Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere Deciphered-Kab011
Noli Me Tangere Deciphered-Kab011
Noli Me Tangere Deciphered-Kab011
128
Ang kapitan kaya ng bayan?3 Siya ay isang nakahahabag
na nilalang, hindi nag-uutos, siya ang sumusunod; hindi
nagagalit kaninuman, siya ang napapagalitan; hindi
nagpapasiya, may nagpapasya para sa kanya, ngunit siya
ang nanagot sa Alcalde Mayor4 sa lahat ng ipinag-utos, ipinagawa at
ipinasya para sa kanya, na parang ang lahat nang iyon ay lumabas sa
kanyang isipan; ngunit dapat ipagtapat, alang-alang sa kanyang
karangalan, na ang tungkuling hinahawakan ay hindi niya ninakaw,5 ni
kanyang nakuha sa panlulupig;6 kaniyang ginastusan ng limang libong
piso at maraming kahihiyan,7 subalit ang gayong mga ginugol ay
iniisip niyang maliit dahil sa kanyang kinikita.8
na umayon sa mga kagustuhan ng mga prayle kahit na masama sa loob
nito:
“Ngunit dapat kang na huwag kang kumibo at magbata, walang
ibang paraan. At binabanggit ang ang ganoon at ganitong mga
ginoo na dahil sa nagpakita ng pagka-pacencioso at mapakumbaba,
kahit sa kaibuturan ng kaniyang puso ay nagagalit sa kaniyang
panginoon, ay naging promotor-piskal gayong galing sa pagiging
alila ng prayle... ay galing sa pagiging isang maralitang sakristang
mapagkumbaba’t masunurin, na nag-asawa sa isang magandang
dalaga na ang naging anak ay inanak ng kura.
129
Kung gayon, ang Diyos kaya? Ah, ang mabait na
Diyos ay hindi nang-iistorbo sa mga budhi o
maging sa pagtulog ng mga mamamayan: hindi
Niya pinanginginig ang mga tao, at kung sa isang
pagkakataon ay mabanggit ang kaniyang pangalan
sa isang sermon, ay tiyak na sasagi sa kanilang
pag-iisip, samantalang nagbubuntung-hininga ng:
“Kung iisa lamang sana ang Diyos!”9 Ang taong
bayan ay hindi malabis na nag-aabala sa mabuting Panginoon: sapat na
9 Bakit sumasagi sa isip ng ilan ang paniniwalang “Kung iisa lamang sana
ang Diyos” – Nararamdaman ni Rizal noon pa man na mayroon ng mga
Pilipino na nagsisimulang manghawak sa kasipan ng dalisay na
monoteismo. Sa hanay na ito ng pananalita ay mayroon pang malalim na
pagnanais si Rizal na ipakilala ang monoteismo na hindi pinapansin ng
kolonyal na simbahan. Ang katotohanan, alam ni Rizal na ang monoteismo
at trinity ay dalawang magkasalungat na kaisipan. Ang monoteismo ay
paniniwala sa iisang Diyos lamang. Ang trinity ay paniniwala sa tatlong
persona na pinagsama sa isang Diyos. Balikan ang Kabanata 6 upang
makita ang marahan na pagpapasimula ni Rizal ng pagtuturo ng konsepto
ng monoteismo sa mga Pilipino. Isa sa dahilan kung bakit tinutulan ng mga
obispo ng simbahan Katoliko ang maipabasa ng buo ang nobela ay dahilan
sa ang Noli at Fili ay naglalaman ng mga bahagi na kritikal sa trinity.
PAKIBASA LAMANG ANG ISANG AKDA NI RIZAL AT MAYROON KAYONG
MAKIKITANG SIKRETONG MALUPIT SA KANIYANG KAISIPANG
PANGRELIHIYON, LALO NA ANG UKOL SA TRINITY:
130
ang kaabalahan na kanilang iniuukol sa mga santo at santa.10 Sa
paniniwala ng mga taong bayan, ang Diyos, ay naging katulad ng mga
kahabag-habag na haring napapaligiran ng mga maharlika: at sa ganito
ang mga huli ang pinapahalagahan ng mga tao.11
Ang San Diego ay isang parang lunsod ng Roma, ngunit hindi ang Roma
sa kapanahunang ng tusong si Romulo12 nang lagyan niya ng muog ang
lunsod sa tulong ng kanyang araro; o sa kapanahunang siya ang
nagdidikta ng mga batas ng buong mundo dahilan sa kakayahan niyang
magpaagos ng sariling dugo at nang sa kaniyang mga kalaban:13 ang
Maambun.
at ang pagkakabinyag sa iyo! – ang tanong nila sa kanya.
