Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Karren T.

Reyes

10-Einstein

Dakilang Ina
Minsan napapaisip ako kung sino ba talaga ang anak mo?
Ang chalk, blackboard, lesson plan o ang mga bata ba na hindi
mo naman kaanu-ano?
Nasabi ko tuloy sa sarili "ang swerte ng mga batang ito"
Sapagkat natuturuan ng isang dakilang inang malapit sa puso ko.
Sa bawat estudyanteng iyong tinuturuan pinangarap kong isa ako
sa kanila,
Nang sa gayon ay makasama kita kahit man lang sa loob ng
eskwela,
Nais kong matuto sa bawat bigkas ng boses mo,
Nais kong sumulat gabay ang mga pangaral mo.
Nang ako'y namulat unti-unti kong nauwaan,
Ang pagtuturo mo pala'y para sa aming kinabukasan,
Maghapong nakatayo at napapaos kakapangaral,
Maubusan man ng tinta ang panulat ay patuloy pa ring
lumalaban.
Sa bawat paglapat ng chalk sa blackboard ginabayan mo kami sa
pagguhit ng aming pangarap,
Sa bawat pagkakamali ipinakita mo sa amin ang tuwid na landas,
Sa bawat pagkapaos ng boses inihihimig mo ang musika ng
pagmamahal
Sa lahat ng ating pinagdaanan kailan ma'y di ka nagkulang.
Hindi ko alam kung paano ka masusuklian,
Kahit siguro gintong medalya ay hindi sasapat para sa iyong
kadakilaan,
Hindi ko madalas masambit kung gaano kita kamahal,
Pero ramdam mo naman iyon kahit na sa pinakamaliit at simpleng
paraan.

You might also like