Panitikang Muslim

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos

PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Laoag

Koda ng Kurso:
Pamagat ng Kurso :
Paksa:
Taga-ulat:
Propesor:

Panitikan 218
Panitikang Rehiyunal
Panitikang Muslim
MISCHELLE D. MARIANO
DR. ALMA A. SIERRA

PANITIKANG MUSLIM SA PILIPINAS


Mga Rehiyon sa Mindanao
a. Rehiyon IX Silangang Mindanao
b. Rehiyon X Hilagang Mindanao
c. Rehiyon XI Timog Mindanao
d. Rehiyon XII Gitnang Mindanao
e. Autonomous Region of Muslim Mindanao
f. CARAGA
Ang mga Muslim sa Pilipinas
Ang salitang Muslim ay nangangahulugang isang taong nagpasakop kay Allah
Pinakamalaking minoridad sa Pilipinas
Karamihan sa mga Muslim sa Pilipinas ay nasa Timog at Gitnang Mindanao
May labintatlong pangkat ng mga Muslim sa Pilipinas
Ang pinakamalaki sa mga pangkat na ito ay ang Maguindanaoan, kasunod ang mga
Ilanun at Tausug, Maranao, at Samal
Ang labintatlong pangkat na ito ng mga Muslim ay mayroong kanya-lanyang dayalekto
ngunit Tausug ang lingua franca ng mga Muslim
Mga Paniniwalang Muslim
1. Sa digmaan, mas mabuting umuwi ang bangkay na nakapatay ng kalaban kaysa sa buhay
na hindi lumaban.
2. Ang Muslim ay dapat magpakasal sa kapwa Muslim.
3. Kapag ang ama ay magnanakaw, gayundin ang anak.
Limang Haligi ng Pananampalataya
Ang limang haliging ito ng pananampalataya ang saligan ng katapatan kay Allah para sa
mga Muslim at itinuturing nila itong seryoso at literal. Ang pagpasok ng isang Muslim sa Paraiso
ay nakasalalay sa pagsunod sa limang haliging ito ng pananampalataya.
1. Shahada/Ang patotoo ng pananampalataya: "Walang ibang Diyos maliban kay Allah at si
Muhammad ang Kanyang propeta".
2. Salahm/Panalangin: Limang panalangin ang dapat isagawa araw-araw.
3. Zakat/Pagbibigay: Nararapat na magbigay ang isang tao sa mga nangangailangan, na
parang ang lahat ay nanggagaling kay Allah.
4. Saun/Pag-aayuno: Maliban sa paminsan-minsang pag-aayuno, ang lahat ng Muslim ay
dapat na mag-ayuno sa panahon ng Ramadan (ang ikasiyam ng buwan sa kalendaryo ng
Islam).
1
Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at Panitikan
Summer 2015

5. Hajj: ang paglalakbay sa Mecca (Makkah) ay dapat na isakatuparan ng isang Muslim ng


minsan sa kanyang buong buhay (isinasagawa tuwing ika-labindalawang buwan sa
kalendaryo ng Islam).
PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG PANITIKANG MUSLIM
Ang panitikan ng mga Muslim sa ibat ibang panahon ay iba sa panitikan ng ibang
rehiyon sa Pilipinas. Sa dahilang hindi nasakop ang mga Muslim ng mga Kastila at Amerikano,
hindi nabago ang panitikan ng mga Muslim sa bansa nagpasalin- salin lamang ang mga ito.
Ang panitikan ng mga Muslim sa Pilipinas ay hindi gaanong kaiba sa panitikan ng mga
Muslim sa Timog Silangang Asya. Ang panitikan nila ay sinasalita at kaunti lamang ang mga
sinusulat. Halos lahat ng panitikan ay matalinhagang patula at hindi pasalaysay.
A. Panahon Bago Dumating ang mga Kastila at Pagdating ng mga Kastila
Bago pa man sinakop ang Pilipinas, mayroon nang mga panitikan ang mga Muslim,
kabilang dito ang mga tula, epiko, mitolohiya, alamat at mga kwentong-bayan.
Halimbawa:
Mayroong utos ang Diyos
Na dapat ay di baguhin
Kapag ikay may asawa, di dapat saktan
Ito ay dapat sundin ng mga lalaki
Upang igalang ang asawa.
Dapat iwasan ang pagsaktan sa ito
At dapat ito ay pasayahin
Ang utos na ito, di dapat labagin
Maging tapat sa asawa, huwag hahamakin.
Dahil sa impluwensya ng relihiyong Islam, ang panitikan ay nadagdagan pa ng mga dasal
na pang-Muslim. Ito ay ang mga sumusunod:
1. adhan o abang (the call to prayer)
2. salat (ritual prayer)
3. dwa (supplicatory prayer)
Ang bugtong ng mga Muslim kadalasang payak ang paksa upang madaling mahulaan ng
mga tao.
atuka ru sa
hulaan mo
atak na mahindanaw
batang Magindanaw
na ahad iddat sa ysay
abot hanggang saysay
naddinog tadsinaggaw
ang kanyang palahaw
- Agung

