nobela

Naglimbag

Palimbagang Carmelo & Bauermann

Petsa ng paglimbag

1988

Uri ng midya Nakalimbag (May matigas na pabalat)


ISBN 971-17-9023-8 / 9711790238

Para sa pelikula, tingnan ang Dekada '70 (pelikula).


Ang Dekada '70 (Dekada '70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon), ay isang
nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista.[1] Ito ay isang pagsasalaysay ng
mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga
magulong dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang maganak na nasa gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga
pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang
Marcos. Naganap ang sunud-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng
Plasa Miranda noong 1971, ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang
pagpapatupad ng Batas Militar at ang walang anu-anong pagdakip sa mga
bilanggong pampolitika. Nawalan ng katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa
paniniil ng rehimeng Marcos. Napagmasdan ng babaeng katauhan na si Amanda
Bartolome ang mg pagbabagong ito na humubog sa dekada. Ina ng limang anak na
lalaki si Amanda Bartolome. Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling mga
paniniwala, pananaw at buhay ang mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod
naman ni Amanda ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang
Pilipino, ina at babae. Ibinungad ng Dekada '70 sa bagong salinlahi ng mga
mambabasang Pilipino ang salaysaying ng isang mag-anak na nasa isang partikular
na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang nakahihikayat na katangian ng nobela
ay nakasalalay sa pagunlad ng mga tauhan nito na kumakatawa sa bagong
henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento hinggil sa isang ina at sa
kaniyang mag-anak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong salaysayin kung
paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan ng panitik ng batas ang
kaniyang mga katungkulan bilang ina.

Isang makahulugan ngunit hindi mapanghimagsik na nobelang Pilipino, ang Dekada


'70 ay isa sa dalawang nagwagi ng mga pangunahing Gantimpalang Palanca noong
1983.[2] Ginawa itong isang ganap na pelikula ng Star Cinema noong 2003, na
kinabidahan nina Christopher de Leon at Vilma Santos.

Mga nilalaman [itago]


1

Panahon

Mga talabanggitan

2.1

Mga talababa

2.2

Mga talasanggunian

Mga talaugnayang panlabas

Panahon[baguhin | baguhin ang batayan]


Pangunahing artikulo Kasaysayan ng Pilipinas - Batas Militar
Ang tagpuan ng Dekada '70 ay noong kapanahunan ng Batas Militar sa kasaysayan
ng Pilipinas. Noong 1970, ang Republika ng Pilipinas ay nasa ilalim ng pamamahala
ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Noong 21 Setyembre 1972, idineklara ni
Marcos ang Batas Militar na naglagay sa Pilipinas sa pamamalakad ng mga Hukbong
Sandatahan ng Pilipinas, ngunit pinanatili ang sariling kapangyarihan. Sa ilalim ng
panahon ng Batas Militar, pinagisa ni Marcos ang lakas ng hukbong sandatahan,
nilimitahan ang kalayaan sa pagpapahayag, at ikinulong ang mga kalaban sa
politika.

Dekada Sisenta

Ang mga salitang ito'y tila mga lagusan na naghahatid sa mga aktibista,
mamamahayag, politiko at iba pang naging bahagi ng mga rali't demonstrasyon sa
mga alaala ng isang di-malilimutang panahon sa ating kasaysayanang dekadang
1970.

Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome ang mga sakit, ligaya, problema, at
adhikain niya bilang babae.

Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome,


at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at
trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na
si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules
na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at
pagkatapos ay naging bilanggong pampolitika; si Isagani(Gani) na sa batang edad
ay nakabuntis ng babae; si Emmanuel(Em) na isang manunulat na naghahanap ng
pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si
Benjamin(Bingo) na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari.

Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng


panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa
digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at
pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng
mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.

Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang


hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa
asawa't mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya
kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari "dahil di na ako
limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata't pampaganda,
pagdiriwang at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda.

Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa
mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na
unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa
na, "Well honey, it's a man's world."

Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga


kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin
niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian
niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral
ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang
magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi
mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:

"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay!
Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang
pananagutan sa inyo" Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga
aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi
nakakaunawa sa kanilang ginagawa!

At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga


ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa
dito ka o do'nTutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka
rin sa uring mapang-api?

Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas


militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao
ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng

marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi


ang tumangis sa kawalan ng hustisya.

Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome,


nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi
nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit
na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit
din."

Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing


panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang
taon ng sumunod na dekada.

Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa


pagpapataas ng kanilang pampolitikang kamulatan at pagkamakabayan.

Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa
isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na
ang nobela bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pagoorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na
gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon.

Sa mga panahong gaya ng dekada 70na dekada ng pagkamulat at pakikibaka


natutunan natin ang aral na ang bawat isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan
kung saan ang mga kabataan ngayon, na "isang malinaw na mata at tainga at tinig
ng kanyang panahon", ang siyang magpapasya ng kinabukasan tao ng bayan. Ang
bagoy sadyang napapalitan ng tao.

Wika nga ng isang bilanggong pampolitika, "ang payapang pampang ay para lang
sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos."

Ang Dekada '70 ay isang pelikulang Pilipino ng 2002 na pinangasiwaan ni Chito na


kinabituwinan ng mga artistang sina Vilma Santos, Christopher de Leon, Piolo
Pascual, Marvin Agustin, Kris Aquino, Ana Capri, Dimples Romana, Jhong Hilario,

Carlos Agassi, Danilo Barrios, Carlo Muoz, Tirso Cruz III, Orestes Ojeda, John Wayne
Sace, Marianne de la Riva, Manjo del Mundo, at Cacai Bautista.[1]

Ang pelikula ay ibinatay sa nagantimpalaang nobela ni Lualhati Bautista, ang


Dekada '70 na sumasalaysay sa isang panggitnang-klaseng mag-anak na Pilipino
na, sa loob ng isang dekada, ay nagkaroon ng kamalayan sa mga patakarang
pampolitika na sa kalaunan ay naghatid sa panunupil at sa katayuang batas militar
sa Pilipinas. Gumanap na Amanda si Vilma Santos, na napaghulo ang mga
kahihitnan ng buhay habang nasa ilalim ng diktaturya matapos na mapagmunimuni
ang mga magkakasalungat na mga pananaw at pagtanggap ng kaniyang asawa at
limang anak na lalaki.

Si Julian, ang asawa ni Amanda, ay kakampi ng anak nilang lalaki sa mga gawain
nitong kumakalaban sa pamahalaan habang kasabayan namang tumatangging
unawain ang kagustuhan ni Amanda na makahanap ng hanapbuhay. Isang
sundalong pandagat ng Estados Unidos ang pangalawang anak na lalaki (Carlos
Agassi) ni Amanda. Ang ikatlo naman niyang anak na lalaki (Marvin Agustin) ay
nagsusulat naman ng mga ipinagbabawal na mga sulating pampolitika na
nagsisiwalat ng mga katiwalian. Ang ikaapat (Danilo Barrios) ay naging biktima ng
isang tiwaling kagawaran ng pulisya, habang isa pa lamang paslit na bunsong lalaki
(John W. Sace) ang ikalima.

Tumanggap ang Dekada 70 ng 11 gantimpala at 12 banggit ng pagkakahalal.[2] Ito


ang opisyal na lahok ng Pilipinas sa ika-76 na taunang Academy Awards para sa
kategoryang pelikulang nasa ibang wika.[3]

Mga nilalaman [itago]


1

Pagsusuri ng pelikula

Mga tauhan at katauhan

Mga gantimpala at parangal

Mga talabanggitan

4.1

Mga talababa

4.2

Mga talasanggunian

Mga talaugnayang panlabas

Pagsusuri ng pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]


Kung tutuusin, ang isang tunay na magandang pelikula ay higit pa sa pagsasama ng
ibat ibang elemento nito. The whole is greater than the sum of its parts, wika nga.
Maaari natin itong sabihin sa pelikulang Dekada 70 ng Star Cinema para sa 2002
Metro Manila Film Festival. Sa katunayan, ito ay higit pa sa magara nitong
production design, sinematograpiya at iba pa nitong teknikal na aspeto, sa
makabagbag-damdaming pag-arte ng mga nagsiganap, sa matalino nitong
screenplay na si Lualhati Bautista mismo ang sumulat, at siyempre sa impresibong
direksiyon ni Chito Roo.

