Paglalahad NG K+12 at Kasaysayan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Paglalahad ng K+12

Ang mga dapat isipin ay kung paanong makapaglilingkod ang


kasalukuyang kurikulum sa pinahabng mga taon ng pag-aaral sa
batayang edukasyon,

alinsunod

sa

implemintasyon sa

+6

sa

Elementarya, +4 sa Junior High, at +2 sa Senior High. Kasabay nito


ang pagpapayaman sa nilalaman ng kasalukuyang kurikulum mula sa
Kinder hanggang sa ika-12 antas. Kailangan ang pagpapayaman at
pagbabago sa nilalaman dahil lubhang mabab ang inaasahang antas
ng

pagkatuto

ng

kasalukuyang

kurikulum

mula

Grade

1.

Nangangahulugan din ito ng dagdag na mithiin para sa buong


kurikulum at kaugnay na

dagdag na gawain para sa paglinang ng

inaasahang mga kaalaman, kasanayan, at kahalagahan (values).


Nangangahulugan

din

ito

ng

wastong

pagdudulot

ng

gawain;

halimbawa, sa paglinang ng wika at ng panitikan na angkop sa bawat


taon mula Kinder hanggang ika-12 antas.
Ang ibig sabihin, kailangang nauuna ang pinakamahalaga (ang
core ideas o core tasks), tungo sa mahalagang malaman at gawin,
tungo sa mainam din namang matutuhan.

Sa ganitong paraan ay

laging natitiyak na binibigyan ng higit na panahon sa klase, sa teksbuk,


sa mga ehersisyo, sa pagpaplano at pagtatsa, ang pinakamahalaga at
idinadagdag lmang na pampayaman ng karanasan ang mga bagay na
mainam din namang matutuhan ng mga mag-aaral.
Panitikan ang tawag natin sa lahat ng uri ng nakasulat man ito, o
binibigkas o kaya kahit ipinahihiwatig lang ng aksyon ngunit may

takdang anyo o porma katulad ng tula, maikling kwento, dula, nobela


at sanaysay.

Nakikilala natin na ang isang pahayag ay may

katangiang pampanitikan kapag ito ay may anyo at gumagamit ng


wikang sinadyang bigyang-anyo bilang pahayag.
Ang totoo, lahat ng panitikan magmula pa sa sinaunang panahon
hanggang ngayon ay mauugat pa sa paggamit ng wika.

Nang

matutong magsalita ang tao at buuin niya ang karanasan sa bisa ng


pagbigkas at pagsulat, nagkaroon ng panitikan. Nang likumin ng tao
ang kanyang mga gunita at nagkaroon ng sistematikong paraan ng
pagsulat at pagbasa, nakalikha ng mga teksto.

Sa pag-unlad ng

teknolohiya ng komunikasyon, nagawang maiparating sa iba ang


ganitong mga teksto.

Ang imbensyon ng panitikan sa gayon, ay

kaakibat ng pagpapalaganap at pag-unlad ng wika o, ng kahit


anumang wika.
Malinaw na nasasaad ang pagpapahalaga sa sining at panitikan
na siyang nasasalamin sa kasaysayan natin. Dito nababakas ang
kahapon at ngayon. Nakikita natin ang ating mga pangarap, tagumpay
at pagkabigo.
kaisipan

ng

Ang lahat ng mga ito ang bumubuo sa malikhaing


mga

manunulat

na

gawa

ng

ma

elektronikong

pagpapahayag. Mga akdang naglalahad ng kagandahan ng kapaligiran


na magsisilbing inspirasyon ng mga ninuno nating Pilipino.
Maliwanag na sa pagkalinang ng wika na napapaloob sa ating
mga panitikan, isa sa mga sangay nito. Ang pagpapahalaga sa ating

mga akdang Filipino na mas higit na mabibigyang diin at malilinang


ang

kasanayang

pagbasa

at

pagsulat

dahil

sa

malayang

pagpapahayag ng sariling wika ayon sa itinatadhana ng batas na


maging puspusan ang paggamit ng Filipino bilang midyum at opisyal
na komunikasyon at bilang wikang pampagtuturo sa sistemang pangedukasyon, lalong mabibigyan tuon ang paggamit ng malikhaing
kaisipan ng mga kabataan sapagkat tunay na napakahalaga ng wika sa
karunungang pantao.
Ang Filipino ay isang sangay ng pag-aaral para

maging

dalubhasa sa wika (fluency in language) sa wikang Filipino.

Sa

gayon, pinakamahalagang layunin ng asignatura ang pagdudulot ng


mga gawain upang humusay sa paggamit ng wikang Filipino ang isang
bata.

Ngunit alinsunod sa pangkalahatang layunin ng edukasyon sa

Pilipinas, kailangang magamit niya ang naturang kahusayan upang


maging mabutit kapakipakinabang na mamamayan.

Ipagmamalaki

niya at patuloy na paghuhusayin ang paggamit ng wikang Filipino


hanggang pagkatapos ng pag-aaral.

