Hanggang Kailan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Hanggang Kailan?

Ni Diana Armodia
Sa isang pulo na kung tawagin ay San
Fransokyo, mapayapang namumuhay ang mga
robots at mga Avita, mga nilalang na hugis tao na
may pak-pak. Masayahin at matatapat silang nilalang,
at ang mga imbensyon nilang robots ang katuwang
nila sa buhay, sa trabaho at sa pagpapanatili sa
kalinisan ng bawat sulok ng kanilang pook.
Sa katabing isla naman na kilala sa
pangalang San Rico ay nakatira ang mga Sail. Tulad
din ng mga Avita, ang mga Sail ay mga nilalang rin na
may pak-pak at kilala sa paggawa ng mga
magagarang sasakyang panghimpapawid, at kung
anu-anong mga bagay.

Lumipas ang mga taon, unti-unti ng umitim


ang kalangitan at napansin ito ng mga Avita. Mas
nararamdaman na nilang umiinit ang panahon at mas
maraming alikabok ang nalalanghap kasabay ng
hangin. Kaya nagpulong-pulong ang mga opisyales
ng Avita at nagkasundong padalhan ng sulat ang
kabilang isla.
Natanggap ng mga taga Sail ang padalang
liham nga mga Avita.
Gray:

Ano to? Anong nais nilang iparating? Na


tayo ang dahilan kung bakit umiinit ang
paligid? Na umiitim ang ulap? Nang-iinsulto
ba sila? Huh. Hindi ba nila naiisip kung
anong magandang hatid ng mga imbensyon
natin? Pambihira, inggit lang sila sa mga
nagagawa at narating natin ngayon.

Grace:

Tama inggit lang yan. Hayaan na natin sila.

Isang araw
Zach:

Wow, kay ganda ng umagang ito. Ang putiputi ng mga ulap, walang-kasing asul ang
kalangitan at walang kasing presko ang
hangin.

Makalipas ang ilang buwan


Zach:

Mga kasamahan, walang naging aksyon ang


mga Sail. Walang pagbabagong nagaganap,
eh. Mag-iisang taon na mula nang tayo ay
nagpadala ng liham. Dapat na tayong may
gawing aksyon. Iba na ang panahon ngayon,
mas umiinit at dumudumi na ang hangin.
Ano ang dapat nating gawin?

Opisyal:

Sir, para maiwasan natin ang masamang


dulot ng mga imbensyon ng mga tagakabilang isla gumawa nalang tayo ng barrier,
na may air-filter at nang sa gayon mapanatili
natin ang kalinisan ng ating isla, at magtanim tayo ng maraming mga puno para
hindi masyadong uminit.

Senshi: Oo nga, mahal. Lahat ng itoy dahil sa


tulong ng mga robots natin. Salamat talaga
sa kanila at dumating sila sa buhay natin.
Samantala sa kabilang isla naman,
Gray:
Grace:

Gray:

Ang ganda ng kita natin sa taong ito, hon.


Mas tumaas pa ito ng 10% kaysa noong
nakaraang taon.
Magandang balita, yan, honey. Ipag-patuloy
mo lang yan, hon. Bilang Presidente ng ating
isla, ikaw ay talagang pasasalamatan ng
mga sangkaSailan. Ngunit, dapat mas
higitan pa natin ang kita natin ngayon sa
susunod na taon nang sa gayon ay pwede
na tayong humiga-higa lamang habang
sumasamba sa atin ang buong mundo.
Magiging bilyunaryo na tayo. Kaya kailangan
pa nating mapahanga pa ang buong mundo
sa ating mga imbensyon.
Tama ka, nakakapagod din kaya ang arawaraw nalang nag-tatrabaho. Tayo ang nakaimbento ng pampawala ng pagod sa
kalilipad araw-araw para lang makapunta sa
paaralan, palengke, simbahan at kung saang
panig ng mundo. Tayo rin ang nangunguna
sa pag-gawa ng kung anu-ano pang mga
high-tech na gadgets. Kaya ang mga
sasakyan natin ang naging solusyon. Para
mas makatipid at kumita, kailangan pa
nating mag-isip ng paraan

