Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Parabula ng Paghahangad

Sa bayan ng Tabok-Tabok, nakatira si Richard. Kung anong ikinagandat ikinayamang pakinggan ang
kanyang pangalan, siya namang ikinataliwas ng kanyang kalagayan sa buhay. Ipinanganak siyang salat sa buhay
ng kanyang inang si Rosa. Silang dalawa nalang ang nakikibaka sa buhay, sapagkat tuluyan na silang inabanduna
ng kanilang haligi ng tahanan. Dahil sa kasalatan sa buhay, wala kakayahang si Richard na bumili ng mga bagay
na pansirili. Maging pambili ng damit ay wala silang mag-ina,sapagkat ang tanging pinagkikitaan ng kanyang ina
ay ang pagbabahay bahay upang manghingi ng kalakal.
Naniniwala si Rosa na tanging edukasyon lang ang hindi mananakaw ng iba. Kaya kahit nahihirapan na
siyang buhayin ang kanyang nagiisang anak na si Richard, sinikap pa rin niyang pag-aralin ito. Pagkat iyon na
lamang ang kanyang maipapamana rito. Pangarap ni Richard ang maging isang runner simula pa noong bata pa
siya. Hanggang isang araw sa kanilang paaralan ay nilapitan siya ng grupo ng mga lalaki.
Richard diba gusto mong maging magaling na runner?
Oo naman!! Sabik nitong tugon
May club kaming binubuo subalit kakailanganin mo ng maayos na sapatos. Mahirap tumakbo sa oval
kung ganyan ang sapatos mo. At lalong hindi ka rin maaaring tumakbo ng nakayapak. Kaya pagisipan mo
yung alok ko sayo bata...
Napatingin si Richard sa mga sapatos nila Nako!!! Anggaganda naman ng mga sapatos nila, di hamak na
pipitsugin lang yung akin dahil sa butas na nga yung bulsa ko, butas rin yung sapatos ko. Sabi niya sa sarili.
Tumango na lamang ito at nagpaalam sa kanilang grupo. Hindi man ito aminin sa sarili, ay may namuong
inggit ito sa katawan na nagnanais magkaroon ng magarang sapatos. Kaya dali-dali siyang umuwi ng araw na
iyon galing sa eskwelahan. Nang marating niya ang kanyang bahay, agad niyang kinausap ang kaniyang inay ukol
rito.
Nay!!! May nag-alok sakin na pwede akong maging magaling na runner. Sabik nitong pagsasalaysay.
Edi maganda iyan anak, sumali ka. Pagsuporta nito sa anak.
Pero nay kailangan ko raw muna ng maayos na sapatos. Paglilinaw nito
Naku anak, alam mo namang matatagalan pa akong makabili ng sapatos mo. Wala rin naman akong
mauutangan na dahil lahat na siguro ng kapit bahay ay nautangan na natin. Hindi pa nga tayo halos
makabayad sa kanila diba? Sana intindihin mo si inay. Pasensya ka na anak.
Dahil sa kakitiran ng pagunawa ni Richard ay pinilit niya pa rin ang kanyang gusto. Subalit nang siya
nabigo sa pagkumbinsi ay nagkaroon siya ng matinding tampo sa kanyang inay. Nang sumapit ang kinagabihan ay
inantay niyang makatulog ang kanyang inay, upang siya makapagimpake ng gamit at makalayas na sa kanilang
bahay.
Nang makatulog na ang kanyang inay ay naisagawa niya ang kanyang plano. Sa kalakuyan, si Richard ay
nagpapagala-gala muna sa parke. Nais niyang magtrabaho upang magkaroon ng perang pambili ng sapatos.
Minsan lang siyang humiling sa kanyang ina subalit hindi pa siya nito napagbigyan. Kaya ganun na lamang ang
himutok ni Richard sa mundo.
Iyak siya nang .. iyak. Alam niyang ambabaw ng dahilan upang gawin ang mga bagay na iyon. Subalit
mas nangibabaw na sa kanya ang galit kaysa sa pangunawa. Naging sarado na ang puso niya upang umintindi.
Hindi nagtagal ay dinalaw na rin siya ng antok. Nakatulog siyang puno ng luha, hinanakit, at inggit ang puso niya.
Nang sumapit ang pagsikat ng araw, kaalinsabay ng huni ng mga ibon sa paligid, ay nagising na si
Richard.
Richard!!! Sa umagang ito maglalaro ka muna, huwag mo munang isipin ang mga problema sa buhay
okay? ang sabi niya sa sarili

