Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANG AMAIN NAMIN

Amain naming sumasaconvento ka,


sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin
ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto
sa lupa para nang sa langit. Saulan mo
cami ngayon nang aming kaning iyonh
inaraoarao at patauanin mo kami sa iyong
pagungal para nang pag papataua mo kung
kami nacucualtahan; at huag mo kaming
ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo
kami sa masama mong dila.

ANG MGA UTOS NANG PRAYLE AY SAMPU:

Ang nauna: Sambahin mo ang Prayle na lalo sa lahat.


Ang ikalaua: Huwag kang magpapahamak o manumba
ng ngalang deretsos.
Ang ikatlo: Manalangin ka sa Prayle Linggo man at
piyesta.
Ang ikapat: Isanla mo ang katauhan mo sa pagpapalibing
sa amat ina,
Ang ikalima: Huwag kang mamamatay kung wala pang
salaping panlibing.
Ang ikanim: Huwag kang makiapid sa kanyang asawa.
Ang ikapito: Huwag kang makinakaw.
Anh ikaualo: Huwag mo silang pagbibintangan, kahit ka
masinungalingan.
Ang ikasiyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asawa.
Ang ikapulo: Huwag mong itangi ang iyong ari.
Itong sampong utos ng Prayley dalawa ang kinauuwian.
Ang isa: Sambahin mo ang Prayle lalo sa lahat.
Ang ikalawa: Ihain mo naman sa kaniya ang puri mot
kayamanan. Siya nawa.
Ang mga kabuhungang asal, ang pangalay tontogales ay
tatlo.

Igalang mo
Katakutan mo Ang Prayle
At pagmanuhan mo ..
5 PANGUNAHING TAUHAN SA NOLI ME TANGERE
Crisostomo Ibarra
Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra,
ay isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na
makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang
kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Maria Clara
Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay ang
mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na
inihimatong anak ng kanyang ina na si Doa Pia Alba kay Padre
Damaso.
Padre Damaso
Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang kurang
Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod
ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria
Clara.
Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang
mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra
para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Sa Aking Mga Kababata


Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

You might also like