Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

G8 De Asis, Chelsy O.

10 Bonifacio

Ang pagkain bilang isang buong pamliya ay mahalaga. Mahalaga ito dahil
sa pagkain ng sama sama, madaming bagay ang maaaring mapag-usapan. Mga
kwentuhan tungkol sa nangyari sa paaralan ng mga anak, sa trabaho ng mga
magulang at kahit simpleng kumustahan lamang tungkol sa araw na iyon.
Ang litrato sa itaas ay kuha noong Pebrero, noong ika-18 anibersaryo ng
aking mga magulang. Wala kaming litrato sa bahay dahil hindi kami nakakakain
ng sabay sabay sapagkat iba iba ang oras ng pag-uwi dahil sa school at trabaho.
Minsan ay late na umuwi ang aking magulang at akoy nakakain na. Pero
naiintindihan ko naman. Nakukuha padin naman naming magkwentuhan.
Madaming magandang dulot ang pagkain ng sabay bilang pamilya.
Habang kumakain, nakikilala ninyo ang bawat isa. Mas nakikilala ninyo ang bawat
miyembro ng pamliya. Kapag may problema, maaari ninyo itong pag-usapan sa
harap ng hapag kainan. Kami, bilang isang pamilya, madalas kami kumain sa
labas o sa mga restaurant tuwing weekends, lalo na pagtapos ng Sunday Mass.
Itoy dahil ito na lamang ang libreng oras namin mula sa school at trabaho.
Mahalaga din ang sabay sabay na pagkain sapagkat mas nagaganahan
ka kumain kapag may kasabay. Alam ko ito sapagkat iba ang pakiramdam pag
kasama ko kumain ang aking buong pamliya. Mas masaya at mas naeenjoy ko
ang pagkain. Gayunpaman, dapat ay maglaan tayo lagi ng oras sa pagkain ng
sama sama bilang pamilya. Maging sa loob man ito ng bahay o sa labas. Ang
mahalaga ay sama sama kayo sa hapag-kainan.

You might also like