Dahil nga sa mainam ang pagkakagawa ng pelikula, nagiging background na


lamang ang mga makatotohanang props at setting, at animoy nanonood at
nakikinig na lamang tayo sa mga masalimuot na pangyayari sa buhay at madalas
ay madrama o nakatutuwang mga usapan ng isang pangkaraniwang pamilya noong
dekada sitenta. Nakakalimutan nating si Vilma Santos talaga si Amanda Bartolome,
si Christopher de Leon talaga ang asawa niyang si Julian, at napapaniwala tayong
isang mataas na pinuno ng NPA talaga si Jules, at hindi ito si Piolo Pascual.

Sa ganitong banda, madali para sa isang ordinaryong manonood na magconcentrate sa mga nilalamang mensahe ng istorya. At katulad ng premyadong
nobelang pinagbasihan nito, mayaman ang pelikula sa mga mahahalagang
mensaheng ito.

Ngunit una sa lahat, kailangan nating banggitin na kung ang Dekada ay isa lamang
pelikula tungkol sa panahon ng martial law, maaaring hindi ito naging singganda.
Tinatanggap natin itong isang melodrama at hindi social commentary na nagkataon
lamang na naganap ang istorya noong panahon ng batas militar. Bagamat
naniniwala tayong maganda ang pelikula, nauunawaan nating si Roo ay hindi isang
Lino Brocka, at masasabi nating mas pampolitika pa rin ang nobela kaysa pelikula,
kahit pa si Bautista ang mismong nagsulat.

Maliban sa pagpapaalaala sa ating mahalagang bantayan ang ating kalayaan at


gampanan ang ating mga pananagutan dito, naniniwala tayong wala itong tunay
mabigat na mensaheng pampolitika. Ngunit muli, hindi natin sinasabing kakulangan
ito. Sa katunayan, nauunawaan nating tama naman na dito ituon ang mga
pangunahing tema ng pelikula: sa kahalagahan ng pamilya sa ikabubuti ng isang
mas malaking komunidad, katulad ng sarili nating bansa. Sa ganitong paraan, hindi

nakakahon at nakakulong lamang sa isang dekada ng ating kasaysayan ang


mensahe nito. It transcends its own place and time in history.

Halimbawa, sa unay hindi nauunawaan ni Amanda kung bakit gayon na lamang ang
animoy pagkabale-wala ni Julian sa mga nangyayari sa kanilang mga anak. Makikita
nating isa lamang siyang maybahay na naghahangad din namang hanapin ang sarili
niyang fulfillment sa labas ng papel na ito. Dito pa lamang, totoo sa kanyang
pagiging peminista, ipinapaalaala sa atin ni Bautista ang maling kalagayan ng
kababaihan sa ating bansa.

May isang eksena pa na pilit sumasali si Amanda sa usapang pampolitika nina Julian
at mga kaibigan niya, kung saan ipinagkamali niyang nagsulat si Amado V.
Hernandez ng isang librong Ingles. Gayunman, lumalabas na katawa-tawa siya rito
at kaawa-awa rin, ngunit hindi natin maiwasang humanga pa rin sa kanya dahil
kahit papaanoy naninindigan siya.

Mapapansin din nating nauna pa nga na namulat si Jules at ang kapatid niyang
manunulat na si Emmanuel (Marvin Agustin) sa mga masamang katotohanan ng
martial law kaysa kay Amanda. Ngunit sa huli ay mamumulat din naman si Amanda
nang dahan-dahan bagamat sigurado.

Si Julian naman ay isang may pagkasinaunang ama ng tahanan whose word is final,
bagamat may pagkaliberal din dahil kunoy ipinapalaganap niya ang freedom of
expression sa kanilang bahay. Maiisip nating maaaring ito ay dahil lahat naman ng
kanilang limang anak ay pawang mga lalake rin. Walang kiyemeng
ipangangalandakan pa nga niya sa kanila at kay Amanda na ang kaligayahan ng
mga babae ay maaari lamang magmula sa mga lalake. Double standards, like
charity, begin at home.

Itinuturing din niya na ayon lang naman sa kanyang mga liberal na pananaw na
hayaang hanapin ng kanilang mga anak ang kanilang sariling mga paniniwalaan sa
buhay. Every man has to believe in something he can die for, because a life that
does not have something to die for is not worth living, sasabihin pa niya, ngunit
makikita natin sa huli na ang totooy natatakot din siya sa maaaring kahinatnan ng
mga anak niya.

