Bayani

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Balangkas sa Pagsusuri

A. Pamagat: Bayani
May Akda: Dr. Leticia C. Pagkalinawan
B. Balangkas ng mga Bahagi at Sangkap ng Kuwento
1. Simula
a. Mga Tauhan
i.)

Sister Carmela- Si Sister Carmela ay isang misyonarya at nagmula sa Australia


kasama ang kanyang asawa. Siya ay may maamong muha at matatamis na ngiti.
Si Sister Carmela ang pumuno sa pangungulila ni Benny ng isang ina at nagaasikaso sa kanya simula nang silay maging bihag. Siya rin ang awtor ng librong
Benny, ang Bayani! na pinagmamay-ari ni Benny ang nakapaloob na

ii.)

kasaysayan.
Benny- Si Benny ay hindi umiiyak, matapang, kuya ng mga batang bihag, anak ng
matatandang bbihag, kaibigan ng mga namihag at isang masayahin na bata.
Labindalawang gulang pa lang si Benny pero wari edad tatlumpo kung mangusap
at mag-isip. Siya ay ulila na sa ama at ina, siya din ang bunso sa limang
magkakapatid. Inampon siya ng pinsan ng kanyang ina at nagsilbi bilang katulong
sa bahay nila. Si Benny din ang may-ari ng kasaysayan ng sinulat na aklat ni

iii.)

Sister Carmela.
Padre Manuel- Si Padre Manuel ay nagmula sa mayamang angkan sa Bisaya.
Niyakap niya ang kahirapan para makapaglingkod sa kanyang kapwa. Mabuting
tao si Padre Manuel at marami nang natulungan, marami na siyang napag-aral na
bata at kasama na doon si Benny at ang dalawang anak ni Mang Juaning. Siya rin
ang nagbayad sa gastusin sa ospital nang nagkasakit ang asawa at ang bunso ni
Mang Juaning. Siya din ang nagsilbing tagapayo at inspirasyon ni Benny sa pagaaral. Nang silay naging bihag,paborito siyang pagmalupitan ng pinuno ng

iv.)

bandido.
Teacher Emma- Si Teacher Emma ay mahusay na guro magiliw at mapagmahal.
Ikakasal n asana si Teacher Emma sa kanyang kasintahan sa susunod na buwan
nang maganap ang hindi inaasahang paglusob ng mga bandido. Sa lahat ng
nabihag si Teacher Emma ang pinakamaganda kayat gusto siyang aswahin ng
puniuno

v.)

Ka Luis o and Pinuno- Ang Pinuno ng bandido ang dating iniidolo ni Benny.
Gusto niya ding asawahin si Teacher Emma ngunit siya din ang nag-utos na
ipapatay ang iba pang bihag. Mabait ang pinuno kay Benny at mapanghalina kung

magsalita, may malungkot na pinagdaanan din sa buhay na katulad din kay


Benny.
Mang Juaning- Isang dyanitor at hardinero sa naturang paaralan kung saan

vi.)

tinulungan siyang makapasok ni Padre Manuel. May dalawa siyang anak na nagaaral ng libre sa paaralan. Itinuring niyang tagapagligtas ng kanyang pamilya si
Padre Manuel kaya nang makita ang ginagawa ng pinuno sa pari agad niya itong
vii.)

sinuntok.
Sugo- Siya ang itinuring na tagapagligtas ng mga bihag sa kamay ng mga
bandido.

Siya

rin

ay

kilala

at

hinahangaan

sa

kapatagan.

b. Tagpuan
Sa isang bahagi ng parte sa Mindanao na kung saan sina Benny, Padre
Manuel,

Teacher

Emma,

Sister

Carmela

at

iba

pa

ay

binihag.