Sumingaw na ang tubig, at halos hindi nakabasa sa balat ng ulo
ko – ang sagot na buong kalamigan ng loob. – at ano naman ang
pakialam niyon sa mga bagay na iyan? Hindi ba tayo ay naliligo
sa araw-araw, kumakain ako ng asin, at naglalangis sa buhok
ko?
At ang mga salitang binigkas ng paring Kastila sa ibabaw ng
iyong ulo? – ang tutol ng asawa niyang nagugulumihanan.
Hindi ko naunawaan kahit isang salita niya – ang tugong may
pagkikibit ng balikat – at bagaman nagsalita siya ng mahabang
oras ay hindi rin siya naunawaan ng mga sakristan, gayong
sinasagot siya ng mga ito. Ano ba ang magagawa at ano ang
kabuluhan ng mga salita kung hindi nauunawaan?
Kung gayo’y bakit ka nagpabinyag? – ang usisa ng isang amain ni
Isabel.
Ano pa kundi upang ako ay makasal; sinabi ko sa aking sarilil
ang kaunting tubig ay hindi makapagbabago sa dugo ni
Maambun. Nasumpungan ng mga dayuhang iyon na basain ang
ulo ng lahat, at yamang ang ang di-karaniwang kabaliwang ito ay
nakahawa sa mga kamag-anak ng magiging asawa ko, ay
pinagbigyan natin sila. Hindi iyan, hindi nga iyan ang lalong
mahirap, kundi ang pag-aaral at pagsasaulo ng mga bagay na
iyong napaka-di-karaniwan na tatlo o apat na iisa, na isang
Inang isang Birhen, o ng amang hindi naman ama at aywan
ko kung ano pa, sa dahilang nalimutan ko na; iyan ay mga
kasaysayang napakagusot at kahalakhalak, na gaya ng lahat
ng itinuturo nila. Kaya huwag na ninyong ibalita ito sa pari at
baka manghimasok pa at papaghiwalayin kami; ang lalong
mahalaga ay maging mabuti akong asawa ni Isabel, gaya ng
pagiging mabuti ng lahat ng ingkong ko at ng inyo, na kaylanma’y
hindi nagpabinyag, at bayaan ninyo akong sumampalataya sa
itinuturo sa akin ng mga magulang ko at hindi sa mga sinasabi
ng mga dayuhang iyan.”
Si Maligaya at Si Sinag-tala
131
San Diego ay kahawig ng Roma sa kapanahunang ito,14 at walang
ipinagkaiba kundi ang istraktura sa Roma na may mga monumentong
marmol at mga coliseo, sapagkat sa San Diego ay may mga
monumentong sawali at sabungang pawid. Ang kura ay siyang Papa na
nasa Vaticano; ang alferez ng Guwardia Sibil ay siyang Hari sa Italya na
nasa Quirinal, dapat na maunawaan na alinsunod sa pagkakalagay ng
sawali at sabungang pawid. At dito, gaya roon, ay walang tigil na alitan
ang nagaganap, sapagkat sa pagnanais na ang bawat isa sa kanila ay
siyang higit na makapangyarihan ay kapwa sila nag-aakalang ang isa sa
kanila ay kalabisan na. Liwanagin natin at ating isalaysay ang mga
katangian nilang dalawa.