Ipinapakitang patas din ang turing ng Dekada sa mga kalalakihan nang ibinigay nito
kay Julian ang linyang Mahirap din ang maging lalake. Maraming emosyon ang
iniipit na lang dito, sabay turo sa kanyang puso. Anupaman ang mga limitasyon ng
pananaw ni Julian sa buhay, nagawa pa rin niyang lumabas sa kanyang sariling
kahon at mamulat sa kanyang sariling paraan.

Dahil nga nagaganap ang istorya sa panahon ng batas militar, maaasahan nating
marami sa mga tema ng pelikula ay may bahid-politika. Sa katunayan, mainam
nitong isinasalarawan ang masalimuot na panahong ito sa ating kasaysayan.
Maigting na ipinapakita ang mga nag-aalab na damdamin ng mga aktibistangestudyante sa ibat ibang paraan. Nariyan ang tapang nila sa harap ng karahasan ng
Metrocom sa mga nagra-rally, ang pagkakasal sa isang magkasintahan kasama sa
kilusan kung saan sa halip na puting alindong ay pulang bandilang komunista ang
ibinabalabal at sa halip na singsing ay kuwarenta y singkong baril ang hahawakan
nila, at iba pa. Si Jules, bilang panganay at estudyanteng kolehiyo, ang mamumulat
sa ganitong mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

May isang eksena sa gitna ng pelikula na simple ngunit puno ng simbolismo. Sa


gabi ng unang araw ng pag-alis ni Jules upang sumali na sa NPA at mamundok,
makikita natin si Amanda at Julian na nakaupo sa veranda ng kanilang bahay. Pinaguusapan nila ang ginawa ng kanilang anak. Nagsisimula ang eksena sa isang long
shot, at mapapansin nating nasa ibabang bahagi ng screen ang isang mesang
bubog kung saan nasasalamin ang baligtad na imahe ng mag-asawa. Ipinahihiwatig
sa atin ng shot na ito na binabaligtad na ng mundo sa labas ang kanilang datis
masayahin at tahimik na tahanan.

Sa katunayan, mapapansin natin, katulad nga ng nabanggit na, na tila ang mga
anak pa mismo nina Amanda at Julian ang nag-aakay sa dalawa upang harapin ang
kanilang tungkulin bilang mamamayan. Sa maalab na paninindigan ng
magkakapatid, at kahit sa nga kapus-kapalarang sinapit ng isa sa kanila, si Jason
(Danilo Barrios), pagdadaanan mismo ng mag-asawa ang sakit at pait ng mga
katulad nilang magulang na katulad nilang naging biktima ng batas militar ang
kanya-kanyang anak.

Sa huli, kung tutuusin ay pampolitika din naman ang mensahe ng Dekada '70.
Binibigyang-diin nitong mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa
paggabay sa kanilang mga anak sa mga usaping katulad ng kalayaan o karapatang
pantao o peminismo at marami pang iba. At sa kahihinatnan, makikita nating ganito

rin kahalaga ang papel na gagampanan ng isang pamilya magulang at anak sa


paghubog ng isang tunay na malaya at mapagpalayang lipunan.

Dekada '70 is a story of a family caught in the midst of a tumultuous time in


Philippines history - the martial law years.

Amanda and Julian is a picture of a middle class couple with conservative


ideologies, who must deal with raising their five boys - Jules, Isagani, Emmanuel,
Jason and Bingo - in an era marked by passion, fear, unrest and social chaos.

As siblings struggle to accept the differences of their ideologies, as a father faces


the painful dissent of his children, a mother's love will prove to be the most resilient
force of all.

Amanda, whose voice is most resonant in the unfolding of this family's tale, will
awaken to the needs of her own self, as she embarks on a journey of discovery to
realize who she is as a wife, a mother, a woman, and a Filipino.

Cast
Vilma Santos - Amanda Bartolome
Christopher de Leon - Julian Bartolome
Piolo Pascual - Jules Bartolome
Marvin Agustin - Emmanuel Bartolome
Carlos Agassi - Isagani Bartolome
Danilo Barrios - Jason Bartolome
Kris Aquino - Student Leader
Ana Capri - Mara
Dimples Romana - Evelyn
Jhong Hilario - Willy

Carlo Muoz - Rene


Tirso Cruz III - Evelyn's Father
Orestes Ojeda - Dr. Rodrigo
John Wayne Sace - Bingo Bartolome
Marianne de la Riva - Evelyn's Mother
Manjo del Mundo - policeman
Cacai Bautista - rallyist

Based on Lualhati Bautista's novel, Dekada '70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon

You might also like