Professional Documents
Culture Documents
Parirala
Parirala
Parirala
Sugnay
Pangungusap
Parirala
pangkat ng mga salitang walang buong diwa
Sugnay
pangkat ng mga salita, may paksa at panaguri, maaring makapang-iis ito o hindi
Pangungusap
Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan.
Ang pabula (Ingles fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na
walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging
kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa.
Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway
na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na
punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari
Ang kuwentong-bayan o polklor ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng
mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
Parirala - pangkat ng mga salitang walang buong diwa
Pangungusap - Isang sambitla may patapos na himimig sa dulo. Ang patapos na himig na ito ang nagsasaad na naipahayag na ng
nagsasalita ang isang diwa o kaisipang nais niyang ipaabot sa kausap.
Sugnay - pangkat ng mga salita, may paksa at panaguri, maaring makapang-iis ito o hindi
Sugnay na makapag-iisa - ito ay maaaring tumayo bilang payak na pangungusap.
Sugnay na di makapag-iisa - mayroon itong paksa at panaguri ngunit hindi buo ang diwa ng ipnahahayag.
MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA
1. Pangungusap na pasasalamat - nangangahulugang may pangyayaring
ginawa na at kailangan lamang pasalamatan.
Halimbawa:
a. Salamat.(po)
b. Maraming salamat.(po)
2. Pangungusap na patawag - tinatawag sa pangalan ang isang tao at
nauunawaan naman ng tinatawag na siya'y hinahanap
Halimbawa:
a. Allan!
b. Korina!
3. Pangungusap na pangkalikasan - nauukol ito sa mga pangyayaring may
kinalaman sa kalikasan
Halimbawa:
a. Umuulan na.
b. Lumilindol.
4. Pangungusap na pagbati - nangangahuluganng kaharap naang taong
binabati
Halimbawa:
a. Magandang Araw.
b. Maligayang pagbati sa iyo.
5. Pangungusap na pagpaalam - nangangahulugang dati nang kausap ang
pinagpaalaman ng aalis
Halimbawa:
a. Paalam na.(po)
b. Hanggang sa muli.(po)
6. Pangungusap na pamanahon - nagsasaad ng panahon.
Halimbawa:
a. Pasko na!
b. Bertdey mo na.
7. Pangungusap na panagot sa tanong - sumasagot ito sa tanong
Halimbawa:
a. Oo.
b. Hindi.
c. Baka.
8. Pangungusap na muling pagtatanong - nangangahulugang may nauna nang
pahayag na hindi lamang ganoong narinig o naunawaan kaya ipinapauulit.
Halimbawa:
a. Saan?
b. Ano?
c. Ha?
9. Pangungusap na pautos - nangangahulugang kaharap na ng nag-uutos ang
inuutusan.
Halimbawa:
a. Lakad na.
b. Sulong!
c. Halika.
10. Pangungusap na pakiusap - pangungusap na ginagamitan ng paki at maki.
Halimbawa:
a. Pakidala nito.
b. Makikiraan.(po)
11. Pangungusap na pasukdol - pangungusap na ginagamitan ng mga katagang
kay at napaka.
Halimbawa:
a. Kaybuti mo!
b. Napakatamis nito!
12. Pangungusap na padamdam - nagsasaad ng nadarama
Halimbawa:
a. Aray!
b. Ay!
13. Pangungusap na eksistensyal - gumagamit ito ng mga katagang may
mayroon at wala.
Halimbawa:
a. May pasok ngayon.
b. Walang tao riyan.
14. Pangungusap na temporal nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian, karaniwan na itong pang-abay na
pamanahon.
2 URI NG TEMPORAL
A. Oras, Araw, Petsa
Hal. Umaga na.
Bukas ay Lunes.
Ala singko pa lang ng hapon.
B. Panahon, Selebrasyon
Hal. Labor Day na bukas.
Magbabakasyon lang.
15. Pangungusap na Modal- gumagamit ng mga salitang gusto, nais pwede, maari, dapat o kailangan.
Halimbawa: Gusto kita.
Kailangan mo ba ko ?
16. Pangungusap na mga Ka-Pandiwa - nagsasaad ito ng katatapos na kilos o pangyayari. Malimit itong may kasunod na lang o
lamang.
Halimbawa: Kasasara ko lang.
Kabubukas ko lang.
17. Pangungusap na Ponomemal- tumutukoy sa mga pangungusap na tumatalakay sa mga kalagayan o pangyayari sa kalikasan o
kapaligiran.
2 URI NITO
A. Verbal-binuong pang uring pandiwa na maaaring may kasamang pang abay.
Halimbwa: Uulan marahil.
Bumaha kahapon.
B. Ajectival- Binubuo ng mga pang uri na maaring may kasama ring pang abay.
Halimbawa: Maginaw ngayon.