Mataas ang demand ng mga imbensyon nila


buwan-buwan mula sa ibat-ibang panig ng mundo,
kaya buwan-buwan din ay nag-iimbento ang mga Sail
ng ibat-ibang uri ng sasakyan, ibat ibang hugis,
desenyo at bilis. Ginagawa nila ito sa maraming
factories ng kanilang isla. Halos lahat ng mga Sail ay
nakatoon ang atensyon sa paggawa ng mga
imbensyon nila. Nababaliwala na nila ang
pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran. Hindi rin
nila magawang bumili ng mga robots sa kabilang isla
para lamang makatipid.
Di kalaunan ay naging halos konkreto na
lahat ng parte ng isla. Pinutol ang mga kahoy
hanggang lumiit ang bilang nila. Bilang pangunahing
isla, ang San Rico ang ginagaya ng halos lahat na
mga bansa sa mundo. Sasakyan doon, sasakyan
dito. Usok doon, usok dito. Konkreto doon, konkreto
dito.

Samantala sa kabilang isla,


Grace:
Gray:

Hon, ramdam ko rin na umiinit na nga.


Hindi, hon, normal lang yan kasi maraming
factories dito sa atin, at dumadami pa.
Gumawa nalang tayo ng pampaginaw nga
makina para sa lahat. Maaari din itong
pagkakitaan natin.

Grace: ang galing-galing talaga ng asawa ko.


Ilang dekada ang lumipas, mas naging
mainit ang paligid, naging madumi, pabago-bago ang
klima. Bagyo ngayon, bagyo samakalawa. El Nio
doon, baha dito, at minsan sa ibang lugar naman.
Isang araw:
TV anchor: Breaking News: May paparating na bagyo
na nasa Super Typhoon Category.
Inaasahang tatama ito sa mga isla sa
ikaapat na araw. Itoy pinangalanang Sakaw
na may lakas ng 220 kilometers per hour at
pabugso-bugsong 150 kilometers per hour.
Pinapaalalahan ang lahat na mag-ingat at
maghanda ng medical kits at food packs.
Pinapayuhan din ang lahat na nasa kritikal
na lugar na magtungo sa mga evacuation
centers.
Agad-agad na naghanda ang mga Avita sa
paparating na malakas na bagyo. Noon paman ay
naiisip na nila ang mga dulot ng mga pangyayari sa
kanilang paligid at matagal ng nagpatayo ng matitibay
na mga gusali at mga food storage rooms.
Samantala,

Grace:

Ano ba ito, hon? Iba na talaga ang panahon


ngayon. Napansin ko nagbago ito noon pang
tayoy nagsimulang mag-manufacture at
nagsuplay na sa buong mundo.

Gray:

Parang naniniwala na ako sayo, Grace.


Ngunit hindi naman siguro aabot sa hindi
inaasahan ang dala ng bagyong iyan. Lilipas
din yan. Dadaan lang yan. Magtago lang
tayo dito sa bahay.

At dumating nga si Sakaw sa dalawang


magkalapit na isla.
Grace:
Gray:
Gino:
Gina:
Grace:
Gino:

Nako! Ang lakas ng hangin. Mga anak dito


tayo. (wasak dingding)
Nililipad ng hangin ang ating bubungan,
Grace. Diyos ko!
Tay, nay, tumataas na din ang tubig.
Nay, ano na po ba ang nangyayari.
Katapusan napo ba ng mundo?
Anak, kapit lang kayo sakin.
Tay, nay. Tagatuhod ko na po ang tubig, at
wasak napo ang mga ding-ding ng ating
bahay(iyak)

Secretary: Sir, may bisita po tayo.


Zach:
Sino yan?
Secretary: Presidente po ng mga Sail, sir.
Zach:
Papasokin ninyo.
Gray:

Zach! Zach! Tama kayo. Huwag nyo sanang


mamasamain ngunit pumarito kami para
humingi sana ng tulong. Kasi ang anak ko,
ang inosenteng anak ko, tinangay ng hangin
kagabi. (iyak) Sana mapatawad nyo kami.

Grace:

Maawa kayo samin, Zach. Ipagpatawad mo


kung binalewala namin ang mensahe ninyo
noon.

Zach:

Tatay din ako. Naiintindihan ko kayo. Wala


na rin tayong magagawa kung mag-sisisihan
pa tayo.

Gray:

Salamat talaga, Zach! Ano ang dapat


naming gawin? Sabihin mo lang.
Mag-tutulungan tayo. Gagamitin rin namin
ang mga robots sa paglinis at pagsisimula
ninyo uli.
Sabihin nyo lang kung anong mga
kailangang gawin at handa kaming
sumunod.

