Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino- Ika walong Baitang

Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusulat ng talakayang nagsasalaysay ng ilang


pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa paksa ng akdang
napakinggan.
I. Mga Layunin
Sa loob ng isang oras na leksyon, ang mag-aaral ay inaasahang;
1. naisasaulo ang mga pangyayari sa kwentong napakinggan;
2. naibibigay ang sariling saloobin hinggil sa kwentong napakinggan at
nabasa; at
3. nakabubuo ng reaksyon ukol sa mga pangyayari sa kwento ( Florante
at Laura- Gubat na Mapanglaw)
II. Paksang-Aralin
Paksa: Panitikan: Florante at Laura
Konsepto:Ang Florante at Laura ni Francisco Baltasar (na kilala din bilang
Balagtas) ay isang obra-maestra sa panitikang Pilipino. Daglat lamang ang katawagang
Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong pamagat na:Pinagdaanang
bhay ni Florante at ni Laura sa kaharing Albanya.
Sanggunian: Magbaleta, Corazon 1998. Florante at Laura.Mega-Jesta Prints, Inc.
pahina 12-13
Mga Kagamitan: Aklat,/ teksto, mga larawan
III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na gawain
B. Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral
1. Sino ang anak ng hari ng Albanya na mangingibig ni Prinsesa Laura?
2. Sino ang mahigpit na katunggali ni Prinsipe Florante mula pagkabata at
karibal sa kanyang iniibig na si Prinsesa Laura?
3. Sino-sino ang mga dalagang iniibig nina Prinsipe Florante at Aladin?

C. Pagganyak.
Hulaan mo ang ipapakita ko! Magpapakita ang guro ng imahe ng isang tauhan sa
kwento.
1. Ano ang iyong interpretasyon sa imaheng ito?
D. Talakayan
1. Sasabihin ng guro kung ano ang tatalakayin sa araw na ito.
2. Makakabasa at makikinig ang mag-aral sa buod ng paksang tatalakayin.
3. Tatawag ang guro ng iilang mag-aaral para magtanong kung ano ang
naintindihan nila sa kwento.
a. Ano ang aral o mensaheng dapat maisapuso ng isang mag-aaral tungkol sa
tauhan ng kwento?
E.Paglalahat
Pasasagutin ng guro ang mag-aaral kung bakit malungkot si Florante habang
nakagapos sa puno sa gitna ng gubat.
F. Repleksyon
Magbibigay ng tanong ang guro na kung saan isasagot ng mga mag-aaral ang
kanilang saloobin o opinyon sa pamamagitan ng oral recitation
1. Kung ikaw ang nasa katayuan ng taong nakagapos ano ang mararamdam
mo?
IV. Ebalwasyon
Ang mag aaral ay gagawa ng reaksyon sa Ikatlong kabanata tungkol sa nangyari sa
kwentong Florante at Laura: Ikatlong Kabanata Sa Gubat na Mapanglaw ( 3 talata na
may 3-5 pangungusap).
V. Takdang-Aralin
Guguhit ang mga mag-aaral ng mga pangyayari hinggil sa ikatlong kabanata na
pinamagatang Sa Gubat na Mapanglaw. Iguhit ito sa malinis na long bond paper.
(Ipasa sa Miyerkules)

Pamatayan sa Pagguhit
Kalinisan sa Paggawa

5 puntos

Kaangkupan sa tema

5 puntos

Pagkamalikhain

5puntos

Orihinalidad

5puntos

Kabuuan

20 puntos

Inihanda ni:
Maricel D. Tabaera
BSED-FILIPINO

You might also like