Maalinsangan.
18. Pangungusap na Sambitla - karaniwang binubuo ito ng isa o dalawang pantig na nagsasaad ng masidhing damdamin.
halimbawa:
a.) Sunog!
b.) Wow!
19. Pangungusap na Pahanga - nagpapahayag ito ng damdamin ng paghanga.
halimbawa:
a.) Ang ganda-ganda mo.
b.) Kay sipag mong bata.
Ang dalawang ayos ng pangungusap ay ang karaniwan o tuwid at di-karaniwan o baligtad na ayos.
1. Karaniwan o Tuwid na ayos ng pangungusap.
Ito ay ang ayos ng pangungusap na kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang Gawain.
Nauuna ang panaguri o ang bahagi nito sa simuno ng pangungusap.
Mga Halimbawa
Punung-puno ng ibat ibang damdamin / ang musika.
Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music / ang OPM.
Isang patunay / ito / ng pagiging malikhain ng mga Filipino.
Ang Punung-puno ng ibat ibang damdamin, Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music at isang patunay ay pawang mga panaguri.
At sila ay matatagpuan bago ang mga simuno ng pangungusap
2. Di-Karaniwan o Baligtad na ayos ng pangungusap
Ito ang ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno sa panaguri ng pangungusap. Ang dalawang bahaging ito ay pinag-uugnay ng
panandang ay.
Sa mga sumusunod na halimbawa, mapapansin na ang mga simuno na ang nauuna kaysa sa mga panaguri.
Mga Halimbawa
Ang musika / ay punung-puno ng damdamin.
Ang OPM / ay nangangahulugang Original Pilipino Music.
Ito / ay isang patunay ng pagiging malikhain ng mga Filipino
Isulat ang tamang sagot kung KARANIWAN o DI KARANIWAN ang ayos ng pangungusap:
1)
2)
3)
4)
5)
6)
7)
8)
9)
10)
LUBI-LUBI
Enero, Pebro, Marso, Abril, Mayo
Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre
Oktubre, Nobyembre, Disyembre
Lubi-lubi
Kun dai si Abaniko
Patay na ining lawas ko
Lawas ko ay,ay, madidismayo
Kun dai si abaniko
Ang sampung pares ng dalagat binata ay gumagawa ng isang malakaing bilog. Sa gitna nng bilog ay may isang pareha.
Sumasayaw sila at pumapasok naman ang iba. Kapag tapos na ang pareha, kumukuha sila ng ibang pareha. Isinusuot nila sa bagong
pareha ang kanilang suot na sambalilo. Pupunta sa gitna ng bilog ang bagong pareha at sila naman ang sasayaw. Patuloy ang saywa
hanggang sa lahat ng pareha ay makapunta sa gitna. Mabilis ang sayaw at masigla ang lahat.
Masayahin pala ang mga Bikolano, ano? sabi ni Ema
Masasaya at masisipag sila, sagot ni Tina. Tingnan mo ang mga paninda nila. Yari sa Abaka ang mga tsinelas, bag,
lubid, sinturon, placemat, kulambo, at kurtina.
Alam mo kung anong ibig ko? ani Tina. Bibili ako ng matamis na pili.
Ako rin, sagot ni Ema.
Ang pangungusap ay maaaring PATUROL, PAUTOS, PATANONG, at PADAMDAM. Ayon naman sa kayarian, ang pangungusap ay
maaring PAYAK, TAMBALAN, o HUGNAYAN.
Ang PAYAK na pangungusap ay nakapag-iisa. Malayang sugnay ito na may simuno at panag-uri. Maaaring dalawa ang simuno o
panag-uri ngunit iisa pa ring ang diwa ng pangungusap. Payak pa rin ito.
Ang TAMBALANG pangungusap ay may dalawa o higit pang ideyang inilalahad. Ginagamitan ng mga pangatnig na at, ngunit, at o,
ang pag-uugnay sa dalwang payak na pangungusap.
*Ginagamit ang >at< kung magkasimpantay o magkasing-halaga ang mga ideya ng dalawang malayang sugnay.
Hal. Umaawit ang mga dalagat binata at sumasayaw sila ng Lubi-lubi.
*Ginagamit naman ang ngunit kung magkasalungat o di parihas ang ideya.
Hal. Mahilig sa pagsasaya ang mga Bikolano ngunit may panahon sin sila sa kanilang gawain.
*Ginagamit naman ang o kung may pagpipiliang alinman sa dalawang ideyang nakalahad.
Hal. Sasayaw ka ba o aawit ng Lubi-lubi?
Ang HUGNAYANG pangungusap ay binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-nakapag-iisa. Ginagamit na
pang-ugnay ng mga sugnay ang mga pangatnig na kung, kapag, pag, nang, upang, dahil sa, sapagkat.