132
Si Padre Bernardo Salvi ay ang bata at tahimik na Pransiskano na
naipakilala na namin sa unahan. Ang kanyang mga pag-uugali at kilos
ay naiiba sa marami niyang kasamahan at lalo pa sa kanyang pinalitan
na magagaliting si Padre Damaso. Siya ay payat, masasakitin, palaisip,
mahigpit sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin sa pagkapari at
maingat sa maaring masabi sa kanya.15 Makaraan ang isang buwan
mula nang siya ay du mating ay halos sumapi ang lahat sa V.O.T., bagay
na ikinalungkot ng karibal nilang cofradia ng Santisimo Rosario.16
Napapalundag niya ang sariling kaluluwa sa kagalakan sa pagkakita
na sa bawat leeg ay may nakasuot ng apat o limang kalmen at sa
133
bawat baywang ay may corea.17 at ang mga prusisyon
ng mga patay o mga multo na ang suot ay abitong
ginggon.18
Ang sacristan mayor ay nakaipon ng kaunting
salapi sa pagbibili o pagpapalimos, ng lahat ng mga
kailangan sa kaligtasan ng kaluluwa at pakikipaglaban
sa diyablo:19 alam ng lahat na noong araw ang Diablo,
ay harapang kumakalaban sa Diyos at kumokontra sa
Kanyang mga salita, gaya ng sinasabi sa aklat ni Job,
Religious charms of all sorts were very visible part of the popular
religion. They were bought mainly from the friars and priests. Del Pilar
disapprovingly noted that the money spent by the people for these
items constituted a disguised tribute to “monkism.” All sorts of
scapulars, rosaries, and belts or waist cords invested in with varying
degrees of miracalous powers were manufactured in the convents and
sold at prices that yielded a return of 1,000 percent on cost. Narrow
leather cords worn around the waist by members of cofradias
(brotherhoods or sisterhoods) cost some five centavos to produce but
sold for sixty two and half centavos after having been sprinkled with
holy water and blessed with magic incantation.
Old woolen trousers given away free by students were cut into
hundreds of small round or square pieces; these were made into
scapulars which were sold at thirty one centavos each. Del Pilar
identifies the church of San Sebastian as the production center of
scapulars. Along its corridors testimonials of their miraculous powers
were displayed from the walls pictures of wearers whose scapular
deflected the bullets shot at them. Del Pilar also names the convents of
18 Dito higit na nagagalak o maaring humahalakhak pa nga si Padre Salvi –
sa prusisyon ng mga patay o multo.
Isa sa mga pinaniniwalaan noon ng mga panatikong mapanata sa
kolonyal na simbahan na ang pagsusuot ng lumang abito ay
makapagdudulot sa kanila ng karagdagang kabanalan. ANG
134
nagdala sa himpapawid sa ating Panginoong Jesucristo gaya ng ginawa
nang mga mangkukulam noong Kalagitnaang Panahon, at sa ngayon,
ayon sa sabi ay gayon din ang ginagawa ng mga asuwang sa Pilipinas,
tila sa panahong ito ay naging mahihiyain na ang Diyablo at hindi
makaharap sa isang pirasong tela na may nakapintang krus, at takot
sa mga buhol ng isang lubid:20 ngunit ang bagay na ito ay
nagpapatunay lamang na kahit sa liblib na dako ng San Diego ay
mayroon din progreso at ang diyablo ay papaurong o kaya ay ayaw ng
pagbabago, katulad ng lahat ng nabubuhay sa gitna ng kadiliman, o
kaya ay maipapalagay na taglay ng diyablo ang mahinang kalooban ng
isang dalagang labinlimang taon gulang.21
135
Gaya nang nasabi, si Padre Salvi ay lubhang
masikap sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin, sa
palagay ng alperes, ay labis na pagsisikap.22
Samantalang siya ay nagsesermon na kaniyang ugali
ang ipinasasara ang mga pinto ng simbahan; na
katulad ni Nero na hindi pumapayag na lumabas ang mga tao
samantalang siya ay umaawit sa loob ng tanghalan: ngunit ginagawa ito
ni Padre Salvi dahil sa ikabubuti ng kaluluwa, at si Nero ay sa
ikasasama. Bihirang mamalo si Padre Salvi, ang lahat ng pagkukulang
ng kanyang mga utusan ay karaniwang pinarurusahan sa pamamagitan
ng multa: sa bagay na ito ay malaki ang ikinaiiba niya kay Padre Damaso
na nahirati na ayusin ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng suntok at
pamalo, na kanyang ipinagkakaloob nang nakangiti at buong
kagandahang-loob sa mga nakahahabag na Indio. Kahit na ganito, hindi
mangyaring siya ay hindi ibiging mabuti; ito ay dahilan sa pananalig niya
na ang mga Indio ay dapat lamang na kausapin sa pamamagitan ng
pamalo; ito ay nakasalig sa sinabi ng isang prayle na nagkataon na
marunong sumulat ng aklat at si Pray Damaso ay hindi pinag-
aalinlanganan ang nililimbag; sa pagkamababang-loob na pagsunod
niyang ito ay maaaring tumutol ang maraming tao.
