Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

"Karunungan tanging pamana ng magulang na sasandatahin ng anak sa pagtugpa sa dako

pa roon ng buhay."
Tanging Pamana
ni: Hilario Coronel

Kung may mga amang matatala sa kasaysayan dahil sa kahigpitan ng anak, si


Tatang ay makakabilang marahil. Hindi naman malupit si Tatang. Sa kanya, basta
tama kay tama ka, bagamat hindi ka niya pupurihin nang harapan. Ngunit kapag
gumawa ka ng kaaliwaswasan ay humanda kat madudurog sa iyo ang lanubo ng
bayabas.
Hindi mawawalan si Tatang ng lanubo ng bayabas na nakasuksok sa dingding. Lagi
ring nakasabit sa isang pako sa dingding ang kanyang lumang sinturon. Bihirang
mamalo si Tatang, ngunit pangingilagan mo naman ang kabihiraang iyon.
Kaipalay dahil sa ako ang bunsong anak na lalaki kung kaya malimit na ako ang
kasama ni Tatang kung umaahon siya sa bayan. Madalas ituro sa akin ni Tatang ang
paaralang elementarya sa kabayanan.
Diyan ka mag-aaral anak, pagkatapos mo ng apat na grado sa tin, laging
sinasabi ni Tatang.
Ngunit hindi ang sinasabi noon ni Tatang ang laman ng aking isipan. Ang ibig koy
makahiwalay sa kanya at makasama sa maraming batang nagtakbu-takbo sa daan.
Ang nasa gunita koy ang holen at buwal-preso na iniwan ko sa amin.
Wala akong hilig sa pag-aaral noon. Nakaiinip sa akin ang pag-upo sa desk sa loob
ng iskuwelahan. Inaantok akong lagi sa pakikinig sa pagkukuwento ng aming
maestra. Subalit hindi ko masasabi iyon kay Tatang. Tiyak na makakagalitan lamang
niya ako.
Minsan ay napalaban ako ng babag sa iskuwelahan. Nang umuwi akoy punit-punit
ang aking damit. Nalaman pala agad iyon ni Tatang. Hindi pa ako nakakapanhik ay
nakita ko na sa pinto si Tatang naghihintay sa akin. Halos mangatog ako sa takot.
Nang mailapag ko ang aking mga libro sa papag ay narinig kong nagsalita si Tatang.
Hindi natuloy ang tangka kong pagpanaog. Patag na patag ang boses ni Tatang.
Dumapa ka!
Wala akong nagawa kundi umunat sa sahig. Ngunit nakataas ang aking ulo. Ttatang.. parang pagtutul ko.
Babang ulo!
Pumikit na lamang ako matapos kong idikit ang aking mukha sa sahig.
Di ba kabilin-bilinan koy huwag kang makikipagbabag?

Opo!
Di ba kabilin-bilinan koy ang pag-aaral ang asikasuhin mo?
Opo!
Uli-uliy magtatanda ka!
Hindi na ako nakasagot sapagkat lumagapak na sa aking pigi ang sinturon ni
Tatang. Kung mamalo si Tatang ay minsan lamang, hindi na inuulit sapagkat
talagang hindi na kailangang ulitin. Halos mamilipit ako sa sakit. Subalit hindi man
lamang ako nakaingit.
Ayaw na ayaw ni Tatang na kamiy iiyak dahil lamang sa pagkakapalo. Ang pag-iyak
daw ay tanda ng kahinaan ng pusong-babae.
Ang ano mang pagkagalit ni Tatang ay madali niyang malilimot. Nang hapong iyong
mapalo ako ay sa tabi ko siya nahiga sa pagtulog.
Mag-aral kang mabuti, anak. Ayokong ang pinagdaanan koy manahin pa. Ikaw
man lang e maiba sa mga kapatid mo. Ikaw man lang e me marating
Ngunit hindi ko kayang unawain noon ang sinasabi ni Tatang. Ang nararamdaman
koy hapdi ng aking pigi. Ang nasa dibdib koy ang pagtatampo at marahil ay sama
ng loob kay Tatang dahil sa pagkakapalo sa akin.
yan lang ang tanging pamanang maiiwan ko sa yo.
Lalong hindi ko nauunawaan ang pangungusap na iyon ni Tatang. Pumikit ako nang
mariin, ngunit nanatili akong gising. Nagtulug-tulugan ako, at makaraan ang ilang
sandaliy bumangon si Tatang at umalis sa aking tabi.
Kung ano ang higpit ni Tatang ay siya namang luwag ni Inang, bagamat kapag
sinabi ni Tatang na ayaw niya ay walang masabi ang aking ina. Lahat kaming
magkakapatid ay di makasuway kay Tatang. At kapag nagsasalita siyay tahimik
kaming lahat. Sa munting pagkakamali namiy "sinasabon" kami at kapag
kaaliwaswasan na nga ay lanubo ng bayabas o lumang sinturon ang sasayad sa
aming pigi.
Subalit nagagawa rin ni Tatang na maging masaya kami. At matapos siyang
"magsermon", ang pangangaral niyay nauuwi sa pagpapatawa. Ako ang laging
nakikita ni Tatang sa gayong pagkakataon.
Suminga ka nga muna, sasabihin ni Tatang sa akin, tila me barang ilong mo.
Hindi ako sasagot; ni hindi matatawa. Kung mangiti man akoy pilit lamang. Sa loobloob ko, lagi na lamang ako ang nakakagalitan. Sapagkat sa aming magkakapatid ay
madalas na ako ang nakakatikim ng sinturon ni Tatang. At kahit nagpapatawa si
Tatang, ang nagugunita koy ang matitinding palong tinanggap ko at kaipalay
tatanggapin pa.

