Ba't Wala Pa 'Kong Boyfriend

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BAT WALA PA KONG BOYFRIEND?

eaa16

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko tong itanong sa sarili ko at sagutin


nang paulit-ulit. Hindi ko alam kung napapraning lang ako at itanatanong ko ang
tanong na to sa sarili ko at sinasagot ko to nang paulit-ulit. Ang kulit. Pero bat
nga ba wala pa akong boyfriend?
Kapag may nakikita akong IN A RELATIONSHIP sa newsfeed ng fb ko,
Bat wala pa kong boyfriend?
Ano ka ba? Baka nga trip niya lang mag-change ng status katulad nang
ginagawa mo minsan. Uy, umamin din.
Kapag may nakikita akong may nagpo-post ng duofie ng magsyota sa
Instagram, Bat wala pa kong boyfriend?
Oo nga. Tingnan mo siya, huwag ka nang maging plastik. Di ba hindi
naman siya yung tipong mapapansin mo sa dami ng tao? Pero, te, huwag ka,
sobrang inlababo yung lalaki sa kanya. Huwag mong sabihing sobrang ganda ko
kaya nag-aalangan ang sinumang type ako na manligaw. Eh, may totoong sobrang
ganda nga, matalino, sexy, mabait, talented Hmmm Nasa kanya na lahat! Pero
may nagkakalakas ng loob pa ring manligaw.
Kapag naaalala ko yung edad ko, Bat wala pa kong boyfriend?
Yung iba, grade school pa lang, lumalandi na. Pero nainngit ka ba? Poor
personal hygiene. Naliligo sa pawis, amoy-araw, sunog ang balat, hindi
nagsisipilyo ng ngipin at amoy patay na daga ang paa kapag galing sa
eskuwelahan. Humabol pa yung kili-kili powers nung isinuot mo ang secondhand

na damit na pinagbibintangan mong pinanggalingan ng iyong anghit. Super


nakakaturn-off. Ganyan ka simula high school hanggang college. O huwag mo
nang i-alibi yung kaibigan mong naka-jackpot ng isang heartthrob kahit pareho
kayong pabaya sa sarili.
Ang dami ko na talagang sinubukang gawin. Sabi nila, lumabas-labas daw
ako ng bahay. Eh, dati naman kung makapag-party ako, wagas! May mga lumapit
nga naman pero yung habol lang naman nila ay ang iyong laman. Pero at least
naka-try ng mga pang-18 years old and above na experience. Haha.
Pumunta-punta naman sa mga bookstores at coffee shops para mga matino
naman ang makita pero abala naman te sa kakabasa, kaka-research sa laptop nila o
kaka-debate tungkol sa ewan ko kung ano. Mas na-in-love pa ako sa mga pamagat
at authors ng books na binabasa nila.
Pinatulan ang mga numerong tumatawag na nagsasabing nagkamali lang sila
ng pindot ng numero pero te gusto ata 24/7 ang update. Gandang morning!
Kain na u? WUD? Yung mga unlicalls naman parati ay naku! Unlimited nga!
Umiinit na nga yung tenga ko madalas. Dalawang beses nakipag-eyeball. Haha
Hindi nag-click te.
Pinatulan na rin ang ilang dating websites pero hanggang sa pag-create lang
ng profile. Pero na-hook naman ako sa isang website na ang galing lang ng
pagkakagawa. Basta, hindi ko na idi-describe at baka hanapin mo pa ako dun.
Haha. Feeling lang. Ang astig kasi ng mga tao doon. Doon lang ako nakakita ng
mga taong hate ang dangling participles, may sister na isang dragon slayer, may
umalis sa trabaho dahil na-realize daw niyang walang lasting effects ang shoe
distribution sa universe, may abala sa pagpo-promote ng tamang paggamit ng
Oxford comma, at marami silang itinuturing ang kanilang sarili na si Ironman o di

kayay si Doctor Who. Sino ba si Doctor Who? Pero hanggang debate lang kami.
Nagno-nosebleed na nga ako hindi lang dahil sa kaka-Ingles kung hindi dahil kahit
nga ang simpleng Hi at Hello lang dapat ay nagiging debate pa.
Sabi nila, mag-ayos-ayos daw ako. Eh, yung prinsipyo ko kasi dati ganito: Dapat
tanggap nila ako kahit ano pa hitsura ko. Bat ako magli-lipstick? Eh, matatakpan
lang nito ang tunay na kulay ng lips ko. Eh, paano kapag nakita niya yung totoong
kulay nito ay maturn-off siya. Lalo na sa pananamit! Bat ako magsusuot ng damit
na di naman ako komportable?
Pero te sabi nila, Eh, ikaw ba? Sino ba yung una mong napapansin yung
malinis, maayos ang porma at mabango o yung oily ang face at parang ilang beses
nang sinuot ang damit? For some reasons, kinalaunan, medyo nag-improve naman
ang pananamit ko at may mga napapatingin nga naman pero hindi rin ako
komportableng tinitingnan kaya minsan pag umiiral ang pagiging ako, bumabalik
sa dating ako ang nag-transform na sanang ako.
Nakakatakot naman tong naisip ko ngayon lang Haha Baka pumatol na
ako sa paggamit ng gayuma. Haha Sino naman kaya ang gagayumahin ko?
Parang lahat ng kakilala kong lalaki ay may significant other na at kung wala man
ay kapwa naman lalaki ang trip at kung di man lalaki ang trip ay di naman ako
type. Babae na lang kaya? Pwede. Pero nalampasan ko na yung bisexual curiosity
phase ko, eh.
Ay. Nakalimutan ko. Nagka-boyfriend na nga pala ako ng dalawang beses
kaso hindi naman yun seryoso. Nasabi ko na to sa dati kong sinulat pero para sa
mga hindi yon nabasa ay ganito ang istorya. Hindi kami nag-uusap. The End.
Madalas, iniisip ko na lang na ang swerte-swerte ko sa ibang bagay kaya okay lang

na malas ako pagdating sa love life. Hahay. Buhay pag-ibig nga naman. Bat kaya
wala pa kong boyfriend?
Sabi nila, hindi raw yan hinahanap. Kusang dumarating lang daw yan. Pero
boyfriend lang naman ang hinahanap ko te at hindi pa yung THE ONE. Hindi
ba pwedeng may try-out muna bago championship games? Yung iba nga parang
may hinahabol pang quota. Ako? Bat kaya wala pa kong boyfriend?

You might also like