Si Padre Salvi ay bihirang gumamit ng karahasan, ngunit gaya ng sabi
ng isang matandang pilosopo sa bayan, ang kakulangan sa pamamalo ay
tinutumbasan naman ng multa, at dahil sa bagay na ito ay higit siyang
inibig ng mga taga San Diego. Ang kanyang mga pag-aayuno at mga
pangingilin ay nagpapatuyo sa kanyang dugo, nagpapanginig sa kanyang
mga ugat, at gaya ng sabi ng mga tao, nagpapaakyat ng hangin sa
kanyang ulo.23 Sa bagay na ito, ang nangyayari ay hindi mabatid ng mga
136
sakristan kung kailan nag-aayunong parati ang isang kura
o kung kailan kumakain ng marami.24
Ang tanging karibal ng kapangyarihan sa kaluluwa na
may hilig sa makalupang kapangyarihan, 25 ay ang alperes.
Ang nag-iisang masasabi ukol sa kaniya ayon sa sabihan
ng ilang babae, ay nangingilag sa kaniya ang diyablo,
dahilan isang araw, ay nangahas na tuksuhin ang
alperes, ay hinuli niya diyablo, iginapos sa paa ng
kama, hinagupit ng cordon, at hindi pinakawalan kundi nang
makaraan ang siyam na araw.26
Ang resulta nito, ang sinuman na makipagkagalit pa, pagkatapos
ng gayon, sa isang taong kagaya niya ay magkakaroon ng masamang
kapalaran na higit pa kaysa kahabag-habag at mangmang na diyablo.
Sa ganito ay lapat sa alperes ang gayong kabantugan.27
Ang kanyang asawa, ay isang matandang Pilipina na palaging maraming
colorete at pintura sa mukha at nagngangalang Donya Consolacion;28
137
kahit na iba ang itinatawag sa kanya ng kanyang asawa at ng ilan
pang katao.29 Ipinaghihiganti ng alperes sa sarili niyang katawan ang
kasawian sa pag-aasawa sa pamamagitan ng paglalasing, iniuutos sa
mga sundalo na magsanay sa init ng araw, habang siya ay nasa lilim, o
kaya gaya ng madalas mangyari, ay hinahambalos ng palo ang kanyang
asawa, na kung hindi man cordero ng Diyos na nakalilinis ng kasalanan
ng sanlibutan, sa isang dako naman ay makakaahon sa kanya ng
maraming pagdurusa sa Purgatoryo, kung sakaling maparoon, bagay na
pinag-aalinlanganan ng mga palasimbahing babae.30 Dahilan sa ang
mag-asawa ay palaging nagbubugan, sigawan at hagisan ang gamit ay
apat na kamay at katulong ang mga paa, sa lahat ng ito ay
nakapagbibigay sila ng libreng panoorin sa nagkakatuwaang mga
kapitbahay.
Sa tuwing makakarating sa kaalaman ni Padre Salvi ang
nasabing pag-aaway ay ngumingiti ito at nag-aantanda, at pagkatapos ay
magdarasal ng isang Ama Namin;31 kung tinatagurian siyang bugaw,32
nagbabait-baitan, carlista, sakim, ay nakangiti rin si Padre Salvi at
dinaragdagan pang lalo ang dasal.33
138
Lagi nang isinasaysay ng alperes sa mangilan-ngilang Kastilang
dumadalaw sa kanya ang ganitong pangyayari: “Magpupunta ba kayo sa
kumbento upang dalawin ang kurang Moscamuerta (langaw na patay)?
