Professional Documents
Culture Documents
Makrong Kasanayan Sa Pakikinig
Makrong Kasanayan Sa Pakikinig
Makrong Kasanayan Sa Pakikinig
Kahulugan ng Pakikinig
Ang pakikinig ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
sensoring pandinig at pag-iisip. Itinuturing itong aktibo dahil nagbibigay ito ng daan sa isang tao
ng pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang napakinggan.
Ang sensoring pakikinig ay nanatiling bukas at gumagana kahit pa mayroon tayong ibang
ginagawa. Ang mga tunog ay nagsisilbing stimuli at dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
Proseso ng Pakikinig
Ang pakikinig ay isang komplikadong proseso na nag-uugnat sa sistemang apektibo at kognitibo
at sa pag-uugali at nakagawian ng tagapakinig.
1.
Pagtanggap ng mensahe Nakasalalay ang pakikinig sa pagtanggap ng mensahe,
gayundin ang pagbibigay tugon at pagkatuto. Kung hindi mainam ang pagtanggap ng mensahe
ng tagapakinig makaaapekto ito sa pagka-unawa ng mensahe at pagka-alam ng sinasabi.
2.
Pagpokus ng atensyon sa tinanggap sa mensahe Hindi nangangahulugan na
nauunawaan ng tagapakinig ang mensahe dahil lamang sa narinig niya ito, malaki ang
impluwensiya ng atensyon o pokus na inilagay ng tagapakinig sa mensahe upang lubos niya
itong maunawaan.
3.
Pagpapakahulugan Nakadepende ang pagbibigay ng positibo o negatibong
interpretasyon o kahulugan ng mensahe sa pagkakahatid o pagkakasabi nito.
4.
Pagtanda sa narinig Mainam na making muna, kaysa makipagtalo sa nagsasalita upang
maging mas epektibo ang pakikinig. Sa ganitong paraan, higit na mauunawaan ng nakikinig ang
mensahe at magiging mas madali na matandaan niya ito.
5.
Pagtugon Dito lubusang nasusubok ang pagiging epektibo ng paghahatid ng mensahe.
Sa bahaging ito maaring manghingi ng paglilinaw ang tagapakinig sa mga parte ng mensahe na
para sa kaniya ay malabo, o hindi gaanong malinaw. Gayundin, maaring magbigay ang
tagapakinig ng pansarili niyang reaksyon sa mensahe.
Kahalagahan ng Pakikinig
PARAAN NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ay sinasabing passive o pasibong kakayahan ng pagkuha ng impormasyon.
Mga paraan ng pakikinig
1. Maging handa sa pakikinig.
2. Kilalanin ang mga pangunahing kaisipan.
3. Huwag punahin ang tagapagsalita.
4. Huwag punahin agad ang mensahe.