Zach:
Gray:

Grace:

Gray? Anong gagawin natin? Hindi tayo


makaakyat, nililipad na din ang bobong at
mga ding-ding.
Zach:

Ilang oras ding tumagal ang bagyo. At nang


biglang may mas malakas pang hangin ang bumayo
sa kanilang bahay
Grace:
Gray:

anaaaaaaaaaaaaak!
Ginaaaaaaaaa!

Nilipad ng malakas na hangin ang bunsong


anak ng mag-asawa. Halos hanggang mag-umaga
ang iyak ni Grace.
Kina-umagahan humupa na ang bagyo at
ulan. Halos puro wasak na bahay ang masasaksihan
sa isla ng Sail. Iilan lamang ang nakatayo at iilan din
lamang ang mga nakaligtas. Kabilang dito ang
Presidente, ang unang ginang at ang isa nilang anak.
Lubos na kalungkutan ang mababakas sa mga
mukha ng mga Sail. Katahimikan. Ito lamang ang
musikang maririnig sa mga oras na iyon. Ito ay
salungat sa kabilang isla na kung saan iilan lang ang
mga nasugatan at walang naitalang namatay sa
nasabing delubyo.
Grace:

Gray:

Iyan, yan nga. Sinabi ko na sayo yan noon


eh. Tayo ang dahilan. Ikaw, Gray!
Pinaparusahan na tayo ng maykapal. Kung
nakinig ka sana noon eh.
Ano yan grace? Sinisisi mo na ako? Eh ikaw
tong mas may gustong yumaman, humigahiga lang habang sinasamba ng sanlibutan,
diba? Hindi ko rin naman ginusto ang
pangyayari ah. Ikaw lang ba? Ikaw lang ba
ang nasasaktan sa mga pangyayari?
Nawalan din ako.

Gino:

Tay, nay. Tama na po yan. Humingi na


lamang po tayo ng tulong.

Gray:
Grace:
Gray:
Grace:

Tulong? Kanino naman?


sa mga Avita.
ah?
Lunukin mo na yang pride mo, Gray. Mga
buhay na natin ang nakasalalay dito, ng
anak natin, ng mga kapwa natin.
Dali-daling tinungo ng pamilya ang kabilang

isla.

Sisimulan nating maglinis bukas na bukas


din. Pagkatapos niyan, magtatanim tayo ng
mga puno para maagapan natin ang pag-init
ng panahon. Ang mga puno ang nagaabsorb ng Carbon Dioxide. Ang sobrang
Carbon Dioxide ay isa sa mga dahilan ng
pag-init ng panahon. Kinukulong nila ang init
sa mundo. Kinakailangan nyo na ring ihinto
ang paggawa ng maramihang mga sasakyan
kung hindi naman talaga natin kailangan.
Iwasan nating ang katamaran. Para sa ano
pat meron tayong mga pak-pak. Iwasan din
natin ang pagta-tapon ng mga basura sa di
tamang lalagyan. Kung maari mag-reycle
tayo, at pagsamahin ang mga basura ayon
sa uri. Huwag ding kalimutan na ipag-bawal
ang pag-susunog, paggamit ng kuryente at
tubig kung di kinakailangan. Kung maaari ay
mag-tipid tayo sa paggamit ng mga likas na
yaman. Alagaan natin ang ating kapaligiran.
Kung hahayaan natin itong masira, tila
hinahayaan na rin nating mawalan ng
karapatang mabuhay ang susunod na mga
henerasyon, ang mga anak ng mga anak
natin.

Bago pa man makalabas ang mag-asawa sa


silid ay may balitang dumating.
Secretary: Sir, maam. Buhay pa po ang anak ninyo.
Nakita po siya kani-kanina lang na
palutang-lutang habang nakasakay sa
isang malapad na kahoy. Maari niyo po
siyang puntahan. Sumama po, kayo
sakin.
Grace and Gray: Salamat Dios ko!
Simula noon, nagkaisa na ang mga Sail at
mga Avita. Sa tulong din na mga robots at ng
kanilang pag-kakaisa, sinisikap nilang maagapan ang
pag-lala ng mga problemang pangkapaligiran para sa
maayos, mapayapa, masagana at ligtas na
pamumuhay.
***Wakas***

You might also like