Nang nasa haiskul na akoy hindi na nagagamit sa akin ni Tatang ang lanubo ng
bayabas at ang lumang sinturon. Subalit mahigpit pa rin siya, nakikita pa rin nyang
lagi ang munting pagkakamali at pagkukulang ko, hindi ko pa rin masunod ang
balang maibigan ko.
Isang kamag-aral na tagabayan a ng madalas kong ihatid sa pag-uwi. Yaon ang
aking unang pag-ibig. Ngunit sa di ko malamang pangyayari, nabalitaan iyon ni
Tatang.
Huwag mo munang isipin ang pag-aasawa. Madaling humanap ng
mapapangasawakapag tapos kay babae na ang hahabol sayo
Anong gagawin mo kung magkakaasawa ka?Labingwalong taon ka lang. Gusto mo
bang matulad sa ibang kapatid mong nagsipag-asawa agadna nakatayo pang
tanim na palay e wala nang uhay?
Marami pang sinabi si Tatang ngunit ang huling pangungusap niyay parang
idinuldok sa aking mukha.
Batang-bata ka pa
Bata pa bang palagay nyo sa kin?Napalakas ang aking tinig.
Nabigla si Tatang. Ako may nabigla rin sa pagkakasagot sa kanya. Inaasahan kong
hahagilapin ni Tatang ang lumang sinturon o ang lanubo ng bayabas at akoy
bibirahan ng hagupit. Ngunit naglapat lamang ang mga labi ni Tatang. At
pagkaraay nanaog siya.
Kinabukasan ay wala man lamang binanggit si Tatang ukol sa akin nang nagaagahan na kami. Hindi ako makatingin kay Tatang.
Tuwing hapon, bago kumalat ang dilim, ay nasa amin na ako. Datapwa, isang araw
ay napasama ako sa isang kaklasa sa pag-aaral ng sayaw. Malapit nang magdaos ng
sayawan ang aming klase at ibig kong makadalo. Nang umuwi akoy maghahating
gabi na.
Dinatnan kong si Tatang na lamang ang gising sa amin. Nagmano akong
kinakabahan. Ngunit hindi niya itinanong kung bakit ako ginabi sa pag-uwi. Hindi ko
nakita ang dating anyo niya kung akoy nakakagawa ng isang bagay na hindi nya
naibigan.
Kumain ka na ba?Iyon lamang ang itinanong ni Tatang. Binantayan ako ni Tatang
habang kumakain. At nang patayin niya ang gasera at mahiga siya ay nang
nakahiga na ako.
Hindi ko na kinaringgan ng pangaral si Tatang buhat noon. Kung ginagabi ako sa
pag-uwiy wala siyang sinasabi. Kung nakagagawa ako ng mumunting pagkakamali
na dating ikinagagalit niya ay hindi na nagsisiklab.

Nang muli kong marinig ang pangaral ni Tatang ay hindi ako nakagagawa ng ano
mang pagkukulang o pagkakamaling sukat niyang ikagalit. Nooy ibang-iba ang
pagsasalita ni Tatang.
Tapos ka na ng haiskul, anak. Palagay koy me sapat ka nang lakas at puhunan
upang ikaw nang magpatuloy sa ming nasimulan na. Sikapin mong makakita ng
trabaho sa Maynila
Tumango lamang ako. Nakatitig ako sa mukha ni Tatang.
Pero higit sa lahat, sikapin mong makapag-aral at makatapos. Wala kaming
maipamamana sayo, at nabasag ang datig patag at matigas na tinig ni Tatang.
Wala kaming maaangking sariling lupa kundi ang putik na dumikit sa sinelas.
Ikaw man lang e maiba sa yong mga kapatid.
Sa pagkakatitig ko noon kay Tatang nakita ang maraming taong pinagdaanan ng
aking ama; marami nang salit na puti ang kanyang buhok, malalim ang gitla sa
kanyang noo, at bahagya na siyang hukot.
Saka ko biglang nagunita ang taong nakaraan - kung papaano kami napalaki ni
Tatang sa tulong ni Inang. Isang magsasaka si Tatang. Kung walang trabaho sa bukid
ay lumuluwas siya ng Maynila at nakararating sa mga kanugnog bayan sa pagaanluwagi. Nagtrabaho rin si Tatang sa patubig na itinayo sa aming lalawigan. Si
Inang namay tumatanggap ng tahiin. Naging katulong siya ni Tatang sa lahat ng
hirap sa pagpapalaki sa amin.
Kinasihan naman ako ng kapalaran sa Maynila. NAkakita ako ng trabaho at
nakapag-aral sa gabi. Isinulat ko agad iyon sa aking ama at ina. Alam kong labis
nilang ikagagalak ang balitang iyon. Sa aming nayon ay ako man ang isang anak e
para matutong bumasa at sumulat lamang. Pagkatapos e kinakatulong na sa bukid,
o sa pagtitinda at paglala ng sumbrero.
Nasaktan ang aking damdamin sa ipinagtapat na iyon ni Inang. At sa isipan koy
nagtumining ang pasiyang magsikap sa pag-aaral at ipakilalang mayroon akong
mararating.
Dumalang ang pagkikita namin ni Tatang at ni Inang. Nagsikap ako sa pag-aaral,
ginawa kong araw ang gabi, hanggang makatapos ako ng karunungan sa
pamamahayag at mapaugnay sa isang malaganap na lingguhan.
Nasa pasulatan ako isang araw nang tumanggap ako ng pabalita mula sa amin:
malubha raw si Tatang.
Isang kamag-anak namin ang lumuwas at nagbalita: Ipinagbilin ka ng Inang mo.
Lagi kang hinahanap ng iyong ama!
Nabigla ako sa balitang iyon. Nagpaalam ako sa aming patnugot at akoy karakang

