Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Igorot

Ang mga Igorot ay isang pangkat etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa Hilaga ng
bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR): ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao,
Kalinga, at Mountain Province. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong
grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at
Kankanaey.
Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi
basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mayaman sila sa
kultura at paniniwala na hanggang sa ngayon, sa ibang lalawigan ay naisasagawa.
Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdanhagdang Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao.
Muslim
Ang isang Muslim (sa wikang Arabo: )ay ang taga-taguyod ng Islam. Sa literal na kahulugan ng salita, ang Muslim ay
sinumang tao na ipinagkaloob ang sarili sa Diyos (Allah sa wikang Arabo).Tinatanggap ng karamihan ng mga Muslim
bilang kapwa Muslim ang sinumang matapat na binigkas ang Shahada, isang ritwal na pagpahayag ng pagkakaloob sa
Diyos at ang paninindigang na si Muhammad ang huling propeta. Isinasalarawan ng mga Muslim ang mga maraming
karakter sa Tanakh at Bibliya, katulad nina Musa (Moses) at Isa (Hesus), bilang mga Muslim, dahil, bilang mga propeta,
ipinagkaloob nila ng buo ang kanilang sarili sa Diyos.Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga
patakarang ng pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si
Muhammad noong nabubuhay pa siya.[1][2] Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga Mohamedano, ngunit
mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga kadahilan
kung bakit mas gusto nilang tawagin silang mga Muslim ang kanilang pagsamba lamang sa Diyos, hindi sa kay
Muhammad at dahil na rin sa marami nang iba pang mga Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila dapat
na pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad.[1]Para sa mga Muslim, isa lamang sa kanilang mga propeta si
Hesus. Hindi sila tinataguriang mga Kristiyano dahil hindi sila naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.[1]
Subanen
Ang mga Subanen ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Kayumanggi
sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala sila sa iisang ninuno lamang sila nagmula.
Maranao
Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi at
Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang pangalan.
Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay sila nakatira na may
malalawak na pasilyo ngunit walang silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang pinapayagang manumit ng kulay
ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong
ginagamit sa sahig ng tahanan at sa mga moske.
Buo pa rin at hindi naiimpluwensiyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na naiibang disenyo
at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang mga kagamitang gawa sa tanso.
Barong Tagalog
Ang Barong Tagalog[1], Barong Pilipino[1], o Barong lamang ay burdadong pormal na kasuotan sa Pilipinas. Magaan
lamang ito at sinusuot na hindi nakasuksok sa loob ng pantalon, katulad sa isang amerikana. Karaniwan itong kasuotang
pormal o pang-kasal para sa mga lalaking Pilipino.
Naging tanyag ang pagsuot ng barong sa pamamagitan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay, na sinusuot ito sa
karamihan ng opisyal at pansariling mga okasyon, kabilang na dito ang pagluklok sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas.
Naging opisyal na pambansang kasuotan ang barong sa isang kautusan mula sa dating Pangulong Ferdinand Marcos
noong 1975.
kimona
Ang kimona ay isang damit ng Kababaihan sa Pilipinas. Isa itong maluwag na blaws o blusang (pang-itaas na damit) na
may katernong palda ng mga Pilipina.
Barot saya
Ang Barot saya ay isang uri ng pambansang damit sa Pilipinas na isinusuot ng mga kababaihan. Ang pangalan ay mula
sa dalawang salitang Tagalog na baro at saya. Isa sa mga uri ng baro't saya ay ang mga uring Maria Clara, na may
dagdag na alampay o pauelo, na nakabalot sa balikat at ang tern, na may mataas na manggas. Ang uring terno ay
pinatanyag ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.

You might also like