Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SPECIAL FILIPINO CLASS

Level 2
PANITIKAN (Literature)
KAHULUGAN NG PANITIKAN (Definition of Literature):
Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,
relihiyon at mga karanasang nakukulayan ng ibat ibang uri ng damdamin tulad
ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot at pangamba.
IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN SA BUHAY NG TAO (Influences of Literature):
1. Banal na Kasulatan nagiging batayan ng pananampalatayang Kristiyano
2. Koran (Arabia) Bibliya ng mga Muslim
3. Iliad at Odyssey ni Homer (Gresya) siyang kinatutuhan ng mga alamat at
mitolohiya
4. Maha-Bharatas - (Indiya)- kasaysayan ng pananampalataya
5. Divina Comedia
- ni Dante (Italya) nagpapahayag ng moralidad,
pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano
6. Aklat ng mga Araw - ni Confucious (Tsina) naging batayan ng kalinangan
at pananampalatayang Insik
7. Aklat ng mga Patay (Ehipto) kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng
mga taga-Ehipto.
8. Counterburry Tales ni Chaucer- (Inglatera) naglalarawan ng mga ugaling
Ingles at ng kanilang pananampalataya
9. El Cid Campeador (Espanya) nagpapahayag ng kanilang mga alamat, paguugali at kasaysayan
10.Uncle Toms Cabin si Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nagbukas
ng mata ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng
paglaganap ng demokrasya sa daigdig
MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN (Purposes in Studying Literature)
1. Upang matanto natin ang kalinangang Pilipino, ang henyo ng ating lahi at ang
mga minanang yaman ng kaisipan.
2. Upang alaming tayoy may marangal na tradisyong katulad ng ibang lahi.
3. Upang matalos ang mga kapintasang at kakulangan ng ating panitikan at
mapag-aralang itoy matuwid.
4. Upang makilala ang ating mga kahusayan sa panitikan at ang mga itoy lalong
mapapayaman.
5. Sapagkat tayoy mga Pilipino, kailangang tayoy magmalasakit at tumangkilik
sa sariling atin.
KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN: (Importance of Studying
Literature)
1. Malalaman ng mga tao ang kanilang sariling kalinangan at kasayasayan.
2. Makikita nila ang kanilang sariling kalakasan o kahinaan ng kanilang
paniniwala at pag-uugali.
3. Matutuhan nilang ipagmalaki ang mga bagay na kanila at nagiging matibay at
matatg ang kanilang pagkilala sa kanilang lahi.
4. Malalaman ang kahalagahan nng sariling wika sa paglalarawan ng
makabagong karanasan, pangarap, paniniwala at gawaing pang-araw araw

Dalawang Anyo ng Panitikan


1. Tuluyan (Prose) - maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o
pagpapahayag.
Halimbawa:
ALAMAT (Legend) isang uri ng kathang nagsasalaysay ng pinagmulan ng
isang bagay, pook at katawagan.
MITOLOHIYA (Mythology) - malikhaing kuwento na nauukol sa mga diyos at
diyosa. Ito ay mahabang salaysay tungkol sa pinagmulan ng santinakpan ng
tao, ng mga diyos at diyosa at ng mga mahiwagang nilikha, gayundin
naman, tungkol sa buhay ng mga bayani ng ibat ibang pamayanan.
PARABULA(Parable) - isang uri ng salaysay na may kabuluhang aral na
tinutukoy ng mga pangyayari. Hango ito sa Bibliya na nagbibigay ng aral
na pang-ispiritwal.
DULA (Play) - isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan. Itoy tinatampukan ng mga tauahan. Itoy nahahati sa ilang
yugto at ang bawat yugto ay maraming tagpo.
NOBELA (Novel) - isang mahabang salaysay
na mahahati sa mga
kabanata. Ang mga pangyayari ritoy hango sa tunay na pangyayari sa
buhay ng tao, sumasakop ng mahabang panahon at ginagalawan ng
maraming tao.
TALAMBUHAY (Biography) - ang salitang ito ay pinagtambal na mga
salitang talaan ng buhay, samaktawid ay nauukol sa kasaysayan o
kabuhayan ng isang tao o biography. Ang pagsasaysay tungkol sa taong
pinapaksa ay maaaaring isagawa ng ibang tao o kayay ng may katawan na
rin.
ANEKDOTA (Anecdote) - isang maikling salaysay ng isang nakawiwili,
nakalilibang, o patalambuhay na pangyayari na hango sa tunay na buhay.
BALITA (News) isang
paglalahad ng mga pang-araw araw na
pangyayari sa lipunan, pamahalaan, paaralan, sa mga sakuna, sa
industriya , sa agham at sa mga ibat ibang paksa sa buong bansa at sa
ibayong dagat man.
SANAYSAY (Essay) isang akdang pampanitikanng naglalahad ng
matatalinong pagkukuro. Itoy makatwirang paghahanay ng kasipan at ng
damdamin ng sumusulat ayon sa kanyang karanasan, kaalaman at hakahaka.
TALUMPATI (Speech)- isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng
kaisipan upang basahin o bigkasin sa harap ng mga taong handing
magsipakinig.
MAIKLING KUWENTO (Short Story) - anyo ng panitikang nagsasalaysay
nang tuluy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay
2. Patula (Poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang
binibilang ng pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma at nagpapahayag din ng
mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng
mga taludtod sa isang saknong.
MGA URI NG TULA (Kinds of Poetry):
1. Tulang Liriko o Tulang Pandamdamin (Lyric Poetrty)- Nagtataglay ito ng
mga karanasan , guniguni, kaisipan at mga pangarap na maaaring nadama
ng may akda o ng ibang tao.