migludoy si molumbio
nagbuno sina taba at payat,
ilan ni Molanggas,
si taba ang natalo
sinag si molumbio
- kumot at taong natutulog
Ang salawikain naman sa Mindanao ay kapupulutan ng magagandang aral
In isug ha way akkal way guna
Ang katapangan na wala sa lugar ay wala.

Gam muti in bukug, ayaw in tikud-tikud


Mabuti pang mamatay kaysa tumakbo sa problema.
Ang mga awiting-bayan ay nagpapahayag ng kultura, kaugalian at pamumuhay.
Ang mga kwentong-bayan ay sumasalamin sa makulay na kultura ng mga Muslim.
Karamihan ay nasa anyong alamat na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang lugar o
tao.
2

Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at Panitikan


Summer 2015

Halimbawa:
Ang Alamat ng Sarimanok
Ang alamat ng sarimanok ay tungkol sa isang mahiwagang ibon na nais labanan ang
maling nakagisnang tradisyon sa kanilang lugar. Sa isang tagpong lugar na tinatawag na Bayang
Lawa nakatira ang sarimanok na kung saan ipinagbabawal ang paglipad ng mga ibon. Ang
tanging gawain ng sarimanok ay ang pakainin ang mga bagong silang at mga nahihinang ibon sa
kanilang lugar. Ngunit dahil na rin sa ipinamulat na mundo ng kaibigan nitng ibon, lumipad ang
sarimanok at sa proseso, sinuway ang kanilang tradisyon. Isang parusa ang ginawad sa
sarimanok subalit hindi naman nito mapapalitan ang naranasang kalayaan sa paglipad sa
himpapawid.

Darangan ang pinakatanyag na epikong Muslim, ito ay salaysay na patula tungkol sa


mga kwento ng kabayanihan, mga gawaing kahanga-hanga, at mga di sukat
mapaniwalaang kabayanihan at kagitingan ng mga madirigmang Muslim. Ngunit ito ay
hindi iisang epiko marami- ngunit tatlo lamang ang naisalin sa Ingles: ang Bantugan
ang pinakakilala sa lahat ng ito.
Buod ng Bantugan

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang


prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa
pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na
makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa
prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit
at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang
hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si
Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho
kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si
Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring
Madali. Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin
ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay
dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang
kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong
kaharian pati na si Haring Madali.
Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan,
ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil
ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan
subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag.
Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang
gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni
Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na
ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang
katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring
Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan nang maligaya sa mahabang
panahon.

Marami pang ibang epiko ang mga Muslim kabilang na ang Indarapatra at Sulayman,
Tulalang at ang hiram mula sa Malay, ang romantikong Bida Sari.

B. Panahon ng Amerikano at Hapon


Sa panahong ito, may isang manunulat na nakilala na mula sa Mindanao si Ibrahim A.
Jubaira.
3
Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at Panitikan
Summer 2015

Siya ay nakapagkamit ng pagkilala hindi lamang sa buong Mindanao kung hindi sa


buong mundo rin. Siya ay nakilala sa kanyang mga maiikling kwento at sa kanyang mga
sinulat na sanaysay sa mga magasin at peryodiko tulad ng The Philippine Free Press, This
Week, Sunday Times Magazine, Graphic, Arizone Quarterly, San Francisco Chronicle at
ang Denver Post. Lahat ng kanyang akda ay naisulat sa wikang Ingles.