Nilakad niya ang buong parke, maging ang munting tulay ay kanyang tinawid nang siyay napatigil dahil
sa nakita niya ang sarili sa tubigan na namumugto ang kanyang mata. Alam niyang sa mga oras na iyon ay
hinahanap na siya ng kanyang ina. Subalit nagmatigas pa rin siya.
Napagpasyahan niyang maupo muna sa bench. Nakatabi niya ang isa ring batang kasingedaran niya.
Kumaway ito at masayang mukha ang ibinungad sa kanya. Unang pinansin nito ang pagkagara ng damit at
sapatos nito. Imbis na siya makihalubilo rito ay tumakbo siya palayo sa batang lalaki. Umiiyak siya habang
tumatakbo at umupo sa ilalim ng puno.
Bakit ba kasi ako ipinanganak na mahirap? yan lagi ang bumabagabag sa kanyang isipan.
Bakit may mga taong di na kailangan pang magaral at magtrabaho para yumaman? tanong niya sa
sarili.
Diyos ko!!! Bakit po ba kasi may mayaman, may mahirap pa sa mundo? pagpupumilit niya.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sumambit ng mga salita.
Gusto kong maging siya, sana ako nalang yung batang may magandang sapatos at damit. Sana maging
ako na lang siya. Gusto kong maging katulad niya. Iyan ang mga huling salita bago nagbago ang lahat sa buhay
niya.
Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita ang sarili na nakasuot na ng magarang damit at sapatos.
Habang ang lalaking kanyang nakilala kanina ay tuwang tuwat nagtatatalon habang tumatakbo sa parke.
Napansin iyon ni Richard ngunit di na lamang niya ito inintindi. Ang tanging alam niya sa mga oras na iyon ay
nagkatotoo nga ang kanyang hiling na magkapalit sila ng kalagayan ng batang lalaki kanina.
Nang bigla niyang mapansin na may papalapit sa kanyang wheel chair na tulak-tulak ng isang matanda.
Oh Richard, handa ka na ba? Aalis na tayo. Sambit ng babaeng may dalang wheelchair.
Lubha siyang nagulat sa mga pangyayaring iyo. Di niya lubos matanggap na yung lalaking gusto niyang
maging ay may kapansanan sa paa at walang kakayahang magawa ang naisin sa buhay.
Pinagsisihan niya ang mga bagay na ginawa niya sa kanyang inay maging ang kanyang mga salitang
binanggit at hiniling ay kanyang pinagsisihan. Subalit huli na ang lahat.

Bible Verse:
Ecclesiastes 5:10
He who loves money will not be satisfied with money, nor he who loves abundance with its income. This too is
vanity.
Matthew 6:25-0
Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat or drink; or about your body, what you will
wear. Is not life more important than food, and the body more important than clothes? 26 Look at the birds of the
air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much
more valuable than they?
Hebrews 13:5
5 Keep your lives free from the love of money and be content with what you have, because God has said, "Never
will I leave you; never will I forsake you."

Aral:

Ang mga anak ay marapat na hindi turuang maging mayaman. Turuan mo siyang maging masaya kung anong
mayroon siya. Upang sa kanyang paglaki ay alam niya ang halaga ng mga bagay hindi ang presyo nito.
Hindi masusukat sa material na bagay ang kaligayahan ng isang tao.
Marami ka mang hiniling sa Panginoon na hindi niya naibigay. Mas marami naman siyang binigay na hindi mo
hiniling.