Hal. Magbabakasyon ako sa Baguio kung sasama ka.
Nagkasakit si Lola dahil nabasa ng ulan.
>Sabihin kung PAYAK, TAMBALAN, o HUGNAYAN ang sumusunod na mga pangungusap:
1.
2.
3.
4.
5.
pangungusap:
(A) Bumilis ang pintig ng puso ni Juan nang makita niya si Maria.
(B) Ayaw ko siyang kausapin dahil sinaktan niya ang aking puso.
Sa pangungusap (A), ang pangngalan na puso ay tumutukoy sa organo (organ) ng
katawan. Ito ay isang bagay na may mga katangiang pisikal. Ang salitang puso sa
pangungusap (A) ay pangngalang tahas.
Sa pangungusap (B), ang pangngalan na puso ay tumutukoy sa damdamin ng tao.
Ang ibig sabihin ng sinaktan niya ang aking puso sa Ingles ay he/she broke my
heart. Hindi ito tumutukoy sa aktuwal na pagkasira ng puso ngunit sa pagsakit sa
damdamin ng nagsasalita.
May mga pangngalan na tumutukoy sa mga pangyayari tulad ng Pasko (Christmas)
at digmaan (war) na maaaring isipin ng iba na mga pangngalang tahas dahil
nakikita at naririnig nila ang mga ito.
Tuwing Pasko, makikita natin ang mga parol, mga Christmas tree, ibat ibang
dekorasyon, mga regalo, mga kamag-anak at kaibigan natin, at iba pa. Maririnig
natin ang mga awiting Pasko sa radyo at ang tunog ng kampana ng simbahan
tuwing simbang-gabi. Maaamoy natin ang sari-saring pagkain na ibinibenta sa
bangketa o inihahanda sa mga tahanan para sa Noche Buena.
Ang mga salitang parol, dekorasyon, regalo, kamag-anak, kaibigan, radyo,
kampana, simbahan, pagkain, bangketa, at tahanan ay mga pangngalang tahas.
Ang salitang Pasko ay tumutukoy sa isang pagdiriwang o panahon na
ipinagdiriwang ng maraming tao. Wala itong pisikal na katangian.
Ang Panghalip ay salitang ginagamit panghalili o pamalit sa pangngalan.
MGA URI NG PANGHALIP
PANGHALIP PANAO ay salitang ginamit panghalili o pamalit sa ngalan ng tao o mga tao.
Halimbawa:
ako, ikaw, sayo, atin, amin, kita, siya, kata, kayo, tayo, sila, kami.
Tatlong Panauhan ng Panao
1. Nagsasalita - Ito ay mga panghalip na tumutukoy sa taong nagsasalaysay. Tinatawag din itong unang panauhan.
Halimbawa: ako, tayo at kami.
2. Kausap - Ito ay mga panghalip na nauukol sa taong kinakausap. Tinatawag din itong ikalawang panauhan.
Halimbawa: ikaw, ka, kayo.
3. Pinag-uusapan - Ito ay mga panghalip na nauukol sa tanong pinag-uusapan. Tinatawag din itong ikatlong panauhan.
Kailanan ng Panghalip na Panao
1. Isahan - Ito ay panghalip na ginagamit at nauukol sa isang tao lamang.
Halimbawa:
Ako ay Filipino.
Ikaw ay may karapatan at tungkulin sa bayan
Siya rin ay marunong sumunod sa batas.
Nararapat ka bang bigyan ng gantimpala?
2. Dalawahan - Ito ay panghalip na ginagamit at nauukol sa dalawang tao, ang nagsasalita at ang kausap.
Halimbawa:
Pinapatawad na kita.
Kata ang magdala ng mga paninda ni Nanay.
3. Maramihan - Ito ay panghalip na ginagamit at nauukol sa maraming tao o higit sa dalawang tao.
Halimbawa:
Tayo ay maligo sa dagat.
Kami ay sasama sa pangunguha ni Tatay ng mga buko.
Sila lamang ang magbabakasyon sa probinsiya.
PANGHALIP NA PAMATLIG ay mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng isang tao, hayop, bagay, lunan o pangyayari.
Tatlong Kalagayan ng mga Uri ng Panghalip Pamatlig
Malapit sa nagsasalita:
ito, ire, yari, nito, nire, niyari, ganito, ganire, gayari, dito, dine, ayto, ere, heto.
Malapit sa kausap:
iyan, niyan, ganyan, diyan, hayan, aya
Malapit sa pinag-uusapan:
iyan, niyon, ganoon, gayon, doon, hayun, ayun
PANGHALIP PANANONG ay mga salitang kumakatawan sa ngalan ng tao o bagay. Ito ay karaniwang ginagamit na kaganapang
pansimumo at hindi simuno.
Ano ang nais mo?