Professional Documents
Culture Documents
Teoryang Makatao (For Handouts)
Teoryang Makatao (For Handouts)
Teoryang Makatao (For Handouts)
Bordios
Guro: Prof. Carmela G. Ong
Teoryang Makatao
Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng mga salik na
pandamdamin at emosyunal. Itoy nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari
lamang kung angkop ang kaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral at may positibong
saloobin sila sa mga bagong kaalaman at impormasyon. Kung ang mga kondisyong itoy hindi
matutugunan, ang anumang paraan o kagamitang panturo ay maaaring hindi magbunga ng
pagkatuto. Kaya nga, sa larangan ng pag-aaral ng wika, kailangang may magandang saloobin ang
mga mag-aaral sa wikang pag-aaralan, sa mga gumagamit ng wika at sa mga guro ng wika.
Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang
pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at
malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan. Dagdag pa dito, mas mabilis
na natututunan ng tao ang wika at wala siyang pag-aalinlangang gamitin ito at malaya niyang
nailalahad ang kanyang saloobin. Kailangan ding linangin ng guro ang pagpapahalaga sa sarili
ng mga mag-aaral. Pangunahing binibigyang pansin ng teoryang makatao ang mga mag-aaral sa
anumang proseso ng pagkatuto. Palaging isinasaalang-alang ang saloobin ng mga mag-aaral sa
pagpili ng nilalaman, kagamitang panturo at mga gawain sa pagkatuto. Ilan sa mga metodo sa
pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong tradisyon ay ang sumusunod: Community
Language Learning ni Curran; ang Silent Way ni Gattegno at ang Suggestopedia ni Lazonov.
Ang Mga Designer Methods ng Dekada 70
1. Ang Community Language Learning (CLL)
Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na
pandamdamin. Ang pamaraan ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni
Charles A. Curran na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyente
na nagsama-sama bilang isang komunidad na binibigyan ng kaukulang pagpapayo.
Nababawasan ang pagkabahala sa pamamaraang ito sapagkat ang klase ay isang
komunidad ng mag-aaral na laging nag-aalalayan sa bawat sandali ng pagkaklase. Ang