Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ulila

Mark Greg D. Nisperos


Ako ay taga-Masbate, naisipan kong dumako dito
sa Maynila upang makipagsapalaran. Ako ay
maagang naulila sa magulang at pilit hinahanap
sa king sarili ang mga kasagutan sa mga tanong
ng aking tulirong isip. Nais kong lumimot na
lang at magpakalayo-layo. Nais ko na lang
maibsan ang sakit at kirot na nadarama buhat ng
mawalay ang aking amat ina.
Nais ko muling mahimlay sa tinig ng aking inay,
lumipad sa kalangitang bughaw sa bisig ni itay.
Nais kong muling maranasan ang saya at tamis ng
pagiging isang batang lumalaki sa pag-ibig na
dalisay na sa twina sanay aking taglay.
Bubuo ako ng pagasa ng mag-isat walang karamay,
gagawa na panibagong yugto ng mistulang nobela
kong buhay. Pipilitin kong makaraos sa abot ng
aking kakayahan. Bagamat hilaw at marupok pa
ang aking pundasyon, magsusumikap ako upang
maging matatag sa susuunging bagyo ng buhay.
Batid kong hindi magiging madali ang tatahakin
kong landas, sa Dyos, akoy magtitiwala ng
lubos. Aanhin ang buhay kung di ka uusad? yan
ang tanong na tila nagpapa-alab sa puso kong
walang ibang nais kundi makalaya sa hawla ng
kapighatian. Mawawalay man haligit ilaw, hindi
kailan man maaalis sa puso kot diwa na sila ang
nagpalasap sa akin kung ano ang buhay at kung
paano mamuhay.
Nais kong maglakbay sa alon ng buhay, sa lilim
ng maiitim na ulap, sa dalisdis ng kapahamakan.
Mahanap lang ang mga sagot na gumugulo sa aking
isipan.
Magiging
handa
akot
titibay,
di
muling
magpapatangay sa hamon ng buhay. Iiyak man at
madarapa, magiging handa akong pasanin ang
pagsubok sa panahong itinakda sakin ng Poon.

You might also like