Parabula ng Plato
Isang araw, sa isang bayan sa San Isidro, may nakatirang isang mag-ina. Ito ay sina Inang
Plato at anak na si Plato. Mga platong kulay puti at payak o simple lamang ang mga disenyo.
Ngunit sa kabila ng lahat ng kanilang pagsasama, mayroon na palang matagal na iniindang
sakit si Inang Plato na maaari niyang ikamatay sa anumang oras sa araw na iyon. Alam ni
Inang Plato na iyon na ang huling araw na makakasama niya ang kanyang anak na si Plato.
Kaya bago ito malagutan ng hininga, binigyan niya ng habilin ang kanyang anak.
"Anak, alam kong ito na ang huling araw na makakasama kita. Lagi mong tatandaan na
mahal na mahal kita. Huwag kang mag-alala, kapag nawala na ako, isipin mo lang na parati
akong nasa iyong tabi. Inaalagaan at ginagabayan ka sa bawat araw na iyong itinatahak. May
nais lang akong ihabilin sa iyo anak. Huwag na huwag kang sasama o makikipagkaibigan sa
mga hindi mo lubos na kilala. Huwag ka ring basta-basta magtitiwala sa mga nasa palagid mo.
Dahil hindi lahat ng gustong makipagkaibigan sa iyo ay totoo. Mayroong iba na mapanlinlang
at may masamang intensiyon lamang sa iyo. Itatak mo 'yan sa iyong puso at isipan. Mahal na
mahal kita.." 'Yan ang huling habilin sa akin ni Ina bago siya malagutan ng hininga.
Simula noong mawala si Ina, ako nalang mag-isa sa buhay. Pinaalis na rin ako sa dati
naming tinitirhan. Simula rin noong araw na iyon, pagala-gala na lamang ako dito sa bayan ng
San Isidro. Walang makain at walang matulugan.
Isang gabi, habang naghahanap ako ng lugar na aking matutulugan at makakain na
pupukaw sa aking pagkagutom, may lumapit sa akin, isang maganda at makulay na plato.
Tinanong niya ako kung bakit raw ako pagala-gala at ang dumi-dumi ko raw. Ako ay tumugon
at ang sabi ko ay wala na akong mga magulang at wala na rin akong tirahan kaya ako'y
pagala-gala na lamang. "Halika, hindi ba't naghahanap ka ng matutuluyan? Halika't sumama
ka sa akin at aalagaan kita. Malaki ang aking tirahan ngunit ako lamang ang nakatira." Alok ng
maganda at makulay na plato. Noong una ay hindi ako pumayag dahil naalala ko ang habilin sa
akin ng aking ina. Ngunit sa kanyang pagpupumilit at sa kadahilanang gusto ko ng mayroong
mag-aalaga sakin, magpapakain, at mayroon na rin akong matitirhan ay tinanggap ko ang alok
niya at ako ay sumama sa kanya. Kami ay tumungo na sa kanyang tirahan at nang makarating
kami doon ay ako ay namangha at totoong malaki nga ang tirahan niya. Pumasok kami at
dinala niya ako sa isang bakanteng kwarto at ang sabi niya'y doon raw ako matutulog at ako'y
agad na nagpasalamat sa kanya.
Sa una ay naging maayos naman ang pakikitungo niya sa akin at napakabait niya. Naging
maayos rin ang pagtuloy ko sa kanya. Inalagaan niya ako at pinapakain nang maayos. Ngunit
lumipas ang mga araw, unti-unti siyang nagbago at nakita ko ang tunay niyang ugali. Lagi niya
akong pinahihirapan, pinagbubuhatan ng kamay, at hindi na rin niya ako pinapakain. Dahilan
upang ako ay masira at magkalamat.
Simula noon, hindi na ako nakaalis sa bahay na iyon. Tiniis ko ang bawat araw na ako'y
pinahihirapan niya at inaalipin na halos ikabsasag ko na. Nalaman ko rin na kaya pala walang
kasama ang plato na 'yon ay dahil ss kanyang ugaling ganoon. Noong mga panahon na iyon,
naalala ko ang huling habilin sa akin ng aking ina na sa bawat pagkakataon ay huwag ako
basta-bastang magtitiwala o sasama sa kahit na sinuman dahil sa huli ay baka magsisi ako. At
oo, tama ang ina! Huli na, huling-huli na. At ako ngayo'y nagsisisi at hindi ako nakinig sa aking
ina. Sana noon palang ay nakinig na ako at sinunod ang habilin niya upang hindi na ako
napahamak. Patawad sa iyo aking ina. Patawad.

You might also like