Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

E
P
P

PAGHAHANDA NG PLANO SA
ISANG GAWAIN

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION


2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City

Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.
This material was originally produced by the Bureau of Elementary
Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.

PAGHAHANDA NG PLANO SA ISANG GAWAIN

ALAMIN MO

Bago pa lamang umpisahan ang isang proyekto o gawain ay


kailangan mo muna itong pagplanuhang mabuti. Napapadali ng
plano ang anumang gawain. Ang plano ay karaniwang ginagamit
ng mga arkitekto at inhinyero (engineer). Sila rin ang maingat na
sumuri ng isang plano upang mapanatiling matatag at matibay ang
gagawing proyekto.

PAGBALIK-ARALAN MO

Muling isaisip ang mga pamantayan sa maingat na paggawa

PAG-ARALAN MO

Ang isang proyekto ay napapadali kung maihahandang mabuti ang


disenyo at plano.
Kaya bago simulan ang paghahanda sa iyong napiling proyekto ay pagaralan muna ang sumusunod upang makatulong sa pagbuo ng isang maayos
at mahusay na plano.
Mga hakbang na dapat tandaan sa paggawa ng plano.

1. Pagpili ng Gawain ayon sa pangangailangan


Pumili ng proyekto o Gawain na may kapakinabangan, madalas gamitin at
naaayon sa pangangailangan sa pang-araw na buhay.

2. Pagpili ng mga materyales na may kakayahan


Maging maingat sa pagpili ng mga materyales na gagamitin upang maging
matibay ang gagawing proyekto.

3. Pagpili ng gamit na madaling hanapin at bilhin


Pumili ng kagamitan na madaling Makita o mabili upang hindi mahirapan sa
panahon ng pagbuon ng plano sa napiling proyekto.

Narito ang mga bahagin upang mabuo ang isang plano ng proyekto.
I.

Pamgalan ng proyekto.

II.

Layunin ng proyekto.

III.

Talaan ng mga materyales.


a. Bilang
b. Yunit
c. Sukat at katangian ng materyales
d. Halaga ng bawat piraso
e. Kabuuang halaga
f. Pangkalahatang halaga

IV.

Mga Kasangkapan

V.

Disenyo o krokis ng proyekto

VI.

Mga hakbang

Halimbawa ng isang plano ng proyekto


PLANO NG PROYEKTONG EXTENSION CORD
I.

Pangalan ng Proyekto:

II.

Layunin ng proyekto:

EXTENSION CORD

Makagawa ng panibagong saksakan upang makaabot sa ibat ibang bahagin ng


tahanan.
III.
Bilang

Talaan ng mga Materyales


Yunit

Sukat at Katangian ng Materyales

Halaga

ng Kabuuang

Bawat

Halaga

Piraso
1

Piraso

Saksakan (Outlet)

P25.00

P25.00

Metro

Kawad pang Elektrisidad Duplex # 16 P12.00

P60.00

Standard
1

Piraso

Plug (Male)

P8.00
PANGKALAHATANG HALAGA

P8.00
P93.00

IV.

Mga Kasangkapan:
1. Plais
2. Wire stripper
3. Disturnilyador

V.

Disenyo o Krokis ng proyekto:

VI.

Mga Hakbang:
1. Ihanda ang lahat ng mga materyales at kasangkapan sa paggawa.
2. Bago umpisahan ang Gawain kailangan munang isipin ang mga pamantayan sa
maingat na paggawa.
3. Gamitin ang disturnilyador at buksan ang outlet. Paluwagin ang dalawang
turnilyo na nasa loob.
4. Balatan ang dulo ng kable ng 2 sentimetro (2 cm.) at paikutin pakanan
clockwise upang lumapad pagkatapus ay higpitan ang turnilyo.
hakbang ang gawin, kunin ang takip at isara ang outlet.

Parehong

5. Sa paglagay naman ng plug, paluwagin ang dalawang turnilyo, balatan ang dulo
ng kable ng 2 sentimetro (2 cm.) pagkatapos ay ilapat itp sa turnilyo at paikutin
pakanan o clockwise at higpitan ang turnilyo. Parehong hakbang ang sundin
sa kabilang turnilyo.
6. Tiyaking huwag magdikit ang dalawang dulo upang maiwasan ang anumang
kapahamakan.
7. Para sa karagdagang pa-iingat magpagabay sa nakatatanda bago isaksak ang
natapos na proyekto.

SUBUKIN MO

Sa iyong sagutang kuwaderno pumili ng isang proyekto at gawan ito ng plano

Mga proyektong mapagpipilian

TANDAAN MO

Napapadali g anumang gawain kung ito ay napaghahandaan at may mahusay an


plano.

Ang isang mahusay na plano ay nagdudulot ng magandang resulta sa anumang


gawain.

ISAPUSO MO

Ano ang kahalagahan ng plano sa isang proyekto?

Bakit kailangang maging maingat sa pagpili ng gagawing proyekto?

GAWIN MO

Umisip ng isang proyekto na maaring gawan ng plano. Sundin ng


wasto ang mga hakbang sa paggawa nito at itala sa iyong kuwadernong
sagutan.

PAGTATAYA

Kopyahin at sagutan ang mga tanong sa iyong sagutang kuwaderno.


Lagyan ng tsek () Kung Oo at ekis (x) kung Hindi.

Tanong
1. Nakasunod ba ako ng tama sa mga hakbang sa paggawa ng
plano?
2. Naging maingat ba ako sa paggawa ng plano?
3. Natapos ko ban g may kagalakan ang plano?

Oo

Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa iyong sagutang kuwaderno.

1. Anu-ano ang mga bahagi ng isang plano?


2. Ano-ano ang mga dapat sundin sa paggawa ng plano?
3. Bakit mahalagang gumawa ng plano bago simulan ang isang gawain?

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang


dodyul na ito! Maari mo na ngayong simulan
ang susunod na modyul.

Hindi

You might also like