Professional Documents
Culture Documents
Pangkat Etniko
Pangkat Etniko
Ilokano
Ang Ilokano ay isang pangkating etniko na matatagpuan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La
Union, Abra, Cagayan, Pangasinan at iba pang bahagi ng Ilocos Rehiyon. Ang mga Ilokano ay
ikatlo sa pinakamalaking pangkat etniko sa buong Pilipinas, at ikalawa sa pinakamalaki sa buong
Mindanao. Kilala ang mga Ilokano sa pagiging masipag, mapagkumbaba, at sa kanilang payak
na pamumuhay. Kilala din sila sa kanilang mga produkto at pagkain tulad ng bagoong, pinakbet,
dinengdeng, sukang Iloko, burnay at basi. Ang salitang Ilokano ay tumutukoy din sa wika ng
mga taong naninirahan sa mga nabanggit na lugar, na nagsisilbi bilang Lingua Franca o ang
pangunahing wika ng rehiyon.
Ifugao
Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang
ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.
Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na
natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang
mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may
pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.
Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa ito sa pamamagitan ng
kanilang mga kamay. Ang mga Igorot ay isang grupong etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa
Cordillera, sa isla ng Luzon, sa hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera
Administrative Region (CAR): ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain
Province. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong
grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o
Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag,
matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng
iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mahalaga sa kanila ang lupa,
sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang
Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao.
Mangyan
Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo.
Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang
tangkad.
May ibat ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang
ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan,
pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.
Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan
ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa
mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.
Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito.
Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.
Maranao
Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao Lanao del Sur, Lanao del Norte,
Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan
hinango ang kanilang pangalan.
Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay
sila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang silid. Tanging ang mga dugong bughaw
lamang ang pinapayagang manumit ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang
Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ng
tahanan at sa mga moske.
Buo pa rin at hindi naiimpluwensiyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang
tunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang
mga kagamitang gawa sa tanso.
Tboli
Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga
prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka.
Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.
Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing
tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang
panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng
maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit.
Nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking
T'boli
Bagobo
Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng golpo ng Davao. Maputi sila, may
matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may
natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit
nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang
baba.
Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Espanyol sa Mindanao. Noong
panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay
nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig.
Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga
gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalaki
gayundin ang paghabi ng basket.
Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at
ang datu ang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu
ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o
paring babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa
paghahabi.
Waray
Ang mga Waray ay Bisayang grupong etniko sa Pilipinas. Matatagpuan ang karamihan sa kanila
sa Silangang Kabisayaan na kabilang ang Samar, Hilagang Samar,atSilangang Samar, habang
bumubuo ng signipikong populasyon sa Leyte at Sorsogon. Ang pangunahing hanapbuhay nila
ay ang pagsasaka, pangingisda, paggawa ng banig at iba't ibang kagamitan yari sa abaka, kahoy,
at niyog.
Badjao
Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung,
Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang
Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.
Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang
pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.
Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang
maaaring tumira sa bangkang-bahay.
Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit
sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may
iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.
Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa
umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno.
Ilonggo
Proyekto
Sa
Hekasi
Ipapasa ni:
Ipapasa kay: