Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

NOLI ME TANGERE

BY: DR. JOSE RIZAL

I.

Simula: Si Crisostomo Ibarra (Kabanata 1-2)


A. Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng
kanyang ama sa Europa.
B. Sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang
salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre
Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na
tao, sa lipunan Kastila.
C. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating
kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya
pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may
mahalagang lalakarin.

II.

Ang Pagkikita ni Ibarra at Maria Clara (Kabanata 7-8)


A. Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara.
B. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang
mayamang taga-Binundok.
C. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang
pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang
pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata.

III.

Mitsa ng Pagtatalo ni Ibarra at Padre Damaso (Kabanata 13)


A. Tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni
Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay
nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa
bayang yaon.
B. Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre
Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at
pangungumpisal.
C. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael,
pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway
at nagharap ng iba-ibang sakdal.
D. Namatay si Don Rafael sa bilangguan.
E. Ipinahukay ni Padre Damaso ang bangkay at ipinalibing sa
libingan ng mga Intsik ngunit ang napagutusan ay itinapon na
lang ito sa lawa.

IV.

Ang Muling Pagtatagpo ni Ibarra at Padre Damaso (Kabanata 34)


A. Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso.
B. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Nahalata ng alkalde
na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra.
C. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa
pagsasaring.
D. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari
Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may
kasamang pag-aglahi.
E. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari
Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria.

V.

Ang Pagdakip kay Ibarra (Kabanata 57)


A. Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang
pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli
siyang tanggapin sa simbahang Katoliko.
B. Dinakip si Ibarra sa pagsalakay ng mga sibil sa kwartel.
C. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang
kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay
tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya
maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.
D. Napawalang bias ang kaniyang pagkakadakip ngunit ang sulat
niya para kay Maria Clara ay napasakamay ng hukuman at
ginamit laban sa kaniya.

VI.

Ang Paghihiwala ng Magkasintahan


A. Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang
ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay
Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa
bilangguan sa tulong ni Elias.
B. Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ni Ibarra si Maria Clara,
ani nito ay pinagkakaloob na niya ang kalayaan ng dalaga.
C. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan
at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa
pamamagitan ng pagbabantat pananakot.
D. Kapalit ng liham ay ang sulat ng kaniyang ina na ang kanyang
tunay na ama ay si Padre Damaso.
E. Siya ay pinakakasal upang mailigtas ang karangalan ng ina
ngunit ang kanyang damdamin kay Ibarra ay hindi maglalaho
kailanman.

VII.

Ang Kasukdulan (Kabanata 58-64)


A. Tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias.
B. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng
damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang
makarating sa Lawa ng Bay.
C. Sila ay naabutan kung kaya may minarapat ni Elias na tumalon,
siya ang napagisipang si Ibarra at siyay pinagbababaril.
D. Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng
mga Sibil sa kanyang pagtakas kaya mas pinili niyang pumasok
sa kumbento kaysa ikasal.
E. Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng
mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si
Basilio at ina nitong wala nang buhay.
F. Bago nalagutan ng hininga si Basilio ay sinabing, namatay siyang
hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at
makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay
dahil sa pagtatanggol sa bayan.

References:
http://angelomirabel02.blogspot.com/2012/07/buod-ng-noli-me-tangere.html
http://www.slideshare.net/carelcarlos5/buod-bawat-kabanata-ng-noli-metangere

You might also like