Isa ang sinematograpiya sa mga bagay na madalas nakakaligtaan
ng mga manonood. Ngunit isa ito sa pinaka magahalagang elemento sa pag-gawa ng mga palabas. Hindi man ito madalas nating mapansin at masabi ng hayagan alam natin bilang isang manonood kung ang isang palabas ay maayos na naipahayag, ang isang mensahe gamit ang mga bagay na nasa paligid nito. At mahalagang bagay ang pagpasok ng sinematograpiya sa naturang larangan. Ang isang magandang palabas ay maaring may magagaling na direktor, aktor, at magandang iskrip ngunit kung hindi maayos ang pagkakakuha sa palabas, ang buong pelikula ay hindi rin
maganda ang kalalabasan. Kaya naman ganun na lang
kahalaga sa larangan ng pag-didireksyon, ang maaring ipakita sa
kanilang mga kuha. Ang sinematograpiya ay isang malikhaing pag-gamit sa liwanag. Ang pag-papalawig sa liwanag na ito ng mga director ang nagsisilbing basehan para sila ay maging tanyag sa kanilang larangan. Maraming oras ang ginugol nila para maayos ang kanilang palabas katulad na lang ng pagsasa-ayos sa mga teknikal na aspeto katulad ng distansyang dapat gamitin sa bawat senaryo, importansya ng mga anggulo ng mga karakter sa kanilang pag-ganap. Ang mga kulay na ginamit sa palabas nagbigay ng maayos na detalye upang ipakita ang emosyon at damdamin ng istorya. Ito ang mga bagay na aking naobserbahan na isinaalang-alang sa paggawa ng Maestra.
Ang Maestra ay isa sa makatotohanang kwento na aking
napanood at ang palabas na ito ang nag-dala sa akin kung papaano ang hirap na maging isang guro at magulang sa mga taong hindi mo ka-dugo. Isa man ako sa mga manonood, ngunit dahil sa isang makakatotohanang pag-ganap ng mga batikang artista, nadala ako ng mga emosyon na kanilang ipinapakita. Ang bawat anggulo na ipinakita sa kamera ay isa rin sa dahilan para dalhin ang bawat manonood sa lugar na para bang isa sila sa mga gumaganap na karakter sa palabas. Kung babalikan ko ang aking mga naunang palabas na pinanood napansin ko ang kakaibang tama ng ilaw sa lugar na kanilang pinaggaganapan. Dahil ang liwanag na tumatama sa pag-gawa ng kanilang produksyon ay nagbibigay ng kakaibang katangian sa palabas. At ito ang nagpapakita ng masining na pag-gamit sa sinematograpiya.
At sa aking tingin nakuha naman ng director ang kanyang
inaasahan na kuha sa palabas. Ang resolusyon, direksyon at detalye na mula sa kamera ay tama lang na makuha sa hindi gaanong kaliwanag na ilaw ngunit naibigay pa rin nito ang mataas na kalidad at malinis na imahe. Ang ilaw na kanilang ginamit ay nag-bibigay ng natural na pakiramdam sa manonood. Sa aking paningin, gumamit sila ng liwanag na kahalintulad sa liwanag ng kandila upang ipakita ang natural na liwanag sa labas ng bahay. Madalas, mga simpleng ilaw mula sa kandila , lampshade o flashlights ang kanilang ginamit
at sa mga
senaryo na ito makikita ang malikhaing imahinasyon ng direktor. Ang
contrast ay mataas, ang liwanag na ginamit ay mababa lang, at ang kanilang mga anino ay malalim tignan ngunit nagawa pa rin nilang malinis at maganda ang palabas.
Ang Maestra ay isang ma-dramang palabas at ang natural na
imahe ay dahil sa mga ilaw na ginamit dito. Ngunit hindi lang ang paggamit sa ilaw ang aking napansin, ang galaw at paglilipat-lipat ng kamera sa bawat senaryo ay aking napuna. Dahil ang galaw at bilis ng kanilang kamera ay tantsado at may-sukat depende sa pag-uusap ng mga karakter sa palabas. Kanilang pinapanatili ang normal na distansya upang hindi masira ang kuha ng imahe sa senaryo. Si Joven Tan ay isang magaling na direktor dahil nabigyan niya agad ng buhay sa simula palang ng palabas. At sa kanyang palabas itinuro niya sa akin na ang sinematograpiya ay hindi lang tungkol sa galaw ng kamera upang makita ang isang pinaka-magandang anggulo, ngunit ito ay tungkol sa pagpapalawak ng istorya para ito ay maging maganda, makatotohanan, at puno ng emosyon.