Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Dahil sa pagkaranas at pagsaksi ng mga kakila-kilabot na epekto ng digmaan,

maraming bansa ang gumawa ng paraan upang maiwasan ang muling pagkakaroon
ng digmaan.
Limamput isang (51) bansa ang nagpasiyang magkaisa upang maiwasan ang
pagkakaroon uli ng digmaan.
Nilikha ang UN noong ika-24 ng Oktubre, 1945 pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Nilikha ito (UN) upang protektahan ang mga susunod pang henerasyon mula sa
mga kapahamakang pandigmaan at upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga
kaguluhan sa mga bansa.
Kinikilala nito na nangangailangan ang ilang sitwasyon ng mga taong walang
kinikilingan upang malutas nang payapa ang mga gulo.
Dahilan sa dedikasyon sa kapayapaan, nagkaroon ng ideya ang mga lider ng UN na
bumuo ng naiibang grupo ng mga sundalo at sibilyan sa buong mundo.
Tumutulong sila sa pagpapanatili ng katahimikan sa mga magugulong lugar.
Noong 1948, inilunsad ang papel ng UN bilang tagapamayapa. Ang mga unang
tagapamayapa ay ipinadala sa Gitnang Silangan upang maiwasan ang pagkakaroon
ng panibagong digmaan.
Ang United Nations ay isang internasyonal na organisasyon. Layunin ng 51
bansang nagtatag nito ang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa gitna ng mga
kasaping bansa, itaguyod ang magandang relasyon upang isulong ang kaunlaran, at
upang magkaroon ng mas mabisang pamantayan sa pamumuhay at karapatang
pantao. Higit na kilala ang United Nations para sa mga hakbang nito para sa
pananatili ng kapayapaan ngunit mayroon ring iba't ibang ahensya at programa ang
UN upang mapabuti ang mga buhay ng mga mamamayan sa lahat ng mga bansa sa
mundo. Isinusulong ng organisasyon ang pagtataguyod ng proteksyon para sa
kalikasan, pagbibigay ng tulong sa mga sinalanta ng sakuna at kalamidad at
pagtataguyod ng kalayaan at karapatang pantao.

You might also like