Mga Uri ng Tulang Liriko (Kinds of Lyric Poetry):


a) Dalit - nagpaparangal sa Maykapal na may halong pilosopiya sa buhay
b) Soneto - laging nagtataglay ito ng aral sa buhay, 14 na taludtod at ang
mga nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na
kaalaman at likas na pagkatao.
c) Elehiya - ang nilalaman nito ay may kinalaman sa alaala ng isang
namatay; guniguni tungkol sa kamatayan; pananangis at pananaghoy.
d) Oda - masigla ang nilalaman, pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng
isang tao o grupo ng mga tao. Walang katuyakan ang bilang ng pantig at
saknong sa bawat taludtod.
e) Awit madamdamin ang nilalaman nito sa dahilang ang karaniwang
pinapaksa ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa,
pangamba, kaligayahan
2. Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry) Naglalahad ng makulay at
mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig at pagkabigo, tagumpay
mula sa kahirapan, kagitingan at katapangan ng mga bayani sa pakikidigma.
3. Tulang Patnigan hal. Duplo , Karagatan at Balagtasan
4. Tulang Dula o Pangtanghalan isang dula na binibigkas nang patula ang
diyalogo
Iba Pang Akdang Panulaan :
BUGTONG (Riddle)matalinghagang parirala may sukat at tugma.
Kailangan ang bilis at talino sa pagsagot sa tinutukoy na bagay.
Nasasalamin din ditto ang katauhan n gating mga ninuno.
SALAWIKAIN (Proverb) - patulang mga taludtod na nagbibigay aral.
isang butil ng
karunungan hango sa karanasan ng mga matatanda kinapapalooban ng
mga payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng
kaugalian.
KASABIHAN (Sayings) hindi gumagamit ng talinghaga, ang kilos, gawi
at ugali ng tao ang nasasalamin
BULONG - ginagamait itong pasintabi o paumanhin sa mga lamang-lupa.
Nasaslamin ditto ang paggalang at pangamba sa mga hindi nakikitang
espiritu.
HAIKU tulang may 17 pantig
DIAMANTE - isang payak na tula na hugis diamnte, may limang taludtod.
Unang linya - isulat ang isang salita tungkol sa inyong paksa
Ikalawa - magbigay ng dalawang pang-uri naglalarawan sa paksa
Ikatlo - magbigay ng tatlong pandiwa para sa paksa
Ikaapat - magbigay ng isang maikling parirala maiuugnay sa paksa
Ikalima - magbigay ng isang salitang kasingkahulugan ng salita sa
unang linya o maaaring ulitin
Hal.

Lupa
Mayaman , nagbibigay ng buhay
Nilalason, inaabuso ,
inuubos
Paano ang mundo
Kalikasan
TANAGA ito ay may iisang saknong lamang, may apat na taludtod at
may pitong pantig bawat isa. Naghahayag ito ng aral at pilosopiyang
ginagamit na halimbawa ng mga matatanda sa mga kabataan. matandang

tulang Tagalog na binubuo ng apat na taludtod. Ito ay may sukat na


pipituhing pantig, may tugma at nagtataglay ng kariktan at talinghaga.
Hal.

Pag-ibig
Busilak na damdamin
Sa puso nanggaling
Kapayapaang hated
Lunas to sa daigdig.

TULANG PAMBATA - ginagamit sa pagliliban lalung-lalo na ng mga bata


noon.
Hal.

Sipit namimilipit
gintot pilak namumulaklak
sa tabi ng dagat.

Mga Awiting Bayan (Folk Songs) tulang inaawit na nagpapahayag ng


damdamin, kaugalian,
karanasan, pananampalataya,gawain o trabaho ng mga taong naninrahan sa
isang pook.
Uri ng Awiting Bayan (Kinds of Folk Songs:
1. Soliranin (Rowing Song) awit sa pamamangka ng mga Tagalog .
2. Talindaw (Boat Song) - awit ng pamamangka
3. Diona ( Nuptial or Courtship Song) - awit sa panliligaw o kasal
4. Oyayi (Lullaby Song) - awit ng pampatulog sa bata o panghele
5. Dalit ( Hymns) awit ng pagpaparangal sa Maykapal
6. Kumintang (War or Battle Song) - awit sa pakikidigma
7. Sambotani - (Victory Song) - awit sa pagtatagumpay
8. Kundiman (Love Song) awit ng pag-ibig
9. Hilirao o Pamatbat - awit pang-inuman
10.
Indolanin o Kutang-kutang - awit panlasangan

You might also like