c. Tema
Ang mga rebelde ay nandito na yata mula pa noong magsimula ang
kasaysayan ng Pilipinas. May sarili silang ideolohiya at prinsipyo at itoy
pinaglalaban nila. Kahit ano man ang tawag sa kanila, iisa pa rin ang
kanilang larawan- kaaway ng lipunan, tagapaghasik ng takot at pangamba
sa mga mamamayan.
2. Gitna
d. Saglit na Kasiglahan
Miyerkules ng hapon, katatapos lang magsalaysay ni Teacher Emma
tungkol sa epikong Bidasari nang bigla silang binulabog ng pangkat ng mga lalaki
na nakasuot militar, may hawak na mahahabang baril, mabalasik ang mga mukha
at

mabagsik

magsalita.

e. Tunggalian
i)
Nang papasok na sana si Benny sa kubol nang marinig niya ang usapan pagitan ng
kontak nila sa kapatagan at ng pinuno na wari naging mabalasikang anyo na
parang leon. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa ilang milyong pera, ang eleksyon,
proteksyon sa kanila an gang pagdating ng sugo. Dito nagsimula ang pagdami ng
katanungan sa isip ni Benny at unti-unti siyang nakadama ng paghihimagsik laban
ii)

sa iniidolong pinuno.
Noong unang mga araw nila sa kamay ng mga bandido, kasama na sa krus na
kanilang pinapasan ang oras ng kainan. Lumaon ay nasanay na sila at mas mabuti
pa ang ganoon kaysa walang makain. Naranasan na din nila ang matulog na

iii)

walang laman ang tiyan.


Sa pagdaan ng mga araw, lalong nababawasan ang paghangang inuukol ni Benny
sa pinuno lalo na kapag nakikita niyang sinasaktan si Padre Manuel. Hindi niya
rin maunawaan kung bakit paboritong, pagmalupitan ng pinuno sa pari. Nabanggit

pa niya ang Diyos na pinaniniwalaan ni Padre Manuel ay isang huwad at doon


iv)

tumutol ang kalooban ni Benny.


Nagising si Benny sa hagulhul ni Teacher Emma na nagsasabing patay na si Padre
Manuel at si Mang Juaning dahil sa ginawang pagpigil ng pari na asawahin si
Teacher Emma. Dahil sa tinding galit ay pinagpapalo ng baril sa ulo ang pari at
nang makita ito ni Mang Juaning ay biglang sinuntok ang pinuno. Malaking
insulto iyon para sa pinuno kaya ipinahila ang pari at Mnag Juaning sa dilim at

v)

doon ang huling pagkikita ni Teacher Emma sa kanila.


Nang matapos ang pagpatay kay Mang Juaning at kay Padre Manuel at pagkuha
nila kay Teacher Emma, ipinagsigawan ng dibdib ni Benny na napakasamang tao
ang mga bandido. At sa unang pagkakataon, tumulo ang luha ni Benny habang
mahigpit na nakatikom ang mga palad at lumaya ang namuong galit sa iniidolong

vi)

pinuno, paghangang napalitan ng pagsuklam at paghiihimagsik.


Isang gabi, habang silay natutulog, nakarinig sila ng magkakasunod-sunod na
malalakas na putok ng mga baril. Nilusob na raw ang pinagkukutahan nila.
Naging mabalasik muli ang anyo ng pinuno. Pinugutan ng ulo ang kasamahan ni
Brother Jun at ang asawa ni Sister Carmela at marami pa daw ang susunod kung
magmamatigas

ang

pamahalaan.

f. Komplikasyon
Nang naganap ang paglusob sa pinagkukutahan nila, may sabi-sabi na ang
pinuno ay patay na at biglang naalala ni Benny ang mga taonng naging malapit sa
kanya at nakaramdam ng tuwa pero nakaramdam din siya ng kalunkutan nang
maalala niya nag kabaitan ng pinuno sa kanya. Tunay din niyang minahal ang
pinuno.
g. Kasukdulan
Sa gitna ng kaguluhan, sinabihan si Benny ni Sister Carmela na tumakas at
tumakbo siyang papalayo pero nalungkot siya sa kanyang ginawa. Hinanap niya
ang bida sa sitwasyon kung ito pa ay bahagi ng palabas. Nakadama siya ng galit,
lungkot at pagsisisi.
3. Wakas
h. Kakalasan
Binalikan ni Benny si Sister Carmela at pinatili ang magandang larawan
ng

bida

bilang

tagapagligtasbilang

bayani.

