Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagsusuri sa Pelikulang Felix Manalo

Sa Diyos tayo unang lumapit. Isa yan sa mga katagang sinabi ni Ka Felix sa
pelikula na tumatak sa isip ko. Bilang isang kaanib sa Iglesia Ni Cristo, ang pelikulang ito ay
may malaking epekto sa aking pananamplataya. Lalo akong napamahal sa Iglesia at lalo akong
nagpapasalamat sa Diyos sa pagsugo kay Ka Felix na siyang nagdala sa maraming tao sa loob ng
Iglesia.
Ika-10 ng Mayo 1886 nang maisilang ang mahal na kapatid na si Ka Felix
Ysagun Manalo na kilala rin sa tawag na Ka Peles. Napansin ng paring si Among ang pagiging
mapanalanginin ni Ka Felix noong bata pa siya. Isa pay maraming tanong si Ka Felix tungkol sa
kaniyang nalalaman ukol sa biblia at sa mga itinuturo ng mga pari sa loob ng simbahan. Naisip ni
Among na pag-aralin si Ka Felix sa isang magandang paaralan sapagkat nagbabakasakali itong
baling araw ay maging pari rin siya. Noong 1903 ay naging opisyal na siyang tagapangaral ng
mga salita ng Diyos sa loob ng simabahang Katoliko. Sa pagbabasa ni Ka Felix ng biblia ay
marami siyang nakitang taliwas sa biblia na itinuturo ng mga pari. Hindi nagtagal ay
napagpasiyahan niyang tumiwalag dito. Taong 1904 nang siya ay pumunta sa isang Methodist
Bible Institute. Sumama ang loob ng kanyang ina sa pag-alis sa Katolikong simbahan at pag-anib
sa mga Protestante. Nagkasakit ang kaniyang ina ngunit hindi niya alam na itoy malubha na
pala. Kasunod niya sa pagdating sa kanilang bahay ay dumating rin ang paring si Among upang
bigyan ng huling sacramento ang kaniyang ina. Ngunit nakiusap si Ka Felix na huwag na lamang
bigyan ang kaniyang ina ng huling sacramento sapagkat baka kung ano pang dito mangyari
gayong taliwas naman sa biblia ang ilan sa mga itinuro ng simbahang Katoliko. Sabi ng paring si
Among na Hindi mananahimik ang kaluluwa kung hindi ito mabibigyan ng huling sacramento.
Sabi naman ni Ka Felix na Hindi makatutulong ang sacramento sapagkat wala naman ito sa
bibliakaya hindi natuloy ang pagbibigay ng huling sacramento ng pari. Sa kalye ng Azcarraga,
Sta. Cruz Manila ay nagtungo si Ka Felix sa Tanggapan ng Misyon Kristiana at nakita niya ang
bautismong inilulubog sa tubig. Noong Enero 1909 sa Paco, Manila ay ikinasal si Ka Felix kay
Tomosa Manalo Y Sereneo. Taong 1910 nang magtungo siya sa kapilya ng Misyon Kristiana sa
Sta. Ana, Manila. Noong 1912 ay nagmisyon sila sa Malabon sa loob ng simbahang Seventh Day
Adventist. Namatay ang asawa ni Ka Felix. Taong 1913 sa kalye Mayhaligue Sta. Cruz Manila
nang magtungo siya sa bahay ng mga De Guzman at doon niya nakilala si Honorata De Guzman.
Ikinasal sila noong ika-9 ng Mayo taong 1913. Nanirahan sila sa San Juan Malolos, Bulacan.
Noong taong ding iyon ng Agosto ay tumiwalag siya sa Seventh Day Adventist sapagkat
napagtanto niya ang maling aral at hidwang pananampalatay sa relihiyong kaniyang inaniba at
napagpasiyahan niyang bumalik na lamang sila sa Maynila.Setyembre 1913 nang magtrabaho
siya sa Sombrereria sa Ochoa Pasay. May katagalan bago siya napabalik sa paghahanap ng tunay
na relihiyon. Ika oktubre 1913 kung saan nalaman niya ang kahulugan ng tunay na relihiyon

