Professional Documents
Culture Documents
Gawain 3
Gawain 3
Gawain 3
inyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong maging kakatwa sa
karamihan. Hindi ko lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan
nyo rin ako balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon. Mahinahong paglilinaw ni
Mokong Talangka.
Saglit na natulala ang karamihan. Muling bumalik si Mokong Talangka sa kanyang
bahay. Nabuhayan na lamang ang mga talangka nang maipinid na ni Mokong ang pinto ng
bahay nito.
Hu, ang akala moy kung sinong marunong. Siya lang ang magaling. Siya lang ang
mahusay. Galit na winika ng isang purok lider na talangka.
At may sinasabi-sabi pang mabutit may nagkainteres sa kaniyang ginagawa. Walang
may interes sa kaniyang mga ginagawa kundi ang sarili niya lamang, inis na tinig ng isa pang
purok lider na talangka.
Lingid sa kaalaman ng lahat ng talangka ay narinig ni Mokong ang lahat ng masasakit
na salitang binitiwan ng mga kabaryo niyang talangka. Naisip
bigla ni Mokong na paano naging lider ang mga ito gayong walang kakayahang mag-isip para
sa kanilang sarili, paano pa kaya ang kanilang mga nasasakupan?
Isang araw, habang nagmamasid ang batang talangkang si Tikang sa butas ng bahay ni
Mokong, nagulat si Tikang dahil mula sa kanyang likuran ay may kung sino ang kumalabit dito.
Si Mokong Talangka. Nagimbal sa kahihiyan
si Tikang Talangka. Pinahupa ni Mokong ang kaba at kahihiyan ng batang talangka. Inalok niya
itong pumasok sa kaniyang bahay.
Namangha si Tikang talangka sa dami ng aklat na naipon ni Mokong talangka. Maayos
na nakasalansan ito sa bawat dingding ng bahay. Patong-patong sa maliit na mesa ang mga
magasin at pahayagan. Kapansin-pansin din ang nakasubong papel sa makinilya ni Mokong
talangka.
Maaari mong hawakan at basahin ang nakikita mong mga aklat. Ang maiibigan mo ay
maaari mo nang iuwi sa inyong tahanan. Marahang alok ni Mokong talangka.
Talaga po! Ang bait nyo pala. Akala ko po kasi ay salbahe kayo dahil wala kayong
kinakausap sa ating lugar. Sabi po kasi ng mga magulang ko,
huwag daw po kaming lalapit sa bahay ninyo dahil nababaliw na po raw kayo. Sunod-sunod na
nawika ni Tikang.
Tikang, ang pakikipag-usap at pakikisalamuha sa ibang tao ay hindi masama subalit
paano ako makikitungo sa kanila kung ako naman ay hindi nila nauunawaan? Sinubukan ko na
dati na makipag-usap sa mga purok lider ng ating baryo. Nagbigay ako ng mga mungkahi tungo
sa pag-unlad ng buhay ng mga kababaryo natin. Ngunit, ano ang naging reaksiyon nila sa nais
kong mga pagbabago? Kabaliwan daw at nalalayo sa katotohanan ang aking mga
ipinagsasasabi. Magmula noon, hindi na ako lumahok sa anumang pagtitipon at
pulong na ipinatatawag sa baryo natin. Namuhay akong mag-isa kapiling ang mga aklat at ang
aking panulat. Dito sa loob ng bahay ko ibinuhos ang
naiisip kong magiging solusyon sa krisis at matagal na problema nating mga talangka sa baryo
Talangkukay, paliwanag ni Mokong talangka.
Isa na lamang po, bakit po paharap ang inyong paraan ng paglalakad? pag-uusisa ni
Tikang.
Dahil ayaw kong patangay na lamang sa agos, sa kulturang kinamumuhian ko sa asal
nating mga talangka. Dahil sa iisang paraan ng paglalakad natin, nagkakaroon ng hilahan
kapag may dumarating na panganib sa ating baryo. At kung may nauuna namang mag-isip na
isang talangka sa karaniwang talangka ay ganoon din ang ginagawa nila, hinihila. Ayaw ko
nang ganoong kultura. Kaya magmula noon ay pinag-aralan ko ang lumakad nang paharap at
hindi patagilid. Dugtong ni Mokong Talangka.
Gabi na nang makauwi si Tikang sa kanilang bahay. Agad siyang inusisa
ng kaniyang mga magulang. Nang malaman na nanggaling ito sa bahay ni Mokong talangka ay
pinagalitan ito. Ipinagtanggol naman ni Tikang si Mokong at sinabing mali ang mga paratang
nila, mabait at maginoo ang sinasabing
nababaliw na si Mokong. Dahil sa sinabi ni Tikang, nag-init ang ulo ng ama nito at agad na
pinulong ang ibang kasamahang talangka. Nilusob nila ang bahay ni Mokong.
Walang kahihiyan ang Mokong na iyan. Nilalason ang isip ng anak ko. Tinuturuang
magrebelde sa amin. Kailangang mawala sa landas natin ang talangkang iyan. Galit na wika
ng ama ni Tikang.
Lumabas ka Mokong! Harapin mo kami dito! Sigaw ng ina ni Tikang.
Nakaakma na ang lahat ng sandata ng mga talangkang nasa harap ng bahay ni Mokong
nang biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan.
Mga kasama, nariyan na ang mga taong nananalakab. Takbo! Sigaw ng isang purok
lider.
Nagsipanakbuhan ang mga talangka. Nag-uunahan. Ang ibang maliliit na talangka ay
naiwan sapagkat hinihila ng ibang kasamahang talangka. Naipit naman ang iba. Laking tuwa ng
mga mananalakab sapagkat napakarami nilang nahuling talangka. Wala halos natira sa lipi ng
talangka sa baryo Talangkukay
maliban kay Mokong Talangka na dahil sa paharap ang nakaugaliang paglalakad ay naiba ng
direksiyon mula sa nagtakbuhang kababaryo. Ikinalungkot ni Mokong ang nangyari sa ibang
kasama. Mula sa kalayuan ay may narinig siyang pamilyar na tinig, isang kababaryo niyang
talangka ang umiiyak. Si Tikang. Agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng humihikbi. Natuwa
naman si Mokong nang makita niya si Tikang gayundin naman ang batang talangka.
Ngayon po ay nauunawaan ko na