4. Pangunahing Bahagi ng Kwento


i. Resolusyon
Bumalik si Benny sa kanyang pinagdaanan at tumakbo ng todo papunta sa
lugar na pinag-iwan niya kay Sister Carmela. Malaking bato ang humaplit sa puso
ni Benny nang makita niyang wala na si Sister Carmela. Gustong humiyaw,
umiyak, magalit at sisihin ang kanyang sarili subalit nakarinig siya ng malalakas
na putok ng baril malapit sa kinatatayuan niya. Nagdilim ang kanyang paningin,

bumigat ang kanyang katawan hanggang tuluyang lumagpak sa lupa. Unti-unti


siyang pinanawan ng lakas at nakita niyang dumami ang mga tao sa kanyang
paligid hanggang tuluyang maglaho ang kanyang paningin.
j. Impresyon
Bisa sa Damdamin
Naantig ang aking damdamin sa mga sakripisiyo na binigay ng
mga tauhan sa kwento. Nakakagalak ang kanilang pagtutulungan sa isatisa sa harao ng lahat ng kahirapang naranasan sa kamay ng mga bandido.
Ito parin ay nangyayari sa ating bansang Pilipinas at nakakabuo ito ng

takot at galit sa kanilang pinaggagawa sa mga taong walang kasali.


Bisa sa Isip
Sa pagbasa ko sa akda, nalaman ko ang kaibuturan ng mga
maaaring mangyari kung ikay maging isang bihag ng malulupit na
bandido. Kung ito parin ay nangyayari sa kaloob-looban ng parte ng
Mindanai, sanay gawan na ng paraan para sa kaligtasan ng lahat ng

mamamayan.
Bisa sa Asal
Sa nabanggit ng isang karakter na si Benny, ika niya walang
bidang duwag at takot, kaya niya binalikan si Sister Carmela. Siya ay
isang bata na alam ang kahulugan ng pagmamahal at ang hindi pang-iiwan
sa mga mahal sa buhay kahit itoy nakasama niya lamang sa kaunting
panahon. Itoy nakakapapukaw sa mga taong nakalimutan na ang diwa ng
paglingap sa mga pamilya o kapwa tao man. Inuuna na nila ang kanilang
sarili

at

hindi

na

tinatangi

ang

nasa

kapaligiran.

C. Buod
Malupit ang naranasan ni Benny sa kanyang pagkabata. Masayahin, matapang,
wariy edad tatlumpo kung mag-isip at mangusap at ulila sa ina at ama. Isang miyerkules
ng hapon nang lusubin sila at ginawang bihag kasama sina Padre Manuel, Teacher Emma,
Mang Juaning, Sister Carmela, mga bata at iba pang nakasama nila na galling sa
paaralan. Isang pulutong silang naglakbay na dumaan sa batis at umakyat ng bukid
hanggang nakaabot sila sa isang pamayanan kung saan mas maraming lalaking
nakauniporme ang naghihintay hawakk ang mga malalaking baril. Sa kalahatan,
nagsimula na ang buhay bilang isang bihag, nabuo ang takot at naging mahina. Nabuo
kay Benny ang ideolihiyang sinasamba ang mga bandido at lalot higit na ang pinunong
nakasalamin ng abuhin. Hinahangaan siya ni Benny at nagbigay ng kakaibang saya sa
buhay ng bata.
Nakagawian na din na pumunta si Benny sa kubol ng pinuno hanggang sa isang
pagkakataong sa hindi pa siya nakapasok ay narinig niya ang usapan pagitan ng kontak
nila sa kapatagan at ng pinunong na bulasik na ang anyo na wari isang leon. Napag-

usapan nila ang tungkol sa ilang milyong pera, eleksyon, proteksiyon at ang pagdating ng
sugo. Unti-unting nakadama ng paghihimagsik laban sa iniidolong pinuno, nababalutan
ng pag-aalinlangan at pangamba. Simula noon ay hindi na nagpupunta si Benny sa kubol
ng pinuno. Marami na silang napagdaanang mga bihag hanggang isang araw ay nabuhay
sila nang dumating ang sugo, na siyang tagapagligtas sa kamay ng malupit na pinuno.
Nagka-usap ang sugo at ang pinuno at kinabukasan ay kasama nan g sugo ang ilang
batang bihag. Pagkasunod pa na araw ay ilan pang mga bata at mayayamang bihag ang
pinalaya at dinala ng sugo sa kapatagan. Hanggang sa dalawang lingo, ilang pangkat na
naman ang dinala ng sugo.
Ang pagtataka lang ni Benny ay bakit kung may mga bihag na palalayain ay
palaging may perang kasama sa usapan. Dumaan pa ang ilang araw ay lalong nabawasan
ang paghanga ng bata sa pinuno lalo na kung nakikita niya ang ginagawa ng pinuno kay
Padre Manuel. Isang umaga, nagising si Benny sa hagulhul ni Teacher Emma na
nagsasabing patay na si Padre Manuel at Mang Juaning. Pinigilan kasi ng pari ang
pagpapakasal ng pinuno kay Teacher Emma at dahil sag alit ng pinuno ay pinagpapalo
ang ulo ni Padre Manuel ng baril at dahil sa nakikita ni Mang Juaning na masaktan ang
taong tinuring niyang tagapagligtas ng kanyang pamilya ay nasasaktan, agad niyang
sinuntok ang pinuno. Nainsulto ang pinuno at ipinahila sila sa dilim at iyon na ang huling
kita ni Teacher Emma. Iyon na din ang hulin gpag-uusap ni Benny at ni Teacher Emma
dahil ang sabi ay pinapalipat ito sa kubol ng pinuno. At sa unang pagkakataon ay tumulo
ang luha ni Benny sa kanyang pisngi habang mahigpit na nakatikom ang palad sa tindi ng
poot, lumaya ang namuong galit sa puso ni Benny at ang dating paghanga ay napalitan na
ng pagkasuklam at paghihimagsik.
Sa sumunod pa na araw sa kabundukan ay nabalot ng takot sa kadahilanang nakita
na nila ang totoong anyo ng pinuno. Sasampu na lang silang natirang bihag kasama na si
Benny, Sister Carmela na misyonarya, si Brother Jun, Bb. Teresa, Sir Rodel at lima pang
mga bihag. Sa usap-usapan ay hindi na raw nagkakasundo ang kontak sa kapatagan at ng
pinuno tungkol sa pera dahil sa maraming bumabatikos.
Isang gabi nag sila ay natutulog, nakarinig sila ng sunod-sunod na pagputok ng
mga baril. Nagkakagulo na sa pinagkukutahan nila at marami ang nasugatan at duguan
na. Nakatakas sila ngunit hindi kalaunan ay nagkakagulo na naman at ang sabi natamaan
ang pinuno at patay na. Nabigla si Benny sa kanyang narinig at nakadama siya ng tuwa
nang maalala niya ang mga taong napalapit sa kanya sa pinatay ng pinuno ngunit sa
kabila ng tuwa ay ang sakit na kanyang naramdaman nang maalala niya ang paggiging
mabait ng pinuno sa kanya at ang karanasan nito na parehos sa bata. Bumuo ang mga
luha ni Benny sa kanyang mata nang di niya namalayan, katotohanan din naming minsan
ay minahal din niya ang pinuno.
Muli na naming nagputukan at inatasan ni Sister Carmela si Benny na tumakas,
umayaw si Benny dahil ayaw niyang iwan si Sister pero itinulak siya ni Sister Carmela at

siyay tumakbo ng mabilis pero napagtanto niya na mali ang kanyang ginawa. Bumalik
siya at dapat niyang ipanatili ang magandang larawan ng isang bida bilang
tagapagligtasbilang bayani. Isinulat lahat ni Sister Carmela ang kasaysayan sa buhay ni
Benny sa Benny, ang Bayani!.

You might also like