C. Panahon ng EDSA hanggang sa Kasalukuyan


Nakilala si Leoncio Deriada, hindi siya isang Muslim ngunit isang Kristyanong nakatira
sa palibot ng mga Muslim.
Siya ay nakatanggap ng Unang Gantimpala sa 1993 Don Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature.
Nakamit niya ang Doctoral Degree sa Ingles sa Pamantasan ng Silliman. Nagtapos ng
masteral sa Unibersidad ng Xavier (cum laude) at kolehiyo sa Ateneo de Davao.
Nagkamit ng gantimpala ang mga akda ni Dr. Deriada tulad ng The Road to Mawab and
other Stories, The Dog Eaters and Other Plays, Nightmares at the Week of Whales.
QURAN: Ang Bibliya ng mga Muslim
Ang Quran ay isang banal na aklat ng mga Muslim.
Ang salitang Quran ay mula sa salitang Arabic na garaa na nangangahulugang
nangolekta ng magkakasamang bagay-bagay o nabasa. Tinawag na Quran ang banal na
aklat ng mga Muslim sapagkat itoy koleksyon o katipunan ng mga tuntunin, mga batas,
mga kaugalian at mga paniniwalang panrelihiyon, panlipunan, pangkabuhayan at
pampulitika.
Ito ay mga salita ni Allah na inihayag nang baha-bahagi kay Propeta Muhammad. Ang
ilang bahagi ay inihayag sa Mecca, ang iba ay sa Medina sa ibat ibang pagkakataon sa
loob ng dalawamput tatlong taon.
Ang Banal na Mensahe ay dinala ng Espiritu Santo na si Gabriel. Sinabi ito sa salitang
Arabic kay Muhammad na siya namang nagpahayag sa sangkatauhan.
Naniniwala ang mga Muslim, ang mga tagasunod ng Islam na walang hanggan at
perpekto ang mga salita ni Allah. Tinatanggihan nila ang salin ng Koran sa ibang mga
lenguwahe. Walang ibang salin ang tinatanggap kundi ang salin sa wikang Arabo.
Walang pari ang Islam. Dahil dito, ang bawat Muslim ay obligadong malaman at
maunawaan ang mensahe ng kanyang relihiyon at ang mga aral nito sa abot ng kanyang
makakaya para sa kanyang ikatatagumpay at ikaliligtas.
IBA PANG ANYONG PAMPANITIKAN NG MGA MUSLIM
Mga Di Pang-Islam
1. Tutol (kwento)
a. Tutol sa Pagkapoon (Kwento tungkol sa Pinagmulan)
b. Tutol sa Piyakakuyakad (Nakatutuwang Kwento)
Hal: Ang mga Kwento ni Pilandok
c. Tutol sa Panganganyamon (Kwento tungkol sa Hayop)
2. Tubad-tubad (maiiksing tulang pampag-ibig)
Pupulayog so paspas ka pupumagapas-apas
Ka tulakin kon ko banog
No diron pukatalakin
Ka daon kasarakti
Flying hard, the swift is
Trying to catch up with the hawk
But he cannot equal him
4
Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at Panitikan
Summer 2015

Because he is far too small


3. Kadaonga (Love Fest)
Ino ko di
Papanok ka so Nori
Apai so amber ian
Da ngka kasampiroti
Why will I not be sure
That the bird Nori is mine
When in flight it is free
But when it perched its caught
4. Pananaroon (matatalinhagang kasabihan)
binibigkas tuwing pinarurusahan ang isang bata upang matuto o para
uyamin ang isang tao
So bawing a ketesen
Na mi song bo a ketesen
Na makapemagenesa
A bunch of bawing plants
May grow far apart
But they are one when being pulled
5. Sowa-sowa-I (Drama)
a. Kamboyka Ang bayok ay mga patulang berso na tumatalakay sa ibat
ibang paksa. Ang tema ay umiikot sa uri ng kapistahang pinagdiriwang.
b. Kaganat sa Darangen - isang interpretatibong sayaw at kanta. Ginagaya ng
tagapagtanghal si Prinsipe Lomna nang pinadala siya upang mag-alok ng
kasal para sa kanyang ama.
c. Diabro, Onta and Kokok Ang diabro at ang kokok ay laging magkasama
tuwing kasal, koronasyon at iba pang magkatulad na pagdiriwang. Ang
diabro ay nakabihis ng tuyong dahon ng saging. Ang kokok naman ay
isang nagmumukhang halimaw na nanggaling sa gubat. Ang onta ay isang
paggaya sa kamelyo.
d. Sagayan - Ang sagayan (sayaw pandigma) ay nagmula sa Darangen. Ito ay
pagsasadula ng kabayanihan ni Bantugan habang ihinahanda ang kanyang
sarili para sa pakikidigma sa mga kalaban-Ikadaraanen.
e. Sadoratan - Sa isang kabanata sa epiko, ang prinsesa matapos siyang
dukutin ng isa pang prinsipe, ay lumakad sa gitna ng napakaraming tao na
nasilayan ang kanyang kagandahan.
6. Limpangan ago Antoka (Puzzles and Riddles)
Ang limpangan ay para sa mga matatanda habang ang antoka ay para sa
mga bata.
Halimbawa ng Limpangan:
Ladia sa Kalaan
A cup from the forest
A di ketangalan sa ig.
Which cannot hold water
- birds nest
Halimbawa ng Antoka:
Karanda a subangan
A container from the east
Na mapupuno I ipas
Is full of compartments
- Lanzones