umuwi.
Dinatnan kong nakaratay si Tatang. Yayat na yayat siya. Dinapuan pala ng
karamdaman si Tatang, ngunit hindi pa ganap na magaling ay nanaog at nagbunot
ng damo sa aming bakuran. Nabinat si Tatang. Ayon sa manggagamot na tumingin
ay ibigay raw kay Tatang ang anumang maibigan nya.
Nakapagsasalita pa nang malinaw si Tatang at malinaw pa rin ang kanyang
paningin. Nakilala niya agad ako nang lumapit. Ang kauna-unahang nakapag-aral sa
isang tanyag na unibersidad sa Maynila pagkaraan ng liberasyion.
Pagkaraan ng isang buwan ay umuwi ako sa amin. Tuwang-tuwa si Inang. Tatayouupo naman si Tatang at tingin nang tingin sa akin. Naroroon ang aking ibang mga
kapatid na pawang may asawa na.
Nang gabing iyon, bago matulog ay kaharap ko si Tatang at si Inang ang salita ng
salita. Pasingit-singit lamang si Tatang.
Tingnan mo, anak, maraming nakapupuri sa Tatang moani ni Inangkatulad din
daw natin silang `sang kahig`sang tuka e nakapagpapaaral pa kami ng anak sa
Maynila.
Hindi naman lahat, lahok ni Tatang.
Napatingin ako kay Tatang at pagkaraay kay Inang.
Oo nga, anakamin ni InangKung me nakapupuri man sa `min ng `yong ama e
meron din namang kumukutya.
Ano hong kumukutya?Napakunot-noo ako.
Napakalakas daw ng loob namin. Kinakaya raw namin ang hindi kaya.
Napakagat labi ako. Sa aming nayon at talagang gayonkung may natutuwa man sa
iyoy hindi naman nawawalan ng nangingimbulo o naiinggit.
Pero wag mo silang intindihin anakpatuloy ni Inang.Alam mo naman dito sa `tin
kung pinapag-aral.
Anuman ang ipagkaloob ng Diyos, anaksimula ni Tatang, e hindi na `tong nagaalala..Me maiiwan na `kong pamana sa`yo. Wala akong tanging maipagbibilin sa
`yo kundi..papag-aralin mo ang `yong kapatid na bunso..at..pumili ka na ng
mapapangasawang..kung buhay man akoy maipagmamalaki ko..
Ibig kong magsalita ngunit tuyong-tuyo ang aking lalamunan. Yaon ang
kahulihulihang pangaral sa akin ni Tatang. Ibig kong maiyak. Subalit nagunita kong
ayaw ni Tatang ng umiiyak. Tumalikod na lamang ako upang ikubli ko sa kanya ang
luhang nangingilid sa aking mga mata.
Nang ganap kong maunawaan ang kahulugan ng lahat ng paghihigpit ni Tatang, ng

kanyang mga pangaral, ng kanyang pagsisikap na makapag-aral ako ay noong


umaga ng ikawalo ng Mayo. Apat na taon na ngayon ang nakakaraan.
Noon yumao si Tatang.
Napaiyak ako at nalaglag ang aking luha. Ngunit ang pag-iyak koy isang
pagkaunawa sa tanging pamanang sinasabi ni Tatang. Ang tahimik kong pagluha,
habang ipinapasok sa nitso ang bangkay ni Tatang ay isang pagkaunawa sa lahat ng
paghihigpit ni Tatang na natutuhan kong paghimagsikan. Sa paghihigpit na yaoy
naihanda ako ni Tatang sa pagharap sa buhay.
Yaon ang tanging pamanang naiwan ni Tatang sa akin.

You might also like