Gusto Kong Maging

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GUSTO KONG MAGING

Ni Ethel A. Arizala
Hindi ko na maalala kung sino ang unang nakapagtanong sa akin
kung anong gusto kong maging at kung ano naman ang ibinigay kong sagot.
Ang naaalala ko lang ay paiba-iba ang sagot ko sa tuwing tinatanong ako noon.
Nahihirapan kasi ako sa pagdedesisyon noon haha ay hindi hanggang ngayon,
nahihirapan pa rin ako sa pagdedesisyon.

Ginusto kong maging chemical engineer, lawyer, architect,


journalist, biologist o geologist
nung mga panahong mas bata pa ako kesa sa ngayon
Kaya naman nung nag-take ako ng college admission test isang beses,
ilan sa mga kursong kaugnay sa mga propesyong ito ang pinili ko
Pero dahil nabigo akong ipasa iyon, napadpad ako sa ibang propesyon
At nagsimula rin akong mabigo sa isa pang aspeto ng buhay ko,
ang aking buhay pag-ibig hindi lang isang beses
kundi marami napakarami nang beses
Simula nooy, nangarap muli ako
At kung may magtatanong sa akin ngayon
kahit alam na nila ang aking kasalukuyang propesyon
kung ano ang gusto ko talagang maging
Ang isasagot ko sa ngayon
dahil nahihirapan pa rin akong magdesisyon ay
gusto kong maging isang cardiovascular surgeon, alyas cardio surgeon,alyas heart surgeon
Gusto kong maging isang cardiovascular surgeon- iyong dalubhasa
sa pagsasagawa ng operasyon sa mga bahagi ng puso ng tao na may depekto o impeksiyon.
Gusto kong maging dalubhasa sa larangang ito
para makapasagawa rin ako ng operasyon sa sarili kong puso
At oo, hindi ako isang cardiologist para makapagbigay ng rekomendasyon
na kailangan ko nga ng operasyon
Pero hindi ko nakailangang pag-aralan
ang mga simptomas at ang rekord ng kalusugan ng aking puso
o sumailalim sa mahabang proseso ng pagsusuri
dahil ramdam na ramdam ko na may diperensya nga ito
at kailangan ko na ng operasyon sa sarili kong puso.
At siguro, nababaliw na ako dahil
gagawin ko itong mag-isa pero minsan kasi
may mga pagkakataon talagang kailangang

mapag-isa tulad ng pagpulot ng mga bubog


ng boteng ikaw mismo ang nakahulog
dahil alam mong ang iba'y magdadalawang-isip
na tulungan ka dahil baka masugatan din sila.
Gusto kong maging isang cardiovascular surgeon
para alam ko kung saan eksaktong pwedeng buksan ang aking dibdib.
Gusto kong tingnan kung saan banda ang mga sugat
na hindi makita-kita kapag nagpapa-chest x-ray ako.
Gusto kong malaman kung bakit madalas ay pakiramdam ko itoy nagdurugo.
Gusto kong malaman kung may mga sugat ba ng nakaraan
na kusa nang naghilom.
Baka ang mga itoy hindi pa naghihilom
Baka ang mga itoy hindi na maghihilom
Gusto kong maging isang cardiovascular surgeon
para magawan ko na ng paraan,
maagapan ang tuluyang pagkawasak ng aking puso.
Gusto kong alisin na ang mga bagay na nakabaon dito,
ice pick, blade, bubog, pana, kutsilyo o bala.
Gusto ko itong tahiin nang may anestisya
dahil baka hindi na kayanin ng aking puso
ang bawat tusok ng karayom
at ang bawat tagos ng hibla ng sinulid
Gusto kong maging manhid
at tapusin na ang operasyong ito para maging malusog uli ang puso ko
para makapagmahal akong muli
nang walang bahid na sakit at hinanakit at pag-aalinlangan
dahil baka masaktan muli ako Ay hindi Mali
Kaya nga pala gusto kong maging isang cardiovascular surgeon
dahil alam kong hindi pwedeng hindi na masaktan ang puso ko
kahit pagkatapos kong magtagumpay sa unang operasyon
dahil alam kong masasaktan at masasaktan pa rin ako
sa mga susunod na oras, araw, linggo, buwan, at taon
kaya kapag isa na akong cardiovascular surgeon,
pwede kong ulit-ulitin ang pagsasagawa ng operasyon
sa sarili kong puso
At kung hindi na pwede dahil tadtad na sa mga tahi,
pwede namang magsagawa ng heart transplant
Gusto kong maging isang cardiovascular surgeon
para mapili ko iyong pusong magandang ipampalit sa dati kong puso.
Pipiliin ko iyong pusong kahit may gasgas na

ay puno pa rin ng pag-asa, kaya pang umasa at hindi nagpapaasa


Iyong pusong nasusuklian parati kapag itoy nagmamahal
para kung sakaling masaktan man ito,
kaya nitong hilumin agad ang mga sarili nitong sugat.
Pero alam kong mahihirapan ako sa paghahanap ng pusong katulad nito.
At kung sakali ngang hindi ako makahanap, pagtiya-tiyagaan ko na lang ang puso kong to.
Gusto kong maging isang cardiovascular surgeon
para madali akong makapaghanap ng paraan
para mai-display ko na lang ang puso kong to.
Malay mo may mas magaling na cardiovascular surgeon
na mapapalingon sa aking sitwasyon, gagawa ng mas mabisang paraan
para maagapan ang tuluyang pagkawasak nito.
Gusto kong siya na lang ang magtanggal ng mga bagay na nakabaon dito,
ice pick,blade, bubog, pana, kutsilyo o bala.
Gusto kong tahiin niya ito kahit walang anestisya.
Kaya kong balewalain ang bawat tusok ng karayom
at ang bawat tagos ng hibla ng sinulid
dahil alam kong pagkatapos ng operasyong ito,
makakapagmahal akong muli nang walang bahid na sakit
at hinanakit at pag-aalinlangan dahil baka masaktan muli ako
Ay hindi Mali
Paano na lang pala kung kitang-kita na ngang nagdurugo ang puso ko
pero wala man lang lumalapit at naglalabas ng first aid kit?
Kitang-kita na nga pero lagi pa ring binabalewala?
Mas mapait, mas masakit.
Tama mas mabuti nang nakatago ang puso kong to.
At siguro mas mainam na
hindi na lang ang ako maging isang cardiovascular surgeon
at maging panatag na lang sa aking kasalukuyang propesyon.
Haha. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako sa pagdedesisyon.
Tama. Dapat ay maging panatag na lang ako
sa aking kasalukuyang propesyon, ang pagiging guro.
Magpapakadalubhasa ako sa pagtuturo
para maturuan ko ang aking puso na umiwas
sa mga bagay o taong hindi naman pala
karapat-dapat pagtuunan ng pansin mahalin at ipaglaban
At para maturuan ko ang aking puso
na umasa, maniwala, kumapit sa mga bagay o taong
karapat-dapat pagtuunan ng pansin mahalin at ipaglaban
para kung sakaling ito ay masaktan,

iisipin kong sulit naman


dahil ang mga bagay o taong
inaasahan ko, pinaniniwalaan ko, kinakapitan ko
ay karapat-dapat pagtuunan ng pansin, mahalin at ipaglaban
katulad ng kasalukuyan kong propesyon.
Tama Gusto ko talagang maging guro.

You might also like