5
Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at Panitikan
Summer 2015

7. Sakuba (Rhymes)
Kasiya-siyang pakinggan na may dalawang ibig kahulugan
Ino ako den a-i
Why am I
Mala ako den a-i
A grown up
Pekelilid ako den
rolling?
Kapag isinulat at binaybay sa ibang paraan, ganito ang kahulugan:
Ino a koden den a-i
Why is this
Mala a koden den a-i
big pot
Pekelilid a koden
rolling?
Mga Pang-Islam
1. Dekir (Dirge Song)
Ang Dekir (dekr sa salitang Arabo) ay nangangahulugang sambahin ang
Panginoon. Ang isang berso mula sa Koran o ang buong Koran ay
itinuturing na dekir. Sa mga Maranao, ang ibig sabihin ng dekir ay isang
kanta na inaawit sa huling gabi ng vigil. Kiakailangang dalawang tao ang
aawit ng dekir. Ito ay mayroong mataas na tono. Kung maabot ng mangaawit ang pinakamataas na tono, hihinto siya sa pagkanta at ipagpapatuloy
ng isa pang mang-aawit.
2. Quiza (Religious Story)
Ang mga quiza ay mga relihiyosong kuwento na nagmula sa Koran para sa
mga nanampalataya at di nananampalataya. Ang isang halimbawa nito ay
ang kuwento ni Abraham nang isakripisyo niya ang kanyang sariling anak.
3. Kandidiagao (Crying over the dead)

Ito ay kakaibang paraan ng pag-iyak para sa namatay. Ito ay katulad ng


dekir. Iba ang pamamaraan ng Kandidiagao ng lalaki sa babae. Ang tawag
sa paraan ng lalaki sa pagkanta ay kakemama.

4. Khutba (Sermons)
Ito ay mga passsages mula sa Koran na para sa mga nanampalataya at para
rin sa di nanampalataya. Ito ay isinasagawa ng Imam (pari) tuwing
kapistanhan tulad ng Eid-al Fitr, Mauleed-en-Nabi at sa mga dasal tuwing
Biyernes (Salatul Juma-at).
5. Koranic Exegis
Ito ay mahalaga sa Muslim sa kanilang pag-interpreta ng scriptures. Ito ay
di lamang para sa Muslim, para rin ito sa mga di Muslim.
6. Explicatory Statements tungkol sa Islam
Ito ay maaring bahagi ng ng mahabang khutba o interpretasyon ng Koran.
Ito ay para sa Muslim at di Muslim.
7. Duaa

Ito ay binibigkas pagkatapos ng salat (dasal) at maaari rin pagkatapos ng


kandori (thanksgiving).

8. Mga relihiyosong Kanta


6
Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at Panitikan
Summer 2015

Ang mga ito ay naging sikat nang dumating ang mga misyonaryong Arabo
mula Ehipto patungo sa Pilipinas upang magturo sa Madrasah na paaralan.
Halimbawa :
Inao Tuhan ani Dear God
A kibogi an ko podi To whom praise is due
Miaden ko donia Creator of the world
Ago langon a kaaden And all living things
Rakmati kami ngka Give us your blessings
Ago rapeg a reski And luck
Na go so kambowai ami Long life, too
Na go ami pekilalan So we can continue
Nem rokon a iman The six obligations
Go rokon a islam And the pillars of Islam
An kami makaogop So that we can help
A memolia ko Nabi Offer our thanks to the Prophet
Makasapaat sa tao And serve our people
A pepegislam And not forget
A di ami kalipatan
So di i kambarorantang Our obligations
Kipelalanen ami and proclaim with sincerity
So Lailahailalah God is Greatest

MGA PILING AKDA


Tula
The Divine Art of Brotherhood
7
Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at Panitikan
Summer 2015

