Rubric para Sa Panunuring Pelikula

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

RUBRIC PARA SA PANUNURING PELIKULA

DIMENSYON

PAGKASULAT

NILALAMAN

ORGANISASYON

PAG-UNAWA SA
TEORYANG
REALISMO

KALINISAN

KABUUAN

MAHUSAY
8-10 puntos

KATAMTAMAN
5-7 puntos

MAHINA
1-4 puntos

Walang maling
pang-gramatika at
mahusay at
malikhain ang
paggamit ng mga
salita.

Walang maling
panggramatika

Hindi nakikitaan ng
kalinawan sa
pagpapahayag ng
kaisipan.

Nakikitaan ng
mahusay na pagkaunawa sa
pelikulang
napanood batay sa
panunuring ginawa
na nakapupukaw ng
interes ng
mambabasa.

Kompleto ang mga


impormasyong
ipinahayag.

Iilan lamang ang mga


impormasyong
ibinigay.

Mahusay at mabisa
ang pagkasunudsunod ng mga
detalyeng inalahad
sa panunuri.

Maayos na nasunudsunod ang mga


pangyayari.

Hindi malinaw at
walang kaugnayan
ang mga detalyeng
inilahad sa panunuri.

Mahusay at
malinaw na naisaisa ang mga bahagi
ng pelikula na
nagpapakita ng
paggamit ng
teoryang realismo

Naipaliwanag ang
paggamit ng teoryang
realismo sa
malawakang (broad)
panunuri.

Hindi malinaw ang


pagka-unawa.

Mahusay at malinis
ang pagkasulat ng
panunuri.

Malinis ang
pagkasulat ng
panunuri.

Marumi at nakikitaan
ng pagmamadali sa
ginawang panunuri.

Puntos

Gabay para sa Panunuring Pampelikula (Ikatlo at Ikaapat na Taon)


I. Tungkol sa Pelikula
A. Pamagat ng Pelikula:
(Ibibigay ng mag-aaral ang pamagat ng pelikulang sinuri at pagpapakahulugan sa pamagat.
Maaaring sagutin ang katanungang bakit?)
B. Direktor:
(Pangalan ng Direktor)
C. Prodyuser:
(Pangalan ng Prodyuser o mga prodyuser)
D. Pangunahin tauhan:
(Pangalan ng karakter artistang gumanap paglalarawan)
E. Tema ng Pelikula:
(Ano ang paksang tinatalakay sa pelikula?)
F. Buod ng Pelikula
(Magbigay ng maikling buod ng pelikula.)
II. Mga Aspektong Teknikal
A. Musika
(Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang
musika sa paguhit ng emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kwento?)
B. Sinematografi
(Maganda ba ang kabuuang kulay ng pelikula? Mapusyaw ba o matingkad ang
pagkakatempla ng kulay na kuha ng mga camera? Maganda ba ang visual effects na
ginamit?)
C. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari
(Maayos ba ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena? Hindi ba ito nakalilito? Lahat ba ng
tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa?)
D. Pagganap ng mga Arista
(Maganda ba ang pagka-ganap ng mga artista? Makatotohanan ba ang emosyong kanilang
pinapapakita? Paano nakatulong ang kanilang pag-arte sa pag-unawa sa nilalaman?)
E. Tagpuan
(May maganda bang tagpuan ang pelikula? Nakatutulong ba ang tagpuan sa kabuuang
palabas? Angkop ba ang mga tagpuang ginamit sa tema at kwento ng pelikula?)
III. Kahalagahang Pantao
A. Paglalapat ng Teoryang Realismo
(Makatotohanan ba ang mga pangyayaring pinapapakita sa pelikula? Anu-ano ang mga
isyu na tinalakay sa pelikula na maihahalintulad sa mga isyung nagaganap sa lipunan?)
B. Paglalapat ng Ibang Teoryang pampanitikan (Para sa ikaapat na taon)
Magbigay ng tatlong eksena o tagpo sa pelikula na gumait ng iba pang teorya maliban sa
Realismo.
C. Mga Aral
Karamihan sa mga pelikula ay gumagamit ng Christ like character kung saan ang bida ay
may mga katangiang katulad kay Kristo. Sa pelikulang Caregiver, Paano maihahalintulad
ang pangunahing karakter sa mga katangian ni Kristo. Gamitin ang Venn Diagram sa
bahaging ito.
D. Kabuuang Pananaw
(Paano naiiba ang pelikulang ito sa mga pelikulang napanood mo?Naangkop ba ang
pelikula sa atin. Karapat-dapat bang panoorin ang pelikula? Bakit?)

You might also like