Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lee, Marashal A.

December 10, 2015

BSCS-CS 1-1

Over viewing ng Alamat ng Gubat at pag tingin sa nobela bilang akdang pang historical.

Ang Alamat ng Gubat ay isang nobelang nag lalayong ipakita ang pangkasalukuyang
kalagayan ng ating lipunan. Ang boung kwento ay puno ng simbolismo. Ikinukubli ng
makukulay na larawan sa bawat pahina at ng makwelang diskurso ang marahas na kaganapan,
kalagayan, at katangian ng tao sa lipunan --ibat-ibang mga karakter ng tao sa ating lipunan na
isini-simbolo ng ibat-ibaring mga hayop.
Sa pag susuri sa nobelang Alamat ng Gubat gaya nga ng sabi ay tumatalakay sa kung
ano ang pang kasalukuyang ng yayare sa atig bansa at bagamat mga hayop ang mga taohan ay
wasto at tiyak na taong gumagalaw sa ating kapaligiran o sa isang ugaling matagal nang
nakatalamak sa ating kultura.
Ang mga hayop na taohan sa kwento ay panaohan din sa ating lipunanl. Sina Tong,
Langgam,Aso at iba pang mga insekto ay sumisimbulo sa pang-karaninwang tao sa ating
lipunan, mga taong kapwa nagtataglay ng magaganda at di-magagandang ugali. Si Langgam ay
kumakatawan sa pangkaraniwang Pilipinong ayaw masangkot o makibahagi sa mga pagkilos sa
pangambang magambala ang kanyang tahimik na buhay o maperwisyo ang kanyang mga
naipundar.Si Tong naman ay ma ihahambing sa mga kabataang wala ganong kaalam alam sa
kung ano ang tunay na nangyayare sa paligid at wala ng magawa kundi ang sumunod nalamang
sa sinasabi ng iba. At ang mga ekstrang mga inskto naman ang mga taong wala masyadong alam,
maaling ma suhulan at madalas ay di na papansin. Si Aso, ang mga taong may alam kung ano
ang nangyayare, kung ano ang kasuka-sukang pamamalaka sa bansa, ngunit wala silang magawa
kundi ang tanggapin nalang ang mga pangyayare.

Mga pulis at opisyales ng gobyerno na humihingi ng suhol bago pabilisin ang isang
transaksyon (mas-kilala bilang pangongotong), yan si Buwaya at Leon. Mga taong inuutakan ang
mga walang kaalam-alam na tao. Ang kaibahan lang ni Leon ay siya ay isang taong nag
papanggap na kakampi para makuha ang iyong loob para kalaunan ay magamit ka.
Si Ulang naman ay pwedeing ma ikumparasa mga opisyal na walang ginagawa
pero binabayaran parin. Mga taong umuubos sa kaban ng bayan ng wala namang na i tutulong sa
lipunan. Si kuneho rin ay isa ring opisyales na tuwing halalan ay tsakalang nag kakaroon ng
kagandahang loob.
Sina Maya at Daga ang mga taong kadikit ng malalaking tao. Isang kongkretong
halimbawa nito ang mga kapamilya ng mga pulitikong nagpapamalas ng pagkaarogante,
tinatakdaan ang mga tao sa kontekstong kinapapalooban nila na bigyan sila ng priyoridad o
ituring na hari at tahasang lumalabag sa mga karapatang-pantao ng kanilang kapwa sa pag-iisip
na meron silang kasamang may kapangarihan.
Kinakatawan nina Manok at Pagong ang mga magulang na anak nang anak ngunit sa
huli, dahil marahil sa kahirapan ng buhay, ay di nala mataguyod ng maayos ang kanilang mga
anak.
Sa huli ipinakita sa Matsing. Si matsing ang kumakatawan sa realidad na tsaka palamang
na laman ni Tong, matapos ang ibat-ibang pang yayare at mga nangyare sakanya.
Makikitasa istorya na mahirap kalabanin ang mga taong maykapangyarihan, kaya may
mga taong pikit-mata nalamang tinatanggap ang kasuka sukang kalagayan nila. At mas-lalong
ipinag tibay ang ideyang ito ng pabalay ng nobela na kung saan makikita ang mga nag
tatakbuhang mga hayop at sa likod napabalat ay mapapansing sina loen at Buwaya na
nakatalikod. Kung pag sasamahin ang pang-bungad at ang likod na pabalat ay ma pag-tatanto na
ang tunatak buhan ng mga hayop ay sina Loen at Buwaya.

You might also like