Andan T. Misah
When humanity shall come
To understand and believe
In the spirit of Perpetuity
Of man kingdom on earth;
In the spirit of perpetuity
To whom each man is inescapably tangible
As unto the leaves the tree is,
So unto men is God
So near is man to man
So near to spirit to spirit,
So entwined are God and Men,
So pure is the brotherhood of men
So ideal will be this world of ours.
And when humanity shall come
To understand and believe
In the oneness of power
In god who owns and lends us that power,
As of the vast wisdom in the minds of men
In the oneness of life
In god who owns and lends us that life
As of the vast knowledge in the minds of men:
As unto the bulbs the current is,
As unto men is God.
And in the creation of Man Kingdom,
Adam was made lifeless, baked clay
Into whose body Almighty God
Breathes his spirit of life,
And the spirit of perpetuity
That generates the lineage of mankind.
Maikling Kwento
Blue Blood of the Big Astana (buod)
Ibrahim A. Jubaira
The story starts as a flashback of the life of Jaafar as an orphan and a young
servant of the Datu's daughter. He narrates the bittersweet memories he shared
with Dayang-Dayang.
As they get older and become teens, Jaafar always thinks about her and his
emotions and feelings towards Dayang-Dayang grow stronger but he always
reminds himself that he should not be in love with her because he has no blue
blood. Months later, a young Datu from Bonbon asked for Dayang-Dayang's hand in
marriage, leaving Jaafar brokenhearted.
Seven years later, when they lived their separate lives, the royal family
encountered many problems. Muramuraan, Dayang-Dayang;s husband, raised hand
against Christian goverment and was sent to jail, his servants died fighting for the
wrong cause, Datu Appah and Amboh, Dayang-Dayangs parents died and all their
lands and possessions were confiscated.
Jaafar went to Bonbon on business and saw Dayang with her children. He saw
that she was working and stressed and saw that she was not used to the hard labor.
8
Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at Panitikan
Summer 2015

Jaafar wants to go back to Dayang, help her and take care of her because he misses
her and still loves her.
Even though Jaafar really wanted to go back to Dayang-Dayang, he stopped
himself from running to her because he still has no blue blood and "Not even the
fingers of Allah could weave our fabrics to equality."
Nobela
The Sultanate
Jose L. Angliongto
The main events in The Sultanate unfold in the immediate aftermath of the
Second World War. Recently widowed, 50-year-old Generoso Dy Angco, a successful
businessman, leader of the Chinese community in Davao, and son of a Chinese
trader who married a Tausug princess, is assassinated allegedly at the instigation of
his business rivals. His three Philippine-born, grieving sons each deal with the
tragedy in their own ways. Rolando, the youngest, finds himself adrift, rudderless, in
life. Mariano, the eldest, concentrates on his business, eventually becoming a
tycoon. Grieving is more protracted for middle son Ricardo whose fathers death
triggers an identity crisis.
Frustrated by the inability of his relatives and the factionalized Chinese
community to bring his fathers killers to justice, Ric embarks on a study trip to
China. He writes to his brother Mariano with his observations of a China in political
and social crisis and returns to the Philippines determined to build his own
sultanate out of sweat and brawn (Angliongto 1969, 14) and in the hearts of
people (ibid., 149). Convinced that the communist takeover of China means that
the security of the Philippines is at stake (ibid., 130) and setting out to prove to the
Filipino people that those who came from Chinese stock are as good citizens if not
better than those of Malayan, Indonesian, Spanish or even American extraction
(ibid., 120), Ric becomes a counterespionage agent for the Philippine state, and
spends ten years working undercover within the Chinese community to identify the
red infiltrators.
In his conversations with his Filipino contacts and friends, he discourses at
length on the Chinese problem and proposes easier access to citizenship and
assimilation as the solutions. Ric falls in love with Lileng; the lovers are cleavedin
its double senses of clinging together and splitting apartby their respective
patriotic commitments to the Philippines and Taiwan. Another woman, Chin Fong, an
ardent communist sympathizer, whom Ric admires for her intellect, commits suicide
after she returns to communist China. Ric buys an islet south of the Mindanao Sea
to serve as the seat of his sultanate and transplants the molave saplings planted
by their father in the old family property. The book ends with Ric holding the hands
of his Filipina lover, Esperanza.

9
Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at Panitikan
Summer 2015

Dula
Country in Need of a Hero
Malou Jacob

10
Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at Panitikan
Summer 2015

11
Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at Panitikan
Summer 2015

12
Mischelle D. Mariano| MAEd Wika at Panitikan
Summer 2015

You might also like