Mag-iingat kayo! Pag kayo ay inahinan ng sikulate, bagay na inaasahan
kong hindi mangyari…34 ngunit kung mangyari na kayo ay ahinan, ay
talasan ninyo ang inyong pakinig. Pag tinawag ang alila at ang sabi ay:
“Hoy Kuwan, maghanda ka ng isang tasang sikulate, eh” ay huwag
kayong umalis; nguni’t kapag ang sinabi ay: “Hoy Kuwan, gumawa ka ng
isang tasang sikulate, ah” ay kunin ninyo ang inyong sumbrero at
tumakbo na kayo.”
“Bakit?” gulat na tanong ng kausap, “naghahain ba ang kura ng lasong
ipinaiinom nang palihim?”
“Putris!” “Hindi naman!”
“Kung gayon ay…”
“Ang kahulugan ng sikulate eh ay malapot at ang sikulate ah ay
malabnaw.”
Sa kabilang dako, ito ay isang upasala lamang ng alperes dahilan
sa marami ding mga ganitong usapan ang inuukol sa mga prayle. 35 Liban
na kung ang ang ganito ay sadyang pag-uugali na ng mga corporacion
religioso.36
Upang makaganti ang alperes sa kura, ay ipinagbawal ng una (sa udyok
ng asawa nito) ang maglakad ang sinuman sa pagsapit ng ikasiyam ng
gabi. Ito ay dahilan sa sinasabi ni Donya Consolacion na nakita
niyang naglalakad sa hatinggabi ang kura, ngunit nakasuot ng
barong pinya at salakot.37 Ang ganti naman ni Padre Salvi sa bagay na
139
iyon ay sa pamamagitan ng banal na pamamaraan: Kapag nakita niya
ang alperes ay pumasok sa simbahan, ay lihim na iniuutos sa sakristan
na isara ang mga pintuan, at siya ay aakyat sa pulpito at pasisimulan
ang isang napakahabang sermon, hanggang sa makatulog ang mga
santo, at siya ay bulungan ng kalapating-kahoy, na larawan ng Ispiritu
Santo, na nasa ulunan ng “tama na!” Gaya ng lahat ng matigas ang ulo,
ang alperes ay hindi naituwid ang pamumuhay at ugali sa gayong
paraan: nagtutungayaw na lumalabas ng simbahan at kapag siya ay
nakahuli ng isang sakristan o isang alila ng kura ay ipinakukulong,
ipalalamog sa bugbog, paglalampasuhin ng sahig ng kuwartel at pati na
sa kanyang bahay na noon lamang nagkakaroon ng pagkakataon na
magkaroon ng disenteng kaayusan. Ang kahabag-habag na sakristan na
nahuli, kapag nagsusumbong at nagpapahayag ng mga kadahilanan kay
Padre Salvi ay nagbabayad pa rin ng multang dahilan sa hindi niya
pagsipot sa trabaho sa simbahan.38 Walang imik siyang pinakikinggan ni
Padre Salvi, itatago ang salapi, at pakakawalan ang kanyang mga
kambing at tupa upang manginain sa halamanan ng alperes,39
samantalang nag-iisip ng isang bagong paksa na babanggitin sa isang
sermon na lalo pa manding mahaba at makapagtuturo ng mabuti.
Subalit ang lahat ng ito ay hindi nagiging balakid upang kung sila ay
nagkikita, ay magkamayan at mag-usap nang magalang.40
140
Kapag ang asawa ay natutulog dahil sa kalasingan o natutulog
ng tanghali at hindi siya inaaway, ay magmumura si Donya Consolacion
na nakasupalpal sa bibig ang tabako at ang suot ay barong pranelang
bughaw ang kulay. Siya na naiinis sa kabataan, mula sa bintana ay
pinanlilisikan ng mata at kinukutya ang mga nagdadaang mga dalaga.
Dahil naman ng labis na pagkatakot ay patuloy sa matulin na lakad ng
mga dalaga na pigil halos ang paghinga at di man lamang maitaas ang
tingin. Si Donya Consolacion ay may isang taglay na kabutihan: at ito
ay ang hindi niya pagharap kailanman sa isang salamin.
Ito ang mga makapangyarihan sa bayang San Diego.
141