Pipiliin niyang magsaliksik,

maging malikhain, at mabuhay sa pamamagitan ng wikang Filipino.


Layunin
mga

nito na

pagkatuto

at

malinang ng mga bata ang mga kawil-wiling

maikintal

ang

kahalagahang

pang-ispiritwal,

pananagutan sa tahanan at sambayanan, magkaroon ng pambansang


kamalayan at kaisahan, sa karunungang pangkalusugan, at maging

kasangkapan para sa pagpapatuloy ng pag-aaral gayon din ang


pagkakamit ng kaalamang angkop sa katayuan ng buhay.

Bukod pa

roon mapupukaw ang kawilihan ng mga mag-aaral at kabataan sa


paglikha ng mga bagay na makakatulong na maunawaan ang mga
sining na

may kaugnayan sa akda batay din sa sarili nilang

kakayahang mapukaw ang kanilang guniguni at kaisipan.


Sa mga instruksyunal materyal na
mag-aaral

sa

elementarya

ang

ito ay malilinang ng mga


kolaboratibong

sosyalisasyon ng mga mag-aaral na higit na


matugunan

ang

kakulangan

ng

mga

pagkatuto,

mahalaga upang

kinakailangang

aklat

na

mapagkukunan ng mga akda at mga paraan at tuntunin sa pagbuo at


pagbasa ng mga akda na may kaugnayan sa kasalukuyang sitwasyon
ng ating panahon at sa ating bansa.

Sa lahat ng kalakaran,

nagpapayaman din ito sa iba pang asignatura bilang kagamitang


pampagtuturo.

Bukod dito, sa bawat gawain gamit ang mga

pamamaraan na ito

ay matuturuan pa ang kabataang makialam sa

lipunan dahil sa napukaw ang kanilang kamalayan sa kapaligiran.


Mahalaga ang paggawa ng instruksyunal materyal

dahil

makatutulong din ito sa paglinang sa kaisipan ng mga bata sapagkat


nagiging

madali

para

sa

kanila

kung

makukuha

na

nila

ang

ipinahahayag ng diwa ng mga sining pampanitikan, makatutulong pa


ito sa kanila sa paghubog sa kanilang kaisipan at katauhan,

pagkamulat

sa

kapaligiran,

paggunita

sa

mahahalagang

araw,

pagpapanatili sa kahalagahang pantao at pagmamahal sa sariling Wika


at sa Bayan.

Kaugnay na Kasaysayan
Inilabas nang Kagawaran ng Edukasyon ang detalye ng kanilang
planong pagdaragdag ng parehong isang taon sa primarya at
sekundarya o K+12.

Ito ay bahagi ng President Benigno "Noynoy"

Aquino III's, Educational Reform Program.

Ang Administrasyong

Aquino ay naniniwala na ang pagdaragdag ng mas maraming taon sa


pangunahing edukasyon sa Pilipinas ay maaaring makatulong na
malutas ang problema sa pagkawala ng trabaho, panatilihing mataas
sa mga global na pamantayan, at tulong sa mga estudyante na
magkaroon ng mas maraming oras upang piliin ang mga karera na
pinakamahusay na nababagay sa kanilang kasanayan.
Ang K+12 ay ang pagdaragdag ng isang taon sa parehong
primary at sekundarya (kindergarten + 6 na taon sa primarya + 6 na
taon sa sekundarya). Kahit na ang mga opinyon at reaksyon ng publiko
ay nahahati, ang ilan ay sa pabor at ang ilan ay sa hindi. Kabilang sa
mga pangunahing isyu na may kaugnayan sa programang K+12 ay
ang mga pinansiyal na kapasidad ng mga magulang, ang bilang ng
mga paaralan, ang bilang ng mga guro, at kahit na ang pagkakaroon
ng mga libro at iba pang kagamitang pang-eskuwela.

Upang ipatupad ang programa, ang Kagawaran ng Edukasyon


(DepEd) ay may trabaho sa Kongreso na baguhin ang umiiral na batas,
ang Batas Pambansa 232 o ang "Education Act of 1982," na
nagsasabing ang pangunahing pormal na edukasyon ay 10-taong
programa.
Ang modelong

K+12 ang tumutukoy sa isang taon ng

kindergarten at 12 taon ng pangunahing edukasyon.

Ang bagong

programa ay magdaragdag ng dalawang taon sa kasalukuyang modelo


ng edukasyon sa Pilipinas, ang tanging bansa sa Timog Silangang Asya
na nagpapatupad ng 10 taong modelo ng edukasyon.
Malaki ang kontribusyon ng panitikan sa kasaysayan, dahil dito
natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan
ng mga Maikling Kuwento, Tula, Dula, Pabula, Alamat, at Kanta,
nalalaman kung ano ang obserbasyon ng mga may-akda sa kanilang
paligid at sa kanilang mga buhay.
Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa
nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Jose Rizal na nagpapatunay sa
kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila.
Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa
pagpapaliwanag ang mga akdang pampanitikan.

at

Isa itong metodong

nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan


na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog,
at pag-unlad ng panitikan.

You might also like