nang basahin niya ang buong biblia sa loob lamang ng tag=tlong araw at tatlong gabi. Nagsimula
niyang ihayag ang kaniyang mga nalaman. Marami ang hindi naniwala sa kaniya. Marami ang
salungat sa kaniyang ipinangangaral ngunit dahil sa tulong at awa ng Diyos ay marami ang
kaniyang nahikayat. Hindi naglaon ay parami ng rami ang nakikinig sa tuwng siyay
mangangaral ng mga salita ng Diyos. Ika-2 ng Hulyo 1914 nang mairehistro ang Iglesias sa
gobyerno sa tulong ng abogadong nagngangalang Juan Natividad. Ang nakasaad sa biblia ay
naganap ng lumitaw sa pahanon ng digmaan ang Iglesia Ni Cristo sa dakong sikatan ng araw.
1925 nang parangalan si Ka Felix nang mga pastor sa Pilipinas sapagkat siyay isang
maimpluwensiyang tao. Agosto 1920 nang magtungo si Ka Felix sa Berkely California, Estados
Unidos sakay ang barkong Shinyo Maru upang mag-aral sa paaralang panrelihiyon. Marami ang
tumuligsa sa Iglesia habang nasa ibang bansa ang ang kapatid na Ka Felix. Mayo 1922 nang
harapin ni Ka Felix ang nga tumuligsa sa Iglesia.ika-2 ng Enero 1925 nang ipanganak si Ka
Erano Manalo. Nagkaroon ng tinatawag na Pasugo ang Iglesia na nangangahulugang Alinmang
babala... Maraming digmaan ang naganap sa paliparan ng Clark Pampanga noong ika-8 ng
Disyembre 1941. Sa parehong taon rin at buwan noong ika-21 naman ay sa Lingayen,
Pangasinan at ika-24 naman ay sa lungsod ng Maynila. Maraming pagsubok ang pinagdaanan
nang buong Iglesia noong panahon ng mga hapon katulad ng biglang sumugod ang mga
sundalong Hapon sa pagsamba na pangangasiwaan ni Ka Felix. Ngunit bilang pagrespeto sa
pagsamba ay hindi natinag ang ating mahal na kapatid at ipinagpatuloy ang pagsamba. Tila baga
pinupunterya ng pamahalaang hapon ang Iglesia nang hindi pumayag si Ka Felix na dumalo sa
isang kumbensyon kasama ang ibat-ibang relihiyon para sa usaping pangkapayapaan raw.
Katwiran ng kapatid ay hindi ay walang kinalaman ang relihiyon sa pulitika. Ika-28 ng Enero
taong 1953 nang ianunsyo ni Ka Felix ang pagpili ng papalit sa kaniya. Sa pagpupulong na iyon
ay nagtaka ang mga naroon. Sabi ng isang kaanib ay ikaw ang sugo at walang makakapalit sa
iyo Wika naman ni Ka Felix ay marupok ang ating katawan. Ika-12 ng 1963 nang mamatay si
Ka Felix. Limampung taon siyang nanungkulan sa loob ng Iglesia niyang mahal. Sa kaniyang
mga huling salita ay sinabi niya kay Ka Erano na mahalin niya ang buong Iglesia. Humalili nga
sa pamamahala sa Iglesia si Ka Erano. Sa kaniyang pamamahala ay tumawid sa ibayong dagat
ang Iglesia. Ika- ng Hulyo taong 1968 nang lumaganap ang Iglesiasa Honolulu, Hawaii at
marami pang ibang bansa. Nitong taong 200 ay ginawang National Historical Landmark ang
pinagmulan ni Ka Felix para sa lahat ng kaniyang nagawa. Pagkamatay naman ni Ka Erano ay
humalili naman si Ka Eduardo hanggang sa kasalukuyan. Sa pamamala naman ni Ka Eduardo ay
patuloy na umuunlad at lumalago ang Iglesia kasabay nang pag-unlad ng aming
pananampalataya.

Ang pelikulang ito ay isang historical film na tinatawag. Itoy hindi upang
magbigay kritisismo sa ibang relihiyon. Itoy pagsasabuhay sa alaala ng mga taong nagpasimula
sa Iglesia at kung bakit napakaunlad ng Iglesia pagdating sa spiritual na paniniwala. Itoy dahil
sa pagiging malapit sa Diyos ng bawat kaanib gayundin ng mga mga namamahalang walang
ibang intensyon kung hindi magbigay ng kapurian sa Panginoong Diyos. Naway nagbigay ng
maraming aral ito sa mga nakapanood ng pelikula. Sana itoy magsilbing eye-opener sa mga
may bulag na pananampalataya.
Purihin natin ang Ama, mabuhay sa pag-ibig ng Anak.
Taglayin ang espiritung banal. Ang Diyos ay lagi nating sambahin. Amen.

Karen Joy T. Saanchez


BSCpE 1-3
Engr. Norman David F. Delos Reyes

You might also like